Lumipas ang ilang araw at palaki nang palaki ang aking tiyan. Nandito ako ngayon sa lab kasama ang dalawa kong kaibigan na sina Rafael at Jey Kim.
"Ang bilis lumaki ng tiyan mo," saad ni Jey Kim habang nakatitig sa tiyan ko. Medyo halata na ito kaya't di ko na ito kayang itago pa sa mga magulang ko. Kakaiba ang batang nasa sinapupunan ko.
"Alam na ba iyan ng mga magulang mo, Marya?" tanong ni Jey Kim, at umiling lamang ako sa kaniya.
"Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanila," sagot ko. "Pero kailangan ko na talagang ipagtapat ito."
"Baka makatulong kami," sabi ni Rafael. "Pwede kaming sumama sa'yo para suportahan ka."
Nagpasalamat ako sa kanila. "Salamat, mga kaibigan. Kailangan ko talaga ng lakas ng loob."
Kinabukasan, nagpasya akong kausapin ang aking mga magulang. Pag-uwi ko sa bahay, nakita ko silang nag-uusap sa sala. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanila.
"Mama, Papa, may kailangan po akong sabihin sa inyo," sabi ko, habang hawak ang aking tiyan. "Buntis po ako." Nakayukong sambit na ikinagulat nila pareho. "Ano?! Paano ka nabuntis? Wala ka namang ipinakilala sa min, anak."
Nagkatinginan ang aking mga magulang, halatang naguguluhan..
"Hindi ko rin po alam kung paano ipapaliwanag, pero ang batang ito ay hindi pangkaraniwan," sagot ko. "Kailangan ko ng tulong ninyo para maintindihan kung ano ang nangyayari."
" Ano ang magagawa namin anak para matulungan ka?" Malumanay na tanong ni mama sa akin. Kailangan kong magdoble-ingat dahil anumang oras ay nakaabang na panganib sa aming dalawa. Si Dr. Rafael at Dra. Jey Kim lamang ang makakatulong sa akin. Kailangan ko rin itong pangalagaan laban sa ama niyang bampira. Kailangan kong gumawa ng pangontra upang mapangalagaan ang aking anak na nasa sinapupunan ko habang di ko pa siya naipapanganak.
Proprotektahan ko siya laban sa ama niya. " Hindi ba't may nagawa kayong pangontra laban sa mga bampira, pwede kang gumawa ng kwentas na laman 'nun upang di malaman 'nung bampirang nakabuntis saiyo na dinadala mo ang magiging anak niya." Suhetsyon ni Mama. Tama nga siya! Bukas na bukas ay gagawa ako ng kwentas na may bihirang selula ng bampira, silver nitrate at garlic extract. Kailangan ko ang tulong ni Rafael at Jey Kim. Upang mapangalagaan namin ang aming mga sarili lalo na't ang aming mga pamilya laban sa mga bampirang naghahasik ng lagim sa siudad ng Martinez.
" Saan ka pupunta anak?" Tanong ni Mama nang pababa ako ng hagdan. Nasa tabi niya si papa. " Kailangan kong makausap si Rafael at Jey Kim upang matulungan nila ako." Tumango-tango naman si Mama.
" Mahal samahan mo ang anak natin baka mapano iyan."
Tatayo na sana si Papa ngunit pinigilan ko ito. " Hindi na po kailangan kaya ko na po ang sarili ko. Uuwi din ako kaagad 'wag kang mag-alala may pangontra po ako sa mga bampira kung sakaling makasalubong ko sila."
" Magtiwala kayo sa akin, mama papa. Kaya ko ang aking sarili."
" Oh sige anak mag-iingat ka ah? "
Bumeso ako kay mama't papa. " Tawagan mo'ko kung may problema anak? Dadating kaagad kami ng daddy mo."
Hindi ko pwedeng ilagay sa panganib ang buhay ng mga magulang ko. Laban namin ito. Bilang mga scientist responsibilidad namin ang kaligtasan ng buong siudad lalo na't ang aming pamilya. Walang magagawa ang anumang armas laban sa mga bampira tanging kami lamang ang pag-asa ng buong siudad.
Tenext ko muna si Rafael at Jey Kim. " Meet me at the Sayre's Restaurant kailangan ko ang tulong niyong dalawa." Message sent. Napabuntong-hininga ako bago pinihit ang pinto ng kotse ko.
