NENITA
"Hoy, ang kapal talaga ng mukha mo, noh?!" pabulyaw kong sabi sa kaniya saka inirapan siya't padabog na naglakad papunta sa puno ng mangga na ako ang unang nakahanap. "Akin kaya 'tong puno ng mangga! Ikaw 'yong mangaagaw!"
"Ikaw kaya 'yong mangaagaw! Ako ang unang nakahanap ng punong 'yan, noh! Tingnan mo pa," lumapit siya saka may kinuha mula sa likuran ng puno. "Eto o, karatula, isampal mo 'yan sa mukha mo! Pagmamay-ari ko 'to at hindi magiging iyo!" aniya sabay pagtapon ng karatula sa mukha ko, na aking ikinainit ng ulo.
"Ang bastos mo!" Nagsisimulang umiinit ang sulok ng aking mga mata.
"Haha! Ano, iiyak ka na?"
Muli ko siyang inirapan saka naglakad palayo sa kaniya, habang dahan-dahang tumutulo ang luha ko.
"Hahahaha! Iyakin! Iyakin!"
Tumakbo na ako para tuluyang makalayo sa kaniya, subalit pilit pa rin niya akong sinusundan, habang tinutukso na "iyakin." Hindi ko siya maharap, at sa tuwing sisilip ito para tingnan kung ano na ang hitsura ko ngayon, otomatik naman akong umiiwas ng tingin.
Nang narating ko na ang kubo, agad akong tumakbo kay Mommy. "Mimi!" iyak kong pagtawag sa kaniya.
Alarma namang napalingon si Mama at tumigil sa pagsasampay ng mga labahin doon sa harap ng aming kubo. "O, neneng, ba't ka umiiyak?"
"Si Junjun po kasi!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong ibuhos ang nangingilid kong luha habang nakayakap kay Mama, when she spread her arms wide to hug me. "Palagi na lang po niya akong inaaway!"
"Hoy! Ba't ako na naman? Totoo namang akin 'yong manggahan ah?!" depensa naman niya, nag-abot ang mga kilay habang nakaduro ang hintuturo niya sa'kin.
"Junario, ikaw 'yong mas matanda kay Neneng. Ikaw na lang ang umintindi!" bigla na lamang sumulpot ang tatay niya habang nakahalukipkip. Agad naman akong kinilabutan nang mapatingin ito sa'kin. Ang scary ng tatay niya! Para bang mamamatay-tao! Gano'n! Ang tulis ng tingin, at ang laki pang tao!
"Bakit? Isang taon lang naman ang pagitan namin ah? Tsaka ang suplada, maldita, at nakakainis kaya 'yang babaeng 'yan!"
Tila ba'y umurong ang mga luha ko at muling namuong galit sa dibdib ko. "Hoy, hindi totoo 'yan, noh! Ang good girl ko kaya! Ikaw 'tong kapal ng mukha na akala mo lahat ng lugar ay iyo!"
"Tumahimik ka nga, iyakin! Hindi naman ikaw ang kinakausap ko, si Raymond naman!"
Umigting ang panga ng tatay ni Junjun, na ikinaalarma ni Mommy. "Raymond, 'wag mong patulan. Bata lang 'yan."
Ngunit wala itong epekto sa kaniya, at nagulat na lamang ako nang bigla na lamang niyang sinakal si Junjun.
"Raymond!" Agad akong binitawan ni Mommy saka dali-daling tumakbo papunta sa kanila. Unti-unti nang umuubo si Junjun na aking ikinatakot. "Tumigil ka na! 'Wag mong sakalin ang anak mo, ano bang ginagawa mo?!"
Marahas na hinawi ni Mama ang kamay niya sa leeg ni Junjun, at otomatikong niyakap at ginawang kalasag ni Mommy ang kaniyang sarili para protektahan si Junjun.
"Ba't mo ba pinoprotektahan ang gagong 'yan?! Ang bastos-bastos! Pasalamat siya't ako ang nag-alaga sa kaniya nang iniwan siya ng pesteng ina n'yan!"
"Iniwan ka ng asawa mo dahil sa personalidad mong ganyan! 'Wag na 'wag mong idamay ang anak mo sa away at galit n'yo sa isa't isa, at ikaw rin naman ang dahilan kung bakit hindi ka nirerespeto ng anak mo. Napakarespetado ng anak mo sa ibang tao, lalong-lalo na sa mga nakakatanda. Sa'yo lang naman siya nagkakaganito!"
