Busy-besebesehan na naman si Dana sa kaka impaki ng mga gamit na gagamitin sa next travel vlog nya. kelangan nya ng mag update ng bagong travel vlog dahil nag rerequest na ang 2.5 followers nya sa social media. naging busy sya sa kanyang bagong venture na negosyo na katas rin ng kita nya sa pag ba vlog kaya't di pa sya naka pag update ng bago isang buwan na ang nakaraan ng huli nyang vlog.
"Ano na friend ngarag ngaragan na tayo ngayon sa sobrang dami ng raket." si Lily na best friend nya at laging kasama sa lahat ng lakad at pati narin sa negosyo.
"kelangan para yumaman," kinindatan pa nya ito.
"friend, baka naman sa kagustuhan natin na yumaman hindi na tayo makakapag asawa Nyan." reklamo nito.
Tina asan na lamang ito ni Dana ng kilay.
"ay oo nga pala, ako lang pala Ang Wala pang Asawa." natatawa at tila kinikilig pa si Lily at bubulong bulong sa hangin.
"so? ayaw munang yumaman, so hindi kana sasama?" biro na lamang ni Dana naiiling na lamang sya sa kaibigan.
"so kung di ako sasama, wala kanang camera woman, sinong kukuha ng mga magagandang vew mo diba ako lang?" drama nito.
"oo na Ikaw na ang nag iisang director ko." natatawang turan nya.
Totoo naman din Kasi iyon, nag simula silang dalawa na wala pang vewers karamay nya ito sa lahat ng gina gawa.
"at, editor that's your partner in crime do".
"Oo na, di na Ako makaka hanap nang kasing galing mo."
"Naman." kumikinding pang sang ayun ni Lily.
DISTINASYON...
"bat Naman sa lahat ng pwedi nating gawin ito pa." reklamo ni Lily na tagaktak na Ang pawis sa kakalakad.
"ito pa yong hinde natin na experience, kaya go." natatawang sagot nya na maski sya ay tagaktak narin Ang pawis."
"nakakamatay naman tong content nato." hinihingal na turan nito.
"ok lang Yan, minsan lang to." Ani Dana habang kumukuha ng mga pictures sa paligid ng bundok kung saan Sila nag hiking. si Lily naman ay busy sa pag bi- video.
Nasa kalagitnaan sila ng kanilang ginagawa ng tumunog ang cellphone ni Dana.
"yes, hello." Ani Dana ng sagutin Ang tawag di man lang nya tiningnan Ang pangalan ng tumatawag.
"I'm in your coffee shop, at wala ka, nasaan ka?" ma utoridad na tanong sa kabilang linya.
Kilalang kilala nya Ang boses na yun. na hampas nya Ang sariling noo sa napagtanto kung bakit di man lang muna nya tiningnan ang tumatawag.
"eh, malay ko ba na darating ka, di ka man lang nag Sabi." ungot nya pero Ang totoo medyo kinakabahan din sya. bihira lang itong tumawag kaya alam nya pag tumawag ito ay importanti yun.
"I've been calling you but you didn't even care to check your phone, or maybe ibang phone ang lagi mong ginagamit at hinde ko alam ang number." matigas na turan sa kabilang linya.
"O-o na oo na, eh kasi naman" angil nya na hinde natapos ang ibang sasabihin dahil nag sasalita na naman ito.
"where are you?"
"Tagaytay, nag hahike." tarantang sagot nya.
"send me your your location, now " Galit na wika ni Daven at pinutol na ang linya.
Na putol na Ang linya kaya naman bubulong bulong sa hangin si Dana.
"Ano sis bat ka naka nguso dyan?" tanong ni Lily ng makita syang nakabusangot.
"Parating na si herodes," naiinis na sagot nya.
"Si herodes as in yong asawa mo?" kompirma nito na nanlalaki pa ang mga mata sa gulat. kilala nito ang kanyang asawa.
"oo" tipid na sagot nya.
"talaga ba, hay salamat pagkatapos kung ma pagod sa pag hahike atlest makaka kita ako ng totoong gwapo, mabubusog ang mga beautiful eyes ko mamaya." ani Lily habang nag biblink ang mga mata
"taposin na natin to at ng makababa na tayo, wrong timing naman kasi sya." naiinis na litanya nya.
"ok lang yan sisy matagal ang byahe lalo na tanghali ngayon ma traffic pa sa daan." si Lily na nangangarag narin.
