"Good Morning. Yoona Vergara, right?" tanong ng HR Personnel na mag-i-interview sa kaniya. Kabado talaga siyang sobra.
Sana masagot ko ng maayos ang mga tatanungin sa 'kin. Sabi niya sa kaniyang sarili.
"Good Morning po. Yes, Ma'am," sagot niya. Ramdam na ramdam niya ang kabog ng kaniyang puso.
Lord, please guide me! Kailangan ko ng makapagtrabaho. Aniya sa kaniyang sarili.
"Ok. Tell me about yourself."
Oh, my goodness! TELL ME ABOUT YOURSELF!
"Hmm. I'm Yoona Vergara from Rizal Street, Makati City. Twenty-five years old. Single since birth, hehe. Graduate po ako ng BS in Office Administration. Hard-working po ako at fast-learner. Uhm, that's all po," sagot niya. Kinokontrol niya ang panginginig ng kaniyang mga kamay.
Putiks, na-me-mental block na naman siya! Nararamdaman niya ring basang-basa na ang kili-kili niya sa sobrang pawis.
"You seem nervous, Miss Yoona. Just relax, ok?" nginitian siya nito.
"Opo, kinakabahan po talaga ako. Pasensya na po," sambit niya. Grabe, kasing lamig na ng yelo ang mga kamay niya.
"That's ok. How do you handle stress?"
"By staying positive in every situation," sagot niya.
"What else?" Napalunok siya sa pa-what else ni Madam. Ano pa ba?
"By using stress as a motivator and madalas po akong kumain kapag na-i-stress ako," nginitian niya ito.
At nginitian din siya nito ng nakakaloko.
Tama naman 'di ba? Kahit naman siguro siya, eh kain nang kain kapag stressed!
"Miss Vergara, tatawagan ka na lang namin," aniya.
Ngek! 'Yon lang ang tanong sa 'kin ni Madam?
"Ok po, Ma'am. Thank you po," sabi niya at tumayo na siya para lumabas ng office.
Nakakapagod na.
Ilang beses na siyang nag-apply pero wala pa din. Tapos ngayon, alam niyang hindi na naman siya nakapasa sa interview.
Yoonaaa! Ba't kasi ang b*b* mo! Hinampas niya ng folder na dala ko ang ulo ko.
Pero buti na nga lang nakapagtapos siya ng kolehiyo dahil sa kaniyang sponsor. Matalino naman siya sabi ng teacher niya lalo na sa written exams, pero pagdating talaga sa reporting at oral exams, kadalasan nauutal siya. Nauunahan siya ng kaba tapos minsan nanginginig pa ang kamay niya habang nagsasalita sa unahan. Hindi niya alam, pero parang may stage fright talaga siya.
Dapit-hapon na naman tapos pagdating niya sa bahay, pagod na pagod siya sa wala. Kailan kaya siya sweswertehin? Kawawa naman ang Mama niya, kulang na kulang ang kinikita sa araw-araw. Mabuti sana noong nag-aaral pa siya dahil pinapadalhan siya ng sponsor niya na panggastos sa araw-araw.
Makapasok lang talaga siya sa trabaho, iyon na ang pinakamasayang araw niya.
Pagkarating niya sa bahay, gano'n pa rin. Sobrang tamlay niya, pagod at parang binagsakan ng isang sakong problema.
"O, 'nak? Kumusta ang pag-apply mo ng trabaho?" bulalas ng kaniyang Mama na galing ng kusina.
"Ayos lang po, Mama," sagot niya, kahit ang totoo'y parang gusto niya nang sumuko. Kung susuko naman siya, ano pa't nag-aral siya? Naniniwala siya na lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang oras ng kanilang swerte. Diyos na ang bahala at nakakaalam kung ano ba talaga ang para sa kaniya.
"Mag-merienda ka na, 'nak," sambit ng Mama niya at lumapit kaniya, "Anak, 'wag ka nang malungkot ha? Kung hindi ka man natanggap sa trabaho ngayon, maaaring sa susunod na mga araw, matatanggap ka na," dagdag pa nito.