"At ano bang pakialam mo sa buhay namin, ha?!" Napatili ako nang bigla na lamang niyang hinawakan ang braso ni Mommy nang sobrang diin na parang didiin na ang kaniyang mga kuko sa balat niya. Hinila niya papalapit si Mommy sa kaniya, habang nagsimula nang umaapoy ang mga mata niya't pinagtangkaan si Mommy. "Wag na 'wag kang mahimasok, kung ayaw mong mabasag ang bungo mo!"
"Mommy!" lalo akong umiyak, at nanginginig na rin sa takot.
"Anong kaguluhang 'to?" alarma ang sabi ni Lolo, kasama sina Tito Alvin at Tita Teresita na lumabas mula sa loob ng kubo. Nang natamaan ni Lolo ang sitwasyon ni Mommy, walang pag-aatubiling inilabas niya ang kaniyang baril, na lalong ikinaalarma ng lahat. "Bitawan mo ang anak kong kriminal ka!"
Marahas namang binitawan ni Raymond si Mommy, ngunit kasabay doon ang pagtulak sa kaniya, dahilan upang matumba sina Junjun at Mommy sa lupa.
"Papa!" tawag ni Tita Teresita at nagmadaling sumunod kay Lolo. "Ibaba n'yo po ang baril!"
Pilyong ngumisi naman si Raymond saka lumisan, subalit may binubulong pa ito sa kaniyang sarili, na mas lalong ikinagalit ni Lolo. "Subukan mo lang na bumalik dito at saktan ang pamilya ko, magkikita na lang talaga tayo sa impiyerno!"
"Papa! Baka lubusan niyang magalit, 'wag mo nang sagarin ang pasensya niya!" ani ni Tito Alvin, halatang nag-aalala at takot.
"Mimi!" agad akong tumakbo papunta kay Mommy saka itinapon ang sarili sa kaniya.
"Ayos ka lang ba, Junario?"
Isang tango lamang ang sagot niya at walang balak na magsalita, kahit tingnan kami. Nasa malayo ang kaniyang tingin.
Hindi ko mapigilang maawa sa kaniya. Alam ko na ang pagtira kasama ang tatay niya ay hindi tahimik o mapayapa.
*****
Nagdaan ang ilang araw, at hindi pa rin nawawala sa mukha ni Junario ang mga bandage at pasa na nakapalibot sa buong katawan niya. Nakaupo kami ngayon sa upuan dito sa taas ng bundok, kung saan natatanaw namin ang magandang tanawin ng kabukiran. Sobrang lamig ng ihip ng hangin, ngunit hindi ako nakapag-relax sa lagi kong ginagawa kong pagtambay dito dahil sa sitwasyon ni Junario ngayon.
"Junjun... Sa amin ka kay muna tumira," suhestyon ko, ngunit nginitian niya lamang ako habang tinanggihan ang alok ko.
"Hindi na, Neneng. Baka saktan pa niya kayo. Alam mo naman ang tatay ko, hindi ba? Saka nakakulong na naman 'yon eh."
"Ha? Bakit naman?"
"Nagnakaw na naman doon kay Aling Ising!" Napailing siya sabay kuha ng kaniyang biscuit mula sa kanang bulsa nito. "Ako na naman mag-isang nakatira doon. Wala nang sasaktan sa'kin doon sa bahay... sa ngayon."
"Kaya nga! Dapat doon ka muna sa amin! Wala kang kasama!"
Pinagtaasan niya ako ng kilay at dahan-dahang bumaling sa'kin. "Bakit ka nag-aalala sa'kin?" Tumawa siya. "Hoy, hindi tayo magkaibigan noh, kaya dapat hindi ka nag-aalala. Tsaka ba't ka ba dikit nang dikit sa akin?"
"Ganoon na ba ako nakakainis?" tanong ko sabay nguso.
Alanganin siyang tumingin sa akin. "H-Hindi ah! Medyo lang. Saka kalimutan mo na 'yong sinabi ko. Eto na lang, atin 'yong manggahan na 'yon. Hati tayo sa mga bunga 'non!" Humarap siya sa'kin na may matamis na ngiti sa labi.
"Talaga?!"
"Oo, hindi ko rin naman 'yon mauubos. Hati na lang tayo. Sorry kung nasabi ko sa'yo 'yon saka napaiyak pa kita."
"Hehe, ayos lang!"
Muli niya akong pinagtaasan ng kilay. "Ba't ang bait mo pa rin sa akin? Ilang beses na kitang pinaiyak ah?"
"Hindi naman kita matiis eh!" sabi ko sabay kurot sa kaniyang ilong.