"naku, lalo na ma bwesit yun pagka mabagal, naiinis pa naman yun pag pinaghihintay." si Dana sa nag aalalang boses.
"lagot na tayo nito sisy."
"kung bakit naman kasi naisipan nun na puntahan ako." naiinis nyang turan.
pababa na sila nang mag ring uli ang kanyang phone. kinakabahan man ay sinagot nya parin ang tawag alam nyang si Daven iyon.
"hello,"
"where are you?, don't make me wait Dana". matigas na wika nito.
"malamang nasa tagaytay parin, ano ba akala mo pwedi akung lumipad ala DARNA, ding ang bato." naiinis ding sagot nya.
"you better make fast, or else." ibinitin nito ang salita.
"or else what?" Galit din sya. "Ikaw tong pupunta sa akin Ikaw payong Galit, ayos din noh." sigaw nya rito.
Hindi sya mag papatalo, makikita nito.
mag sasalita pa sana sya ng matanaw nya na sa de kalayuan ang taong kausap.
"sisy nakarating agad ang asawa mo, ang bilis naman ata, lumipad sila." takang tanong ni Lily.
"Ganon nga siguro." sang ayun nya Kay Lily.
hapong hapo si Dana ng marating nya ang waiting area kung saan nila iniwan ang mga gamit.
lumapit sya agad kay Daven ng makita nyang prente itong naka upo sa isang silya habang naka tayo naman ang dalawang personal bodyguard nito sa tabi.
"kanina ka paba?" tanong na lamang nya.
hinde sya nito sinagot, bagkos ay tinititigan sya nito mula ulo Hanggang papa, kinakabahan man si Dana pero di nya iyon pinahalata dito.
"ganyan ba ang pag bati ng isang Asawa, it's been four months Dana,"
matigas ang bawat salita ni Daven na mas lalong ikina kaba nya. idagdag pang ang tingin nito ay tila sya hinihigop. aminin man nya o hinde Ang gwapo ng asawa nya kahit pa galit ito.
bagay na bagay dito ang suit na Amerikana, samantalang sya tagaktak ang pawis habang ang kanyang buhok na basta nalang epenosod na may ilang hibla rin na bumabagsak sa mukha.
"Hinde naman kasi ako na inform na puntahan mo ko now." kunwaring bali wala nya.
"I told you not to do any stupid things para walang maging problema but you still did."
DAVEN POV
sa too lang gandang ganda sya sa asawa nya na nakatayo na ngayon sa kanyang harapan. gandang di nakakasawa, siguro kahit mag hapon nya itong pag masdan di sya mag sasawa kahit pa tagaktak ito ng pawis at wala sa ayos ang maitim at bagsak na buhok na epenosod dahil sa haba nito ay hinde iyon naging dahilan para mabawasan ang ganda nito. parang anghel sa langit Ang kanyang imahe
pero di nya pinahalata dito na masaya sya at kamuntik na nya itong yakapin ngunit pinigilan nya Ang sarili. sa totoo lang gusto nya itong pauwiin sa bahay para makita nya ito araw-araw pero alam nyang pag ginawa nya iyon mag tataka lang ito, he also want Dana to explore sa mga pangarap nito kaka graduate lang nito sa pag aaral.
Napilitan lamang ito sa kasal nila ng pakiusapan ng kanyang Lola na pakasalan sya. at dahil ang Lola nya ang nagpa aral sa dalawang nakakatandang kapatid nito at pati narin si Dana kaya di na ito nakapag reklamo pa ng hingin ng kanyang Lola sa magulang nito na e pakasal sila.
"Anong sinasabi mong stupid things?"
tanong ni Dana na naka kunot noo, na syang dahilan para mka balik sa kasalukuyan Ang kanyang iniisip.
"here,"
kinuha ni Daven ang cellphone at epinakita sa kanya ang nag viral nyang video. kuha iyon sa isa nyang content ang papansin challenge na ikinagat naman ng isang lalaki na biglang lumapit sa kanya at nag palipad hangin, naging viral iyon isang linggo na ang nakaraan.
"oh, eh ano naman content lang naman yan." baliwala nyang sagot.
"well, I hope ganyan mag isip si grandma."
"nag punta ka dito dahil lang dyan?" di maka paniwalang tanong nya.
"yes, and fix your self dahil uuwi tayo sa farm." naka pa maywang na utos nito.
"bakit tayo uuwi?" takang tanong nya.
"seriously Dana? your asking that?" di maka paniwalang tanong ni Daven.
