Chapter 4 - Call your Name

Nakarating si Lyra sa kanyang maliit na apartment, nanginginig pa rin mula sa mga pagtatagpo ng estrangherong si Gabrielle. Ang mga pangyayari sa araw na ito ay umiikot sa kanyang isipan, Gabrielle, sino itong estranghero? Bakit mayroon siyang supernatural na kapangyarihan?

Naalala ni Lyra ang imahe ni Gabrielle na nagiging isang kumikinang na nilalang sa paraan at ang pagkakahawak ng kanyang malakas na braso kay Lyra, ang kanyang bango...

''Huwag Lyra! Ano bang iniisip mo?! '' bulong niya sa sarili.

''Hindi ito ang panahon para sa kalokohan; kailangan mong mag-focus at mag-isip tungkol sa mga bagay na ito kahit na wala itong saysay.'' kausap ni Lyra sa sarili; siya ay nakatayo at naglalakad ng pabalik-pabalik, kinakagat ang kanyang mga kuko.

''Remember what the note in the book says: TRUST NO ONE ,'' paalala ni Lyra sa sarili habang pinapakalma ang sarili.

Dinampot ni Lyra ang libro sa kanyang study table at pinag-aralan ang simbolo na nakaukit sa cover. Habang tini-trace ngkanyang mga daliri sa masalimuot na disenyo, nakaramdam siya ng pagkabalisa.

''Ano itong kabaliwan, lolo? '' tanong niya na para bang sasagot ang patay.

Binuksan niya ang libro at binasa ulit ang note na WAG MAGTIWALA SA SINUMAN

"Okay, got it. Don't trust anyone. (Ibinulang na lamang niya ang last part.) Especially hot, glowy strangers with awesome hair."

Namula ang mukha ni Lyra nang mapagtantong iniisip pa rin niya si Gabrielle. "Hindi, hindi, hindi! Bad Lyra! Focus!"

Sinubukan niyang i-distract ang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng isang tasa ng kape, ngunit bumalik ang kanyang isip sa matalim na tingin ni Gabrielle.

Ano bang nangyayari sa akin? Ako dapat ay matakot sa kanya. At hindi normal na may makakilala kang isang taong may supernatural na kakayahan na hinahabol ng usok at nagte-teleport.

Mga anino

Ito ba ang sinusubukang ibig sabihin ng aking lolo?

Ano ba ang mayroon sa librong ito?

Muli niyang binuksan ang mga pahina

Isa lang itong blangkong libro

"Lyra, darating ang mga anino. Huwag kang magtiwala sa sinuman. Hanapin mo ang katotohanan sa Aramania." Binasa niya ulit ang note

"Pero hindi magtatagal, Lyra, mare-realize mo na hindi ka makakatakas sa anino nang mag-isa. Muling umalingawngaw sa kanyang isipan ang boses ni Gabrielle.

Naputol ang pag-iisip ni Lyra nang tumunog ang kanyang telepono.

''Hello, Sophie, ano yun? "sagot niya ng hindi tinitingnan ang caller ID.

''Diyos ko, Lyra. nasaan ka okay ka lang ba? .'' sigaw ng babae sa kabilang linya

''Okay lang ako..? bakit ? naguguluhang sagot ni Lyra .

''Anong ibig mong sabihin, bakit? Nawala ka sa bookstore ng lola ko; sabi niya nakita ka niyang may kausap, tapos bigla wala ka na. Pwede ba, sabihin mo sa'kin kung ano ang nangyari sa'yo? "puno ng pag-aalala ang boses ni Sophie..

Hinampas ni Lyra ang kanyang ulo gamit ang kanyang kamay dahil pagkalimot tungkol dito, ngunit nataranta siya nang maisip niya ang sinabi ni Sophie na hindi nakita ni Mrs. Jenkins ang mga anino na humahabol sa kanya at kung paano nagbago si Gabrielle sa isang kumikinang na nilalang? Ang daming tanong sa ulo ni Lyra '' Okay lang ba si Mrs. Jenkins? Nasaktan ba siya? May sinabi ba siya tungkol sa mga anino?''

''Okay naman siya. ha? Anong mga anino? Sigurado ka bang okay ka lang Lyra? Gusto mo bang puntahan kita? '' tanong ni Sophie na nag-aalala sa kalagayan ng kanyang kaibigan. Huminga ng malalim si Lyra, sinusubukang intindihin ang nangyari bago sumagot, "I think I just need some time to process everything that happened."

