Alinteina's POV
"W-What do you mean?" nagtatakang tanong ni Chichi, "H-He would never do such thing." hindi makapaniwalang dagdag niya.
"But he did!" sigaw ni Bia, nandito kami ngayon sa isang cafe kasi baka marinig kami ni Papa at mabisto ang plano naming pagtakas.
"Huwag na natin pag-usapan yan. Ang pagplanuhan natin ay ang pagtakas pagkatapos ng libing ni Tita." singit ko, tumingin si Chichi sakin at kumunot ang noo.
"Why?"
"Ohhh it's a long story." Bia rolled her eyes kaya ako natawa ng kunti. I told her that night when that happened and everything. Kaya napagdesisyonan niyang manigurado nalang din at tumakas.
"Tita's no longer here to protect you against Papa." tugon ko at tinignan ang cheesecake ko na hindi pa gaano nagagalaw, "And there's no assurance na hindi kayo saktan ni Papa, like he did when my Mother left." dagdag ko and after that we just went silent for about a minute.
The possibility is low but never zero.
But why does it feel na pinaglalayo ko silang dalawa kay Papa? I mean, they respected Papa all they're life tas bigla nalang akong magsasabi na he abused me all these years—after their Mom died.
"Kahit na wala naman siyang balak gawin satin yun, we need to get out of that house to save Ate, Chi." pagpuputol ni Bia sa katahimikan, she held my hand and Chichi's. "She's brave enough to endure that pain by herself. Atleast she can be free if we leave that house." napaangat ang tingin ko kay Bia, she smiled at me before she looked at Chichi.
"Y-Yeah, you're right." ngumiti si Chichi sa kanya bago tumingin sakin, "I'm sorry, Ate. We never noticed before." umiling-iling ako sa kanya. I never planned to tell both of you neither.
I also don't want to ruin your impression about him. Everytime I see them with our Father, napapaisip ako if ganun din ba siya sakin if I'm not a useless eldest child and...a woman.
~~~
"First day!" nakangiting sambit ko nang lumabas na ako sa bahay namin at nagstretching.
I looked at our banner, napakamot nalang ako sa ulo ko. 'See your FUTURE here.' Si Chichi kasi nag-isip niyan, kaya pinagbigyan ko nalang din siya.
Napairap nalang ako nang maalala ko kung paano sila magtalo ni Bia kung anong ipapangalan.
"Three little ducklings"
"Gago ka ba?!"
"Hindi, Ate mo ko."
After ko magmuni-muni sa labas ay agad kong nilagay ang 'open' sign. Sana kumita talaga kami, hindi naman kami gumastos ng malaki pero kahit na.
Naghanda din ako sa isusuot ko para naman more convincing lalo na sa atmosphere.
"Hindi ka ba kinakabahan?" tanong ni Bia habang nagtitimpla ng gatas, "Ready na ready ka na ah." ngumiti lang ako sa kanya.
"Slight lang." sagot ko bago kumuha ng tubig sa ref, "Hindi naman sa first time ko makahula ng mangyayari or something." I proudly said, umirap lang siya sakin.
"Tignan natin." tumawa lang ako sa sagot niya. Silang dalawa rin kasi maghahanap ng customers sa labas habang ako maghihintay.
Buti at bakasyon na ngayon kaya hindi masyadong busy, pero parang titigil din ako sa pag-aaral. Uunahin ko muna si Bia at Chichi makapagtapus bago ako pumasok ulit.
Kasi kahit may shop kami hindi yun sapat saming tatlo.
Napadabog ako sa lamesa dito sa loob ng shop namin, ba't ang bobo ko sa point na yun? Kaso nakakahiya magtayo ng sari-sari kung si Angelo lang din bibili ng mga supply namin, madami na akong utang sa kanya. Matigas ulo nun eh kahit tumanggi ako.
Napasapo ako sa mukha ko kasi half an hour na akong naghihintay ng customer. Kahit isa lang please, ngayong araw—
"Uhmm..." napatayo agad ako nang may pumasok na lalaki, nagulat naman siya sa reaksyon ko. "K-Kayo po ba yung manghuhula?" tanong niya.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Sinalubong ko naman siya sa pintuan and assist him to his seat.
"Maupo ka." I said bago umupo din, "So what do you want to know?"
"Ahhh...kasi about sa girlfriend ko."
~~~
"Nakakapagod maglibot at maghanap ng customer." saad ni Bia at agad na humiga sa sofa.
Kakarating lang nila galing sa labas at gabi na. Buti nga hindi lang isa naging customer namin. Hindi naman ganun kahirap for the first day.
Tsaka may rule din kami na walang refund, I mean sinabi din namin na kung hindi mangyayari, edi wala. But there's no refund kasi naniwala naman sila sa mga fortune telling eh, we don't force them na magpahula.
Iwas lang sa mga ganitong pangyayari.
After we ate dinner ay nagpahinga na rin kami at natulog na sila. I was staying up late, nagscroll-scroll sa mga website kung saan may malapit na trabaho na maaapply, part-time lang naman.
We can't stay like this.
Sana carinderia ang pinatayo namin, pero wala samin ang marunong magluto. Instant noodles at itlog nga lang ulam namin kanina.
Babayaran ko rin si Angelo, nakakahiya kasi nandyan siya palagi sakin tapus wala man lang akong maibigay sa kanya.
My face lit up nang makita ang location namin sa website kaso dumilim ang mukha ko nang makita na isa itong bar.
Hindi naman ako pwede dyan, kaka-eighteenth ko lang. Tsaka conservative ako noh, sa asawa ko lang ang aking hiyas.
Magkano sweldo nito—100 per hour?!
Napatayo ako para makita kung totoo ba, if 6 hours may 600 na ako? Pwede na rin yun sa isang araw namin magkakapatid tsaka hindi na kaltas yun sa pamasahe kasi pwede namang lakarin.
Kaso...delikado na kapag gabi. Hindi ko pa din kabisado ang lugar na 'to. Ilang araw palang kami dito, malayo din 'to sa bahay namin noon para hindi rin kami mahanap agad...kung hinahanap nga kami.
Ang hirap naman maging independent.
Napahiga nalang ako ulit at binuka ang mga braso ko. Parang gusto ko nalang humiga buong magdamag o hindi kaya maging disney princess.
Kailan ba dadating ang aking disney prince? Kailangan ko pa ba maging palaka? O magpablonde kaya ako tas pahabain ang buhok ko.
Joke, I have to be optimistic lalo na sa life ngayon, be strong and grateful, kahit walang disney prince.
Ayaw ko na rin mangarap, baka nga si Hans pa dumating sakin, jusko.