Chereads / CHARM ACADEMY: THE LONG LOST POWERFUL PRINCESS / Chapter 3 - CHAPTER 3 : CHARM ACADEMY

Chapter 3 - CHAPTER 3 : CHARM ACADEMY

Jasmine Azira Pov

Ngayon pala ako lilipat ng school, kahit naman ayaw ko wala na akong magagawa dahil kagustuhan ni mommy. Pero okay na yun kasama ko naman sila Carla at Rose eh.

Pero bakit ba kasi pala disisyon sila mommy? Hindi ko nga alam bakit nila ako ililipat eh. I still don't know kong ano ba ang kahinatnan namin doon.

" Mom? Dad? Sure naba talaga to? " I ask them.

Andito kami sa dinning area taking our breakfast. Ito na pala yung huling meal namin together.

Ano kaya magiging buhay ko doon? At anong klaseng buhay ang naghihintay sakin doon?

" Oo naman anak, don't worry mag-iinjoy ka doon. Baka nga pag-nagustuhan mo don hindi kana babalik dito. " Sabi ni mommy.

Hala naman paano hindi ako makabalik dito eh ayaw ko nga na magtransfer eh. Ang gulo din ni mommy minsan. Grabe mag-isip napaka-advance.

" Haysss sana nga. " Sabi ko.

Hindi na ulit sila nag-salita pa at nagpatuloy sa pagkain . I gonna missed them.

At sa tingin ko parang may tinatago si mommy at daddy sakin. Kung ano man yun sana hindi ko pag-sisihan na nalaman ko pa.

After naming kumain ay nagpaalam ako kina mommy para mag-impake.

Dinala ko lahat ng mga kailangan ko at iniwan ang isang damit na bigay pa ni daddy nong bata ako. I wore a contact lense same as usual.

" Tara na girls? " Tanong ni daddy. Sabay-sabay na sumagot si Rose at Carla Kay daddy na subrang saya. Halata sa kanila na excited sila, parang gustong-gusto talagang mag-transfer eh.

Pumasok na kami sa loob ng kotse at magkatabi kaming tatlo. Tahimik lang ako dahil deep in me, ayaw ko talagang nag transfer.

Biglaan naman kasi eh, hindi ko pa na enjoy ang buhay ko sa dating school ko.

P

A

S

T

F

O

R

W

A

D

Naramdaman ko na parang may yumuyugyog sakin kaya inimulat ko ang mata ko at bumungad sakin ang itsura ni Rose na nakangisi ng malaki.

" Bakit? " antok na tanong ko sa kanya at umayos ng pagkakaupo.

" We're here. " Sabi ni Daddy.

Napatingin ako sa paligid ang daming kahoy, anong klaseng lugar to? Nasa loob ng gubat ang paaralan na sinasabi nila Mommy? Pinagloloko ba nila ako?

" What the hell? Anong klaseng lugar to may ganito bang paaralan? " Tanong ko ng makababa ako sa kotse.

Napatingin ako kina Mommy at Daddy sila Rose naman busy sa pag-obserba sa boung lugar. Parang nasa gubat ang paaralan nato may nakalagay kasing gate eh pero yung pangalan na nakalagay sa itaas ng gate hindi ko ma gets.

" Oo meron. Tara na pagsilakaran na kayo dyan para makapasok na tayo sa loob. " Sabi ni mommy.

Agad naman kaming nagsilakaran habang dala-dala ang mga gamit namin. Kinuha ni daddy ang dala kong gamit dahil daw mabigat. Ang bait naman ng tatay ko.

Pagka-apak palang ng isang paa ko sa sahig ng gate ay nakaramdam ako ng excitement oh pagkalungkot. Nakaramdam din ako ng pagkahilo.

Anong nangyayari sakin kailan pa ako naging sakitin? Napahawak ako kay daddy at napatingin naman siya sakin.

Seninyasan ko si daddy na wag mag alala at sinabing okay lang ako. Kahit kita sa mukha niya ang pag-alala ay pinilit niya paring tumango nalang.

Ilang minuto din kaming naglakad hanggang sa huminto kami sa isang pintoan

( Headmaster and Headmistress office )

Tok Tok Tok *

Katok ni mommy at agad naman na bumukas ang pinto at bumungad samin ang isang napakagandang babae. OMG.

Nakapaganda niya siguro nasa 20+ pa lang idad niya. Pero bakit parang magkamukha kami. Ay hindi, mas maganda siya compare sakin. Assuming mo naman ata Jasmine Azira.

" Oh you're finally here Mr and Mrs Valencia, come in. " Masaya niyang sabi.

Magkakilala sila ni Mommy at Daddy? How come? Nakapunta naba sila dito, oh dito sila nag aaral dati?

Ang dami kong tanong sa isip pero walang sagot kahit isa. Tuluyan na kaming pumasok sa loob ng office nila at umupo.

Katabi ko sila Rose at Carla habang si Mommy, Daddy at yung babae ay nag-uusap.