"yes, Wala naman akung nakitang mali ah, it's just for the sake of the show." kunot noong wika nya.
"explain that later, for now pack your things and let's go." mautoridad na utos nito.
"sandali, as in now?"
"yes." matigas na turan ni Daven
"eh, hinde pa kami tapos eh."
"let Lily do that." matigas na turan nito at binalingan si Lily.
"miss Lily, lagi kayo mag Kasama Hindi ba?"
"abah, syempre, magka dikit kami kahit saan." maarting sagot ng mahaderang best friend nya.
"kung ganon maari bang ikaw muna ang bahala sa ginagawa nyo ?"
cool na bigkas ni Daven na may mapang akit na ngiti, at Ang hitad nyang best friend naki ayun naman agad.
"oo naman basta ikaw Daven my love pweding pwedi."
"it's settled then," anito at bumaling uli Kay Dana. "now fix your things," matigas na utos nito sa kanya.
Wala syang nagawa kundi ang sumunod na lamang.
CHAPTER TWO
DAVEN FARMA
"Welcome home iha." salubong agad ng Lola ni Daven ng makababa sila ng kotse.
"hello Lola, sorry kung ngayon lang kami naka bisita." Kiming turan ni Dana, sabay yakap sa matanda.
sa edad nitong 71 di mo maikakaila na mas Bata ito tingnan kesa sa edad nito. maganda parin ito kaya naman may pinag manahan si Daven, kahit Ang mommy nito na sa picture nya lang Nakita dahil matagal ng patay ay maganda rin.
"Nag tatampo na Ako sa inyong dalawa," nakaingos na sabi nito sabay lipat ng tingin ka Daven, "Ikaw Naman, Ano na? Wala ka parin bang e pinunla ka Dana at parang wla namang laman parin Ang tyan."
"Lola, hindi naman ganon ka dali mag buntis ang babae " nanlalaki ang mata ni Daven sa pag sagot.
"Jusko lord, ito agad ang bungad". bulong ni Dana sa Sarili na umiwas ng tingin ka Daven.
"Ang hina mo naman apo kung Ganon." sabat ng Lolo nya na di nila namalayang papalapit na Pala sa kanila.
"busy lang sa work lo, but don't you guys worry we're working on it, hintay lang Tayo ng kunti," wika ni Daven at binalingan si Dana. "right wifey?" pinanlalakihan sya ng mata nito.
"o-opo" napipilitang sagot nya, sa totoo lang nakakatakot Ang Lolo ni Daven bihira itong mag salita di tulad ng Lola nito na madaldal. mabait naman ito kaso nga lang masyado itong seryoso at may istriktong aura. "balak na nga po namin na gamitin yong ni regalo nyo pong vacation trip." nasabi na lamang ni Dana sa kawalan ng ma apuhap na sasabihin.
"then good," anang Lolo ni Davin, binalingan nito si Davin, "bakit naman kasi Ang tagal bago kayo nag decide na mag Honeymoon trip." seryosong tanong nito na palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa na tila nang aarok.
"busy po si Davin Lo."
"busy po si Dana Lo."
magka sabay na wika nila. nagka tinginan pa sila.
"hunmmmm, di bali ngayong andito na kayo sabihin nyo lang kung saan nyo gusto mag Honeymoon." anang Lolo ni Daven. "give us a grandchild apo bago pa kami tuluyang mama alam sa mundo gusto namin makita ang apo namin Sayo." tila isa iyong utos, at bumaling Kay Dana, " Dana iha, I don't think ok kapa sa trabaho mo you don't need that work Hindi nakaka tulong sa inyo ni Daven pag maraming umaaligid Sayo." seryosong turan nito.
tila naman di maka sagot si Dana. "c-content lang po yun lo." na utal na sagot nya alam nyang ang viral video ang ibig nitong sabihin.
"it can't help to both of you, focus on Daven para mas mabibigyan nyo ng chance ang isat -isa." anito sa mautorid na boses.
"lo Dana is still adjusting di madali sa kanya na kalimutan ang mga pangarap nya, remember we just forced her to this married." Ani Thunder na ipinag tanggol sya.
nakikinig lamang sya sa palitan ng salita ng dalawa habang ang Lola nito ay nakikinig rin.
"and when are you going to give a chance for each other?" may himig na galit ang boses nito.
"please give us time lo." nakiki usap na tinig ni Daven.