Nagdalawang isip si Sophie bago sumang-ayon nalang. "Okay, but promise me mag-iingat ka. And call me if you need anything." Ibaba na sana ni Lyra ang tawa dahil maraming ang tumatakbo sa isip niya.

''Nga pala, hinahanap ka ni Kaido sa bookstore.'' panimula ni Sophie.

Inikot ni Lyra ang kanyang mga mata at sumilay ang ngiti sa kanyang mukha. "Ugh, don't remind me. I'm trying to escape supernatural drama, not deal with Kaido's awkward flirting."

Humagikgik si Sophie. "Oh, come on ! Ang cute kaya ni Kaido! And he's really into you."

Ngumuso si Lyra "Please, he's just into circuits and microchips. Tsaka hindi naman ako yung tipo niya."

 "Naku, sa tingin ko, ikaw talaga ang tipo niya - matalino, kakaiba, at walang pakialam sa crush niya."Panunukso ni Sophie

Humalakhak si Lyra, "Shut up, Soph! You're enjoying this, no?"

Umalingawngaw ang tawa ni Sophie sa telepono. "Totally! Pero seryoso, Lyra, maging mabait ka kay Kaido. He's a great guy."

Mapaglarong napabuntong-hininga si Lyra, "Fine, I'll tolerate him. Pero dahil lang sa magaling siyang mag-ayos ng laptop ko."

Ang boses ni Sophie ay naging palihim. "I'm sure he'd love to 'fix' more than just your laptop." Namula si Lyra at natawa. "Sophie, stop! Pinapapatay mo ako sa kahihiyan!"

Habang nagkukulitan sila, bumalik sa isip ni Lyra si Gabrielle at ang misteryosong libro.

Bakit na-miss ni Mrs. Jenkins ang mga anino at ang pagbabago ni Gabrielle? Wild hallucination lang ba ang lahat?

Biglang naramdaman ni Lyra ang isang nakakatakot na presensya, na parang ang mga anino ay malapit lang.

Umikot siya, ngunit walang laman ang wala siya nakita sa apartment niya

Pero malapit na siya, kung saan nagtago ang anino, ''Hello , Lyra? nandyan ka pa ba? ''

''Ah, oo, dito pa ako'' At kasabay noon, bumalik si Lyra sa kanyang mesa at ipinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Sophie, sinusubukang alisin sa kanyang isipan ang mga kakaibang naiisip. Ngunit sa kaibuturan, hindi niya maalis ang pakiramdam na may hindi tama.

Samantala, sa Kaharian ng Aramania...

Si Eris, isang napakagandang dilag na may buhok na itim na may madilim na asul na mga mata, mga mata na puno ng kawalan at kalungkutan, ay umupo sa kanyang trono, ang kanyang madilim na mahika ay umiikot sa kanyang paligid.

Ang kanyang mga nasasakupan ay nanginginig sa talot nagbubulungan ng mga kwento ng kanyang walang awa na kapangyarihan.

"Mahal na prinsesa, the propesiya ay nangyayari na," sabi ng kanyang adviser na si Malakai, nanginginig ang boses.

"Nagising ang Shadowborn, at si Lyra, ang napili, ay natagpuan na." Ang ngiti ni Eris ay nagpadala ng panginginig sa buong mundo.

''Kung ganoon ay oras na para ihanda ang ating pagtanggap. Ipadala ang Shadowguard sa Earth's realm. Hindi natin pwedeng hayaang makatakas si Lyra."

Yumuko si Malakai, tumakas sa presensya ni Eris habang umaalingawngaw ang madilim na tawa ni Eris sa silid ng trono.

Sa apartment ni Lyra, tila mas humahaba ang mga anino, na tila tumutugon sa kadiliman sa Aramania.

Nanlaki ang mga mata ni Lyra nang maramdaman ang koneksyon. "Anong nangyayari?!!" takot na tanong niya. Bumulusok sa kadiliman ang silid, at ang mahinang bulong ng anino ay, "Naghihintay ang Aramania."

Habang tinangka ng mga anino na makuha si Lyra

''Hindi. Hindi.. lumayo kayosa akin!! '' sigaw ni Lyra habang ginagapang ang kanyang sahig 

Sumigaw si Lyra ng pangalan na hindi niya akalaing tatawagin.

''Gabrieeeelllleeee, Heeellpp mmmeee!!! ''

At kasabay nito, tumayo si Gabrielle mula sa isang rooftop, at ininat ang kanyang enggrandeng at magagandang pakpak at nagpatihulog sa daan patungo sa apartment ni Lyra.

Itutuloy...