Kael's POV
"Jusko, saan naba si Thalia? Diba ka group natin siya?" tanong ko pa kay Amelie.
"Oo eh, hindi natin siya ka major ata," sagot nito sa'kin.
"Science ata siya, hays mga science nga naman," nasabi ko bigla at tinakpan naman ni Amelie bigla yung bibig ko.
"Bibig mo talagang bakla! Rinig na rinig ka ni Rose!" suway pa sa'kin nito. Si Rose ata ay kaibigan ni Thalia since siya yung nagbigay samin ng information na male-late daw siya. Natawa nalang ako sa reaction ni Amelie.
Wala naman akong magawa kundi ang maghintay sa kaniyan nakita ko namang nire-review ni Rose 'yung music para alam na namin ang beats and makapag-start na later once andito na siya. Hindi na kami nag-abalang mag choreo pa kasi may video naman na kaming susundin, bahala na si ma'am diyan.
"Andiyan na si Thalia oh," rinig kong sabi ni Amelie. Lumingon naman ako at inirapan ko lang ito, pero siyempre hindi ko pinakita.
*Ambagal kumilos, halos isang oras late!* reklamo ko pa sa isipan ko at nagpatuloy nalang sa panonood ng video.
"Oi Thalia, tagal mo naman teh," rinig kong sabi ni Rose at nag-usap sila sa malayo kaya hindi ko na rinig ito.
Ilang minuto pa ang makalipas ay lumapit na ang dalawa samin at pahablot na kinuha ni Thalia ang cellphone ni Rose na nagp-play ang video.
"Tara na start na tayo! Mag filming na kaagad!" biglang sigaw nito at nagulat naman kaming lahat, para naman ang iikli ng buntot ng mga ka-group ko at biglang nag silapit sila, lumapit nalang ako at pumwesto na sa kung saan pwedeng pumwesto.
3 Hours Later
Natapos ang sayaw namin na puro pagkakamali at pag-uulit dahil nag filming kaagad na wala man lang practice-practice! Hindi nalang ako umimik dahil tapos narin naman na yung presentation namin. Napag-usapan narin namin na si Amelie na raw ang mag-eedit dahil sanay naman daw ito sa editing.
Nakauwi na ako ng bahay at binungad kaagad ako ni mama ng gatas, I mean nag offer siya na pagtimplahan ako ng gatas kaya hindi narin ako umayaw. Super favorite ko ang tinapay kaya naka-ready na kaagad 'yan sa hapagkainan. Sobrang thankful ko kay mama dahil sobrang ma-alaga niya sa'kin nung nagsimula akong mag call center. Medyo naninibago lang ako dahil sa pag-iba ng trato nito sa'kin. Nuon kasi ay compare dito compare doon sa kuya at ate ko na kesyo sundin ko daw sila, na dapat tularan ko daw sila ganyan-ganyan. Kaya ayun parang naninibago lang ako dahil sa pagbabago ng trato nila sa'kin. Si papa naman hindi naman nagbago, its just wala lang talaga siyang imik pag andito ako sa bahay.
Tapos na akong magkape at pumunta na sa kwarto ko dahil sobrang inaantok na ako, galing pa kasi akong trabaho at dumiretso kaagad dun sa place kung saan yung practice namin kanina. Pagkahigang-pagkahiga ko palang ay ramdam ko kaagad yung pagod sa katawan ko, at bagsak kaagad yung mata ko.
Kahit tulog ako ay sobrang active parin ng utak ko, grabe ganto talaga yung call center; always active ang utak at ang anxiety ay sobrang lala! I hope you can keep up with my mind about this struggle of mine that always linger every time I go to sleep.
Ay, buhay ng call center agent by night at estudyante by day? Grabe, rollercoaster kamo! Imagine juggling late-night calls with early morning classes, habang sinusubukan mo pa ring mag-maintain ng social life. Para kang magba-balance ng plato ng sizzling sinigang teh habang nakasakay sa roller coaster—stressful at exhilarating! Exhilirating?! Haha.
Una na, ang sleep schedule, bangungot!! Para kang nakatira sa twilight zone, kung saan ay araw ang gabi at gabi ang araw. Minsan, tumatanggap ka ng tawag mula sa bruha at bruhong galit na customer, next naman ay, hihikab ka habang nag-aaral. Wala ka nalang magagawa teh at magpatuloy sa pakikipaglaban sa sleep deprivation, at minsan, gusto mo lang magkulong sa kama at mag-hibernate hanggang matapos ang semester.