"ok, besides na banggit narin ni Dana ang bakasyon take that soon as possible, make your move or else alam muna ang mangyayari."
napa buntong hininga naman si Daven bago na kuhang sumagot. "we will have a vocation trip tomorrow there's no need to worry lo."
ang Lola na ni Daven ang sumagot.
"oh, gosh, ngayon palang excited na ako para sa apo ko sa tuhod." anang Lola naman ni Daven na kita sa mukha Ang saya.
di malaman ni Dana kung ano ang mararamdaman.
"hey, your blushing Love excited kana ba sa honeymoon?" naniningkit ang mga mata ni Daven inaasar nya si Dana, nagawa pa ni Daven ang mag joke sa kabila ng tensyon
kinurot ni Dana sa tagiliran si Daven at pinandilatan ng mata.
"oh sya, tayo na sa hapag kainan ng makakain na." aya ng ginang.
matapos mag hapunan dumiritso na ng silid si Dana at Daven. silid iyon ni Daven nong binata pa sya at sa hanggang sa kasulukuyan ng matapos Silang ikasal ay doon parin gusto ng binata tumuloy kahit pa marami namang kwarto ang mansyon. kahit naaasiwa si Dana pumas ok na lamang sya hindi naman ito ang unang beses na naka pasok sya sa naturang kwarto, dahil dati paman taga linis din sya noong nag aaral pa sya pag walang pasok sya lagi ang naka tukang mag linis sa silid na iyon.
"hey, bat ka nag lalatag dyan sa sahig?" kunot noo na tanong ni Daven ng makitang nag sisimulang mag latag ng comporter si Dana.
"malamang tutulugan." Singhal ni Dana.
"and who said na dyan ka matutulog?" matigas na wika ni Daven.
"Ako, sinabihan ko sarili ko," turo ni Dana.
pinagpag ni Daven ang kama, "come here, dito ka matutulog sa tabi ko." ma utoridad na utos nito.
"seryos yarn?" angil ni Dana.
"o baka gusto mo dito na natin gagawin ang honeymoon." pilyong wika nito bilang panakot sa kanya.
"hindi, may red alert ako." pinanlakihan nya to ng mata.
"pumapatol ako kahit pa may red alert." natatawang wika ni Daven.
"weeee, di nga, kadiri ka naman." Nan lalaki ang mga mata ni Dana.
"matulog kana nga dito sa tabi ko." natatawa na lamang si Daven sa mga hirit ni Dana.
"dito na nga sabi ako, mamaya nyan matagusan pa yang maputing bedsheet." kontra parin nya.
"seriously Dana?" tila naiinis na wika ni Daven. "wag mo alalahanin ang bedsheet may taga laba tayo, at wag kana kumontra doon din naman tayo papunta." seryosong turan ni Daven na tinititigan sya.
"seryoso ba yan?" na Sabi na lamang ni Dana kahit sa una palang alam naman na nya na kaylangan nilang bigyan ng apo ang Lolo at Lola nito dahil yun Ang dahilan bakit sila ikinasal.
"ano ba sa tingin mo?" tila nang aarok na tanong din ni Daven.
"hindi ako makatingin," biro na lamang nya.
"halika na, matulog na tayo, saka na tayo gagawa ng baby pag tapos na yang red alert mo." natatawang litanya ni Daven.
"kainis to, parang biro na lang ang ganyang bagay," inirapan nya ito.
"you forgot were married, natural lang yun." kaswal na turan ni Daven sabay urong ng kunti sa kama.
maluwag naman ang kama dahil malaki iyon. Wala na ngang nagawa pa si Dana kundi ang tumabi.
"e ikinasal lang tayo pero hindi tayo talagang couple." paalala nya.
"mas may karapatan ako sa katawan mo dahil kasal tayo kesa sa couple tayo." nakangiting turan ni Daven.
"manyak na to, katawan ko lang gusto mo." naiinis na si Dana.
"ano pa ba? lalaki ako buti nga di ko pa ginawa sayo, so you see Im still good coz I didn't force you to do it after our wedding." mahabang litanya nito.
"good kapa sa ganun ha," naitirik na lamang ni Dana ang paningin sa kawalan. "kung bakit naman kasi di ka man lang tumutol sa kasal." bubulong bulong na wika ni Dana sabay ayos sa pagkaka higa sa tabi nito.
"you know that I can't," tumagilid si Daven paharap sa kanya.
"apo ka mas may karapatan Kang tumutol." angil nya.
