Chereads / I Rent Mr. Billionaire / Chapter 2 - Meet

Chapter 2 - Meet

Sa curiosity ni Hera sa nakitang site ay agad niya itong pinindot at binuksan. Sa loob ng site ay makikita ang iba't ibang pangalan ng mga lalaki, na maaring rentahan. Ngunit, hindi kita ang mga picture ng mga ito. Tanging mga pangalan, edad, hobbies, at mga kakayahan lamang ang naroroon.

Wala na din naman pake si Hera kung ano mang itsura ang maipakilala niya sa kanila, o kung ano man ang maaring sabihin pa ng mga kamag-anak niya dito. Dahil, ito na din naman ang una at huli nila itong makikita. Ang focus lamang ngayon ni Hera ay makapagdala ng maipapakilala para tigilan na siya ng kaniyang mga kamag-anak na maghanap ng nobyo.

"Caleb Cione." Napahinto si Hera sa pagso-scroll ng matapat sa pangalan na ito.

Binasa ka agad ni Hera ang mga detalye patungkol sa lalaki. Mayroon naman itong simple at maayos na background, maging mga qualities na hinahanap ng isang babae sa lalaki tuwing sasagot ng kasintahan.

"Pwede na siguro 'to. Maganda naman ang pangalan at background information kaya laban na." pangungumbinsi ni Hera sa sarili.

Kahit na may pagdududa pa din si Hera na baka kalokohan lamang ang naturang site ay kinuha pa din niya ang number na naka indicate sa banner post sa site. Atsaka, ito minessage patungkol sa detalye ng kaniyang napiling rentahan na si Caleb.

Pagkalipas lamang ng ilang minuto matapos niya isend ang message niya ay nagreply na din kaagad ang operator ng number.

"Rent a Boyfriend: Rules & Regulations" isa isang binasa ni Hera ang bawat detalye sa naturang message na iyon. Atsaka siya muling nagreply ng pagsang-ayon sa mga ito. Simple lamang naman ang mga patakaran kung kaya ay alam niya na kaya niya itong sundin lahat.

Naging sunod sunod na ang palitan ng mensahe ni Hera maging ang operator ng naturang website tungkol sa iba pang detalye na kinakailangan malaman ni Hera.

Napagdesisyunan din niya na isang linggo ang kukunin niyang araw para sa rerentahan nyang fake boyfriend.

Dahil naisip nito na kailangan talaga nilang magmukang magboyfriend and girlfriend. Kailangan din nilang pagusapan kung ano ang mga dapat isagot at sabihin sa kaniyang pamilya sa araw ng reunion.

Kilala ni Hera, kung gaano kabusisi ang angkan niya na para bang mga imbestigador na hinuhuli at pilit pinapaamin ang suspek sa krimen. Kung kaya naman kinakailangan na paghandaan, ayaw niya rin naman na mabuking dahil lalo lamang sya pagpepyestahan ng mga ito.

Bukas ang unang araw ng schedule ng pagkikita nila ni Caleb, ibinigay na din sa kaniya ng operator ang number nito. Kailangan na lang daw na i-message niya ito kung saan at anong oras sila maaring magkita bukas.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay pinatay niya na din ni Hera ang kaniyang telepono, atsaka tuluyan pumikit at nag nagpahinga.

Kinabukasan, maagang nagising si Hera upang magasikaso ng sarili para pumasok sa trabaho. Plano niyang kitain si Caleb pagkatapos ng trabaho.

Bago pa man siya makaalis sa apartment ay nagmessage siya sa number na binigay sa kaniya kagabi, atsaka itinext dito ang oras ang oras ng kaniyang labas pati na din ang location ng coffee shop malapit sa kanilang opisina.

Pagkadating ni Hera sa trabaho, bumungad agad sa kaniya ang kaibigan na si Fely. Noong bago pa lamang sya sa trabaho, si Fely na kaagad ang unang kumausap sa kaniya. Simula noon ay hindi na talaga sila mapaghiwalay sa loob ng opisina. Silang dalawa na din ang naging source ng ingay at chika sa loob.

"Frenny, ano na kamusta ang probinsya? Chinika ka na naman ba ng mga tita mong echosera?" tanong ni kay Hera habang nakapamewang at nakataas pa ang kaliwang kilay na para bang nakikipagtarayan lang sa mga bata sa kanto.

" As usual, ano pa nga ba." Sagot naman ni Hera tsaka ibinaba ang kanyang handbag sa lamesa.

"Haynako, hindi ka na talaga tinantanan ng mga 'yan." Sagot naman ni Fely atsaka naupo na sa katabing lamesa nito.

Naging mabilis lang ang araw na iyon kay Hera, tinapos nya lamang ang mga naiwang gawain nya noong umuwi sya sa probinsya upang bumisita.

Maya-maya pa ay binuksan nya ang kanyang telepono upang tignan ang oras, at saktong lumabas din ang message na galing kay Caleb.

"On my way." saad sa text message nito.

At doon lang muli niyang naalala na magkikita pa nga pala sila. Kaya naman dali dali sya agad na tumayo at nagpaalam sa mga kasamahan sa opisina. Hindi na din sya tinanong tanong pa ni Fely, dahil madalas ay nagmamadali talaga syang lumabas ng trabaho. Hindi para may kitain, kundi para umiwas sa mga aya nitong gala.

Habang naglalakad papunta sa coffee shop, kung saan sila magkikita ni Caleb ay sinasabayan na din ng pareretouch ni Hera sa sarili.

Pagkapasok niya ng coffee shop ay humanap ka agad siya ng pwesto kung saan hindi gaano matao, upang makapagusap talaga sila. Habang nagiintay ay hinahanda na din ni Hera kung ano ba ng mga dapat sabihin dito.

Matapos lamang ang ilang minutong pagaantay, tumunog ng muli ang pinto ng coffee shop hudyat na mayroon ng costumer na papasok. Napasilip dito si Hera, upang tignan kung ito na ba si Caleb. Hindi niya alam ang itsura nito kaya naman magba-base na lamang sya sa characteristics na naka sulat sa website.

Pagkabukas ng pinto isang matangkad at matipunong lalaki ang pumasok suot ang kanyang itim na polo, at jeans. May suot din itong itim na shades, pero halata sa hubog ng kaniyang mukha na may maipagmamalaki.

Muling ibinaling ni Hera ang tingin sa kinauupuan, dahil dismayado na hindi ang kaniyang inaantay ang pumasok. Bago pa man niya ito i-text muli para sabihin na nandoon na siya, ay nagtext na ito sa kaniya.

"I'm here."

"Sa may gilid ako sa kaliwa pagpasok, naka white longsleeves." reply naman ni Hera. Tsaka hinagod muli ang kaniyang buhok upang ayusin.

"Hera right?" isang matipunong boses ang pumalibot noon sa tenga ni Hera. Na para bang kay ganda ganda ng pangalan niya ng banggitin ito ng lalaki. Hindi pa man siya lumilingon kung saan nanggaling ang boses ay amoy na amoy na niya ang pabango na nanggagaling dito.

"Yes." Confident na sagot ni Hera, sabay tayo at abot ng kamay sa lalaki.

"Caleb."