Isang gabi nag iinoman kami nang mga barkada ku dahil birthday ni paring alvin,tapos non mga ilang oras pa nakalipas,nakaramdam aku mag jingle,nag paalam aku na iihi lang aku saglit,dahil nga nasa labas lang kami nang bahay naka pwesto sa likod aku nang bahay nag tago para umihi,maya maya may tumawag sa pangalan ku si paring alvin,ang sabi pre sayu na ang tagay,dahil nga may amats narin aku,sumigaw nalang aku nang pass muna,at pagkatapos kung umihi,napa tingala aku sa taas subra bilog ang buwan subrang liwanag,maya maya bigla nalang aku natumba,tapos non may nakita aku ibon na lumilipad sa itaas ang laki,dahil sa takot ku,nahimasmasan ang pagka lasing ku,parang sa tingin ku hinde normal na ibon ang nakita ku kundi isang aswang