Third POV
Habang abala si Marya sa laboratoryo kasama ang kaibigan nitong siyentista na si Dra. Jey Kim ay hindi nito namalayan na nakalabas ng laboratoryo ang kaniyang anak na si Argus.
" Wow! Black butterfly!" Namamanghang sabi ni Argus nang may dumapong paru-paro sa kaniyang balikat ngunit agad din itong lumipad kaya't napagpasyahan ni Argus na sundan ito nang hindi nagpapaalam sa kaniyang ina. Walang kamalay-malay si Marya na ang anak niya ay lumabas ng laboratoryo at sinusundan nito ang isang itim na paru-paro.
Patuloy sa paglalakad si Argus hanggang sa napatigil nang may mabangga siya. " I-I'm so s-sorry, I didn't meant it," natatarantang sambit ni Argus nang makita ang taong nabangga niya. Nabangga niya ang kaniyang amang bampira ngunit hindi niya alam na kaniya itong ama dahil sa pagkakaalam ni Argus ay namatay sa gyera ang kaniyang ama.
" Aking anak, sa wakas ay nagkita na tayong dalawa." Masayang sambit ni Benedict kay Argus ngunit nakatitig lamang sa kanya ang anak habang ang isip nito ay naguguluhan. " Anak? Ako po ba ang tinutukoy mong anak? Hindi po ako ang anak ninyo dahil patay na po ang daddy ko." Inosenteng sabi ni Argus sa amang bampira.
" Anak ako, ito ang iyong ama. Hindi ako patay, buhay na buhay ako anak!"
Yayakapin na sana ni Benedict ang anak ngunit umatras si Argus palayo sa kaniya. " Ang sabi ni mama di ako pwedeng makipag-usap sa ibang tao na di namin kakilala." Saad ni Argus habang papaatras.
" Wag kang matakot sa akin, anak ako ito ang iyong ama." Muling giit ni Benedict sa anak.
Sa kabilang banda nang mapagtanto ni Marya na wala sa kaniyang tabi ang anak niyang si Argus ay agad itong natataranta sa gulat. " Si Argus nakita mo, Dra. Jey?" Natatarantang tanong ni Marya sa kaibigang siyentista, umiling-iling lamang si Dra. Jey sa kaniya dahil hindi nito nakita o napansin si Argus.
" Argus, anak nasaan ka?!" Mangiyak-ngiyak ma sambit ni Marya habang tumatakbo palabas ng laboratoryo. " Dra. Jey! Ano na ang gagawin ko? Nawawala si Argus!" Umiiyak na saad ni Marya nang di niya parin mahanap ang anak.
" Kumalma kalang, Dra. Marya. Mahahanap din natin si Argus baka nandiyan lang iyon sa tabi-tabi." Kalmadong sambit ni Dra. Jey sa kaniya.
Alalang-alala si Marya sa kaniyang anak na si Argus. Napalingon silang dalawa nang marinig ang boses ni Argus habang ito ay tumatakbo papunta sa kinaroroonan nila.
" Mommmy!"
" Argus, anak! Diyos ko saan kaba galing?"
" Mommy, I saw him again. At ang sabi niya siya ang daddy ko. Totoo ba iyon mommy?" Napalagok ng laway si Marya nang sambitin ito ng kaniyang anak at saglit silang nagkatinginan ni Dra. Jey.
" Is it true?" Muling tanong ni Argus sa kaniya.
"Wag kang maniwala sa taong iyon anak. Nilalanlang kalang niya."
Mahigpit na niyakap ni Marya si Argus. " Sa susunod anak wag kang aalis ulit sa tabi ko lalo na't delekado ang panahon ngayon." Kalmadong sabi niya sa kaniyang anak.
" Ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya, mom. Pag rehas kami ng mga mata at hugis ng mukha. Kamukhang-kamukha ko talaga siya, mommy." Muling napalagok ng laway si Marya sa isinambit ng anak.
Marya's POV
Natakot ako sa mga isinasambit ng anak kong si Argus. Nangyari na ang kinatatakutan ko, ang magkita silang dalawa. At natatakot ako sa posibleng mangyari lalo na't alam nito na may anak siya sa akin. Paano kung babawiin niya si Argus mula sa akin?
Diyos ko wag mo sanang pahintulutang mangyari ito. Di ko kakayanin. " Wala iyon anak, ipangako mo sa akin anak na kahit anong mangyari ay hindi mo ako iiwan, okay?"
" Bakit naman kita iiwan, mommy?" Inosenteng tanong ni Argus sa akin.
" Basta anak, wag mo'kong iiwan ha? You'll stay with me okay?"
" I promise, mommy! I won't leave you!" Pangako nito sa akin, posibleng kuhanin siya ng ama niya mula sa akin. Alam kong posible na susunod si Argus sa yapak ng kaniyang amang bampira dahil nananalaytay sa ugat niya ang dugong bampira ng kaniyang ama.