Tapos ayon, ang productivity issue. Yung pagsubok na mag-focus sa pag-aaral pagkatapos ng mahabang gabi ng customer service ay para ka namang tumatakbo sa marathon pagkatapos ng isang buong araw ng trabaho. Ang utak mo ay fried, ang mga mata mo ay mabigat, at ang gusto mo lang gawin ay mag-binge-watch ng Netflix. Binge-watch?! Ito ay isang patuloy na pagsisikap na mananatiling motivated at focused, lalo na kapag ang katawan mo ay humihiyaw para sa pahinga.
And please, huwag nating kalimutan ang social life. Ang pagsubok na makipag-hang out sa mga kaibigan kapag palagi kang nagtatrabaho o natutulog ay parang paghahanap ng parking spot sa Makati noong rush hour. Mahirap gumawa ng plano at manatili dito, at minsan, pakiramdam mo ay isa kang social outcast.
At dagdag pa diyan, may toxic boyfriend ka pa! Aba, ibang level na 'yan ng challenge! Imbes na maging source of support siya, nagiging dagdag pa sa stress. Laging nagseselos kahit wala naman, nag-aaway sa text habang nasa trabaho ka o nasa klase, at kapag kailangan mo ng tulong o kahit simpleng pag-unawa, biglang nawawala. Kapag nagkikita naman kami ay parang balewala lang ako sa harap niya, kung makapag-usap sa iba na kahit sinabi kong ayaw ko sa kanila ay kinakausap pa rin! Grabeng micro-cheating 'yan! Para kang may extra job—emotional labor naman ang pinag-uusapan. Ang hirap mag-concentrate sa ibang bagay kung ang dami mong iniintindi.
Pero sa kabila ng lahat ng challenges, mayroon din namang ilang perks ang maging call center agent at estudyante. Nabubuo mo ang strong time management skills, dahil kailangan mong mag-juggle ng maraming responsibilities nang sabay-sabay. Natututo ka rin kung paano hawakan ang stress at pressure, na maaaring maging beneficial sa iyong academic at professional life. Plus, makakakilala ka ng mga tao mula sa buong mundo, na maaaring maging isang masaya at enriching experience.
Kaya, kung iniisip mo na maging isang call center agent at estudyante nang sabay, maging handa para sa isang wild ride. Hindi ito madali, pero definitely doable. Just remember to take care of yourself, prioritize your mental and physical health, at huwag matakot humingi ng tulong kapag kailangan mo ito. At higit sa lahat, matutong mag-let go ng mga bagay at tao na hindi na healthy para sa'yo. Kasi ang buhay ay masyadong maikli para maging stressed out all the time. Mag-enjoy ka, at 'wag hayaang sirain ng kahit sino ang ngiti mo! Parehas nito ngayon, nakangiti ako dahil may classmate akong gwapo, matalino, matangkad, at dancer pa! Shet, full package na!
"'Nak, gumising kana 'nak. Need mo ng maligo dahil may trabaho kapa," rinig kong sabi ni mama habang ginigising ako nito. Dinilat ko naman ang mga mata ko at sobrang hapdi, grabe. Nagpasalamat naman ako kay mama sa paggising nito sa'kin at dumiretso na ako sa banyo para maligo. Huhu inaantok parin ako, pero wala ka nang magagawa self. Gusto mong may mapatunayan diba? Oh ayan, magtrabaho ka!
Natapos na ako't lahat-lahat ay nag-paalam na ako kay mama tsaka ako umalis para hindi ma-late sa trabaho, 30 minutes pa naman ang byahe papuntang office. Habang nag-aantay ng jeep ay kinuha ko muna ang headphone ko at nagpatogtog ng musika, ilang minuto pa ay nakasakay na ako ng jeep at sobrang siksikan talaga 'pag ganitong oras na. Pagkababa ko sa jeep, dumiretso na ako sa entrance ng building ng call center. Nilabas ko ang ID ko at ipinakita ito sa guard tsaka niya ako pinapasok. Pagkapasok ko sa loob, dumeretso na ako sa locker room para ilagay ang mga gamit ko sa loob pati ang mga gadgets ko, ni-lock ko na ang locker ko pero teh muntik ko pang makalimutan na suot-suot ko pa pala ang headphone ko kaya binuksan na naman ulit at isinilid sa loob. Dala-dala ko na ngayon ang tanging dapat dadalhin, which are tumbler, headset, at ang sarili para makidigma ulit sa mga bungangerang customer.