"you know how much I respect them, at ikaw bakit di karin umayaw?" balik tanong ni Davin.
"sa laki ng utang na loob ng pamilya namin sa grandparents mo, sa palagay mo may guts ako to escape?" tanong din ang sagot ni nya.
"hunmmm, so, start to be ready, we will working our first baby." malambing na bulong ni Daven sa tenga ni Dana.
"di mo naman kelangan e bulong sa tenga ko magka tabi lang naman tayo maririnig po kita." Nan lalaki ang eye balls ni Dana sa narinig, e dagdag pang para syang kiniliti ng mag lapit Ang katawan nila.
natatawa na lamang si Daven, he really loves talking Dana noon paman, kaya everytime na uuwi sya sa Farm sinasadya nya talagang lumapit dito, lagi syang nag kukunwaring may kelangan. pero Ang totoo alibay nya lamang iyon.
"your really funny ever since, Dana."
"uy, teka lang, ano yong Sabi mo we will working our first baby?" Nan lalaki ang mga mata nya ng ma realize Ang sinabi nito, "you mean my second pa?"
"yes," nakangiting sagot ni Daven, "and not just second may tree, four, five and six."
"dyos ko po, mahabaging langit ano ako inahing baboy."
nahintakutang napa urong sya sa hinihigaan mabuti nalang maagap si Daven kaya sya di tuluyang nahulog sa kama.
"hey! don't move to much mahuhulog ka." nag aalalang wika ni Daven.
"mas ok ng mahulog sa kama kesa ma hulog Sayo." hirit ni Dana.
"huh?" naka kunot noo si Daven.
"nakaka lusyang yang trip mo, Diba pwedi Isa lang? " hirit nya.
"nope, only child ako, naiinggit ako sa maraming kapatid, that's why now that I'm married I say to it na dadamihan ko mga anak ko, kaya ko naman silang buhayin."
"naku po." nasambit na lamang nya.
"so? where you wanna go for our vacation?" bigla nitong tanong.
"sa Luneta," nang iinis na sagot ni Dana.
"your not taking it seriously." Ani Daven at kumuha ng cellphone sa tabi para mag search ng lugar. "I'm waiting for your answer Dana."
"eh, san mo ba gusto?" balik tanong ni Dana.
"sa mundo mo." biglang hirit ni Daven.
napatigil si Dana sa pag scroll ng cellphone at napa baling ng tingin dito.
Nakita nyang busy naman ito sa pag search kaya binaliwala na lamang nya Ang narinig.
"sa bagay mas ok na yong mundo ko, kesa sa mundo mo."
utomatikong napa baling din ang tingen ni Daven sa kanya, nakangiting pinasingkit pa ni Dana ang mata sabay peace sign ng kamay.
nagka tawanan na lamang sila.
"but seryosly learn on how to embrace this situation para Hindi kna mahihirapan dahil papunta na Tayo don ." biglang seryoso ni Daven.
"haizzzt , goodbye pangarap na nga talaga ako," malungkot na turan nya.
naka tulog Sila sa mga iniisip.
CHAPTER TREE
GOTCHAAAA GOH...
"Hello Lily," Ani Dana sa kabilang linya.
"sizzy asan kana ba?" tanong agad ni Lily na tumitili pa sa kabilang linya.
"sizzy di ako mka punta sa coffee shop, ikaw na muna ang bahala sa lahat."
"why? ano nangyayari?" takang tanong ni Lily.
"kelangan ko munang samahan si Daven."
"oh, go sizzy, e tutuloy nyo na ba Ang honeymoon, go for it at ng makarami."
Ang hitad nyang kaibigan nang gatong pa.
"Ikaw talaga sizzy, support yarn."
"ano kaba naman sizzy, dun din naman kau pupunta patatagalin nyo pa eh alams naman talaga natin na yun ang reason why ikinasal kayo."
walang gatol na turan nito sa kabilang linya.
"oo na, oo na, sige na Ikaw na bahala Dyan sizzy."
"ninang ako ha."
dinig na dinig ni Dana ang bungisngis ni Lily sa kabilang linya.
napapailing na lamang sya.
"your ready? Wala kana bang nakalimutan?"
tanong sa kanya ni Daven. naka bihis na ito at handa narin para sa kanilang byahe.
"ok na ako, aalis naba tayo?" maikling tugon nya.
"yeah, were leaving."
pagka baba nila mula sa pangalawang palapag ng mansyon sa hagdan palang naririnig na nya ang senyora na nag uutos.