Tiningnan ko sila Rose at Carla na tahimik lang din sa tabi ko. Nakatingin sila sa isang picture frame na nakadikit sa wall ng office.

Nanlaki ang mata ko nang may biglang sumulpot sa office na isang lalaki. Kulay red ang buhok niya and over all he's handsome naman.

Pero paano siya nakarating dito ng hindi namin napansin? Wala naman kasi kaming narinig na may kumatok oh nagbukas ng pinto.

" Hahaha thanks for that compliment young lady. " biglang sabi ng lalaki.

Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. Wala naman akong sinabi ah tsaka sa isip ko lang naman yun sinabi. Napatingin narin sa kanya sina mommy at daddy pati na rin yung babae nung nag-salita siya.

" Po? Wala naman po akong sinabi eh " Sabi ko.

Tumawa ng malakas ang babae. At mas kinagulat ko ang pagtawa nila Mommy at Daddy pati na rin sila Rose at Carla.

" Nevermind. Anyways, sila yung bagong students? " tanong ng lalaki.

Gwapo ka pa naman sana kaso para kang walang common sense. Naramdaman ko ang pagsiko sakin ni Rose kaya agad akong napatingin sa kanya.

Taka akong tumingin sa kanya when she mouthed me na para bang ngumunguso siya. Nagkunot ang noo ko dahil sa inasta Niya kaya tinanong ko siya.

" Bakit kaba ngumungoso ha? Sabihin mo nalang kaya hindi tayo magkakaintindihan eh. " Sabi ko.

" Jasmine Azira Valencia. Anak asan na ang manners mo? " Sabi ni Mommy.

Kaya agad akong napatingin sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng nakita ko ang lalaki na masamang nakatingin sakin.

Luh? Ano naman bang ginawa ko? Bakit ganyan siya nakatingin .

" Po? " takang tanong ko.

" Calm down Mrs. Valencia, wag mo ng pagalitan she still don't know what is going on. " Sabi ng Babae.

Hindi na nakapag-salita si Mommy at binalik nalang ang tingin sa babae. Habang ako nakatingin parin sa lalaki.

" Anyways, ito yung Class schedule list ninyo Ms. Valencia, including your room number. Ipapakita niyo lang yan sa bantay ng floor para payagan kayong makapasok. " Sabi ng Babae.

Kinuha naman ito nila Carla. Nakaupo parin ako at hinayaan sila Carla na makipag-usap sa babae. I still don't get it.

" Thank You headmaster Fireos and headmistress Frost " Sabi ni Carla.

Aba magkakilala sila? Ako lang ata ang hindi nakakilala sa kanila. Hello? Andito pa ako. Can someone told me about everything?

" I'm Jake Fireos and she's Elsa Frost. Nice meeting you Azira " Sabi Ng lalaki.

Taka akong tumingin sa kanya, sila mommy naman nakangiti lang.

" Did you know my name? " Tanong ko. Out of curiosity ay natanong ko yun sa kanya.

" She's too curious of everything in here HM Jake. She can understand everything soon. " Sabi ni Mommy. Napa nguso nalang ako dahil sa sinabi ni Mommy.

" Haha. You girls can tour all over this campus mag uusap lang kami ng parents mo Azira. Kami na rin bahala sa mga gamit ninyo. Enjoy. " Sabi ng babae.

Napangiti ako sa sinabi ni Headmistress Elsa. Kaya sila Rose at Carla agad-agad na nanghihila palabas ng Office. Masyado naman excited ang mga to.

Will, I can't deny the fact na excited rin akong malibot ang buong campus. Mabuti na rin na umalis kami don dahil galit na galit na tumingin sakin ang lalaking manok na yun.

" Hahaha Manok talaga Azi grabe ka? " Biglang tawa na sabi ni Carla? Tika nga, kanina pa ako nakakapansin ah. Bakit parang nababasa nila nasa isip ko?

" Hoy? Tika nga, nababasa niyo ba nasa isip ko ha? " tanong ko sa kanila. Tumawa nang malakas silang dalawa imbis na sagutin ako.

" Wala ah naisip lang namin, tara na nga. Maglibot-libot na tayo " Sabi ni Rose.Hay nako traydoran lang ganon?

Naglalakad lang kami ng naglalakad nang napadpad kami sa isang lugar na napakaganda Wow Ang sarap ng hangin dito. Gusto ko tuloy matulog dito it's so refreshing.

" Want to sleep here Az? " Tanong naman ni Rose.

Napatingin ako sa kanya na ngayon napatingin na pala sakin. Yan naman sila sa mga ganyan nila. Nag dududa na ako sa kanila.

" Alam niyo? Kanina pa kayo eh, ababasa niyo ba ang nasa isip ko? " Takang tanong ko.

I am really curious why they always know what's on my mind. Will, powers doesn't exist okay but why are they acting like they have?

