Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

When Words Still Bleed

bl4ckinwh1te
7
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 7 chs / week.
--
NOT RATINGS
70
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

"When words still bleed"

Written By: CJ Harris (BlackInWhite)

Genre: RomDrama

PROLOGUE

Naranasan mo na bang magmahal nang akala mo'y mahal ka rin niya? Yung minahal mo siya nang todo, pero sa huli'y masasaktan ka pa rin pala niya.

Ako, oo. And it was a painful goodbye, pero tatak pa rin sa puso ko ang sinabi niya. Tatak na tatak! Ang tángà ko naman para magpaloko ako sa kaniya. It's been five months, but I still haven't moved on from what he said and did to me.

Tumunog bigla ang phone ko kaya cancel ang luha. Kinuha ko naman iyon para tingnan kung sino ang tumawag. It was my mother.

"Hello, Ma?" sagot ko sa tawag niya.

"[Hello, anak?]" sagot niya naman sa kabila.

"Ma, okay lang po ba kayo d'yan?" tanong ko kay Mama na tumawag sa akin. Nasa Manila ako dahil dito ako nag-aaral sa mamahaling university.

"[Oo, okay lang kami dito, nak. Ikaw ba?]" sagot niya sa kabilang linya. Heto, naiiyak dahil namimiss ko na kayo.

Naiiyak pa din ako dahil sa ginawa sa akin ng lalaking iyon...

Hay, namimiss ko na ang boses ni Mama. Wala na akong maririnig na sermon, pero namimiss ko pa rin iyon.

"Okay lang po ako dito, Ma. Saka bakit po kayo napatawag?" Isa sa mga palagi kong tanong tuwing napatawag sila Mama.

"[Wala lang. Nangagamusta lang, anak. Namimiss na kasi kita]" sagot niya ulit. I miss you too, Ma.

"Namiss rin kita, Ma... O sige po, mauuna na po ako may klase pa po ako eh," saad ko naman. Totoo ang sinabi ko na may klase pa ako at baka may gagawin pa si Mama sa bahay.

"[O sige nak, ingat ka d'yan]" sambit niya at pinatay ang tawag. Ingat rin kayo d'yan, Ma.

Pumunta na ako sa banyo para maghugas ng mukha dahil tapos na akong maligo kaninang madaling araw. Ang ginaw nga eh.

Bago pa kasi ako sa unibersidad na iyon. Mamahalin pa. Saka si Kuya Angelo ang nagpapaaral sa akin dito dahil mas gusto niya na marami akong kaibigan, hindi tulad sa probinsya.

Binilhan din ako ni Kuya Anghelo ng sarili kong condo malapit sa unibersidad para hindi na raw ako mag-taxi papunta roon.

Malaki rin ang condo na ito, at sa tingin ko'y kasya ang apatnapung tao. Nagmimistulang bahay na nga ito dahil sa laki. It also has a small basement and a small second floor. It even has its own kitchen near the bathroom.

Sabi kasi ni kuya na dapat daw akong mag-aral ng mabuti kasi pwede ko na raw bilhin ang mga kailangan ko. Bilib ako kay kuya dahil hindi niya kami pinabayaan, at nauna niyang pinrioridad ang pagtatapos ko bago magkaroon ng sariling pamilya.

He is the current owner of AC Corporation, although Asher is the original owner. At sa pagkakaalam ko ay ibinigay niya iyon kay Kuya Anghelo para daw pambawi sa ginawa niya sa akin.

Huwag kang maniwala sa sinabi nila at huwag mo na siyang isipin, Sam.

Sa tuwing iniisip ko ang lalaking iyon, nasasaktan pa rin ako sa mga salitang kanyang binitawan. Pero tapos na iyon, magmo-move on na ako ngayon. Ayokong pabayaan ang sarili ko dahil sa lalaking iyon.

I had to move on, even though it hurt.

Tiningnan ko muna ang phone ko para tingnan ang oras; alas-siyete na. Kinuha ko ang bag ko sa kwarto at pagkatapos ay agad akong pumunta sa sala.

