Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Notice Me Not

KikyoAkane
7
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 7 chs / week.
--
NOT RATINGS
50
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: First Day With A Twist

I WIDELY SMILED after I put a blush on. I glanced at my vanity mirror and said, "Perfect! Plakak na plakak!"

Iniligpit ko na ang mga make up at abubot ko saka naman nagpasok sa bag ng mga pang-retouch.

Nagselfie ako at nagnguso. Excited na excited akong mag-post sa social media.

Habang nag-aayos ay panay akong tingin sa social media account ko para tingnan kung sino na ang nag-like ng photos ko. So far, dalawa pa lang.

Agad kong hinanap ang sapatos ko at isinuot ito. Mabilis akong bumaba para unahan ang tita ko pero napatda ako nang makita ko siyang sopistikadang nagkakape habang may hawak na ipad.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan para hindi niya mapansin.

 "Eguls sa 'yo, lods. Mahal ng benta sa ticket. Ikaw na lang kaya kumanta!" Napatayo ako nang tuwid matapos kong marinig ang sigaw ng tita ko.

"G*gong seller. Sampalin ko kaya siya ng pera ko. Halatang scammer e. Hoy, Schatten, anong petsa na nandito ka pa rin?"

Marahan akong lumingon. Namumuo ang pawis kong ngumiti sa kanya.

Maganda ang tita ko kumpara sa edad niya. Isa siyang certified fan girl at hindi niya iyon kinakahiya. Siya na lang ang natitira kong kamag-anak dito sa Pilipinas dahil nasa abroad ang mama ko. Siya rin ang dahilan kung bakit nakapag-aral ako sa private school. Masyado siyang maarte pagdating sa pag-aaral.

Maayos naman siyang kasama. Ang mahirap lang ay mahilig siyang magsalita na kung hindi mo siya kilala ay maiinsulto ka.

"Bakit nandito ka pa? Late ka na naman!" sigaw niya bago ibinaba ang ipad niya. Bumuga na naman ang dragon. "Hindi ba sabi ko sa 'yo na hindi pwedeng nali-late ka? Katamaran 'yon. Ang tigas talaga ng ulo mo. Kailangan bang ipukpok ko sa 'yo ang cellphone mo para lang magising ka nang maaga?"

Napalunok ako. Maingat akong lumapit sa upuan at sinamahan siyang kumain.

"Aba, ang bait ko na nga sa 'yo. Pinaghahain kita, pinagluluto. Inaayos ko pa ang heater para lang hindi ka lamigin sa umaga. Ang gusto ko lang ay mag-aral ka nang mabuti. 'Wag mong sayangin ang pinapadala ng mama mo pati ang tuition fee na binayad ko!"

"Opo tita. Ngayon lang po ito," pangangatwiran ko habang kumakain.

"First day of school, late ka!"

"Tita, ang main event, laging nasa dulo." Hinawi ko ang buhok saka kumindat-kindat sa kanya. "Ang maganda laging nahuhuli."

"Ulol. Maganda raw. E kung hindi ka mag-make up, kamukha ng tatay mong parang roblox character."

 Naaasiwa ko siyang tiningnan. Si tita talaga, matabil ang dila.

"Siguraduhin mo lang talaga na aayusin mo 'yang pag-aaral mo kundi ibabalik kita sa tatay mong lasinggero. Aba, kaya nga ako hindi nag-anak para wala akong responsibilidad pero heto ka at inaalagaan kita. 'Wag mong sayangin ang effort ko."

Hindi ko na lang siya pinapansin kapag nanenermon siya. Wala rin namang saysay kung sasagot pa ako. Naiintindihan ko rin naman siya at kahit ganyan siya e mabait naman 'yan. 'Wag mo lang pakikialaman pagiging fan girl niya. Mag-aaway talaga kayo.

Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay tita.

"Ihahatid kita. Para sigurado akong sa school ka didiretso. Baka naman may jowa ka na, ha?"

"How I wish, tita, kaso wala nga, e."

"Kapag nag-jowa ka, siguraduhin mong mala-Daomingsi 'yan o kaya mala-Lee Min Ho ang atake. Kapag in-offer-an ka ng pera ng magulang, 'wag kang papayag."

"Tama po. Dapat puso ang pinapairal. Love wins, ganern."

"Tanga, hindi. Kapag 'yong lalaki ang pinili mo, higit pa sa offer nila ang makukuha mo. Mindset ba, mindset."

Hindi ko alam kung matatawa ako kay Tita o maiinis. Sa sobrang galing niya mag-overthink, kung anu-ano na naiisip niya. Kung minsan nga naiisip ko na rin kung paano kapag naging lola na siya? Panigurado taob 'yung mga dating lola sa kanya.

Sinundan ko si tita palabas ng bahay at kung paano niya paandarin ang e-bike niya. Malapit lang naman ang school sa amin. Siguro mga 5-10 minutes lang ang layo kapag naka-trike ka pero kapag ebike, umaabot ng 15-20 minutes.

