Chereads / MARRY ME, SISTER ZEELINA / Chapter 2 - CHAPTER 1

Chapter 2 - CHAPTER 1

Zeelina's POV:

"Kumpleto na ba ang lahat, Sister Zeelina?" Tanong sa akin ni Sister Alyana.

"Oo, nalista ko na ang lahat, Sister," mahinhin kong sambit.

Ako kasi ang naatasang mamili sa palengke ng aming kakailanganin para sa dadausang feeding program sa napili naming lugar. I know how to drive, so going to the market alone is a piece of cake for me.

Pagkatapos kong ilagay ang dalawang basket sa likod ng kotse ko ay nagmadali na akong sumakay sa aking audi.

Yes, I own a car. My father taught me to drive when I was 16. Although my family is renowned for their hotel business and I am an heiress, I have chosen to pursue a life as a nun.

My name is Zeelina Margaret Le Desma, I am 25 years old. I graduated from a prestigious college with a degree in business and art. Kaya lang nabago ang mga gusto ko sa buhay nang mawala ang aking first love. He lost his life in a conflict on the island of Mindanao.

Sa simula, hindi ako makapaniwala na siya ay patay na, sapagkat hindi pa natatagpuan ang kanyang katawan. Lumipas ang tatlong taon bago ko tuluyang tinanggap na siya'y wala na. This led to my decision to become a nun.

It was a traffic jam, kasabay noon ay ang pagpula ng stoplight, kaya bumuntong hininga ako, sabay lingon sa aking kaliwa. Sakto na may tumigil na nakamotor sa aking kaliwa. He smiled coolly and then winked at me, na ikinairita ko.

Duh?! Hindi niya ba nakita na nakasuot ako ng abito? Oh, God! Parang timang! Feeling niya ba ay nakakagwapo ang pagkindat? Kayabang naman ng taong ito!

Itinuon ko na lamang ang aking mga mata sa daan. I should not be frowning, but he stirs something in me.

Hindi ko alam, pero naiinis ako sa paraan ng pagngiti niya. There's something about it that i can't even explain.

Nang mag-green ang traffic light ay agad kong pinaandar ang aking sasakyan. Pagkarating sa palengke ay naghanap lang ako ng parking saka bumaba dala ang dalawang basket na paglalagyan ng aking pinamli.

"Ay, good morning, sister Zeelina," bati sa akin ng tindera ng gulay, na agad ko rin namang binati.

"Good morning din, katulad ng dati ang pamimilihin ko ha," inabot ko sa kaniya ang listahan at agad niya namang kinuha iyon kasama ang basket. Ilang saglit lamang ay napuno na ang basket, na agad niyang inabot sa akin.

Matapos kong magbayad ay umalis na kaagad doon, dala ang basket na puno na ng gulay. Lumiko ako sa kaliwa at binaybay ang bilihan ng karne.

Katulad sa naunang tindera ay binati rin ako ng tindera ng karne.

"Dalawang kilo po sa laman ng baboy, at tatlong kilong manok." Sambit ko, na agad niyang sinunod. Matapos sa karne ay dumeretso naman ako sa bilihan ng isda.

"Sister Zeelina, ang dami mong dala, hayaan mong tulungan ka ni Castiel," sambit sa akin ng tindera na agad kong pinasalamat.

"Naku, salamat ha. Iyan talaga ang aking kailangan." sabi ko na tuwang-tuwa.

Ngunit nawala ang ngiti sa aking mga labi nang makita kung sino ang magbibitbit ng aking mga basket. Kabaligtaran naman ang ipinakita ng lalaking halos hubad baro na tagaktak ang pawis, habang ngiting-ngiti na nakatitig sa akin.

Iniwas ko ang aking tingin sa katawan niyang tila hinulma ng diyos sa napakagandang paraan.