Nagulat na lang ako nang makarating ako sa sala dahil may lalaking nakahiga sa isang sofa.

Potcha! Sino 'to?! Bakit siya nakapasok dito?

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Mukhang hindi niya ako napansin dahil abala siya sa panonood ng pelikula. Nang makita ko ang mukha niya, nanigas ako sa gulat.

Hindi pwede.. Hindi pwede ito...

Napansin niya ata ang presensya ko kaya bigla siyang lumingon. Pinandilatan ko siya ng mata dahil hindi ko maintindihan kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira at bakit basta-basta na lang siyang pumasok.

"What the hell are you doing here?! At paano ka nakapasok dito?!" Galit na galit kong saad sa kanya. Heto siya, kalmado at malamig pa rin. Nagagalit ako dahil sa mga ginawa niya sa akin, tapos bigla na lang siyang susulpot na parang walang nangyari?!

"You should lock your door; someone might get in…"He ignored my questions. I glared at him because he was the only one who could have entered.

Humahalukipkip ako habang kinuha ang mga gamit doon sa maliit na lamesa. "Ikaw lang naman ang pumasok dito ah! At bakit ka nandito?!" Tiningnan ko ulit siya ng masama habang sinasabi ang mga 'yon.

"Kaya nga i-lock mo ang pinto... Paano kung hindi ako ang pumasok dito? Edi nanghihingi ka na nang tulong ngayon?" Biglang tumaas ang boses niya kaya napaatras ako. Sumikip ang dibdib ko dahil sa tuwing naririnig ko ang boses niya, naaalala ko ang mga masasakit niyang sinabi. At bakit parang feeling ko ay makapanghina ang boses niya?

No, Sam, 'wag ka nang magpauto sa manlolokong 'yan!

"Alam mo, umuwi ka na!" galit na utos ko habang tinuturo ang pinto. Pero hindi siya umalis; nanatili siya sa sofa.

"Get...the...fvck...out!" sigaw ko sa kanya, pero tinitigan niya lang ako nang walang emosyon. Wala kahit sa mga mata niya!

Parang wala man lang siyang awa sa akin noong pinagsasalitaan niya ako ng ganoon. He doesn't cared at me... At all.

Pagkatapos ko siyang sigawan, bigla siyang tumayo. Akala ko ay hindi siya aalis, pero kinuha niya ang bag niya malapit sa sofa. He looked at me with his cold, gray eyes.

Pumunta siya sa pintuan kung saan ang labasan at walang ganang binuksan iyon at lumabas. Ako naman, naiwan sa ere.

Tiningnan ko ang maliit na lamesa at may nakita akong isang piraso ng papel. Kinuha ko agad iyon at napagtanto kong 'paper note' pala ito. He left me a note. A note...

Binasa ko ang nakasulat sa papel na iyon, at bigla na lang akong napaiyak pagkatapos.

Sam, I'm so incredibly sorry for what I did. I know saying sorry isn't enough, and I messed up really badly using you as a bet. Thinking about it still makes my stomach churn. I was selfish and thoughtless, and there's no excuse for my behavior.

I feel terrible about the pain I caused you, and I understand if you're angry, hurt, or even if you can never forgive me. I truly regret it, and I hope you can eventually find some peace. I know I have a lot of making up to do, and I'll do whatever it takes to show you how truly sorry I am.

Naiiyak ako, hindi dahil nag-sorry siya, kundi dahil baka mainlove ulit ako sa kanya at magpauto ulit. Pinunit ko ang papel at itinapon sa basurahan.

I'm so sorry too, Asher, but I can't just pretend like everything's okay. I'm still shaking from the way you treated me. You broke my trust, and the damage goes so much deeper than your words. I keep replaying that moment in my head, seeing the coldness in your eyes, feeling that chill run down my spine. The thought of loving you again, of putting myself through this again, it's too much to bear. I'm still reeling from the betrayal, the lies. It hurts so much. And your words still bleed...

TO BE CONTINUE....

𝄞 - CJ