Chereads / When Words Still Bleed / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

"When words still bleed"

CHAPTER 1

SAM's POV

Naalala ko pa rin ang nangyari noon noong high school pa kami. 'Yung una niya pa akong nilalagawan. The day I fell for him, he showed me how deeply in love he was with me.

I thought it was true love, but it wasn't. I trusted him not to hurt me, but I was still left heartbroken. It seems our paths were meant to cross, but not to stay together.

One year ago...

Napahinto ako dahil may humarang na sasakyan. May mga lalaking bumaba mula rito patungo sa akin kaya nataranta ako. Tiningnan ko kung may ibang tao rito pero mukhang ako lang yata ang mag-isa dito.

Nanginig ako sa takot at hindi makagalaw. May mga baril silang nakatutok sa akin at papalapit na. Mga kidnapper kaya sila?

At bakit ako pa kikidnappin nila? Hindi naman ako bata.

Bago pa man nila ako mahawakan, bigla na lang silang bumagsak. Napatili ako sa gulat. Mabilis kong inilibot ang paningin ko para hanapin kung sino ang may gawa no'n.

Doon ko nakita ang isang gwapong lalaki, nakauniporme, nakatayo malapit sa mga kidnapper. He was tall and muscular, and his uniform looked like that of students on another campus. He glanced at me, a slight smile playing on his lips, before picking up a thick book that had fallen to the floor. Tumayo ang mga lalaking nakahandusay kanina sa sahig. Lalaban pa sana sila, pero bigla silang napahinto.

Anong nangyayari?

"Young master?" Rinig kong sambit ng isang lalaki saka dahan-dahan bumalik sa kanilang sasakyan. Young master?

Hindi ko maintindihan kung bakit tinawag siyang 'young master'. Ano siya sa kanila?

I didn't realize he was looking at me. His cold, gray eyes were fixed on mine. I didn't know what to do. Should I thank him or just leave?

Tumingin ako sa malayo pero bumaling ulit ako sa kaniya. "S-salamat..." nahihiya kong sabi sa kanya. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil hindi natuloy ang pagkidnap sa akin ng mga lalaking iyon.

He nodded and walked out through the narrow alley. I was left alone. And I really needed to go home; there was no one here to save me, anything could happen to me.

Nang makarating ako sa bahay, agad akong nakita ni Mama sa hardin niya. Masaya siyang nagdidilig ng mga halaman niya. Lumapit ako sa kanya at nagbless.

Pagkatapos, pumasok na ako sa bahay na gawa sa concrete. Nang nasa may kusina na ako, hinarang ako ni Kuya Angelo na nakakunot ang noo. Tumaas ang kilay ko

"Bakit 5:47PM ka na nakauwi?" Kunot-noo niyang tanong sa akin. Tiningnan ko siya ng pagtataka. Bakit kaya ganiyan sa makatanong sa 'kin?

"Kuya, alam mo naman na marami kaming projects na gagawin eh." Biglang lumapit si Kuya Sim at may binulong sa amin. Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Kuya Anghelo.

"So what makes you think na matatakasan mo kami?" sambit niya habang nakahawak sa akin. Masama ang tingin niya sa akin. Hawak pa rin niya ang isang kamay ko para hindi ako makawala.

Nakita ko si Mama na kakapasok pa lang sa bahay na nakatingin sa amin at tiningnan kami. "Anghelo, bakit mo hinawakan ng mahigpit si Sam?" nagtatakang tanong ni Mama kay Kuya Anghelo. Ako, hindi ko rin alam.

"Ma, bakit hindi mo siya pinagalitan?" Balik-tanong niya kay Mama. Ako naman, kumunot ang noo ko.

"Ako, bakit naman ako magagalit?"

"She arrived home late. What if something bad happened to her?" sagot niya kay Mama. Pero si Mama, hindi niya yata naintindihan si Kuya Anghelo.

"Anak, 'wag mo naman akong pag-Inglesan diyan.." pakiusap ni Mama. Sabi ko na nga ba! Hindi niya maintindihan si Kuya Anghelo dahil sa pag-english speaking niya.

Dinala kasi ni Papa si Kuya Anghelo sa United States at pinag-aral doon sa mga kamag-anak niya kaya natuto siyang mag-English. Ayaw ni Kuya Anghelo na pumunta rito sa Pilipinas, pero kailangan daw dahil kailangan ng magmamahala sa kompanya namin.

"Ang sabi ko, late na umuwi ang anak mo, Ma! Paano kung may mangyari sa kanya?" Sa tono ni Kuya ay parang nag-alala siya sa akin.

Umiling lang si Mama at nagtungo sa kusina. Sumunod naman ako sa kanya. Naiwan si Kuya Anghelo sa pintuan ng kusina. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganoon, at hindi ko rin sila masisisi na maging mahigpit sa akin dahil ako lang ang kanilang bunsong babae.

Kumain ako nang marami dahil gutom na talaga ako. Tiningnan ko sina Kuya na nakatingin sa akin kaya ibinalik ko ang tingin sa plato ko. Pagkatapos kong kumain, dumiretso ako sa kwarto ko.

Hindi ko pa talaga nawala sa isip ko ang lalaking iyon.

Ano kaya ang pangalan niya? At bakit nga ba niya ako tinulungan? Boba! Oo nga pala, kikidnapin sana ako ng mga lalaking iyon. Pero paano kung wala siya roon? Edi nakidnap na sana ako?! Hay.

Basta! Nagpasalamat naman ako sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya, hindi na ako makakauwi. Mag-aalala sina Kuya at si Mama.

Nakakapagod naman, mag-isip!

**********

"Sam! Bumangon ka na d'yan..." sigaw ni Mama habang kinakatok ang pinto. Nagising ako dahil sa sigaw at malakas na katok niya.