"Hoy, ano ba!" inis niyang pagwakli sa kamay ko, subalit nakaguhit naman ang ngiti niya sa labi. Nagtawanan kaming dalawa habang siya'y napapailing, and then he said something that surprised me. "Walang iwanan ha?"
Ngumiti ako kasabay ng pagpakita ko sa aking pinky finger sa kanang kamay. "Promise."
"Ang baduy!"
"Bakit?" takang tanong ko.
"Wag na 'yang pinky finger na 'yan!"
"Eh ano pala gusto mo?"
"Gusto ko unique!" Bigla siyang napaisip, at nang may kung anong ideya na pumasok sa kaniyang utak, pinatayo niya ako. "Tayo ka muna," aniya, kaya sinundan ko siya, at siya'y tumayo na rin.
Tumayo siya na nakaharap ang kaliwang bahagi ng kaniyang katawan saka inangat ang kaniyang paa kasabay ng pagtago ng kaniyang mga kamay sa loob ng magkabila nitong bulsa.
Taas-kilay ko siyang tiningnan. "Anong ginagawa mo? Para kang tanga."
"Sige na, gawin mo na!"
"Ang weird naman 'yan!"
"Arte!"
I rolled my eyes. "Eto na!" Tagilid rin akong tumayo saka inangat ko rin ang aking isang paa. Bigla na lamang niyang ipinaglapit ang mga paa namin na para bang ginawa namin ang pag-apir gamit ang aming mga paa. "Weirdo!" sabi ko sabay iling. Magkasabay kaming tumayo na ng maayos.
"Haha, ginawa mo rin kaya weirdo ka rin noh! Kasapi kita," he said with a wink.
"Urgh!" I grossed out. "May pa-wink-wink pa, ang pangit naman!" Humahalakhak lamang siya na ikinainit ng ulo ko. Tawa nang tawa, wala namang nakakatawa, hmp!
*****
"Nenita!" Boses iyon ni Luis na aking ikinangiti. Bago ako humarap sa kaniya, inayos ko muna nang kaunti ang aking buhok saka pinahiran ang mga pawis na pumapatak mula sa noo ko gamit ang leegan ng aking pink dress. Kailangan kong maganda ako sa mga mata niya!
"Tsk! Nandito na naman 'yan? Ba't ba palagi siyang sumusulpot tuwing magkasama tayo?" kunot-noong reklamo ni Junario. Napailing na lamang ako saka inirapan siya. "Tsk, maldita."
Hindi ko ito pinansin saka ngumiti nang kay tamis nang ako'y humarap na kay Luis. "Luis, hali ka, sama ka sa amin!"
"Ano ba ang gagawin niyo? Ba't nandito kayo sa gubat?" Walang preno niyang tanong at nilibot muna ang buong paligid na mayroong takot sa mga mata bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Dapat hindi tayo nandirito. Sabi pa nila, delikado daw ang lugar na 'to, marami raw namamatay," pabulong niyang sabi sa akin na aking ikinakaba.
"Tsk! Sabihin mo lang, duwag ka lang!" pangaasar ni Junario.
"Ano ba, Junjun! Hindi ka na nakakatuwa ah!" Pinagsabihan ko ito, subalit ang tanging ginawa niya ay bigyan ako ng pekeng ngiti. Anong problema niya?
"Junario," kalmadong sambit ni Luis. "Nag-aalala lang ako sa inyo. Baka mapano kayo rito. Hali na kayo, kanina pa kayo hinahanap ni Tita Teresita."
"Ayoko pang umuwi!"
"Pero Junjun, hindi ba't sabi ni Luis, kanina pa tayo hinahanap? Tayo na!" ani ko, kasabay ang paghawak sa kaniyang kamay. "Dali na, nagugutom na rin ako."
Marahas niyang inalis ang kamay ko, na hindi tumitingin sa'kin. Nanatili lamang siyang nakatingin kay Luis. "Tara, karerahan?"
"Hoy, ano ba, Junjun!"
"Bakit? Wala namang masama kung magkarerahan kami, hindi ba?"
"Hindi ngayon, Junjun. Hali na kayo!"
Napabuga siya ng hangin saka siya na 'yung unang umalis. Agad naman naming sinundan siya.
Lumalim na ang gabi at napagpasyahan ng dalawa na magkarerahan sa mga oras na 'to. Pilit ko silang kinukumbinsi na bumalik na kami sa kubo, subalit sa sobrang taas ng pride ng dalawa, no one is backing up.
"Luis, Junjun, seryoso ba kayo sa gagawin niyo? Baka mawala kayo!"
Napatingin ako kay Junario, na parang ayaw nang ipagpatuloy pa ang gusto nilang mangyari. He looked very hesitant at natatakot na rin. Subalit he was pretending he was not and acting like he was tough.