Malapit na ako sa gate nang mapansin ng mata ko ang iniiwasan kong makita. Nagbi-vape siya sa harap ng gate! Siraulo talaga.

"Hanep ng trip mo bata. Dyan ka pa talaga sa gate naninigarilyo. Keep it up!" komento ni tita sa kanya kaya napatakip ako ng bag sa mukha. Nakakahiya naman. Ayaw ko ngang mapansin niya ako e. Ito namang si tita nagkomento pa, tumingin tuloy sa amin.

Pwedeng magpasok ng sasakyan sa loob pero dito na lang kami sa labas dahil tinatamad si tita pumasok. Kapag daw nag-senior high na ako, ako na raw mag-isang gagamit ng ebike niya kasi tinatamad daw siyang maghatid sundo pa.

"Bumaba ka na. Baka gusto mong latagan pa kita ng red carpet, madam."

Marahan kong binaba ang bag ko. Bumaba ako nang nakayuko. Sinadya kong takpan ang mukha ko gamit ang buhok.

"Ano 'yan sadako ph version? Ayusin mo nga ang buhok mo!" Hinawi ni tita ang buhok ko dahilan para tumambad ang mukha ko. Napatingin ako sa kanya at nakatingin na nga siya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin.

"Ba-bye tita. Ingat po," paalam ko sa kanya.

Sinundan ko siya ng tingin palayo. Mabilis na pumasok ako ng gate at pinakita sa guard ang ID at bag ko.

"Hoy," wika ng lalaki sa likod ko. Sinadya ko siyang hindi lingunin at naglakad nang tuluy-tuloy.

"Hi, Saz, nasaan si Daisee?" bati sa akin ng isang estudyante na nakasalubong ko.

Ngumiti lang ako pero hindi ko siya sinagot. Lalo akong na-conscious sa paligid nang halos lahat ng makasalubong ko ay hinahanap si Daisee.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nararamdaman kong nasa likod ko pa ang lalaking iniiwasan ko.

First day of school year ang hassle na agad!

Lumiko ako para iligaw ang gumugulo sa akin na parang gumana naman dahil paglingon ko ay wala na siya.

I stand straight, breathe deeply, and put a smile on my face. I should think positively. I can do it!

Naglakad ako papunta sa room namin. Ang sabi ng natanunngan ko ay nasa 5th floor ang section 1-5. Hindi ko naiwasang mapatingin sa unahang classroom na dapat kong lagpasan dahil nang makita ko ang papel sa pinto nito ay nagyayabang ang sulat na 'Section 1'.

Bukas nang bahagya ang pintuan nila. May mga nagdadaldalan pero mahihina lang.

Nagtama ang paningin namin ng lalaking nagbabasa ng libro sa may unang row. Malapit siya sa aisle. Nakatukod ang kanang kamay niya sa may sentido o bandang ulo, nakasandal siya nang kaunti at sa kaliwang kamay naman ay hawak niya ang libro.

Agad akong umiwas ng tingin at nagmadaling maglakad.

"Hello, classmates!" bungad ko nang makarating na ako sa pintuan ng classroom namin.

Natigil sila sa pagkukuwentuhan at saglit na napatingin sa akin pagkatapos ay nagsibalik sa daldalan.

Unti-unting nawala ang sigla at ngiti sa mga labi ko. Marahan akong yumuko at naghanap ng bakanteng upuan.

"May nakaupo riyan," natatawang sabi ng classmate kong si Leon.

"Okay." Kilala ko silang lahat. Simula ba naman Grade 7 hanggang ngayon e kami pa rin ang magkakaklase.

Nakakita ako ng bakanteng upuan sa dulong row. Sa kasulok-sulukan.

Ibinaba ko ang bag at inilapat ang ulo ko sa desk. Lagi na lang ganito.

I don't like being like this, which is why I said to myself this year, I want to make it memorable. I want to feel the belongingness for which I have longed for so many years.

I'm not pretty or ugly, though. Ako 'yong nasa gitna. Walang appeal, pero hindi naman pangit.

I do not even know why they treat me as if I don't exist. Maybe this is the problem with being an introvert.

Isa lang ang taong nagtrato sa akin na parang normal na tao. At ngayon, hindi ko na siya makakausap o makakasama pa. Not because she transferred, but because of something happened between us.

"Nandyan na si Daisee!"

Agad akong napaangat ng ulo nang marinig na parating na siya.

Akala ko sa mga wattpad story ko lang makilala ang mga babaeng perfect. Mabait, maganda, matalino at mapagkumbaba until I met Daisee.

Napangiti ako nang makita siya. Kumaway pa ako para lang mapansin niya.

Daisee(Dey-si as pronounced) Ria Ramos is so beautiful with her perfect natural curly hair, cute monolid eyes, long and thick eyelashes, perfectly pointed nose, and always-happy smile.

Nagkatinginan kami saglit pero biglang may mga kumausap sa kanya.

Naalala kong hindi na pala kami tulad ng dati.

Our 3 year-old friendship ended first week of summer. Nang dahil lang sa hindi pagkakaintindihan.

"Narinig mo na ba ang chika? Friendship over na raw 'yan sila ni Daisee."

