Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ang T- back ni Kumare (SSPG)

🇵🇭Sleeplessbeautyyy
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2k
Views
Synopsis
Nang dahil sa isang t-back na nakita ni Misis sa kaniyang pants ay pinalayas at iniwan siya ng kaniyang asawa. Wala siyang kaalam-alam na ang may-ari ng T-back na iyon na siyang sumira sa relasyon nilang mag-asawa ay ang kumare niya.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Arsenio's POV

" Arsenio!" nagulatang ako sa sigaw ng aking asawa kaya't saglit kong itinigil ang pags-scroll ng aking social media at agad na lumabas ng aking kwarto. 

Nakaboxer shorts lamang ako at nakasleeveless nang lumabas ako ng aking kwarto. Habang pababa ako ng hagdan ay sinalubong ako ng isang malakas na sampal ng aking asawa na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung ano ang atraso ko sa kaniya.

" Inuwi mo pa ang t-back ng kabit mo! Walangya ka! Kailan mo pa ako pinagtaksilan ha? Arsenio?!" Ha? Anong kabit pinagsasabi niya? Wala naman akong kabit eh. Hindi ko siya kayang pagtaksilan, mahal na mahal ko siya. " A-anong ibig mong sabihin, m-mahal?" nauutal kong tanong sa kaniya habang nakahawak sa pisngi ko. 

" Wag kang magdeny pa, Arsenio. Huling-huli kana!" Sinugod niya ako ng hampas sa braso. Sumosobra na talaga itong asawa kong ito. Kailanman ay hindi ako nagloko o di kaya'y nagsinungaling sa kaniya.

" Ito! Idedeny mo paba ito ha, Arsenio?!" nagulat ako nang itaas niya ang isang t-back na kulay pula at sabay itong ibinalibag sa mukha ko. 

" Sumagot ka, Arsenio! Tinatanong kita!" napahagulhol na siya sa mga sandaling ito habang patuloy akong pinaghahampas sa braso. Ano ang isasagot ko? Hindi naman ako nagloko sa kaniya? Di ko nga alam kung sa'n galing 'yung t-back eh. Tapos aakusahan niya ako. 

" Kahit kailan ay hindi kita pinagtataksilan, mahal. Baka may nagpren-up sa akin upang mapaghiwalay tayong dalawa, mahal." Paliwanag ko sa kanya ngunit muli niyang sinampal ng pagkalakas-lakas na halos matabingi ang mukha ko. 

" Ano ang akala mo sa akin ha, Arsenio? Tanga? Hindi ako tanga, Arsenio. Dalawang beses na akong nakakita ng t-back sa loob ng bulsa ng pants mo! Hayop ka! Arsenio? Paano mo nagawa sa akin ito? Anong pagkukulang ko saiyo ha? Bakit magaling ba sa kama iyang kabit mo ha, Arsenio? Sumagot kang g@go ka!" 

Dalawang beses? Bakit di niya ako kinompronta kaagad? Wala akong maalala na may kasiping akong ibang babae, siya lang ang kasiping ko at wala ng iba pa! Kung sinuman ang taong nagpren-up sa akin ito ay humanda talaga siya sa akin. " Suko na ako sayo, Arsenio! Kaya't maghiwalay na tayong dalawa!" sigaw niya at sabay niyang tinanggal ang singsing sa kaniyang daliri at ibinalibag niya ito sa mukha ko. 

" Ano?! Hindi pwede ito! Hindi mo'ko pwedeng hiwalayan, Shantal! Alam mo na hindi kita kayang pagtaksilan. Wala akong ginawang masama sa'yo Mahal. Hindi ako makakapayag sa gusto mong mangyari!" Giit ko pa sa kaniya.

Sinubukan kong hawakan ang braso niya ngunit iwinakli niya lamang ang kamay ko. " Wag na wag mo'kong hahawakan, Arsenio! Nandidiri ako saiyo!" galit nitong sigaw sa akin at sabay na nag-walkout. Naguguluhan akong pinulot ang kaniyang singsing sa sahig. Aakmang aakyat na sana ako ng hagdan nang lumabas siya ng aming kwarto at ibinalibag niya ang aking mga damit. " Lumayas kana, dito! Arsenio! Ayoko ng makita ang pagmumukha mo! Doon ka sa kabit mo!" Isa-isa kong pinulot ang aking damit.