Lord, sorry na po, hindi ko sinasadyang mapatingin sa anim na pandesal sa kaniyang tiyan. Hindi ko po nakita na tumulo ang butil ng pawis niya sa malapandesal niyang tiyan.

Nang lumapit siya sa akin para kuhanin ang basket na nakalapag sa aking tabi ay nahigit ko ang aking hininga.

Lord, ilayo niyo po ako sa tukso!" Mahina kong usal, bago tumalikod.

"Halika, naroon ang sasakyan ko," mahina kong sabi, na sa tingin ko naman ay narinig niya.

Nauna akong maglakad sa kaniya, habang siya ay nakasunod sa akin. Lihim akong sumulyap sa kaniya, ngunit napangiwi ako nang makitang nakatitig at nakangiti parin siya sa akin.

Kanina pa ito ngiti ng ngiti sa akin, mula sa traffic light pa lang, ayos lang ba siya? Aware naman siguro siya sa pagiging madre ko?

Nang marating namin ang parking ay agad akong lumapit sa likod ng aking kotse. Nanginginig ang aking kamay nang buksan ko ang trunk ng kotse.

"Ah... Miss Zeelina, ako nga pala si Castiel," pakilala nito nang makalapit sa akin. "Kapag namalengke ka ulit, tawagin mo lang ako ha," sambit niya na ikinakurap-kurap ko.

Parang kinalabutan ako nang marinig ang boses niya. Bakit naman sa dinami-dami ng makakahawig ng boses niya ay kay Nolan pa naging katulad?

"Hello, Miss Zeelina," he said with a wave in front of my face that made me look at him.

Natulala na pala ako, hindi ko namalayan.

"Ah... e, ano ngang sabi mo?" Tanong ko, sabay titig sa mga mata niyang nakakaakit.

Bakit parang kilala ko ang mga titig na iyon. Nang hawakan niya ako sa kamay ay tila napaso ang balat ng aking kamay at otomatiko akong napakislot. Kasabay no'n ang biglaang pagkalabog ng aking dibdib. Rinig na rinig ko ang tunog ng aking puso.

Who is he? Bakit gano'n na lang kalakas ang kalabog ng aking puso, nang mahawakan niya ang aking kamay. For the past three years ay walang lalaki ang nakakuha ng akinbg atensyon. Ngayon lang at sa lalaking aroganteng ito.

"Ang sabi ko kung p'wedeng ako na lang ulit," sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

"Huh? Anong ikaw na lang ulit?" Nagtataka kong tanong.

Saan ba siya uulit? Pakilinaw naman, oh. Nagmadre ako, 'no, hindi manghuhula.

"Ako na lang ulit ang magbibitbit ng mga pinamili mo," sagot niya na ikinangiwi ko.

Ayun naman pala, bakit may nalalaman pangpambibitin? Diyos ko, huminahon ka, Zeelina! Hindi ka p'wedeng makipagbardagulan sa lalaking ito.

Ngumiti lamang ako sa kaniya. Matapos mailagay ang dalawang basket sa trunk ng aking audi aya agad akong nagpasalamat sa kaniya.

"Maraming salamat ha," wika ko, habang naglalakad patungo sa unahan ng aking sa sasakyan, habang siya ay nakasunod lamang sa akin at tila ayaw pa akong iwanan.

"Sige, mag-iingat ka sa byahe ha, Zee!" Sambit niya na ikinalingon ko ulit sa kaniya matapos makasakay sa driver seat.

"What did you say? Anong tinawag mo sa akin?"

Damn! Patawad po, Lord. Pero bakit parang si Nolan lang ang nagsalita? Matagal na siyang wala sa isip ko, dapat ba ay dalawin ko ang puntod niya? Senyales na ba ito na kailangan niya ng dalaw?

Kahit walang bangkay na natagpuan ay nagpagawa ng museleo ang magulang ni Nolan, upang kahit papaano ay madalaw nila ito.

As I drove, thoughts of Castiel filled my mind.