"Junjun, pagsabihan mo si Luis!" Pautos kong sabi sa kaniya habang nakasunod sa kanila. "Hindi dapat tayo naririto. Tara na, umuwi na tayo!"
Nanatili siyang tahimik, at si Luis ang sumagot sa'kin. "Hindi. Magkarerahan muna kami bago umuwi. Kung natatakot ka na, umalis ka na dito. Hayaan mo kaming dalawa rito," kalmado niyang ani, subalit may diin sa boses ng kaniyang pananalita.
Magkatabi silang tumayo, kung saan nasa giliran nila ang malaking punuan, habang ako'y nanatiling nakatayo sa likuran nila. Sobrang tabis ang paningin ni Luis kay Junjun, samantalang hindi naman ito makatingin ng maayos sa kaniya. Napapansin ko ang mga nakakamong kamay ni Junjun na nanginginig. Pinapawisan ang kaniyang noo, at kinakagat ang ibabang labi.
"Kita mo 'yang abandonadong kubo? Kung sino man ang unang makatungo doon, siya ang panalo. At kung sino man sa ating dalawa ang matalo, the loser should follow everything the winner has to command for one week. Deal?"
Hindi pa rin ito sumasagot.
"O' ba't tahimik ka?"
"Seryoso ka na sa gagawin natin?"
"Why did you ask me that? Hindi ba't ikaw ang may gusto nito? And then you're backing up?"
"Kalimutan mo na lang ang sinabi ko kanina. Balik na tayo sa kubo—"
"Hindi, gagawin natin ang gusto mo," he cut him off, saka umiling at hinanda na ang kaniyang mga paa para sa karerahan nilang wala namang patutunguhan. "I'll count to three." Naghahanda man si Junjun, subalit may kakaiba sa kaniyang ekspresyon at sa kaniyang kilos. He wanted to stop Luis. "One, two..."
"Luis—"
"Three!"
Mabilis namang tumakbo si Luis, samantalang nanatiling nakatayo si Junjun sa kinatatayuan niya. "Teka lang, Luis!"
Nagsimula na akong magtaka dahil sa kinikilos ni Junjun. Takot na takot ito, at nang matanto niyang sobrang layo na ang nadatnan ni Luis, agad itong tumakbo para sundan siya. "Sandali lang! Makinig ka muna sa'kin, Luis!"
Dahil sa inasta niya, walang pag-aatubili akong sumunod sa kanila, tumatakbo, trying to catch up with them. "Luis, Junjun, bumalik na tayo!"
Habang sinusundan ko sila, bago pa mahawakan ni Junjun ang braso ni Luis, hindi ko mapigilang mapatili nang bigla na lamang silang nahulog sa isang nakatagong balon. "Luis, Junjun!" Dali-dali akong tumakbo patungo sa bangin, subalit aware pa rin ako kung saan ako aapak.
Nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso. Nag-o-overthink na ako kung ano na ang nangyari sa dalawa. Sumilip ako sa balon, at dahil sa isang liwanag na nagmumula sa punuan na medyo malapit-lapit sa balon, nakita ko si Junjun na nakahawak doon, habang ang kanang kamay naman niya ay hawak-hawak si Luis.
"Luis, Junjun!"
"Tulungan mo kami dito, Neneng!" paghingi ng tulong ni Junjun, habang nakangiwi at pilit na binubuhat si Luis. Hindi ko alam kung sino ang naglagay ng malalaking dahon ng saging sa lugar na 'to para takpan ang balon, pero sana'y hindi ito natatakpan, para makita agad. "Dalian mo, Neneng!"
"Oo, sandali lang." Nagpa-panic na ako, at hindi alam kung anong gagawin. Lumuhod ako saka yumuko, at inabot ang aking kamay kay Luis.
"Hawakan mo ko, Luis."
"Neneng, mabigat ako, at baka mahulog ka pa! Tumawag ka ng nakakatanda para tulungan tayo!" wika ni Luis, kaya naman napatayo agad ako saka tumakbo papunta sa aming kubo.
"Mimi! Mimi!" Mangiyak-ngiyak kong pagtawag sa aking mommy, ngunit walang sumasagot. Pagpasok ko sa loob ay agad na bumungad sina Tito Alvin at Tita Teresita.
"O, ba't ka umiiyak, Neneng?" Alarmang sabi ni Tita Teresita, at agad na lumuhod para mapantayan ako ng taas at titigan ako na may pag-aalala sa mga mata.
"Tita, Tito! Si Luis!"