Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Sin Within (18+)

Jeanne_Beau
--
chs / week
--
NOT RATINGS
189
Views
Synopsis
As a Filipina sex worker, Anastasia believed she had left behind any worries about her personal desires being fulfilled. That was until Leonid enters her life, a Russian crime lord whose dominance in the bedroom matches his ruthless nature in the underworld. He would awaken and indulge her most hidden cravings, ones she never even knew existed. CAUTION: THIS STORY EXPLORES MATURE AND POTENTIALLY DISTRESSING THEMES, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO DRUG USE, CRIMINAL ACTIVITY, VIOLENCE, ASSAULT, AND EXPLICIT SEXUAL CONTENT. READERS WHO MAY FIND SUCH TOPICS UNSETTLING OR TRIGGERING ARE ADVISED TO PROCEED WITH CAUTION OR CONSIDER NOT CONTINUING FURTHER.

Table of contents

Latest Update1
0011 months ago
VIEW MORE

Chapter 1 - 001

Sa malagim na mundong ito, nasaksihan ko kung paano mawala sa wisyo ang mga taong nakapaligid sa akin dahil sa droga, kawalan ng pag-asa, at ang madugong reyalidad ng buhay.

Nakaw rito, nakaw roon. Pagkatapos ay ibebenta sa dobleng halaga. Gagawin nila ang lahat upang maka-angat, kahit na makasakit pa sila ng iba. Naglaho ang kanilang moralidad nang parang bula.

At ako? Taga-pagpasiya ng kalalakihan. Isang lumang nightclub ang tahanan ko, madalas na tambayan ng mga nagtatago sa mga mata ng batas.

Huwag kang mataranta kung may makakasalubong kang pulis, mga VIP namin sila.

Sa lugar na ito, pera lamang ang mahalaga. Kaibigan, pamilya? Ang swerte mo kung marami kang pera, magkakaroon ka rin ng maraming kaibigan.

Dahil kung wala kang pera, hindi ka mahalaga. Dito, binibili ang respeto. Kung wala kang pera, wala kang karapatan, wala kang proteksyon.

Purong negosyo lang, walang personalan.

At kapag sinabing walang personalan, humanda ka na. Dahil ang taong itinuturing mong kakampi kahapon, posibleng tutukan ka ng baril ngayon.

Naka-upo ako ngayon sa barstool ng aming club. May sira ang mga upuan dahil sa kalumaan, ngunit magagamit parin.

Tinapik ko ang countertop, senyas para sa bartender na gusto ko ng inumin. Malagkit ang mesa, halatang hindi pa napupunasan ang mga tulo ng alak at natuyo nalang.

Madalim, at tanging mga pula, asul, at lilang ilaw lamang ang nagpapaliwanag sa lugar. Nababalot ng makakapal na usok ang club dahil sa mga sigarilyo, mary jane, chongki, at bong.

Kahit hindi mo gustuhin ay lulutang ka rin dahil sa halu-halong amoy ng mga ito. Idagdag mo pa ang matatapang nilang mga murang pabango, at pawis.

Sari-sari ang mga kaganapan sa loob, may mga nag-iinuman, nag-sasayawan, at nag-hahalikan. Mayroon ding mga nag-susugal, at sumisinghot ng droga. Hanapin mo nalang dahil nagtatago sila.

Sa tagal ko nang nagtatrabaho rito sa club, nasanay na ang tenga ko sa malakas na tunog ng musika, mga tawanan, at daldalan ng mga kostumer. Para mas masaya, isama mo na ang sigawan ng mga nagtatalo.

Inilapag ng bartender ang aking inumin sa mesa. Isang cocktail. Magkahalong pula at kahel ang kulay nito at may nakapatong na isang cherry.

Tumaas ang kilay ko. "Mansanas lang 'to dati, ah?" pabiro kong komento sa bartender bago sumipsip sa straw. Matamis ito at hindi mo malalasahan ang alak.

