Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

I Became The Villain's Wife (Lazygelie)

Lazygelie
14
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 14 chs / week.
--
NOT RATINGS
1.7k
Views
Synopsis
Ally Cole, an ordinary person, was deeply absorbed in an online novel when she was suddenly stabbed by a thief and died. But when Ally woke up, she found herself inside the very novel she had been reading—becoming a minor character and, shockingly, the villain's wife! She believes she's trapped in the story, but what if there's more to this strange new reality?
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Any resemblance to names, people and events are coincidental or either in the products of my imaginations only and used in a fictitious manner.

Expect every chapter of this story to have wrong grammars, typos at mga spelling po so bear with me please. And also watch out po sa strong language (Such as cursing, etc;)

***

Kakatapos lang ng shift ko sa isang convenience store kung saan ako nag part time job.

I'm a fresh graduate student at habang wala pa akong natanggap na tawag sa mga kompanyang inaaplyan ko ay magpapart time muna ako sa convenience store ng parents ko.

"Sorry talaga natagalan ako!" rinig kong pagpapaumanhin ni Sanny na kasunod ng shift ko.

24 hours kasi ang convenience store namin. Though may kasama pa kaming dalawa pero matagalan daw sila pumasok kasi may mga night classes pa sila.

Paalis na ako sa cashier stand ay bukambibig na naman ni Sanny ang istoryang binabasa nito online.

"Naku! Wala na si Zion siya pa naman ang idol ko sa istoryang binasa ko!" rinig kong sambit ni Sanny.

Napailing nalang ako sa mga sinasabi niya.

Nagbabasa kasi ito ng novel online and she's so obsessed with the villain on it kasi pogi daw ito kahit walang portrait naman, psh.

"Obviously, villain iyang Zion na 'yan kaya for sure mawawala talaga siya para happy ending ang mga bida!" ani ko.

Nakasimangot itong umiling-iling.

Hindi ko pa nabasa ang binabasa niya online but may ideya na rin ako dahil na rin ito ang palaging bukambibig niya pag mag change shift na kami.

"Haystt! Basta! Mas pogi pa naman si Zion kaysa sa male lead ah! Saka widow na si Zion kaya okay lang," anito.

I roll my eyes because of what she said.

"Ewan ko sayo, Sanny," ani ko nalang.

Narinig kong tumawa ito at nang paalis na ako sa convenience store ay bigla niya akong tumawag kaya nilingon ko siya.

"Bakit?"

"May usap-usapang may mga magnanakaw sa kalye rito sa district natin kaya mag-ingat ka pauwi," nag-aalalang sambit niya.

Napangiti tuloy ako.

May kumakalat na ngang balita tungkol sa mga krimen na naganap rito sa area namin. I know it's so scary pero kasi wala tayong magagawa kundi mag-ingat talaga.

"Don't worry! Ano ka ba?" ani ko, "Malapit lang naman ang bahay namin rito."

"Pero kasi.." napakamot ito sa batok niya bago nagsalita ulit, "Utos pa naman ng Papa mo na kapag tapos na ang shift mo ay tatawagin ko siya kung sakali."

Napangiti tuloy ako dahil sa sinabi. Kahit kailan talaga sina Mama at Papa, malaki na ako but they still treat me like a child.

"Okay lang talaga, Sanny," kumbinsi ko nito.

Pero umiling lang siya at parang maiiyak na talaga.

"Tawagin ko nalang kaya ang Mama o Papa mo para may sumundo sa iyo rito," biglang sambit nito.

Nanlaki tuloy ang mata ko. Naku!

Umiling ako, "Huwag na oy! Busy pa sila Mama sa bagong stocks na dadating para bukas."

"Gabi pa naman ngayon," anito, "Saka may nagaganap pa namang krimen kagabi saka hindi pa nahuli ng mga pulis ang suspect!"

Bumuga ako ng hangin at nilapitan siya.

Nasa cashier kasi siya nakatayo at malapit lang ito sa pintuan kaya madali ko lang siyang lapitan.

"Ano ngang title ng binasa mo online?" I change the topic para hindi na ito mag-alala.

I saw her eyes change at nakangiti na ito sa akin kaya napailing-iling ako.