Napatingin ako sa dalawa kong kaklase na nasa harapan ko. Lumingon sila sa akin at halos magbulungan na lang. Kahit naman magbulungan sila e sa lakas ng boses nila dinig na dinig.

"Oo nga raw e. Biruin mo hindi pala friendship ang turing niya kay Daisee kundi competitor."

"Malamang, inggit siya kay Daisee. Akala niya sikat siya sa school. E kung wala si Daisee sa mga posts niya e hindi naman 'yon ila-like or heart react ng mga tao."

I hissed when I heard them. Sa taong gaya ko na introvert at mababa ang self esteem, sobrang hirap sa amin mag-boost ng confidence. Yet, there are some like them who wants nothing but to bring us down.

I admit, I said to Daisee that I won't lose to someone like her. Sinabi ko lang iyon dahil ginagawa ko siyang inspirasyon. Lahat ng ginagawa ko, inspired noon sa kanya. Siya ang nagturo sa akin kung paano mahalin ang sarili ko.

But I see her as someone who I need to surpass. Ganoon siya kagaling.

Sa section namin, ako ang laging top 2. Laging second rate. Nakilala ako sa class maging sa buong batch namin dahil kami ang laging kumakatawan sa section namin.

There's something inside of me saying I need to outstrip her. But that doesn't mean I will do everything to let her down.

"So, you see me as competitor? Kaya ba siniraan mo si Dewjian sa akin para mag-break kami at mawala ang focus ko sa pag-aaral? Sa iyo na 'yang honors and popularity kung 'yan ang habol mo. Itinuring kitang kaibigan. Kaaway pala ang turing mo sa akin, ahas ka!"

Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi niyang iyon. I didn't mean to offend her, I love being with her and being her friend. Kung pwede lang sana na mapatawad niya ako, gagawin ko. I did everything to explain, but she never listens. May ugali kasi siya na isang beses ka lang magkamali sa kanya, ekis ka na.

Pinilit kong ngumiti at isipin na 'wag ko nang pansinin kaya kinuha ko ang phone at nag-selfie na lang ako.

"Is this seat taken? If yes, I don't care."

Napaangat ako ng tingin sa lalaking nagsalita. Sana pala ay hindi ko na lang ginawa.

Nagkaroon ng bulung-bulungan nang tumabi sa akin si Dewjian. Du-gee-yan ang tamang pronounce ng pangalan niya. Minsan tinatawag namin siyang Duji or Jian. Pero ang tawag ko sa kanya ay dewy donut. Para kasing katunog ng snack 'yong pangalan niya.

Napamaang ako sabay tayo at inilayo ang upuan ko sa kanya. Hindi ko na gusto ng issue. Hindi ko rin alam kung bakit nandito siya. Taga section 6 siya last year.

"What, magkaklase ang love triangle!" buyo ng isa naming kaklase na kamukha ni Esnyr, 'yong tiktoker na magaling.

Napuno ang room ng buyuan. Naghanap ako ng pwesto sa kung saan ako pwedeng lumipat. Napansin ko ang tingin sa akin ni Daisee. Parang naiiyak ang mga mata niya. Umiling ako para sana sabihin na wala akong kinalaman o may koneksyon sa ex niya. Yumuko siya at umupo na lang malapit sa harapan.

Palipat na sana ako nang hilahin ni Dewji ang strap ng bag ko dahilan para mapabalik ako sa upuan.

"Ano ba?!" sigaw ko sa kanya pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sa pwesto ni Daisee.

"Kayo na bang dalawa?" tanong ni Leon. "First day of school may kupal goals na."

"Tange, couple 'yon," sabi ng katabi ni Leon. Mike ata pangalan niya.

"Hindi, ah!" sigaw ko sa kanila. Nakakainis, hindi pa nga humuhupa ang nangyari sa amin ni Daisee, sumasabay pa siya. "Bakit nandito ka? Doon ka sa section mo!"

Nginisian niya ako saka ipinakita sa phone niya ang pangalan niyang nasa listahan ng section 2. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko iyon.

Hinambalos ko ang kamay niyang nakahawak pa rin sa strap. Mabuti na lang natanggal ko kaagad.

"Girl, is this the reason why Daisee and Dewji broke up? You're a snake, Schatten!" wika ni Amy.

"Mali kayo ng iniisip! Hindi kami—"

Naramdaman ko ang tila lubid na pumulupot sa balikat ko. Pinisil niya ang balikat ko na parang may tusok ng karayom.

"Bakit kailangan pa nating i-deny, obvious naman hindi ba?"

Lalong lumakas ang buyo nang sabihin iyon ni Dewji. Lalo akong walang mukhang maihaharap kay Daisee.

"Ano namang masasabi ng ex at ex bestfriend?" tanong ni Emily kaya napalingon kami kay Daisee.

"H'wag na natin silang pansinin. I hope they will be together forever," sagot ni Daisee kaya umingay muli ang classroom.

There you go, first day with a twist.

Sasagot pa sana ako ngunit dumating na ang class adviser namin.