"oh, apo, ready na si Berting, all set na lahat." tukoy ng ginang sa driver nila.
"thanks La for everything."
humalik si Daven sa pisnge ng Lola, ganun narin ang ginawa nya.
"don't forget to send my regards to them all." anang Lola nito.
"of course La."
nag palinga linga si Daven.
"your Lolo is not here, nag lilibot sa farm, any way sabi nya wag mo daw kalilimutan ang bilin nya."
"ok La." iiling iling na lamang si Daven, ma kwela talaga ang grandparents nya.
"ingat kayo eha, laging kumain ng mga gulay para pag may laman na ang tyan di kana mahihirapang mag padede." nakangiting paalala nito.
napapatango na lamang si Dana. pakiramdam nya pulang pula na ang pisnge nya sa hiya.
"La Don't pressure her, " saway ni Daven.
lulan na Sila ng sasakyan at sa wakas nakahinga na sya ng maluwag sa mga paalala ng Lola nito.
di paman sya naka idlip napansin nyang papunta sa kanila ang daan na binabagtas.
"papunta sa Amin to ah." baling nya ka Daven na prenting naka upon sa tabi nya habang nag babasa ng libro.
nakakahanga talaga ang talino nito Ang hilig mag basa.
"e tabi mo lang manong." baling ni Daven sa driver, hindi nya sinagot ang tanong ni Dana.
huminto sa tapat ng gate ng bahay nila ang sasakyan.
"we're here, " ani Daven sa kay Dana.
nagtataka man ay sumunod na lamang sya sa pag labas nito ng sasakyan. di paman sya tuluyang nka labas sa sasakyan naririnig na nya ang mga magulang na excited na sumalubong sa kanila.
"Dana anak." nanay nya na halos maiyak pagka kita sa kanya.
ilang buwan din kasi syang di naka dalaw sa mga magulang dahil naging busy sya sa mga gusto nyang gawin.
"nanay," tawag nya sa ina, ng maka lapit niyakap nya ito agad, ganun din ang kanyang ama. "kumosta po ma, pa? miss na miss kona PO kau, di PO ako naka dalaw sa sobrang Dami kung ginawa." paumanhin nya. Ang saya nya ng makita ang kanyang magulang.
"abay, ok lang anak lagi ka namang tumatawag, at maraming salamat sa mga pinapadala mo " anang nanay nya.
"senyorito, maraming salamat at dito kayo nag bakasyon." anang tatay nya nya na hinarap naman si Daven.
"hindi na PO ata tama na senyorito parin PO Tay ang itatawag nyo sa akin, lalo na PO at anak nyo na rin PO ako." Ani Daven sabay mano dito at sa nanay nya.
tiningnan na lamang nya si Daven ng na tatanong na tingin, nginitian lamang sya nito.
"abay, oo nga naman Hernan anak narin natin sya." napapangiting turan ng kanyang ina sa kanyang ama.
"oo nga, pasensya nat nakalimutan ko pa gawa ng naka sanayan na anak," anang tatay na nakangiting niyakap si Daven.
gumanti rin ng yakap si Daven dito nagkatawanan.
nakakatuwa at nakakahanga talaga to si Daven mula paman noon mabuti talaga ito makitungo sa mga tauhan ng Farm.
at noon paman malapit na ito sa kanyang ama, kaya nong hiniling ng grandparents nito na ekasal sila pumayag narin ang kanyang mga magulang.
"pasok na tayo sa loob," anang Tatay
"oo nga at ng makakain na sigurado gutom na kau sa byahe." anang nanay
"mabuti pa nga PO." si Daven na feel at home lang ang peg.
nasa hapag kainan na sila ng dumating ang nakababatang kapatid nya.
"hi ate,"
yakap ng kapatid nya mula sa likuran nya dahil naka upo sya na kasulukuyang kumakain.
"oh, nag aaral ba ng mabuti Bini." ngiting tanong nya na yakap nya rin ang kapatid.
"oo naman PO ate, idol kaya kita at top ako sa school noh." pag mamayabang ng kapatid nya.
"talaga ba, nakakatuwa naman, sulit pala ang pagod ko." masayang bulalas nya.
nakatanaw lamang si Daven sa mag kapatid na nakangiti.
"ay, andito rin pala si kuya Daven, hello kuya, ang gwapo nyo parin PO." baling nito Kay Daven na tila kinikilig pa.
natawa na lamang silang lahat.
