Choleng
"Oh aking Binibining Choleng, mahal na mahal kita, hindi kita iiwan pati na sa kamatayan"
Unti-unting papalapit ang aming mga labi sa isat-isa at kunti na lamang ay mag hahalikan na kami, ipinikit ko ang aking mga mata at-
"CHOLENGGG!!! BUMANGON KANA TANGHALI NAA!!"
Sigaw ni mama sakin, sarap pa naman ng tulog ko at napa ginipan ko ang aking 'Prince Charming' na sana ay mag hahalikan na dapat kami, pero naputol iyon dahil sa lakas ng sigaw ni mama tila abot kanto
"Gising na po!"
Sagot ko kay mama habang bumabangon sa kama
"Pumarine kana at kumain, mamaya ay mag-titinda na tayo sa palengke"
sinabi nya to habang nag lalagay ng plastic na plato, baso, kaldero na may laman na kanin at ulam sa hapag kainan, sumigaw ulit sya para tawagin si bunso at si papa, hindi kalakihan ang bahay namin para kinakailangan pang sumigaw, alam mona mga 'nanay things'
Nang naging kompleto na kami sa hapag kainan, na upo na kami at sinimulan muna namin mag dasal bago kumain.
Pag katapos ay sinimulan na namin kumain, sumandok ng kanin si mama habang ang kapatid ko naman ay nag lalaro sa lamesa
"Itabi mo nga ang mga laruan mo, oras ng almusal ha!"
Sa gitla ni bunso dali-dali nyang itinago ito, tinatawanan at inaasar ni papa si bunso papaiyak na si bunso ng biglang
"BANG!"
Hinampas ni mama si papa sa ulo gamit ang panandok ng kanin, sa sobrang lakas ng palo ni mama kay papa tila bang nag echo ito
Natatawa kami ni bunso sa nangyari, agad kumuha si mama ng yelo sa cooler at iniligay sa ulo ni papa, sabay sabi ng pasungit
"ikaw kasi Mahal, may pag asar-asar kapa kay bunso ha, kaya diko sinasadya na dumulas ang aking kamay"
Natatawa si papa habang pinapakingan nya ito at tinitigan ang mga mata ni mama, saka sya tumayo at humarap sakanya habang nakatitig sa mga mata nito, binitawan ni papa ang mga kamay ni mama at pa unti-unting papa lapit sa mukha niya, nang hawakan nya ang mukha nito napa pikit na lang siya at unti-unting lumalapit ang mga labi nila sa isat-isa,
tinakluban ko ang mga mata ni bunso at ang mga mata ko dahil mag hahalikan sila
"Hays not infront of my precious tuyo"
Nang mag hahalikan na sila, binato ni bunso ng laruan si papa sa ulo
*Head Shot sfx*
Utas na kami kaka tawa dahil sa nangyari, na palo na ni mama sa ulo si papa at na bato pa ni bunso si papa.
Nang natapos na kami tumawa nila mama at bunso sinumulan na namin kumain habang si papa ay naka hawak parin sa ulo nya, nag mukha tuloy syang may dalwang sungay na tutubo pa lang dahil sa bukol nya.
Pag katapos namin kumain iniligpit na ni mama ang mga pinag-kainan namin, habang si papa naman ay nag hahanda na para mang-isda, ako naman ay nag aayos para pag katapos ni mama mag hugas aalis na lang kami at mag titinda sa palengke ng mga isda na nahuli ni papa.
Pag kalipas ng ilang minuto tinawag ako ni mama
"Nak buhatin mo yung cooler na may laman na isda at ilagay mo sa side car ng trycicle"
Na una umalis si papa kaya ako ang pinag buhat ni mama ng cooler, magaan naman ito kumpara sa dati dahil maalat kasi ngayon ang huli ni papa dahil sa pabago-bagong klima ngayon.
Nang mailagay ko ang cooler sa side car sumakay na ako at ang aming bunso, isinara ni mama ang bahay at nag lakad papalapit samin, na may hawak ng susi ng motor at sumakay siya, ipinasok niya ang susi sa motor at pina-andar ito
"vroom! vroom!"
Nang papalapit na kami sa palengke makikita mo pa lang rito ang dami ng tao, linggo ngayon kaya puno ang palengke na aakalain mo na may gulong nangyayari.
Sawakas naka rating na rin kami sa aming destinasyon, lumabas ako at ang bunso sa side car at nag unat unat muna, napa hinga ako ng malalim at na amoy ko ang malansang amoy ng isda at ang alat ng tubig lawa
"Nak dalhin mona ang cooler sa pwesto natin at ilabas mona ang mga isda"
Utos sakin ni mama habang binubunot ang susi sa trycicle at kausap ang mga chismosa, agad kong kinalakad ang cooler papunta sa pwesto namin sa may bandang gitna ng palengke.
"Magandang umaga Binibini"
Naka ngiting sinabi ng Ewan habang may hawak na pekeng bulaklak na nabibili sa labas ng palengke, hindi ko sya pinansin dahil matagal na syang nang bwi-bwisit sakin
"Lubayan mo nga si Choleng!"
Pagalit nyang sinabi habang pina pa lagutok ang daliri nya sa kamay
"Crack! Crack!"