"Mama, pasensiya na po. Desperadang-desperada na po talaga akong makapagtrabaho para naman matulungan ko na kayo," pag-amin niya rito. Lumapit sa kaniya ang Mama niya at inakbayan siya kasabay ng pagtapik niya sa kaniyang balikat.
"'Nak, hanggang buhay pa ako at malakas pa ako, hinding-hindi ko kayo pababayaang dalawa ni Avery. 'Wag kang ma-stressed sa bagay na 'yan dahil tatanda ka kaagad niyan," she said, smiling.
Hmm. Si Mama talaga, naiiyak tuloy ako. Aniya sa kaniyang sarili.
"Tandaan mo na mahal na mahal ko kayong mga anak ko. May ibang taong naghihirap at mas mahirap pa kaysa sa 'tin pero tingnan mo at nakakaraos din sila sa araw-araw. Darating din ang araw na para sa 'yo, 'nak. Basta ba, 'wag na 'wag mong kalilimutang magdasal," dagdag pa nito at niyakap siya.
Ang Mama niya talaga ang laging nagpapalakas ng loob niya, lalo na kapag down na down siya.
"Ay, ako rin!" sambit ni Avery nang makita sila, "Pa-hug din, hehehe!" bigla rin siyang yumakap sa mama't ate niya.
"Sa'n ka ba kasi nagsususuot?" tanong ni Yoona sa kaniya.
"Sa kwarto, nag-aral ako kasi may pagsusulit bukas," sagot nito.
"Wow! Sipag ni Bunso, ah." Napakatalino ng kapatid niyang ito at sobrang sipag pa.
Naiinis din minsan si Yoona kapag nasa mood mang-asar ang kapatid niyang si Avery kasi talagang pinipikon siya nito.
"Syempre naman, Ate. Dapat hindi masayang ang pagod ni Mama sa araw-araw na pagbibigay ng baon sa 'kin at pagsasakripisyo para lang mapag-aral ako," inirapan siya nito.
"Kailan ka pa naging ganiyan ha?"
"Ano, hmm. Palagi naman eh."
"Ops! Minus ten points ka sa langit kapag nagsinungaling ka," pananakot nito sa kapatid.
"Uhm. Ate naman eh! Oo, na. Kasi sabi mo bibilhan mo ako nang cellphone kapag nagkatrabaho ka na," pag-amin nito.
"Kaya naman pala," sabay na sambit namin ng ina.
"Pero totoo naman ang sinasabi ko, eh. Dapat pinapahalagahan ang bawat sakripisyo ng magulang," sabi nito at biglang sumimangot ang mukha.
"'Wag ka na magsimangot, bunso. Naniniwala naman kami ng Ate mo."
"Oo nga, nagbibiro lang kami ni Mama, hehehe. Ngumiti ka na kasi parang pwet na ng manok 'yang nguso mo!" sabi niya at napatawa na lang silang tatlo.
Ang cute, cute ni Avery kapag nagsisimangot, pero thankful din sila kay God dahil napakabuti nitong kapatid. Napakatalino, masunurin at matapang. Minsan na rin itong na-bully ng mga kaklase dahil sa bakla siya. Oo, bakla si Avery Jonnel! Ganda ng pangalan! Siya ang bunga ng pagmamahalan ng mga magulang nito bago nakulong ang ama nito.
Three months pa lang ang tiyan ng ina nito nang biglang makulong ang ama nito tapos si Yoona naman ay five years old. Sa bahay lang ipinanganak si Avery, at komadrona ang nagpaanak na si Aling Marites. Dinalaw noon ni Yoona ang kaniyang ama sa piitan at iyon din ang una niyang pagpunta roon nang mag-isa, upang ibalita sa Papa niya na nanganak na ang Mama niya. Hinding-hindi niya malilimutan ang pagtulo ng mga luha ng kaniyang Papa. Ani nito'y kung hindi sana ito nakakulong, matutulungan nito ang asawa at maaasikaso lalo pa't bagong panganak ito. Nais nitong makita ang anak na bunso, ngunit hindi maaari.
