Chereads / Vengeance of the Heiress / Chapter 1 - Chapter 1

Vengeance of the Heiress

🇵🇭Sleeplessbeautyyy
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 1.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Third Person's POV

Seryosong nag-uusap ang mag-asawa na sina Prima at Guillermo sa sala tungkol sa pagpasa ni Guillermo ng kaniyang posisyon sa anak nitong si Dari, ngunit mabigat na responsibilidad ang kanilang itatalaga sa kanilang anak. Naniniwala si Guillermo sa kakayahan ng kaniyang anak na si Dari na magagampanan nito ng mabuti ang kaniyang responsibilidad sa kumpanya at sa pagpapatakbo nito sa negosyo. Ngunit nag-alala si Prima sa kambal ni Dari na si Riri na baka hindi nito matanggap ang kanilang desisyon. At baka mas lalong magrebelde ang anak nila sa desisyon na gagawin nila. " Buo na desisyon ko, Mahal. Si Dari ay karapat-dapat na posisyon kong ito dahil mabait, masipag at responsable siya sa lahat ng bagay. Kung kay Riri natin ito ipapasa, baka malugi ang ating negosyo, alam mo naman ang mga kalokohan ng anak mong iyon. At hindi ko ipagkakatiwala kay Riri ang kumpanyang iniwan sa akin ng mga magulang ko." 

Napabuntong-hininga na lamang si Prima sa desisyon ng asawa. " Kung iyon ang desisyon mo, Mahal. Rerespetuhin ko iyan ngunit paano na ang anak natin?" nag-alalang tanong nito sa asawa. Natatakot ito na baka tuluyang magrebelde ang anak nila sa desisyon ng padre de pamilya. 

Subalit naiisip rin niya ang kahihitnan ng kumpanya kung sakaling kay Riri nila ito ipapasa. " Ako na ang bahala na magpaliwanag sa anak natin, mahal." Tanging naisagot ni Guillermo at sabay na tinapos ang ininom nitong kape. 

Wala silang kaalam-alam na nakikinig sa kanilang usapan si Riri habang nakadungaw mula sa second floor. Naikuyom ni Riri ang kaniyang kamao sa galit. At mas lalo siyang nagalit sa kakambal niyang si Dari.

" Hindi ako makakapayag na sayo mapupunta ang kumpanya, Dari! Kung kinakailangan kitang patayin ay gagawin ko, wag lang mapunta sayo ang kumpanya. Ako ang karapat-dapat sa kumpanya hindi ikaw!" Galit nitong bulong sa kaniyang sarili. 

Sa kabilang banda abala si Dari sa pag-aasikaso sa kaniyang asawang dalawang anak ng nilagnat. Panay siya sa pagpunas sa bawat sulok ng katawan ng asawa. " Honey? Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya sa kaniyang asawa na nakahiga sa kama.

" Medyo okay na ang pakiramdam ko, hon. Salamat sa pag-aaruga sa akin. Di man tayo biniyayaan ng anak ay nanatili ka pa rin sa aking tabi kahit alam mo na ako ay may problema." Hinahaplos ni Dari ang mukha ng asawa at sabay itong hinalikan. 

" Okay lang sa akin na di tayo magkaanak, hon. Ang importante ay magkasama tayo hanggang sa huling hininga. At t'saka pwede naman tayo mag-ampon nang sa ganoon ay magiging pamilya tayo. Kuntento na rin ako sa'yo, Hon. Mahal na mahal kita."

Ngunit wala siyang kaalam-alam na matagal na siyang pinagtataksilan ng kanyang asawa. Wala siyang kaalam-alam sa pinanggagawa ng asawa at kambal niyang si Riri. " O siya mahal aalis muna ako saglit, pinapatawag kasi ni Daddy eh. Dito kalang muna ah? At kapag may kailangan ka, hingin mo lang kay Manang Fe. Saglit lang ako don babalik din agad ako. " Paalam ni Dari sa kaniyang asawa, at lihim na napangiti si Clark dahil sa wakas ay mahahagkan na niyang muli ang kambal ng kaniyang asawa na si Riri. 

Nang makaalis si Dari ay agad niyang tinawagan si Riri. " Babe? Napatawag ka?" bungad sa kaniya ni Riri sa kabilang linya. 

" Hindi mo ba ako namimis? Kasi sobrang miss na miss ko ang matamis mong kiffy." Kinilig sa kabilang linya si Riri sa isinambit ni Clark sa kaniya.

" Nasaan ba ang bruhildang kakambal ko?" Wala balak na pumunta si Riri sa bahay ng kambal dahil kailangan niyang kumprontahin si Dari tungkol sa posisyon na itatalaga ng kanilang mga magulang kay Dari. " Babe? Sorry next time nalang ako pupunta diyan ah? May kailangan akong kumprontahin ngayon eh."

" Mas mahalaga ba iyan kaysa akin, babe?" Malungkot na tanong nito sa nobya. 

" Importante talaga ito, babe dahil nakasalalay ang kinabukasan nating dalawa dito. Wag kang mag-alala, mamayang gabi ay babawi ako sa'yo."

" Hindi ba pwede na ipagpaliban mo muna iyan? Ako naman ang uunahin mo."Muling pakiusap nito kay Riri. Gustuhin man ni Riri na puntahan si Clark sa bahay ng kakambal ay kailangan niya munang isantabi ang kaniyang nararamdaman. Kailangan niya munang unahin ang kambal niya. " Sige sige na babe, nandito na ang bruhilda kong kambal. I'll call you later, mwaaaaah. I love you!" 

*Toooooooooot*

Sa kabilang banda, nang makarating si Dari sa bahay ng kaniyang mga magulang ay agad niyang pinark ang kotse niya at bumaba bitbit ang kaniyang bag.

