What if you have a special ability? But that ability of yours can make someone die? Is it a curse or a blessing?
MABILIS akong tumatakbo habang paminsanang lumilingon sa aking likuran. Hinahabol ko ang bawat paghinga at sa tanang buhay ko, ngayon lang ako natakot na mamatay.
Napamura ako ng mahina nang bigla akong matisod. May kung ano'ng kumiskis sa binti ko at naramdaman ko ang hapdi, halos hindi ko kayang makabangon.
Ngayon pa talaga kung kailan may humahabol sa akin.
Napalingon ako sa paligid, halos wala na akong maaninag dahil sa dilim ng kapaligiran. Ang tangi ko lang alam ay nasa tila kagubatan ako.
"Pakiusap, kailangan kong makaalis dito," bulong ko sa sarili habang pinipilit na makabangon.
Hindi ko akalain na sa sobrang gusto ko nang wakasan ang buhay ko na hindi laging natutuloy, kung kailan kamatayan na ang lumalapit, ako naman ang tila umaayaw na.
Narinig ko ang kaluskos na parang malapit na akong maabutan ng taong iniiwasan ko. Buong determinasyon akong tumayo at paika-ikang tumakbo, kahit na parang hinihila ko na lang ang kanang binti ko.
Kailangan kong makaalis dito!
Iyon na lang ang sinisigaw ko sa isip.
"Sadence, alam kong nasa malapit ka lang." Lalo akong napabilis ng takbo nang marinig ko ang boses niya.
Lalong nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nag-uunahang dumausdos sa aking pisngi.
"I thought this is what you want? You want to die, right? Bakit kailangan mo pa akong pahirapan?"
Umiiling ako habang sinusubukang lumayo. Hindi ko siya mahagilap pero dahil sa pagsasalita niya, natatantiya kong palayo ang direksyon ko sa kanya.
Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Totoo pala talaga ang kasabihan, kapag ikaw ay nasa bingit na ng kamatayan, susubukan mong makaligtas. Natatawa ako sa sarili ko. Hindi naman ako ganito rati. Bakit parang gusto ko pa ring mabuhay?
"Aren't you guilty with all those people you killed?"
Tila isa akong sasakyan na biglaang napapreno sa mga sinabi niya. Naikuyom ko ang aking kamao. Unti-unting bumabalik ang mga alaalang ayaw ko nang balikan.
Akala ko kaya ko pang magbago. Akala ko kaya kong itama ang mali. Dahil may isang tao na nagpaniwala sa akin na kaya kong baguhin ang nakatadhana.
Akala ko kapag kasama ko siya, kaya kong lagpasan ang lahat ng pagsubok. Pinaramdam niya sa akin na hindi ako iba, na kaya kong baguhin ang lahat, kaya kong tulungan ang ibang tao at mabuhay ng normal.
Nagsisisi ako kung bakit ako naniwala. Mas lalo lang lumala ang lahat. Ngayon tuloy, gusto ko nang magtagal sa mundo. Gusto ko pang pagmasdan ang pagsikat ng araw na paborito niyang gawin, gusto kong sumunod sa kung saan siya magpunta, tumawa nang walang humpay sa mga biro niyang minsan nakakatawa lang dahil sa paraan niya ng pagtawa.
Gusto ko nang mabuhay!
Pero...
Napaigik ako sa sakit nang may sumambunot sa akin, nanggaling siya sa aking likuran. Pinilit kong pigilan ang kamay niya pero wala akong nagawa nang ipaharap niya ako sa kanya.
"Huli ka!" Binalot ako ng takot sa paraan niya ng pagtawa. "Akala mo ba matatakasan mo ako?"
Hindi ako nakaimik kaagad nang undayan niya ako ng saksak sa tagiliran.
Sa sobrang sakit ay hindi ko na kayang magsalita pa o kahit man lang humiyaw sa sakit. Wala na akong lakas.
"This is your time to shine, Sadence. Dumating na araw na kailangan mo nang mamatay." Isang unday sa tagiliran ko ang ginawa niya. Napakapit ako sa kanyang jacket. Hindi ko namalayan na umuulan na rin pala at halos hindi ko na siya halos maaninag.
"B-bakit?" Sa wakas ay nakakuha ako ng lakas para magtanong. Hindi ko itinatanggal ang pagkakapit ko sa kanya.
Narinig ko ang palatak niyang pang-uuyam bago ako itinulak. Tila nag-slow motion ang pagbagsak ko sa lupa. Pinipilit kong lagyan ng pressure ang mga sugat ko upang mapigilan ang pagdurugo. Baka kaya ko pang makaligtas. Baka kaya ko pa siyang maiwasan.
"This world doesn't need people like you."
Itinatanggi ng isip ko ang sinabi niya at nagsimulang gumapang palayo. Hindi na kaya ng katawan kong lumaban pero sinasabi ng isip ko na kailangan. Gusto ko pa silang makita. Nangako akong hindi ako mamamatay hangga't hindi ko sila nakikitang masaya. Nangako ako. Hinihintay na nila akong makabalik.
Marahan akong yumuko at itinukod ang isang kong kamay sa lupa para makatayo. Muntik akong mawalan ng balanse sa pagtayo pero sinubukan ko pa rin upang maharap siya.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maihakbang ko paatras ang isa kong paa ng malaman na wala nang matatapakang lupa pa.
Marahan akong lumingon sa likuran, sobrang dilim man ay dama ko ang kaunti na lang ay nasa bingit na ako ng kamatayan.
Nahihiya man akong manalangin ay ginawa ko. Ngayon ko kailangan ang presensya Niya. Pakikinggan kaya Niya ang hiling ko? Marahil hindi. Sino ba naman ako? Bakit naman Niya ililigtas ang taong marami nang inosenteng pinatay?
Humakbang siya papalapit kaya napalunok na lang ako ng ilang beses.
"Do you think you deserve to live? Face your destiny, Sadence Vein Harley. Hindi kailangan ng mundo ang mga katulad niyong nagpapadumi ng magandang gawa ng Lumikha."
Lalong piniga ang puso ko sa mga sinabi niya. Unti-unti ko na namang nararamdaman ang sampal ng reyalidad. Na hindi ako mahalaga, hindi ako nababagay sa lugar na ito, na hindi ako magiging masaya habambuhay pero mas masakit na marinig iyon mula sa kanya.
"Bakit?"
"Ano'ng bakit? Nagtatanong ka pa talaga." Tila isang segundong tumigil sa pagtibok ang puso ko nang itulak niya ako pero nakahinga ako nang maluwag pagkatapos nang hawakan niya ako sa kamay.
May pumasok na alaala sa isip ko. Nangyari na ito noon sa akin at ang taong gumawa no'n ay sobra kong pinagkatiwalaan.
"Bakit? Bakit sa lahat tao ikaw pa?" Agad na kumawala ang sunud-sunod kong paghikbi at rumaragasang luha. "Kaya kong tanggapin kung ibang tao pero bakit ikaw pa?"
Para akong bata na nagta-tantrums sa kanya. Hinintay ko ang sagot niya pero kinabig niya ako palapit at bumulong.
"Dahil ikaw si Sadence. Hindi kailangan ng mundo ang mga taong malulungkot at miserableng kagaya mo."
Sa isang iglap, hindi ko akalain na pakakawalan at itutulak niya palayo. Muli na naman akong nakaramdam ng pagbagal ng mundo ko. Kasabay ng aking katawan ay unti-unti na ring nahulog ang pag-asa kong hindi niya ako kayang mawala sa buhay niya.