Kitang-kita ni Yoona ang bawat pagtulo ng luha ng kaniyang ama at ramdam na ramdam niya 'yong sakit na nararamdaman nito. Bilang pagpapalakas ng loob ng kaniyang ama ay sinabi niyang siya na lang ang bahala sa kaniyang ina.
Kaya sa murang edad, si Yoona na ang gumagawa nang lahat ng gawaing bahay ng pakapanganak ng kaniyang ina, natatakot kasi siya sa sinasabi ni Aling Marites noon na baka mabinat daw ang kaniyang ina.
Isang malaking tulong sa kanila noon ang sponsor ni Yoona, dahil pinadadalhan sila ng pera buwan-buwan maliban sa pagbayad nito ng mga binabayaran sa school. Napakabuti nitong tao kaya talagang gusto ni Yoona na makilala ito pero hindi niya alam kung papaano. Ngayon, naputol na ang pagpapadala nito dahil graduate na ang dalaga pero sana naman makita niya ito in person, nang mapasalamatan niya naman ito.
Ngayon, ang dalaga naman ang tutulong kay Avery na makapagtapos kaya desperada talaga siyang makapagtrabaho. Nineteen years old na si Avery, dati kinakalong niya lang ito pero ngayon, binata na. Siguro ang saya ng buhay nila kung kasama nila ang Papa nila.
"Maghapunan na tayo mga anak," yaya ng kanilang mama.
"Opo, nagugutom na rin po ako eh," sagot niya.
"Ako rin po Mama, nagugutom na po ako," sambit ni Avery.
Tinulungan ni Avery ang kaniyang mama sa pagkuha ng plato. "Oh, kain ka na Ate," iniabot niya sa ate niya ang isang plato't kutsara.
"Sige, salamat," sabi niya at nagsimula na siyang kumuha ng nakahaing pagkain. Pritong talong, tuyo at nilagang okra with toyo na may sili at kalamansi ang ulam nila. Grabe, talagang mapaparami na naman ang kain nila nito.
"Siya nga pala bibisitahin natin ang Papa ni'yo sa kaarawan niya sa Linggo," tuwang-tuwa na sambit ng mama nila.
"Ay, oo kaarawan pala ni Papa sa Linggo, dalhan natin siya ng cake Mama, tutulungan ko po kayo sa pagbebenta ng kakanin sa Sabado para marami ang benta," masayang bulalas ni Avery.
"Ako rin po Mama, tutulong ako sa pagluluto at pagbebenta ng mga kakanin. Hindi na po muna ako mag-a-apply ngayong Huwebes at Biyernes," sabi niya. Kitang-kita ang saya sa mukha ng kaniyang ina sa sinabi nila ng kapatid niya.
"Sige mga anak, napakaswerte talaga namin ng Papa ni'yo," nakangiting sabi ng kanilang Mama.
ALAS tres pa lang ay gising na si Yoona at kaniyang ina para magluto ng ibebenta nila ngayong araw.
Pagsapit ng six o'clock ay umalis na si Avery para pumasok ng school, si Yoona naman at ang mama niya ay nag-prepare para maglako ng kakanin.
"Tara na po Mama, maglibot na tayo sa labas para ibenta ang mga ito," yaya niya.
"Sige anak, tayo na at nang makarami tayo ng benta," ngumiti ang Mama niya na animo'y hindi napagod sa kakaluto ng kanilang ibebentang kakanin.
"Aling Elsa, bili na po kayo," alok niya sa isang kapit-bahay nila.
"Oh, Yoona? Akala ko ba graduate ka na? Bakit nagbebenta ka ngayon ng mga kakanin?" ngumisi ito sa kaniya. "Sinasabi ko na nga ba, mas mabuti ngang nag-asawa ka na lang," dagdag pa nito habang nakangiti na parang nang-iinsulto. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang isasagot sa rito. Pakiramdam niya ay may namumuo nang luha sa kaniyang mga mata.