Meet Robert ang kaibigan ko simula bata pa kami, tumakbo si Ewan dahil sa takot kay Robert
"Thank you Robert"
Naka ngiti kong sinabi sakanya
"Walang anuman Choleng"
Naka ngiti nyang sinabi sakin
"Tulungan na kita riyan Choleng"
Kinuha nya sakin ang tali ng cooler at kinaladkad ito sa pwesto namin.
Nang naka rating na kami sa pwesto namin, sinimulan ko ng lagyan ng tubig at oxygen ang lamesa saka inilagay ang isda rito, habang inilalagay ko ang mga ito may matandang babae na lumapit sakin at pagalit nyang sinabi
"Ang bayad sa pwesto? Akin na!"
"Wala pa po kaming bwena mano Aleng Eba, kaka bukas lang po namin eh"
Mahinahon kong sinabi dahil ang daming nag titinginan sa amin, habang ginagala ko ang aking mga mata at hinahanap si mama
"Nasaan ang nanay mo Cholen-!"
Sumingit bigla si mama habang inaabot kay Aleng Eba ang pera
"Oh Aleng Eba agang-aga ah bakit naman nag tatagpo ang mga kilay mo, ngiti naman dyan, alam nyo lalo kayong naganda pag naka ngiti kayo"
bola ni mama kay Aleng Eba
"Ay sya akoy ma-uuna na at marami pa akong si-singilin na renta"
Naka ngiting sinabi nito
"Sigh"
"Haynako si Aleng Eba talaga agang-aga wala pa ngang bwena mano na niningil na agad!"
Pagalit na sinabi ni mama habang papunta sa pwesto ko
"Ay sya Nak nakalimutan kong bumili ng supot para sa lalagyan ng isda, bumili ka muna diyan sa may tindahan sa tabi ng lawa, Ingat ka Anak ha balita ko na ngunguha raw ang lawa"
Mahinahon nyang sinabi at may pag aalala sa boses nya habang inaabot sakin ang kwarta
"Alis na po ako mama!"
Hinalikan ko muna sa pisngi si mama bago umalis
Nang maka rating na ako sa tindahan sa tabi ng lawa
"Pabili po ng 3 supot na malaki at 2 maliit"
Inabot ko ang aking bayad sa kahera, nang pabalik na ako sa palengke naka kita ako ng malaking barko at naka rinig ako ng ingay mula sa barko, biglang may tumalon na batang lalake mula sa taas ng barko.
Sa taas ng kanyang tinalon nag likha ito ng ingay na narinig ng mga nasa tabi, nang nakita ko ang batang lalake na humihingi ng tulong agad kong hinubad ang aking tsinelas, habang tumatakbo patungo sakanya
"SPLASH!"
Lumangoy ako papunta sakanya at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay habang lumalangoy papunta sa tabing lawa, nang naka rating na kami agad kong pinerform ang CPR(cardiopulmonary resuscitation)
Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay para i-tsek kung may pulso pa sya, natibok pa ang puso nya kaya chineck ko kung nahinga pa sya ngunit hindi sya nahinga, binigyan ko sya ng mouth to mouth inulit ko yun ng dalwang beses ngunit barado parin ang daluyan ng kanyang baga
Nang itinulak ko ang kanyang dibdib gamit ang aking kamay na mag ka patong sakanya, para matangal ang tubig sa kanyang baga ng biglang
"Blechhh!"
Isinuka ng batang lalake sa mukha ko ang tubig at
"Bangggg!"
Umuntog ang ulo nya sa nuo ko dahilan para mapa upo ako, napa hawak ako sa nuo ko dahil sa sakit habang ang batang lalake naman ay napa higa ulit
"Cough! Cough!"
"GASP!"
Ang Batang iniligtas ko ay hinahabol ang kanyang hininga at inuubo palabas ang tubig, pumalakpak ang mga tao na naka palibot samin hindi ko man lang napansin ang mga tao dahil abala ako sa pag salba ng buhay ng batang lalake.
Nabalitaan ni Mama ang nangyari kaya dali-dali siyang tumakbo papunta sa amin at nasigaw
"Choleng ang Anak ko!"
Ramdam ko sa boses nya ang matinding pag aalala at takot, nang nakita nya ako na may kasamang batang lalake na naka dapa sa lupa makikita mo sa mukha ni mama ang pag-aalala at takot
Agad niya akong yinakap kahit basang basa ako
"Akala ko may nangyari sayo Nak, di ko kakayanin na pati ikaw mawala rin"
Ramdam ko ang kanyang katawan na nanginginig dahil sa takot at ang hagulgul niyang iyak hinayaan ko muna sya ng ilang minuto sa yakap ko
Nang maka lipas ang ilang mga minuto tumahan siya at itinanong nya sa akin kung sino yung batang lalake na naka dapa sa lupa.
Ikinuwento ko sakanya ang nangyari at nang matapos ako sa pag kwento tumayo sya at nag lakad patungo sa batang lalake, tinanong ni mama ang batang lalake
"Bata anong pangalan mo?"
Tanong nito sakanya, na na-uutal nasabi ng bata
"A-ako po si N-Niconor Formento"
~~~End of Chapter#1~~~
Ill publish the chapter#2 once we reached 100 reads...i hope so..
(Correction im currently writing the next chapter dont worry my readers i got you)
Thank you for reading
Maraming salamat sa pag babasa