" Mom, dad! Sisssy!" tawag niya nang siya'y makapasok sa loob ng bahay. Agad siyang sinalubong ng kaniyang mga magulang ngunit hindi nagustuhan ni Riri ang kaniyang presensya. " Sissssy! How are you? You look stunning huh?" Aakmang bumeso na sana si Dari ngunit mabilis na umiwas si Riri sa kaniya. " Unlike sayo, Bruhildang Losyang kaya't sguro ipinagpalit ka ng asawa mo sa akin." Malditang bulong nito sa kaniyang sarili.

Ngunit ninakawan pa rin ni Dari ng halik sa pisngi ang kapatid niya. " Why so serious, kambal? May problema ba? Tell me, makikinig ako." Ngunit inirapan lamang siya ni Riri. 

" Mom, dad. Bakit niyo pala ako pinatawag?" seryosong tanong ni Dari sa kaniyang mga magulang. Kailangan niya kasing makauwi agad, dahil tiyak na nababagot na ang asawa niya na naiwan. Wala siyang kaalam-alam na sinunog ni Clark ang lahat ng litrato nila na nasa album pati ang mga love letters na itinago ni Dari sa Vault machine ay kinuha at sinunog niya pa ang mga ito. " Kaya kita pinagpalit kasi wala kanang oras sa akin, puro nalang trabaho ang inaatupag mo. At kapag nagse-sēx tayong dalawa para akong bumayo ng patay!" Galit na sambit nito habang sinusunog ang litrato at love letters ni Dari.

Sa kabilang banda, umupo si Dari sa tabi ng kaniyang mga magulang at may inabot ang kaniyang ama. Ang testament na may pirma ng kaniyang ama, nakasaad sa testament na isinasalin ni Guillermo Wilson ang kaniyang posisyon sa kumpanya sa kaniyang panganay at butihing anak na si Dari Wilson. At kapag napirmahan ito ni Dari ay maililipat na sa kaniya ang lahat ng responsibilities niya sa Kumpanya. " Just sign it, anak." Asik ng ama niya, samantalang ang mga mata ni Riri ay nanlilisik na ito sa galit. 

" Paano si Riri, mom dad? May shares din ba siya sa kumpanya or any position?" Nag-alalang tanong ni Dari sa kaniyang mga magulang. Gusto niya sana na si Riri ang uupo sa posisyon ng kanyang ama sa kumpanya kasi ayaw niyang masaktan ito. 

" Meron din anak ngunit t'saka ko na ibibigay sa kaniya ang shares niya kapag hindi nagrerebelde sa atin. Malugi pa ang kumpanyang iniwan sa akin ng Lolo't lola niyo." Handa ng sumabog sa galit ang dibdib ni Riri sa mga sandaling ito. Pinapatay na niya sa kaniyang isip ang kaniyang mga magulang at ang kaniyang kambal karibal na si Dari. 

" Dad! Napakaunfair niyo! Pinatunayan niyo talaga na may favoritism kayo sa aming dalawa ng bruhildang kambal kong iyan! Ako ang karapat-dapat na maging CEO ng kumpanya!" napatayo sa galit si Riri, hindi niya nakontrol ang kaniyang emosyon. Hinampas niya ng pagkalakas ang mini-table na nasa kanilang harapan na ikinagulat ng mga magulang niya at ng kambal na ito. " Puro nalang kayo Dari! Dari! Dari! Naisip niyo rin ba ako ha? Simula pagkabata, si Dari nalang palagi bukambibig niyo, si Dari nalang palagi ang pinipili niyo. Si Dari nalang lagi!" Nasaktan at nagulat si Dari sa reaksyon ng kaniyang kambal. Hindi niya inasahan marinig ang mga hinanakit nito sa kaniya. 

" Dad, si Riri nalang po ang ipalit niyo." 

" Hindi pwede, anak. Dahil kung sa kaniya ko itatalaga ang posisyon ko ay baka malugi ang negosyong naipundar ng mga magulang ko." Giit pa ng kaniyang ama. 

" Ikaw babae ka, dapat kang mamatay!" Galit na sigaw ni Riri sabay hila sa mahaba at kulot na buhok ni Dari. 

" Ri, nasasaktan ako. Bitawan mo ang buhok ko!" 

" Hindi ako makapapayag na sayo mapupunta ang posisyon ni daddy!!!" 

Napahawak ang kanilang ama sa kaniyang dibdib nang atakihin ito sa puso. " Dari, Riri, tama na iyan! "

" Diyos ko, mahal?! Anong nangyari sayo? Riri, Dari iyong dadddy niyo!" Natatarantang sigaw ng kanilang ina ngunit walang pakialam si Riri. Patuloy pa rin nitong sinasabunutan ang buhok ni Dari, at di manlang lumaban si Riri, umiyak lamang ito habang nagmamakaawa. " Riri, Dari! Tulungan niyo ko ang daddy niyo! Inatake sa puso!" 

" Daddddy! Dadddy!" 

" Tumawag kayo ng ambulansya! Kailangan nating dalhin sa hospital ang daddy niyo!" 

" Mas okay na mamatay nalang siya! Kaysa nabubuhay siya ngunit second option lamang ako sa puso at atensyon niya! Karma na niya iyan!" Binitawan ni Riri ang buhok ni Dari. 

****** 

Pagdating nila sa hospital ay dead on arrival na ang kanilang ama at hindi matanggap ni Dari ang pagkamatay ng kaniyang ama. Nagyayakapan ang mag-ina maliban kay Riri na ngayon ay nagdiriwang sa pagkamatay ng kaniyang ama doon sa BAR na pagmamay-ari ni David Kranleigh.Â