Ngumiti ang bartender. "Nakaluwag-luwag nang kaunti, Ma'am," biro niya pabalik bago itinuon ang atensyon sa ibang kostumer.

Habang ninanamnam ko ang lasa ng aking inumin, bigla na lamang akong nakaramdam ng pagdampi ng isang malapad na kamay sa aking tagiliran.

"Tasia. Ano, tara?" bulong ng isang panglalaking boses, nakikiliti ang aking tenga sa mainit niyang hininga.

Lumingon ako sa aking tabi at tiningnan kung sino ang tao. Isang binatang lalaki.

Siya na naman?

Ibinaling ko ang aking atensyon sa inumin ko bago sumagot. "Tigil-tigilan mo nga ako. Sinabi na ngang ayaw ko."

Ngumisi siya at lumapit upang muling bumulong. "Bakit? Malaki naman 'to, ah?" hirit niya at idinikit ang kaniyang ari sa aking bewang.

Umiwas ako at tumaray. "Mahiya ka nga. Kahit maliit o malaki 'yan, ayaw ko parin," sagot ko bago sumipsip muli sa aking inumin.

Tumawa siya sa aking pagtataray. "Bakit ba? Hindi naman 'yon pinagbabawal dito, ah?" pagpupumilit niya habang inilalapit muli ang kaniyang katawan sa akin.

Ibinaling ko sa kaniya ang aking ulo at tinalasan siya ng tingin. "Oo, hindi bawal makipag-sex nang walang condom, pero bawal makipag-sex sa menor de edad," sagot ko.

Ngumisi siyang muli. "Legal na kaya ako next month! Pareho lang 'yon," pangangatwiran niya at hinawakan akong muli sa bewang. "Sige na.. magbabayad naman ako nang doble, eh!"

Bigla ko na lamang narinig ang malakas na boses ng aking kasamahan sa club na si Serafima.

"Hoy! Bitawan mo nga si Ana! Sinabihan na kita, 'di ba?!" aniya mula sa aming likod sabay hampas sa braso ng binatang lalaki. "Pinapahamak mo talaga kami, eh! Hinahanap ka na ng nanay mo!"

"Patay na nanay ko," hirit ng binatang lalaki bago dali-daling umalis.

Ha..?

"Diyos ko! Kabataan nga naman," saad ni Serafima habang umuupo sa katabi kong barstool.

Nasa bar din ako noong nasa ganiyang edad pa ako, para sa ibang rason nga lang.

"Pati mga bata, gusto ka. Ikaw na talaga!" pagbibiro niya at sumenyas sa bartender.

Bumuntong hininga ako. "Dapat ba akong matuwa dahil gusto akong i-kama ng mga ulila, adik, kriminal, may asawa't anak?"

"Ito naman hindi mabiro!" sagot ni Serafima at pabirong hinampas ang braso ko. "Kahit hindi mo sinasabi, alam kong gusto mo nang umalis dito."

"Naiintindihan ko naman kung bakit," dagdag niya at nagbuntong hininga. "Kung may mayaman lang talaga na bibili sa akin.."

"Bibili sa mga laman-loob mo, meron," pang-aasar ko bago sumipsip sa aking straw.

"Basag trip ka talaga kahit kailan!" pag-iinarte niya, bumalik naman ang bartender at nag-lapag ng kaniyang inumin. "Pero, what if.. may magpropose na mayaman sa 'yo?"

Napa-irap naman ako sa kaniyang tanong. "May maluwag lang na turnilyo sa utak ang papangaraping pakasalan ang isang pokpok, Sera."

"Okay.. may point ka diyan," tumango-tango si Serafima at uminom din sa kaniyang baso.

Asawa, anak, pamilya? Simula noong umapak ako sa lugar na ito, natanggalan na ako ng karapatan para mabuhay nang normal.

"May nagsabi ba ng gustong umalis sa inyo?!" biglang pagsingit ni Ekaterina sa aming usapan at pumagitna. Isa ko pang kasamahan sa club.