Hindi ko magawang depensahan ang aking sarili. Kahit anong paliwanag ko sa kaniya ay hindi niya ako pinakikinggan." Wag mo naman gawin sa akin, ito mahal. I can't bear to lose you! Please! Pakinggan mo ang paliwanag ko saiyo! Mahal na mahal kita, Shantal at kailanman ay hindi kita pinagtataksilan." Lumuhod ako sa harap niya ngunit tumalikod siya at pumasok sa aming kwarto. 

*******

Isang linggo, simula' nung palayasin ako ng aking asawa. Ang masayang pagsasama namin ay gumulo nang dahil sa isang t-back na di ko alam kung saan galing at sino ang may-ari nito. Nabalitaan ko na rin na lumuwas ng Spain ang asawa ko. At hindi ko na rin siya makontak. Blinocked niya na rin ako sa lahat ng social media accounts ko. Wala na akong access pa sa asawa ko. At ngayon nandito ako kay Axel kapatid ng asawa kong Shantal, nakikiusap ako sa kaniya na ibigay sa akin ang address ni Shantal doon sa Spain ngunit sinuntok niya lamang ako.Nasira na rin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga sandaling ito. Kung maibabalik ko pa kaya ang masaya at matamis naming pagsasama ng aking asawa na si Shantal. 

Makikita ko pa kaya siya? Sinubukan kong kausapin ang mga magulang ni Shantal na nasa Siargao ngunit hinabol lamang ako ng itak ng tatay ni Shantal. Handa kong halughugin ang buong espanya makita lamang ang aking asawa. Ngunit kailangan ko munang malaman kung sino ang nagpren-up sa akin? Nang sa ganun ay maparusahan ko siya sa kaniyang ginawang pagsira sa pagsasama namin ni Shantal. 

Umuwi na lamang ako sa Cavite dahil wala naman akong makukuhang sagot sa mga magulang ni Shantal. Habang nasa loob ako ng eroplano ay hindi ko napigilan ang sarili kong mapaluha nang maalala ko ang mga masasayang araw naming dalawa ni Shantal, ang bawat ngiti niya at ang mga pangako namin sa isa't-isa. " Okay kalang, Sir?" saglit akong napalingon sa dalagang nasa tabi ko. Morena, maganda at may mapupungay na mga mata, matangos ang kaniyang ilong at may hugis puso ang mapupula niyang labi. " Okay kalang po?" muling tanong niya sa akin. 

"O-okay lang ho ako. Salamat sa concern," pagsisinungaling ko pa sa kaniya kahit ang totoo ay hindi ako okay sa mga sandaling ito. Nangungulila ako sa aking asawa. Nangungulila ako sa yakap at halik niya. " Okay po." Umagaw ng aking atensyon sa akin ang nobelang binabasa niya at iyon akda ng aking asawang si Shantal. Isang magaling na novelist o manunulat ang asawa kong iyon. Kahit anong genre ay kayang-kaya niyang sulatin. Ngunit mas magaling siya sa genre'ng Romance. 

Actually, avid reader niya ako noon. At dahil sa galing niyang magsulat ng nobela ay napukaw niya ang aking puso. Marami akong collection ng mga libro niya, halos mapuno na iyong library ko at puro libro niya ang naroon. Pangatlong beses niya akong binasted ngunit di ako sumuko. Hanggang sa napasagot ko na nga siya. Muntik pa akong masagasaan noon, nung aming unang anibersaryo nang bumili ako ng paborito niyang bulaklak sa flower shop ay biglang may rumagasang kotse papunta sa akin mabuti na lamang ay mabilis niyang nahila ang kamay ko kundi matagal na sana akong patay. 

Utang ko sa kaniya ang pangalawang buhay ko. Dahil kundi dahil sa kaniya ay wala sana ako ngayon. Matagal na sana akong patay at hindi ko sana naging asawa ngunit ang lahat ng iyon ay nawala sa isang iglap nang dahil sa isang t-back na nakita niya sa aking pants.Â