Chereads / MASKARA / Chapter 17 - Chapter 10

Chapter 17 - Chapter 10

Pagkaupo ko sa loob ng meeting room, pilit kong itinago ang ngiti na lumalabas sa mukha ko. Brian wala? Gusto Kong tumawa nang malakas dahil Dito pero pinigilan ko baka ang isipin nila ay nababaliw na Ako.

"Baka nga may sakit si Brian," sabi ng isang katrabaho . "Or baka napagod na sa kakapapansin kay Lara!" ayiee 

Narinig ko ang sagot ni Lara mula sa kabilang dulo ng lamesa. "Naku, tumigil nga kayo diyan. Brian is a good teammate, baka may emergency lang."

Teammate? Medyo napangiti ako nang konti. Buti na lang, Yan lang sinabi nya dahil ayaw Kong masiram ang magandang araw ko dahil Wala si Brian.

Habang nag-uusap ang iba tungkol sa meeting agenda, panay ang sulyap ko kay Lara. Hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya ka-focus sa ginagawa niya. Parang ibang mundo ang pinapasukan niya tuwing nagtatrabaho siya. Ang simpleng ngiti niya habang nagbabasa ng mga papeles, ang paraan ng pagtango niya kapag may naintindihan siya—lahat iyon, parang maliliit na himala para sa akin.

Natapos ang meeting nang wala si Brian. Medyo nagtaka ang lahat, pero walang masyadong napansin dahil naging produktibo ang usapan. Habang palabas na ako ng meeting room, biglang lumapit si Franco.

Hindi kaya dahil Wala maghapon si Brian dahil naghahanda sya para sa Isang surprise Kay lara? Baka tatanungin nya na si Lara na maging girlfriend Hindi ka naman papayag nyan diba?

At teka bat parang ang relax mo dyan? Di ka man lang ba Gagawa nang paraan?

Tsk don't worry walang ganyang mangyayari at napangisi nalang Ako.