Kimson Dustin Almerez matangkad, pogi at mayaman.
He is the No. 1 millionaire in the Philippines, pagmamay-ari niya lang naman ang tanyag na kompanya, the Almerez Holdings Inc. at Yu Construction Company minana niya ito galing sa kaniyang Lolo at mga magulang. No wonder siya ang nag-iisang anak nina Don Gilberto Jameson Corpuz Almerez at Kristina Dominique Yu.
Subalit nagkaroon siya nang malaking problema, his parents wanted him to marry a woman na hindi niya mahal, at Ang masaklap pa malapit na silang ikasal.
He thinks of a plan na maaring ikasisira ng plano ng kaniyang mga magulang. He planmed to hire a woman to become his fake girlfriend, para lang makaiwas sa hindi niya gustong babae.
He hired a man na mag-iimbestiga at maghahanap ng mga babaeng pupwedeng maging girlfriend niya at ang kapalit babayaran niya ito ng malaki. Kahit milyon pa ang babayaran niya makaiwas lang sa plano ng mga magulang.
***
Clara Daniella Alvarez, hindi matangkad pero maganda, maputi, matangos ang ilong, mahaba ang itim niyang buhok, at may balinkinitang mga mata, at mapupulang labi, na sa tingin mo ay isang modelo o isang Diyosa. Ngunit Ang kaibahan nga lang hindi siya mayaman 'di katulad ni Dustin na isang mayamang tao sa Pilipinas.
Nakatira siya sa mansion ng kaniyang Tita Kimberly, kapatid Ng kaniyang ina. Ngunit imbes na tratuhin siya nito nang maayos ay trinato siyang katulong, na kahit mabigat at mahirap na gawain sa bahay ay sa kaniya ipinagagawa. Dahil sa hindi makayanan ni Clara ay naglayas ito at dito nahsimula ang kaniyang tadhana.
Sabay ng malakas na buhos ng ulan sa gitna ng daan, basang-basa siyang naglalakad, umiiyak at wala sa sarili, walang alam na lugar na pupuntahan, kahit masisilongan man lang.
Pilit pinupunasan ang mga luhang kanina pa sumabay pumupatak sa mga tagaktak ng malakas at nagbabadyang ulan. Nanginginig sa ginaw, kumakalam ang sikmura at ang mas masakit ramdam niya ang pait at hapdi na naidulot ng kaniyang Tita Kimberly.
*Diyos ko! Ano bang kasalanan ko sa'yo at ganito ang ipinagkaloob mo sa akin* bulong niya sa sarili.
Nakatayo sa gitna ng daang hindi namamalayang may mga humaharorot na sasakyan.
Nanginginig, nang biglang may sasakyan na tumigil sa kaniyang harapan.
Bumukas ang pinto at may lumabas na matangkad na lalaki may dalang payong at kaniya itong tinanong.
"Miss, are you okay? Magpapakamatay kaba?"
Hindi magawang makasagot si Clara dahil sa ginaw at bigla nalang dumilim Ang paningin niya.
Sinalo siya ng lalaki at isinakay sa sasakyan nito at dinala sa kaniyang condo unit.
***
Bagong kwarto Ang unang Nakita ni Clara pagmulat niya ng mga mata. Noon niya naalala ang nangyari. Bigla siyang bumangon nang maalala niya ang lalaki sa kalsada. Naalala niyang tinanong siya nito at tsaka wala na siyang maalala dahil biglang dumilim ang paningin niya at nawalan siya ng malay.
"Dahan-dahan..." Sabi nung lalaki na Nakita niya kagabi.
"Mister, Nasaan po ako? At sino ka? Anong ginawa mo sa akin? Bakit ako nandito?" Takot niyang tanong sa lalaki at napatangis nalang ito't tiningnan ang pang-ibabang damit.
"Miss, relax. Ako nga pala si Dustin, dinala kita dito dahil basang basa ka at bigla ka nalang nahimatay, don't worry hindi ako masamang tao."
Mas lalong lumakas ang pagtangis ng dalaga.
"Miss, are you okay?"
"Did something happened to you?"
Humahagulhol ito. Tiningnan ang binata sa mukha at yumuko. Pumapatak ang mga masaganang luha na kagabi pa ata Hindi natatapos sa kakapatak. Halos namumugto na ang mga mata nito dahil sa kakaiyak.
"Wala na akong mapupuntahan, dapat hinayaan mo nalang akong mamatay sa kalsadang iyon. Wala namng saysay ang buhay kong ito." Sigaw niya.
"Bakit, Anong nangyari, Miss?"
Tinanong siya Ng lalaki. Noon niya napansin na may mga pasa sa balikat ang dalaga.