"My Lily! Search mo 'yan online!" anito.

Ginawa ko ang sinabi niya at marami ngang lumabas!

"Sige! Babasahi ko 'to ngayon," ani ko.

"I'm sure magugustuhan mo 'yan, Ally!" anito.

Tumango ako at nagpaalam na sa kaniya.

"Mag-ingat ka, Ally!" sambit ni Sanny.

I raise my hand as i wave at her as i leave the store.

Bumuga ako ng hangin ng nakaramdam ako ng malamig na hangin.

Even though it's 9 pm ay tahimik na ang paligid. Walang mga sasakyan na dumadaan, o kahit mga taong nagtatambay sa kalye.

Pinagtuonan ko nalang ng pansin ang istoryang 'My Lily' sa phone ko at binasa ang description nito.

Kumunot ang noo ko kasi may nakalagay na the villain's wife died in a mysterious way, so he became a widow early.

Walang pangalan na nakalagay about sa name ng asawa ni Zion Cartridge, the villain of the story.

Mahina lang akong naglakad habang binabasa ang istorya.

Kumulo ang dugo ko dahil sa mga bida. Wala naman silang koneksyon, kakayahan at parang nagdepend lang sila sa kakayahang ng pamilya nila.

"Tsk, good thing si Zion ang idol ni Sanny hindi itong si Carlo, the male lead!" mahinang usal ko.

Naiirita din ako sa female lead kasi kahit may jowa na ay palaging nakamasid kay Zion.

Kahit kumukulo na ang dugo ko sa galit ay pinagpatuloy ko pa rin itong basahin.

Naramdaman kong may sumusunod sa akin kaya huminto ako sa paglalakad at lumingon sa paligid ko pero wala akong nakitang tao.

"Weird," bulong ko.

May ilang kalye pa akong dadaanin para makarating na ako sa bahay namin.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy ng maglakad as I read the story sa phone ko.

Hindi ko na namalayan kung ilang chapter na ako pero I really hate the flow of the story. Like seriously!

As I was walking around I couldn't help but look ahead at may napansin akong may tao na nakaitim sa hindi kalayuan ko.

Napahinto tuloy ako sa paglalakad.

I can tell that the person is a man dahil na rin sa build ng katawan niya. He has a murderous aura around him. I hope hindi siya ang suspect na nasa balita rito sa area namin.

I'm contemplating whether to go pass by him or go back to the convenience store pero malayo na ako sa store. Saka malapit na din ako sa bahay namin.

I look down at my phone pero walang signal ito.

Napakamot tuloy ako sa buhok ko at tinignan ulit ang lalaki pero nawala na ito sa kinaroroonan niya kaya huminga ako ng maluwag.

Nagpatuloy na akong naglakad at binasa na ulit ang istorya sa phone ko as I walk faster this time.

I was about to turn my way nang bigla ko nalang napansin ang matulis na bagay na nakatusok sa gilid ng tiyan ko.

Biglang nawala ang matulis na bagay na nakatusok sa gilid ko pero inulit na naman ito sa tiyan ko.

Napaubo ako ng dugo as I feel him touching my bag. Nawalan ako ng kakayahan tumayo kaya napahiga ako sa lupa.

I feel him kicking my stomach as I tried to shout but I can feel his knife in my throat as he threatened me.

"Huwag kang sumigaw o papatayin kita!" giit nito.

Napapikit nalang ako sa sakit as he kicked me again and again as he smiles evily while looking down at me. He grip my neck so hard I can feel my throat hurting.

When he's satisfied with his deeds ay nagmamadali na itong tumakbo dala-dala ang bag ko.

I can't move both my hands and my feet. I want to shout for help but my throat hurts. Napangiwi ako sa sakit.

Masakit na ang katawan ko at gusto ng pumikit ang mga mata ko as I tried my blurriness to stare in the night sky as the stars shine brightly above.

I'm sorry, Ma, Pa. I'm making you both worry again. I'm sorry I didn't have a chance to say I love you and I'm sorry to both of you.

Hindi ko na nakayanan at pinikit ko na ang mga mata ko as the darkness surrounds me.

***

GEL