"thank you Bini, buti kapa napansin mo yong kapogian ko, pero si Dana di man lang marunong tumingin ng gwapo." kunwaring maktol nito.
"kunwari lang yan si ate kuya pero naka hidden lang ang kilig nyan." pang aasar ng kapatid nya.
"tumigil ka Dyan Bini." saway ni Dana.
napuno ng kwentuhan ang kanilang pananghalian.
sa kwarto nya sila tumuloy para mag ayos ng gamit na dala nila.
"you have a beautiful family," ani Daven na naka tingin lang sa ginagawa nya. printe itong naka upo lang sa gilid ng kama nya.
"oo naman, kahit hindi kami mayaman ok lang kasi mayaman naman kasi kami sa pag mamahal ng magulang namin." sagot nya habang nag sasalansan ng gamit sa aparador.
"gusto ko rin ng ganitong pamilya," seryosong turan nito.
"bakit kasi wala kang mga kapatid eh kung tutuusin kahit isang dosenang anak kayang kaya naman ng mga magulang mo, tinginan mo tuloy ang lungkot mo." wika ni Dana na mga damit naman ni Daven ang inayos.
"cs ang mom ko, nahirapan sya ng ipinanganak ako, at nong dapat plinano na ng parents ko na sundan ako saka naman nagka car accident that's why I'm alone." malungkot na salaysay ni Daven.
napatigil naman si Dana sa ginagawa at napatingin dito.
"sorry di ko sinasadyang ungkatin Ang nangyari sa magulang mo." nakaramdam naman sya ng awa para dito.
"it's ok, matagal na yun, and besides gagawa na ako ng sarili ko."
"oh, din good for you." Wala sa sariling tugon nya.
"with you, so be ready we're about to build our own beautiful child." seryosong wika nito na titig na titig ka Dana.
"aysus! maryusep, bakit ba ako sumang ayun ako nga pala ang asawa mo." naibulalas na lamang ni Dana ng mapag tanto Ang sinabi nito.
"don't tell me na nakakalimot ka na kasal kana." kunot noong turan nito.
"oo paminsan minsan, panu naman kasi senyorito PO kita dati, lagi nyo nga PO ako inuutusan, at hindi naman kita boyfriend." hinarap ni Dana si Daven, "kung bakit naman kasi hindi ka nalang nag pakasal sa girlfriend mo, sa looks mong yan, sure naman ako noh na marami kanang naging nobya."
"sa looks Kung to, so meaning na gagwapuhan karin sa akin." nakangiting wika nito.
"oo na may hitsura kana." pinaikot ni Dana ang eye ball at nag pa tuloy sa ginagawang pag tutupi.
naka salampak sya sa sahig habang si Daven naka upo parin sa gilid ng kama na pinag mamasdan sya.
"hitsura lang, ayaw mulang aminin na gagwapuhan karin talaga sa akin." pang aasar pa nya.
napapangiti sya na nasisilayan nya si Dana sa napaka simpling pananamit. para sa kanya ang pagiging simple nito ang naging dahilan para magustuhan ito. he dated a lot of girls before yong iba a simple one night stand lahat ng yun after ng mga date wala na syang paki, but Dana is different among those girls. sa suot nitong malaking t-shirt na medyo kupasin narin at short na maluwag na hanggang tuhod Ang haba maganda parin tingnan, dahil sadyang maganda ito ang kinis ng mukha na halatang walang bahid surgery o makeup. he really loves waking up every morning besides this woman.
"nuknukan PO talaga kau ng yabang., pero sege pag bibigyan kita oo na PO senyorito gwapo PO kau sa Facebook sa personal hindi." tawang tawa si Dana sa kalokuhan nya.
"segi tawa kapa dyan, pag ako ininis mo gagawa na tayo ngayon ng first baby." asar nya rin.
biglang umayos ng upo si Dana.
"ito naman si Daven di man lang ma joke."
"hindi yan joke talagang gagawa na tayo."
"di pa tapos red alert ko noh." pag dadahilan nya.
"wag mo ako pinag luluko Dana." biglang dumilim mukha nito.
"two weeks kaya yong red alert ko bago matapos."
"seriously?" tila naiinis na napa buntong hininga na lamang si Daven.
"oo, ganun talaga, at Isa pa dito talaga tayo gagawa eh bahay to ng magulang ko." Dana na nag papalusot.
