6 years old nako noong napabalitaan kung nakulong yung tatay namin at ngayon 8 na ako. Kinausap akong Tita ko na pupunta kami sa Baguio at pumunta nga kami. Nadatnan namin yung ate ko doon na pang 2 sa panganay namin kaming magkakapatid. Mahirap din ang buhay nila doon natutulog sila sa taas ng ceiling na pwedeng magiba. Sinabi nila sa amin naipapaampon nila ako sa isang mag-asawa na may isang anak, ngunit ayaw ko. Kaya simula noong araw nayun lagi akong nasa tabi ng tita ko dahil baka ewan niya ako kahit matulog hindi ako natulog hahahaha ayaw ko nga haahahaha.
Umuwi rin kami after 1 day staying there. After 1 year my tita decided na ipaalaga ako sa cousin which tita rin ang tawag ko at nagustuhan ko naman kasi nakita kung parang mabait naman. Pinag-aral niya ako ng mula sa elementary until high school. Akala ko mabait pero akala ko lang pala.Masungit siya, ma pride, gusto niya lahat ng sasabihin niya susundin mo hindi ka pwedeng mag-ayaw kasi the more na maggagalit siya sayo. Iyak ako nga iyak noon every night which is gusto ko nang umuwi pero hindi ko alam umuwi. Kasi kahit pagod ka na go parin sya mag-utos sasabihin niyang tamad ka kapag naka-upo ka. At hindi lang sya ang masungit pati rin yung daughter in law niya ganon rin. Kaya simula noon sinusumbatan ko na sila kahit disrespect yun pero wala akong magawa kundi ipagtanggol ang sarili ko which umiiyak din ako sa harap nila pag-akoy galit hindi ko macontrol huwag tumulo ang luha ko. Once a year lang bumibisita ang mommy ko sa akin, sinasabi kung gusto ko nang umuwi pero ayaw niya akong umuwi dahil hindi niya daw kaya kaming pag-aralin kaya no choice ako kundi magstay. Pinagpatuloy ko mag-aral kahit natrautrauma na ako hanggang akoy makapagtapos ng elemenary at highschool. However, noon grade 12 ako nag-katampuhan kami ng matanda kaya umuwi ako sa 1st sister ko sa 1st wife ng tatay ko. Sinundo niya ako which is first time kung lumabas sa bahay dahil simula noong nagkatampuhan kami nagkulong ako sa kwarto ko. Galit na galit ako noon kasi hindi niya ako gusto sumama na maligo sa ilog gusto niya sa bahay lang ako. Pinagmumura niya ako noon which hiindi ko padin malimutan. Honestly , pati yung anak niya pinagsisigawan niya ako. Meron pa yung pinagsisigawan niya akong papatayin ko raw yung matanda dahil nabilaukan sa pagkain pero diko alam kung totoo or nagkukunwari. Yung time na yun humiwalay yung anak niya sa pagkain dahil daw yung kapatid ko inuubos niya ang pagkain which is nawawalan daw sila ng ulam kahit hindi naman pala totoo. Kaya hindi ko alam kung yun yung dahilan kung bakit siya nag iinarte para magkasama ulit kaming lahat kumain sa iisang bubung. From that day kasama nanamin ang kaniyang anak na kumain. Grabe yun very toxic pero fight fight lang at laging tatandaan everything happens has a reason. Tama bayun hahaha
After six months that i stayed in my House siater while im styding through mdular because its pandemic little by little im recovering from all traumas that they give me. My ate which pamangkin ng Tita sungit contacted me if gusto ko daw magstay sa kapatid muna niya while im studying college after i gradaute highschool then i agreed.
Many days after, one of the daughter of Tita sungit was contact me na umalis din yung mga apo niya dahil pinaalis ni Tita sungit. On that day lumalala na pala ang sakit niya wherein after one week dinala siya sa ospital and stayed in the house. After 3 months inuwi rin sya ngunit malala na ang sakit nya at lagi na syang nagdadiaper.
Lumipas ang 3 months nabawian sya ng buhay. "Grabe yun no totoo pala yung sinasabi nila na "kung galit kang umalis babalik at babalik karin kkasi sila lang ang makakagamot sa sakit na binagy nila sayo".