"May paraan ako," aniya at kumindat pa.

"Ano na naman 'yan, Kat?" pagbasag ni Serafima. "Ayaw na naming magtiwala sa 'yo pagdating sa mga raket."

"Hindi na 'yon mauulit, promise!" pagpapalusot ni Ekaterina. "Wala na talagang sabit ngayon!"

"Ewan ko sa 'yo," sagot ni Serafima at uminom muli sa kaniyang baso. "Muntik na tayong mahuli dati, ayaw ko na."

"Anong raket ba 'yan?" tanong ko. Hindi masamang alamin, kailangan ko ng iba pang paraan para kumita.

"Housekeeping," pagmamalaki ni Ekaterina.

"Housekeeping?!" natatawang pag-ulit ni Serafima. "Nag-domestic helper nalang sana tayo sa Hong Kong!"

"Pero 'wag ka, hindi sa Hong Kong," sagot ni Ekaterina.

"Nakarinig ka lang ng salitang 'ibang bansa', patol ka agad," pangongontra ni Serafima. "Bogus 'yan."

"Mayayamang daddy ang amo," saad ni Ekaterina.

"Anong bansa nga ulit?" agarang sagot ni Serafima.

"Kati mo rin, ano? Kanina aayaw-ayaw ka," hirit ni Ekaterina at pabirong hinila ang dulo ng buhok ni Serafima.

"Eh bakit 'di mo kasi agad sinabi?!"

"Anong bansa nga ba?" tanong ko naman.

"Oh, saan daw sabi ni Anastasia."

"Alemanya," tugon ni Ekaterina at tumaray kay Serafima. "Malayo-layo, pero libre na raw papunta roon."

Bahagya akong tumawa. "Ano naman kung libre? Wala nga tayong mga passport," ako naman ang kumontra.

"Hindi naman sa eroplano, eh," pagliliwanag ni Ekaterina. "Cruise ship daw. Barko yata."

"Barko?!" bigong pag-ulit ni Serafima. "Hindi sasakay ng eroplano?"

"Ang arte mo. Nakasakay ka na ba sa barko?" pag-iintriga ni Ekaterina.

"..hindi pa," tugon ni Serafima at uminom nalang sa kaniyang baso.

Housekeeping sa ibang bansa, mayayaman ang mga amo, at libre lahat?

Kahit sasakay sa barko, hindi ba kailangan parin ng kung anong mga papeles?

"Tama na ang daldalan! Magtatrabaho ba kayo o magtatrabaho?!" biglang umalingawngaw ang boses ng aming manager. "May mga bigating customer na naghihintay!"

"Baka, bigatin 'yong tiyan," natatawang hirit ni Serafima. Lumingon naman kami ni Ekaterina sa aming likuran.

"..mga bigatin nga," hindi makapaniwalang sambit ni Ekaterina.

Sa dulo ng aming lumang club, naka-upo sa sira-sirang sofa ang apat na lalaki. Mga dayuhan. Kaswal lang ang mga kasuotan nila, pero hindi mo maikakailang mayayaman.

Hindi ito ang unang pagkakataong mayroon kaming mga dayuhan sa club, ngunit sa hindi ko matukoy na rason, iba ang pakiramdam ko sa apat na ito.

"Kayo nang bahala sa tatlo," mungkahi ko at bumaba sa barstool para maglakad patungo sa table ng mga dayuhan.

Simula na naman ng aking kalbaryo. Parang isang masamang panaginip na kahit ipilit ay hindi ko kailanman matatakasan.

Dahil kapag ang araw ay lumubog, ang mga tao ay kailangang matulog.

Pumunta kami sa table ng mga dayuhan at umupo sa kanilang tabi. Kinuha ng waitress ang kanilang mga order, habang sumunod naman ang dalawa naming dancers at nagsimulang sumayaw para sa kanila.