" Paano kong sabihin namin na Oo? Maniniwala ka? " Tanong ni Carla.

Kumunot ang noo ko dahil sa sagot ni Carla. Kaya nga ako nagtatanong eh. Medyo slow din tong babaeng to.

" Hahaha ang cute mo Azi. Symepre hindi no nakikita lang namin sa mukha mo. " Sabi ni Rose.

Ganon naba ako ka curios or ganon na ba ka obvious? Hayyss bahala na nga.

" Pwede ba tayo pumunta dito kapag walang pasok? " Tanong ko sa kanila.

I heard Carla laugh kaya tiningnan ko siya. She's looking at me na pala. She's weird really. Kanina pa to. Baka naging tomboy na to. Nako nako wag sana.

" Of course/Oo Naman. " Sabay na sagot nilang dalawa.

Napangiti naman ako sa sinagot nila. Sana talaga masiyahan ako dito kong hindi uuwi talaga ako. As if namang makakauwi ako noh? Diba?

" Punta na tayo nang dorm, need pa nating asikasuhin ang mga gamit natin. " Sabi ko.

Sabay silang tumingin sakin at sabay ring tumayo. Ano to? Contest sa laging magkakasabay?

" Tara na " Sabi ni Rose.

Tumango kami at nagsimula na kami maglakad habang nakaakbay siya samin ni Carla.

" Ang bigat mo Rose. " Reklamo ni Carla.

" Ay wow. Ngayon ka lang nabigatan? " Sagot naman ni Rose.

" Mag diet ka naman bhe. Jusko naman " pang-aasar ni Carla sa kanya.

" Hoy? Magaan lang naman ako huh? Diba Azira? " She ask me.

" Sinong nagsabi? " Pang-aasar ko.

" Aba ayus huh? Hoy hintay. " sabi ni Rose.

Aba? She's being like this kapag kaming tatlo ang magkasama. Never pa kaming nag-aaway ever since.

Nahabol niya naman kami kaya nagtawanan lang kami habang naglalakad.

➖➖➖➖

Someone Point of view

Nakita ko ang tatlong babae sinusundan namin dahil sa utos ng kamahalan. She's still with her two best friend. And happily walking towards the dorm.

Kahit anong iwas niya makukuha at makukuha siya ng kamahalan. Lalo na at galing siya mortal world. Mainit ang mata ng Kamahan sa mga Tanong mortal na mag tatransfer sa academy.

" Ano? Nakita mo siya? " Tanong ng Isang kasamahan ko.

" Oo papunta siya ng dorm nila. " Sagot ko.

" Saang dorm? " Tanong niya pa.

" Sa dorm ng mga studyanteng hindi pa alam ang kapangyarihan. " Sagot ko.

" Keep your eyes on them wag mong hayaan mawala sila sa paningin mo kundi malalagot ka sa kamahalan. " Sabi niya.

" I know. " Sabi ko.

Tumingin siya saglit sa mga babae ay nagpaalam na umalis na.

Nanghindi ko na sila masyadong nakita ay lumipat ako ng lugar para Makita sila. I am become a stalker sa situation ko right now.

And I hate it. But I don't have choice dahil buhay ko din ang nakasasalay. Tks.

➖➖➖➖

Headmistress Elsa Pov

" So paano? Alis na kami Frost at Fireos " Sabi ng mommy ni Azira.

Familiar ang mga to eh, saan ko na ba nakita tong mga to? Their postures was really something, but impossible naman na sila yun.

They only visible if the princess is already found and came back..

They way they looked at us parang may gusto silang sabihin pero hindi masabi-sabi. Are they hiding something?

Their eyes, it looks like they in body someone. Forget it Elsa. Hindi sila ang hinanap niyo sila parin yung naging kaklase niyo noon.

" Thank you Mr. & Mrs. Valencia " Sabi ni Jake.

Ngumiti lang sila at nag-salita naman si Mrs. Valencia. And there she goes again. Her voice really something.

" Just take care of my Daughter and that two girls. Dito namin sila dinala dahil alam naming kailangan nila ang pamumuno niyo. " Makakahulugan na sabi ni Mrs. Valencia.

Tumango lang kami sa kanilang dalawa at agad naman na umalis sa office.

Hindi na kami nag usap pa ulit ni Jake dahil baka ano na naman ipag-sasabi nito. Nakakarindi pa naman ng lalaking to kung makasama mo.

Tama nga si Azira manok siya. His appearance really looks like a chicken. Hindi naman ganyan ang itsura ng pamangkin niya.

" THE FUCK ELSA I HEARD YOU! " He said.

Kaya agad na akong napatahimik at umalis na lang din ng office. Ang initin talaga ng ulo eh.

➖➖➖

#CharmAcademy

#Azira

Hello♥️💫 Nagsipag Si otor! Hehe! Actually! Sinabay ko Ang 2nd Story ko at Story nato! Diba? Haha! Just keep reading Ang love lots♥️