"ano naman masama dun, eh, matagal naman na nila alam na ginagawa na natin yun dahil nga mag asawa na nga tayo." napa buntong hininga na lamang si Daven kahit alam na alam nya na nag dadahilan lang si Dana ayaw naman nya itong pilitin.
"Akala ko ba aalis tayo ng bansa?" Wala ka namang sinabi na dito pala tayo mag ha honeymoon, pero thank you ha naka bisita tayo sa pamilya ko." masayang wika nya.
"thankfully, now you at least appreciate me." tatango tangong wika nito. "it was a surprise actually, we live here for one week and next week we have our real honeymoon to korea."
"wow! parang totoo na talaga tayong mag asawa ah."
"bakit hindi ba?" kunot noong tanong ni Daven.
"I mean, sa ginagawa mo parang," ibinitin muna saglit ni Dana ang sasabihin, "ito kaklaruhin kulang ha, sa ginagawa mo parang love mo ko kung hindi ko lang alam na force married to aakalain kung may nararamdaman ka sa akin."
tumayo na si Dana mula sa pagkaka upo.
"where are you going?" tanong ni Daven.
"mag papalit PO ng kurtina at kobre kama." naka taas kilay na sagot ni Dana.
"ok, I'll help you."
"wagna magaan lang naman ang kurtina di kaylangan ng muscle yarn " kuntra nya.
"it's ok, still wanna help you."
"ok, kaw bahala."
KURTINA SCENE....
"may feelings o wala dahil kasal tayo you have no choice kundi to stay a Decade's with me my Love." biglang bulong ni Daven sa tenga nya.
medyo napa urong naman si Dana mula dito dahil pakiramdam nya nakaka kuryenti ang pag lapit nito.
"ok kala g sa Ganon?"
"Ang alin ang di ok?" takang tanong ni Daven.
"yong kahit walang fellings makikipag dikdikan bah." Nan lalaki ang mga mata ni Dana.
"well yah.." maikling tugon ni Daven.
"sa inyong mga lalaki oo, pero kaming mga babae parang ang hirap na e bigay yong isang bagay sa taong di namin gusto."
"why? hindi mo ba ako gusto?" nakatitig na tanong ni Daven.
"tinatanong mo talaga yan?" gulat si Dana sa tanong nito.
"oo" naka busangot na maikling tugon ni Daven.
"bakit gusto mo rin ba ako?" naiinis na sagot tanong din nya. di sya mag papa uto dito.
"ok, thank you for answering me." nakangiting wika na nito.
"ano?" nag taka naman sya.
"you just said and ask if gusto RIN ba kita?" diniinan pa nito ang salitang rin.
"Ganon? mali pagka rinig mo at pagka sabi ko." pinandilatan nya ito ng mata.
"huli kana nga dini denay mo pa." bubulong bulong si Daven sa hangin na abot naman ng pan dinig ni Dana.
"ok, sabihin na nating crush kita, kasi totoo naman na gwapo ka at mayaman ka oh, pasok ka sa mga criteria ko sa ideal man ko." naka pamaywang na turan nya.
"ows, crush lang?" natatawang pang asar pa ni Daven.
"wag kana mangarap na lalampas pa sa crush paghanga lang yun dahil mayaman ka." natatawa narin si Dana, Ewan ba nya sadyang magaan lang talaga kausap si Daven ngayon parang tila na wala yong pagiging strikto nito.
"hunmmm, ok lang yan crush rin naman kita." biglang sabi nito.
napatanga naman si Dana dito.
"talaga ba?" na curious sya bigla.
"oo naman," kaswal na sagot nito.
"crush mo ko dahil?"
"dahil mabait Kang anak tapos may 2.5 million followers kana sa pag va-vlog mo meaning may pera kana rin, di na ako lugi sayo." natatawang wika nito.
"kaasar to, yun lang? maganda rin naman ako ah." angal nya.
"well, oo pwedi na," binitiwan ni Daven ang ang Kurtina, saka tinititigan si Dana mula ulo Hanggang paa. "sa bagay kahit kupas na damit at mukha kang manang sa suot mo you still look attractive."
"Ganon, salamat ha, na pansin mo talaga tong damit ko ah, for the info PO, ganito lang PO kasi ang taong pinakasalan nyo, eh sana pala PO yong modelo mong girlfriend.
CHAPTER FOUR
TWO DAYS LATER
"nakaka bilib talaga itong si senyorito Daven marunong maki bagay at maki halobilo sa mga mahihirap khit pa laking mayaman ito." anang tatay nya.