Hindi ako sigurado, ngunit mukhang magkakaiba ang nasyonalidad nila sa isa't-isa, dahil alam ko na ang pagkakaiba ng isang Amerikano sa hindi.

Sa pagitan ni Serafima ay dalawang hindi kaputiang lalaki. Itim ang buhok ng isa habang ang pangalawa naman ay dark-brown. Pareho silang kayumanggi rin ang mata.

Habang ang katabing lalaki naman ni Ekaterina ay medyo maputi, light-brown ang buhok, at berde ang mga mata. Nakamamangha.

Ngunit mas nakamamangha ang aking katabi. Maputi siya, blond ang buhok, at asul ang mga mata. Isang magandang lalaki.

Makalipas ang ilang oras, patuloy na uminom at nag-usap ang apat na mga lalaki. Minsan ay magsasalita sila sa kanilang sariling lenggwahe, ngunit kahit magsalita sila ng Ingles ay nahihirapan parin akong intindihin dahil sa bilis ng kanilang pagsasalita at accent.

Hindi nagbigay pansin si Serafima at Ekaterina sa pinag-uusapan ng mga dayuhan. Ngunit ako, oo.

May mga napansin akong salita na ilang beses nilang nabanggit. 'Transacted', 'Betrothed', 'Serf', 'Union', 'Toil', 'Females'.

Kung nakatungtong lang sana ako ng highschool, mas maiintindihan ko sila.

Maya-maya ay tumayo ang dalawang lalaki at sumunod naman si Serafima. Good luck nalang sa kaniya.

Dumikit sa akin si Ekaterina at bumulong. "Ana, g na g na 'to. Ikaw?" aniya at ngumuso sa lalaking katabi ko.

Pinilit kong hindi magbuntong hininga. "Hindi ko alam, wala yatang balak 'tong manok ko," bulong ko pabalik.

Tumayo naman ang lalaking katabi niya at naglakad patungo sa private rooms.

Nagmamadaling tumayo si Ekaterina. "Kawawa ka naman, ba-bye!" pang-aasar niya bago sumunod sa likod ng dahuyan.

Inirapan ko siya at itinuon ang tingin sa lalaking naiwan sa tabi ko. Maskulado ang katawan niya. Ayaw kong aminin, pero gusto kong mahawakan kahit saglit lang.

"So, what's your plan?" naiinip kong tanong. Nilagyan ko muli ng alak ang kaniyang baso at inabot sa kaniya.

Tinanggap niya ito at bahagyang nagkadikit ang daliri namin. Uminom siya sa baso habang nakatingin sa akin.

Ibinaba niya ang baso bago magsalita. "I'm not convinced a girl like you could handle someone like me," aniya at iniwas ang tingin sa akin.

Anong ibig sabihin niya? Hindi ba ako type nito? Nakakainsulto, ah.

"I'm the top pick here, so trust me, I can," kumpiyansa kong sagot.

Bahagya siyang ngumisi, ngunit hindi masyadong halata na muntik ko nang hindi mapansin.

"But the men in this place aren't on my level," aniya at itinuon muli ang tingin sa akin.

"Afraid I'll show you just how wrong you are?" panghahamon ko.

Inilapag niya ang kaniyang baso sa mesa at biglang umusog papalapit sa akin, ipinalibot niya ang kaniyang braso sa aking balakang bago bumulong sa aking tenga.

"You're going to regret saying that."

Sa mga sumunod na sandali, nasa loob na kami ng isang mamahaling condominium. Dito ba siya tumutuloy?

May dalawang lalaking naka-suot ng itim na polo shirt at pantalon, maskulado, at hindi mukhang mga Pilipinong nakatayo sa pintuan ng silid niya.

Katulad kanina, mayroon siyang driver, at may dalawa kaming kasamang lalaki sa loob ng mamahaling kotse na pareho sa kanila ang kasuotan. Mga bodyguard niya yata sila.

Sino ba siya at kailangan niya ng mga bodyguard?

