Taong 2020
Present Year.
Papasok ako ngayon sa school bilang isang sekondarya sa kolehiyo, bored na bored ako sa buhay kolehiyo!
Humiga ulit ako sa kama at nakatitig sa glow in the dark sa kisame.Habang minamasdan ko ito mas lalo akong nasasaktan sa pagkawala ni mom, Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko ang sinabi ni mom nuon.
Nasa balcony kami ni mom habang hinihintay si dad dumating galing trabaho,Pinagmasdan namin ang kabilugan ng buwan.
Fullmoon sa mga oras na iyon habang titig na titig ako sa mga bituin bigla nalang nag salita si mom.
"Anak, ang ganda ng buwan ngayon hindi ba?" Napatango nalang ako sa sinabi niya.
"Ang buwan na iyan ay hinango ko sa iyong pangalan" Nakangiting saad ni mom.
" Alam mo anak nang ika'y dumating sa aming buhay ng dad mo ay may grasya dumadating sa buhay natin palagi" Napalingon ako sa sinabi ni mom habang hinimas-himas niya ang aking buhok.
"Mahirap lang ang buhay namin nuon, sapagkat mahirap humanap ng trabaho. Sinikap ko din maghanap ng trabaho pero tutol ang iyong ama dahil nag dalang tao na ako sa mga oras na iyon. Kaya siya lamang ang humanap ng trabaho at nag pursege para saatin" wika niya.
"Sa nag daang buwan na ipinanganak na kita, nakita ko ang kabilugan ng buwan na siya'y saksi sa aking pangaganak at ipinangalan ko sa iyo ay luna, sapagkat ito rin ay suwerte dahil natanggap ang dad mo sa isang kompanya" Napangiti ako sa sinabi ni mom at hinalikan ako sa noo.
Di ko namalayan naluha na pala ako at pinahid ko nalang ito ng biglang may kumatok sa pintuan.
"Anak are you ready? Ihahatid na kita sa school" Si dad pala, napatingin ako sa wallclock sa study table ko 7:30 am na.
"No dad, kaya ko na may kotse naman ako" Sabi ko habang inaayos ko na ang mga gamit ko. Hindi ko namalayan na binuksan na pala ni dad ang pintuan habang busy ako sa pagaayos ng gamit ko sa school.
"Sige, magiingat ka anak mauuna na ako sa iyo" He stood next to me and kiss my cheek.
"Ingat din po dad" Dad smiled at lumabas na sa kwarto ko.
***
Im wearing my school uniform, fitted maroon na checkered ang palda, white longsleeve inner with darkblue na may tatak ng school namin ang outer,"DUWC" (Duke University Western Campus) palabas na ako ng bahay nang tumahol ang husky na aso ko sa may sala lumapit ito saakin habang tumatakbo, Umupo ako para pumantay ang tangkad namin habang hinimas-himas ko ang ulo niya.
"Hey, there little sky papasok muna ako wag kang mag kalat Understood?" he barked.
"good boy" i smiled.
Lumapit agad si manang at hinawakan ang collar ni sky habang nakangiti.
"Nako, pasensya na luna tumatakbo kase si sky noong nakita ka niya sa kusina" sabi ni manang koring.
Si manang koring ay tagapangalaga sa bahay kapag wala si mom at dad. Ngayon mukhang si manang nalang ang nagiisa. Malapit din si manang sa akin dahil inihabilin siya ni mom sa akin noong buhay pa siya,limang taon din ito nagseserbisyo sa amin at dito na tumira dahil wala na itong pamilya para kopkopin siya dahil may mga pamilya na ang kanyang tatlong anak at ayaw naman ito kopkopin.
" Ayos lang manang, aalis na po ako" mano ko sa kanya.
"Magiingat ka sa daan hija" sabay ngiti ni manang.
***
After 30 minutes narating ko din ang school.
" Welcome to hell again luna" bulong ko sa sarili habang tinatahak ang parking lot.
#Rate niyo naman plsss *puppy eyes*