" Umuwi na tayo anak." Anyaya ko sa kaniya. Nang makarating kami sa amin ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinasambit ni Argus. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari.
Nakatulog si Argus sa kotse kaya't binuhat ko nalang siya paakyat sa kwarto naming dalawa. " Sleep well, ang munti kong prinsipe." Mahinang sambit ko nang maihiga ko siya sa kama namin.
Kinumutan ko siya at sabay na hinalikan siya sa noo. " Good night anak." Dagdag ko pa.
Naghalf-bath ako bago natulog. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang lumamig ang simoy ang hangin kaya't napayakap ako sa aking sarili.
" Marya!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, ang lamig nito. At ang alam ko ay sinusundan kami ng ama niya.
" Umalis kana dito! Wag mo na kaming guguluhin pa ng anak ko!" Galit kong sigaw sa kawalan.
" Hindi mo mailalayo ang aking anak, Marya, siya ang itinatakdang magpapabago sa mundo ng mga bampira!"
" Kahit anumang mangyari, hinding-hindi ko ibibigay sayo ang anak ko! Kaya't bumalik ka, sa dilim na pinanggalingan mo!"
" Kahit anong gawin mo, Marya. Kailanman ay hindi mo matatakasan ang tadhana ng aking anak."
Maya-maya ay biglang nawala ang boses. Wala akong pakialam sa propesiya na iyan. Ayokong maging kampon ng kadiliman ang anak kong si Argus kaya't hangga't kaya kong labanan ang ama niya ay lalaban ako. Ipaglalaban ko si Argus.
" Mom? Are you okay?" Napalingon ako kay Argus nang magising siya at sabay kong hinawakan ang kamay niya.
" Okay lang si Mommy anak. Bumalik kana sa pagtulog." Malumanay kong sagot sa kaniya at inalalayan ko siyang humiga.
Kinabukasan ay nakatanggap ako ng text message mula kay Dra. Jey Kim tungkol kay Dr. at kaagad akong umorder ng pagkain sa KFC. Pinaliguan ko si Argus at naligo na rin ako. Nang dumating ang KFC delivery ay agad ko itong binayaran.
Pagkatapos naming kumain ay agad kaming nakipagkita kay Dra. Jey Kim upang pumunta sa burol ni Dr. Rafael.
Nang makarating kami sa venue ng burol ni Dr. Rafael. Medyo marami na taong dumarating. Sa di kalayuan may nakita akong bampira ngunit agad din itong naglaho na parang bula.
Hindi na pinatagal ng pamilya ni Dr. Rafael ang burol nito ngunit laking gulat ko nang masilip ko ang kabaong niya wala itong laman. " Bakit walang laman? Nasaan si Dr. Rafael?" Naguguluhang tanong ko kay Dra. Jey Kim, pati siya ay nagulat sa sinabi ko kaya't sinilip nya rin ito. Habang naguguluhan si Marya at Dra. Jey Kim sa pagkawala ng bangkay ni Dr. Rafael, nagsimula silang magtanong-tanong sa mga tao sa paligid. Walang makapagbigay ng malinaw na sagot kung nasaan ang bangkay.
Sa kanilang paghahanap, napansin ni Marya ang isang kakaibang simbolo na nakaukit sa gilid ng kabaong. Agad niyang kinilala ito bilang isang sinaunang simbolo ng mga bampira. Naisip niya na maaaring may kinalaman ang mga bampira sa pagkawala ng bangkay ni Dr. Rafael.
Habang patuloy silang naghahanap ng mga sagot, naramdaman ni Marya ang lumalaking panganib na dulot ng mga bampira. Alam niyang kailangan niyang protektahan si Argus at alamin ang katotohanan sa likod ng pagkawala ng bangkay ni Dr. Rafael.
Argus rushed to his mother, panting heavily. "Mommy! Ang mga bampira ang may kagagawan ng pagkawala ni Dr. Rafael sa kabaong niya!"
Marya's eyes widened. She knew they were dealing with something much bigger now. "Anak, sigurado ka ba?"
"Oo, mommy. Nakita ko sila bago pa tuluyang nawala ang bangkay."
Kailangan nilang kumilos agad. Marya gathered her thoughts and reached out to Dra. Jey Kim to inform her of this critical development. "Dra. Jey, confirmed ang suspetsa natin. Kinuha ng mga bampira ang bangkay ni Dr. Rafael. Hindi tayo pwedeng magpabaya."
Sa kabila ng kaguluhan, nanatili si Marya na kalmado at determinado. Alam niyang kailangan nilang protektahan si Argus at alamin ang plano ng mga bampira para sa bangkay ni Dr. Rafael. With determination and the love of a mother driving her, Marya prepared for the battle that lay ahead, ready to confront the vampires to ensure the safety of her son and everyone she held dear.