Akala ko pati sa loob ay may bodyguard na magbabantay sa kaniya. Buti naman ay wala.

Malaki ang espasyo, may air-conditioning at mga kagamitan na, pati kusina, mayroon ding lutuan at refrigerator.

Ngayon lang ako nakatapak sa loob ng isang condo, pakiramdam ko ay isa akong ignorante.

"Follow me," aniya at pumasok sa isa sa dalawang kuwarto.

Sinundan ko siya at tumambad sa akin ang isang napakalaking kama. Ang bango ng kuwarto, dahil siguro sa mga kandilang nakasindi sa tabi ng kama.

Ang isang buong pader ay bintanang babasagin, nakikita ko ang mga katabing building. Ngayon ko lang napagtantong nasa pinakamataas na palapag kami. Nakalulula.

"Are you sober?" aniya at umupo sa kama. Sinenyasan niya akong lumapit gamit ang kaniyang hintuturo.

Mahalaga ba kung lasing ako o hindi?

Lumapit ako at tumayo sa kaniyang harapan. "I guess."

"Good," sagot niya at inabot sa akin ang basong may lamang alak mula sa mesang katabi ng kama.

Tinanggap ko ang baso at tinungga. Lasang mamahalin, kung posible man 'yon.

Kinuha niya ang baso mula sa aking kamay at ibinalik sa mesa. Kumuha siya ng isang maliit na kutsilyo at sigarilyo. Isang mahaba, makapal, at kulay gintong sigarilyo.

Pinutol niya ang dulo ng sigarilyo at sinindihan ito gamit ang isang lighter, inilagay niya ang sigarilyo sa kaniyang labi bago ituon muli ang atensyon sa akin.

Muntik na akong kabahan.

Nag-amoy kape at karamel ang paligid nang sindihan niya ang sigarilyo, 'yong tipong matatakam ka.

"Strip," pag-uutos niya.

Hindi ako sanay na inuutusan sa kama, pero dahil hindi siya taga-rito, pagbibigyan ko siya.

Inihubad ko ang aking slip dress, wala akong suot na panloob maliban sa aking lace panty. Naka-pirmi lamang sa kaniyang labi ang cigar habang siya'y nakatingin sa aking hubad na katawan.

Ibinuga niya sa aking direksyon ang usok bago ako hawakan sa bewang. Halos matumba ako dahil sa hindi inaasahang paghila niya sa akin.

Napakapit ako sa kaniyang balikat, at tuluyan niya naman akong pinaupo sa kaniyang hita.

"Have a smoke," aniya at inilapit sa akin ang sigarilyo.

"I.. I've never.."

"Take it."

Nag-aalangan kong kinuha ang sigarilyo mula sa kaniyang kamay at humithit, hindi nagtagal ay inilayo ko agad ito sa aking bibig at umubo.

Lasang pinaghalu-halong gatas, mani, at tsokolate pero maanghang na hindi ko maintindihan.

Kinuha niya ang sigarilyo mula sa aking kamay at inilapag sa ashtray. Halata ang pagkabigo sa kaniyang ekspresyon.

Paano ko naman kasi hihigupin 'yong gano'n kakapal?!

"You don't have to inhale it deeply into your lungs," aniya na parang nabasa ang utak ko.

Walang anu-ano niya akong hinawakan sa panga, itinaas ang aking tingin habang ang isa naman niyang kamay ay ginagabayan ang aking balakang sa pag-upo sa kaniyang kandungan.

Inamoy-amoy niya ang aking leeg habang ang kamay niya ay pumapadausdos sa aking tagiliran.

Sa isang iglap, bigla na lamang niya akong itinulak pahiga sa kama at pumaibabaw sa akin, inilapat niya ang kaniyang palad sa aking hita at pinisil-pisil.

Inilapit niya muli ang kaniyang mukha sa aking leeg at bumulong.

"So delicate..."

"..so flawless."

"Absolutely perfect for me to destroy."