Maya-maya ay sunod-sunod ang pagvibrate ng phone ko. " Okay best, papunta na ako. Be careful lalo na't dala-dala mo ang prinsipe ng mga bampira."
Hindi pangkaraniwang bampira ang naka-one night stand ko, dahil mas malakas ito sa mga bampirang nakakasalamuha namin. At basi sa mga test at examine nila Rafael at Jey Kim sa batang nasa sinapupunan ko taglay nito ang lakas ng kaniyang amang bampira. Hindi rin pangkaraniwang ang paglaki ng tiyan ko.
Napahinto ako nang biglang may humarang na tatlong bampira sa harapan ng kotse ko. Nanginginig ang buo kong katawan, lalo na't ang sama ng mga itong makatitig sa akin. Isa kaya sa kanila ang ama ng anak ko?
Agad kong kinuha sa loob ng bag ko ang formula na ginawa ko, panlaban sa mga bampira. Nang makita nila ito ay bakas sa kanilang mga mukha ang takot.
Maya-maya ay napalingon sila nang may isa pang dumating, tila natatakot sila sa awra nito kaya't nagsi-atrasan ang tatlong bampira. May bahid pa na dugo sa may labi niya. Tinanggal niya ang dugo na nasa gilid ng labi niya at sabay niyang sinipsip ang kaniyang daliri na may dugo.
Umalis ang tatlong bampira. Napakurap ako kaya't naglaho ito na parang bula. Kung may sakit lang ako sa puso baka kanina pa ako inatake, mabuti nalang ay di ko namana ang sakit na ito kay papa. May sakit sa puso ang papa ko kaya't todo bantay sa kaniya si mama may kinuha rin akong Private Nurse para kay papa.
Pagdating ko sa restaurant ay naabutan ko sina Rafael at Jey Kim na nakaupo sa loob habang nag-uusap silang dalawa. Tumayo silang dalawa nang makita ako.
" Namumutla ka ata? Anong nangyari sa iyo, Marya?" Nag-alalang tanong ni Jey Kim sa akin. "Hinarangan ako ng tatlong bampira mabuti nalang dumating iyong misteryosong bampira. Takot na takot ang tatlo sa kaniya." Kwento ko sa kanilang dalawa, nasapo naman ni Jey Kim ang bibig niya.
" Hindi kaya, Hari ng mga bampira ang lalaking iyon?"
" Oh my god.. I think prinsipe iyon ng mga bampira, Marya. Ang ama ng batang nasa sinapupunan mo." Biglaang sambit ni Jey Kim kaya't napalagok ako.
Kaya siguro kakaiba ang naramdaman ko kanina nang dumating ito, ang likot kasi ng batang dinadala ko sa loob ng aking tiyan tila nararamdaman niya ang presensya ng kaniyang ama. " Possible, iyon nga ang prinsipe, Marya. Mabuti at di ka ginalaw o sinaktan?"
Di naman ako lumabas ng kotse ko kaya't imposibleng masasaktan niya ako at may pangontra din ako. Dala ko palagi ang formula panlaban sa mga bampira.
" I'm glad you're safe lalo na't muli mong nakasalamuha ang ama ng batang nasa sinapupunan mo. What if malaman niya na ipinagbubuntis mo ang anak niya? Tiyak na di iyon titigil hangga't hindi nababawi mula sa iyo ang anak niya. Ang anak mo ang magpapatuloy sa kanilang sinimulan, Marya." Wag naman sanang mangyari iyon. Ayokong maging bampira ang anak ko, ayokong katakutan siya ng lahat.
" Kaya nga nakipagkita ako sa inyong dalawa dahil kailangan ko talaga ang tulong niyo upang maprotektahan ang batang nasa sinapupunan ko laban sa kaniyang ama. "
" Ano ang maitutulong namin saiyo?" Tanong ni Rafael sa akin.
" Sabi ni Mama na kailangan ko daw gumawa ng kwentas na may formula na nagawa ko upang maprotektahan kO ang aking sarili at ang aming anak laban sa mga masasamang bampira na patuloy na naghahasik ng lagim sa siudad ng Martinez. " Tutulungan ka namin, Marya. Wag kang mag-alala hinding-hindi ka namin pababayaan."
Pinag-usapan namin ang aming susunod na plano upang puksain ang mga bampira. Hinatid nila ako pauwi.