"Wait lang, Ma!" Bumangon ako sa higaan at nagtungo sa maliit kong banyo para maligo at magtoothbrush.

Yes, I'm a mama's girl, but it doesn't mean I'm dependent. I have my own freedom, but I don't want to leave my mom yet, especially since she's the one who raised me.

Ten minutes before I finished showering, I brushed my teeth afterward. I finished brushing my teeth in a few seconds. I picked up the phone, which had been ringing for a while.

Tiningnan ko ang screen para makita kung sino ang tutumatawag, si Maya lang pala! Sinagot ko ang video call at bumungad sa akin ang mukha niya.

"Maya? O bakit napatawag ka?" tanong ko sa kanya. Kita kong may katabi siyang isang cute na bata.

"Sam, alam mo na ba?" Napatingin ako sa kanya na nakatutok sa camera; natawa tuloy ako. May ginagawa kasi siya roon.

"Anong 'alam ko na ba?'" Nagtataka kong tanong. Ano na naman kaya ang nahaganap niyanng chismis?

"[There's a transferee daw. Saka same grade, same age natin.]" Mukhang excited siya kaya takang-taka ko siyang tinitigan.

"Tapos?"

"[Gwapo raw 'yon, saka matangkad...]" dagdag pa niya. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto kaya napaigtad ako sa gulat. Paano ba naman kasi? Hindi kakatok, tapos bigla na lang bubuksan?

Si Kuya Anghelo iyon, naka-business attire. Papasok na siguro sa kompanya. Acting CEO kasi siya roon pansamantala, wala pa ang amo niyang si Papa.

"Mom called you, hindi mo ba narinig?!" malakas na boses niya. Nagagalit agad?

"N-narinig po, Kuya..." sabi ko, saka kinuha ang bag ko na nasa maliit na lamesa. Nagpaalam na ako kay Maya na i-e-end na ang video call, saka lumabas na ako ng kwarto ko para kumain. Baka magalit si Mama sa akin, tapos hindi niya ako pagbababaunin.

Wala kaming imikan, pero si Mama, puro kwento nang kwento kahit hindi namin maintindihan hanggang sa matapos kaming kumain.

"O sya, mag-ayos na kayo ng mga gamit para pumasok na. Ingat kayo ah!" sambit ni Mama at kiniss kaming magkakapatid.

Tapos na ang pag-aaral nina Kuya Anghelo at Kuya Sim. May mga trabaho na sila.

Kinuha ko ang bag ko at sumakay na sa sasakyan ni Kuya Anghelo. Magkalapit lang kasi ang pupuntahan namin.

"Sam, kilala ko na ang lalaking iyon. Just be careful, okay?" biglang saad niya sa akin, pero nanatiling nakatakom ang bibig ko dahil hindi ko naman alam ang pinagsasabi niya.

Nang malapit na kami sa gate ng campus, agad akong nagpasalamat kay Kuya Anghelo saka bumaba ng kotse niya. Pagkatapos, biglang bumusina si Kuya at mabilis na nagmaneho papunta sa building ng kompanya ni Papa.

Bago ako pumasok, chineck ko muna kung dala ko ang ID ko. Mabuti naman at hindi ko nakalimutan. Pumasok na ako sa campus at pumunta sa isang waiting area.

Hinanap ko si Maya pero hindi ko siya makita kaya tinawagan ko na lang. Sinagot naman ng gaga ang tawag ko.

"Hoy, gaga! Nasaan ka na ba?" bungad ko sa kaniya. Sandali siyang sumagot sa akin.

"[Nasa room, bakit?]" sagot niya. Potcha naman oh! Nasa room na pala siya? Edi sana nag-text siya na nasa room na siya; pinaghihintay niya pa ako rito!

"[Joke lang, nasa likod mo lang ako]" dagdag pa niya kaya agad akong lumingon sa likuran ko. Nakita ko siyang nakangisi at papalapit sa akin.

Pinindot ko na ang end call dahil papalapit na siya sa akin. Paglapit niya, agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"I have a good news, Sam! Ang strand na kinuha niya ay STEM, tapos feeling ko classmate daw natin iyon. Feeling ko lang, ah? 'Di ko sure." Tiningnan ko siya na may tuwa sa mga labi. Grabe naman 'tong babaeng 'to! Kaibigan ko ba 'to o hindi? Ang sabi pa niya, "studies before boys because boys bring babies", nasaan na iyon?

"Oh, ayan na siguro siyaaaaaah!" tili niya nang malakas kaya hinampas ko siya sa balikat at sinabihan na huwag maingay. Tiningnan ko ang paligid pero wala naman akong nakita.

"Hindi mo ba nakita? Ayon oh!" sabi niya sabay turo sa lalaking feeling ko ay nasa 6 feet ang taas. Hindi ko pa nakita ang mukha niya pero kinakabahan na ako. Paano kung siya nga ang nagligtas sa akin?

Magpapasalamat kaya ako sa kaniya o hindi?

"Oh my— WAHHH! Lumingon siya sa atin, Sam!" sigaw niya kaya napalingon sa amin ang ibang estudyante at mga guro. Tiningnan ko sila na para bang sinasabi kong, 'Hindi ko 'yan kaibigan'.

Tiningnan ko ang lalaking iyon na nakatingin din sa amin. Pinagmasdan ko siya nang mabuti para malaman kung siya nga ang nagligtas sa akin; baka mali ang hinala ko. Nagulat ako nang makita ko nang malinaw ang mukha niya—siya nga ang nagligtas sa akin!

Hindi ako makagalaw kasi feeling ko nakatingin pa rin siya sa amin. O sa akin?

TO BE CONTINUE....

𝄞 - CJ