Chereads / My Love Wanderer / Chapter 1 - Chapter One

My Love Wanderer

🇵🇭Chicha_09
  • 7
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 32
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter One

Angeli's POV

" Anji! Hi, I've missed you, you look so beautiful, dear," My Best friend Aika. She's from Manila, it's summer vacation so she went here to El Nido, Palawan to stay for a few weeks.

"Bhe, niloko lang ako nong nireto mong matinong lalake." tinarayan ko siya habang abala ito sa pag aayos ng gamit niya sa guest room ng bahay namin. Oo bahay namin, dahil itong si Aika ay hindi naman taga rito, nakilala ko lang yan jan sa beach, nagpalitan kami ng number at naging magkaibigan kami. Nakakatawa nga eh, noong una naming pagkikita ay hindi ko siya gusto tapos ngayon ay para ng anak ang turing ni mama sa kanya. 

Speaking of mama.

"MAAAA! 'YONG SINAING KO." Nagulantang din si Aika sa sigaw ko at dali daling bumaba ng hagdan, second floor pa kase ang guest room namin, pero lahat ng kwarto ng mga nakatira dito ay nasa baba. 

Punyeta! Yung sinaing ko sunog na.

"Kasalanan mo kase 'tong babae ka, kung hindi ka din naman pa surprise pumunta eh nakapag-ayos na ako dito sa bahay eh!"

Hayst….kainis.

"Sinisisi mo pa ako! Eh ikaw itong makakalimutin" mukhang gusto pang lumamaban 'tong pandak na ito. Papano ko nasabi? Four eleven lang kase siya.

"Pandak!" Asar ko at kinuha ang kalderong nakasalang pa sa uling.

"Araaayyyy" Hindi maipinta ang mukha ko sa sakit ng napaso kong mga daliri. 

"Obob ka kasi, yan tuloy. Ang init pa naman niyan! Tsaka huwag mo nga akong tinatawag na pandak! Eh ikaw rin naman five feet lang, kapal ng mukha mo!" Natawa na lang ako ng napagtanto ang ingay namin. Saka lang pumasok sa isip ko na nandito sa Aika, makakasama ko na naman siya. 

"Namiss kita bhe." Sabay yakap ko sa kanya. Sa Manila siya nakatira, ako naman dito sa Palawan. Palagi niya rin naman akong binibisita pero hindi pa rin sapat dahil para na kaming kambal niyan sa sobrang close. 

"Para kang tanga! Kanina parang ayaw mo na nandito ako eh!" 

"Sorry na bhe. Punta tayo sa barangay bhe"

"Ayoko, dito muna tayo."

"G*ga ka ba?! Kailangan mong magpaalam kay mama na nandito ka!"

"Hindi na kailangan dahil alam niya na. Tinawagan ko siya kanina bago ang flight ko. Duh."

At inikot pa ang mga mata. Nakakainis talaga tong babaeng ito, pero kahit ganon, mahal ko yan.

Remio's POV 

"Nakakainis, nakalimutan ko ang charger ko." Aniya. 

"May powerbank ka naman 'diba? Gamitin mo muna." Nakatalikod si tito, inaayos ang mga gamit niya sa bag. 

Nasa eroplano na kami ngayon, kasama ang team. Sino sino? Kami nila Tito Ben, Daddy Boy, Ricky, Kuya Noy, Naj at syempre ako.

Nababadtrip pa rin ako, minamadali ako kanina ni Daddy Boy mag-ayos tapos pagkarating sa airport 3 hours pa pala before lumipad. Nakalimutan ko pa tuloy yong charger ko.

"Hayst naman!" Napapasinghal nalang ako habang pinapanood mga ulap sa labas. Ako kase ang nasa tabi ng bintana. 

"Miyo, pupunta tayo ng Palawan hindi para mag-cellphone, kung hindi para mag enjoy at makapag-upload naman tayo this week."

"Daddy Boy, iniisip ko lang kung papaano ako makakapag-aral doon."

"Aral ng ano, Miyo? Bakasyon niyo kaya." Ani naman ni Kuya Noy.