The tasks are just actually easy if you're already expert in it, for example if you are dealing with a customer who has queries about their monthly premium increase for next year or if there's additional charge in their medication. All you need to do is check you system, basically tools since that's what we call them, tools that has access on their account and that's the time you can answer their question. Actually the work is not all answering their question/queries, but you need to acknowledge their presence, their emotions, you need to do an appropriate respond because that is forking standard of the Philippines!!!! Kahit burn out na burn out kana, kailangan mo paring mag-acknowledge dahil sa KPIs and metrics, grrr!! Well, nakakagigil lang naman talaga 'yon, tapos yung pasahod na hindi akma sa trabaho, mga tax na super unquestionable aghhhh!!! Ayaw ko nang mabuhay pa! Eme.
"Magla-lunch ka mamaya teh?" tanong ni Bea sa'kin.
"Yes teh, antayin mo'ko sa labas malapit naman din 'tong matapos," sagot ko habang naka-mute at bumalik na sa customer. Ilang minuto pang pakikipag-usap ay sa wakas na gets na niya rin 'yung pinapahiwatig ko sa kaniya.
"Grabe ah, 'yun ba yung madali mo? Bilis malapit na matapos yung lunch ko," bungad pa nito sa'kin habang nakaupo sa sofa.
"What time ka nag punch ng lunch?" tanong ko pa.
"Mga 12:06, ikaw ba?" tanong niya pabalik.
"12:18," maikling sagot ko sa kaniya at pumunta muna ako sa locker ko kasi siya galing na ng locker niya, kinuha ko lang yung pera ko at pumunta ng pantry para kumain.
"Ano pong sayo?" tanong ng pogi na tindero, napa smile naman ako dahil deep inside eh kinikilig na ako.
"Sir, ano pong sayo?" rinig kong tanong ulit nito.
"Hoi teh! Ano daw'ng sayo? Lutang ka na namang shuta ka!" pagtatabig ni Bea sa'kin.
"Ah eh... sorry, yung black meat nalang sa'kin please tsaka isang rice, thank you," sabi ko tsaka lumingon sa may cooler para pumili nang maiinom. Soft drink nalang pinili ko kesa sa energy drink dahil malapit naman matapos ang shift ko, which is mamayang 6:00 AM.
"Grabe ang kalutangan mo teh ah, or nalutang ka dahil gwapo siya? Kung makatitig ka parang kakainin mo na," sabi pa ni Bea habang kumakain.
"Mamaya kana nga magsalita at lunukin mo muna 'yan, tsaka gwapo naman talaga siya ah," sabi ko pa sabay subo.
"Tse! Diba sabi mo may crush kang kaklase mo pero 'dimo ka major?" pag-iiba niya ng topic.
"Oo meron pero secret muna, saka ko na sasabihin 'pag kami na," confident kong sabi.
"What what what?? Grabeng confidence naman 'yan teh, pasabog!" tsaka kami nagsitawanang dalawa.
Nagchika lang kami about sa mga kaniya-kaniya naming buhay pati narin customer na panget ang interaction namin, pagkatapos kumain ay sa sofa lang ako nagpalipas ng oras while si Bea naman ay sa nap room since inaantok raw siya.
"Sige teh ah, puntahan mo'ko sa nap room 'pag pupunta kana sa prod, tulog muna ako," paalam nito at umalis na.
I admit that I myself is toxic kasi kahit may jowa pa ako, I still have the audacity to have a crush on my classmate. Tch, pati nga siya (boyfriend ko) eh may ka chat na iba kahit nasa harapan ko pa siya. Yung tipong ini-invite kalang niya dahil libog siya, dahil in-heat siya, pero wala eh, ewan ko ba pero up until now magjowa parin kami. consecutive na kasing pinapauwi niya lang ako mag-isa kahit madilim na sa lugar nila. Kahit naman lang na ihatid ako papuntang kanto kasi sobrang dilim talaga pero hindi talaga magawa. I have so many reasons to leave him pero hindi ko pa ginawa, kahit na sobrang drain na drain ko na sa kaniya. Even my mom recognize that sometimes I'm zoning out. There was once na sabi niya bilhan ko daw siya ng regalo tapos bibilhan niya rin daw ako, eh ayun ako lang ang naloko dahil hindi niya ako nabilhan dahil wala pa daw siyang pera. Until now yung sabi niyang 'yun ay hindi pa natupad.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko dahil 3 minutes nalang ay tapos na ang lunch ni Bea, eh sa'kin mahaba pa. Pinuntahan ko naman siya sa nap room para gisingin, pagkatapos nun ay bumalik ako sa pantry para bumili ng tinapay dahil parang kulang ata 'yung rice na binili ko. Ilang minuto lang ay bumalik na ako sa prod para mag take na ulit ng calls.