"Mahirap mga subjects next school year, kailangan ko mag advance reading." Pero hindi ito ang totoo. Iniisip ko talaga kung paano ko makakausap si Stacey. Nililigawan ko siya, classmate ko lang din. Pinakamaganda sa loob ng school. 

Ayoko sanang sumama kaso wala naman akong sariling income, kailangan ko din gumawa ng paraan para may sarili akong pera. Para naman hindi ako ngumawa kapag may date ako kasama si Stacey.

"Oh para kang tanga, ngumingiti ka ba dahil nagagandahan ka sa mga ulap o dahil sa bago mong nililigawan?"

Natawa na lang din ako sa sarili ko. Hays ano ba 'to, inlove na talaga ako sa babaeng 'yon. Well, kaya ko din naman siyang mapa-oo ng madalian eh. Yabang….

Hindi ko namalayan na nakapag-landing na pala ang eroplanong sinasakyan namin.

"Gamit mo, Miyo? Okay na?" Tanong ni Tito Ben. 

Well, syempre naayos na ang lahat. Maghahanap na lang siguro ako ng may Type C na charger mamaya. Kung magpapaalam akong bumili, hindi din ako papayagan dahil nga ang pinunta namin ay ang pag vlog. 

Sarap talaga ng hangin dito sa Palawan. We're here at El Nido na at ang masasabi ko lang ay mukhang mag-eenjoy naman ako. 

Nandito kami sa labas ng airport hinihintay sila Daddy Boy, kukunin ata nila 'ang inarkila na van, kasama ko dito si Tito Ben, Naj at Rick. Busy si Naj at Rick magpapicture sa mga nakakakilala sa amin. Grabe kilala kami sa Palawan. 

"Thank you po!" Nakakatuwa naman 'tong si ate, binigyan pa kaming tig-iisang chocolate, for sure galing ito sa ibang bansa.

"Nako! Ang pogi pala talaga nitong mga anak ni Sir Boy ano? Lalong lalo na itong panganay. Ano nga ang pangalan mo, hijo?" Tanong naman ng matandang kasama nila. Grabe napuri pa ang kapogian ko.

"Si Miyo po." Ngiti nalang, syempre charming eh.

"Sus naman na ngiti." Asar ng dalawang kambal. Laging sabay magsalita yang dalawa, kambal nga sila. 

"Sige na po at nandito na rin daw ang kasama namin, hehe nagtext na saakin eh. Maraming salamat po sa tsokolate." Ani Tito Ben.

"Salamat ho." Ani ng kambal. 

"Ingat ho kayo." Salamat na rin dahil sinabihan niyo akong pogi ay hindi lang pala ako, kaming tatlo daw magkakapatid.

Nandito na ang Daddy Boy at si Kuya Noy. Nakasakay na rin kami sa Van na rented namin. 

"Are you ready, Guys?" Tanong ni Kuya Noy. Syempre bago magsisimula ang lahat, kailangan ready ang lahat at sa hindi maipaliwanag na dahilan, oo ready na akong mag enjoy. Huwag na munang isipin ang mga taong nasa Manila, ienjoy lang muna ang buhay na nandito kami sa Palawan, minsan lang ito and kahit for the vlog lang, isang masarap sa pakiramdam pa rin ang makabisita sa El Nido.

"YES! READY NA!" nakakatuwa at sabay na naman ang birit ng kambal. 

Iba ang personalidad ng dalawang ito, sayang at hindi kasama si Cally, baby pa kase, our only baby girl sa family, kasama niya din naman si mama sa bahay. Pero mas maganda kung kasama din sila. 

Sa ngayon hindi pa namin alam kung saan kami makikituloy, pero for sure hindi kami sa hotel pupunta, dahil hindi lang lugar ang gusto namin makita kundi ang makilala ang mga taong nandito nakatira. 

"Kayo guys? Ready na din ba kayong makita ang ganda ng El Nido, Palawan?" Habang hawak ang camera, may mga ngiti ang mata at labi.Â