" Hera, huwag kang mawawala sa sunod na linggo sa reunion natin ha." saad ng tita ni Hera habang nagaayos sya ng gamit upang bumalik na sa Maynila.
" Opo, tita. Babalik din po ako agad, hindi lang talaga ako makapagstay pa ng isang linggo dahil kailangan na din ako sa trabaho. Alam nyo na, sayang din naman ang sahod." sagot naman ni Hera habang pinapasok ang ilan pa niyang damit sa loob ng kaniyang travel bag.
"Baka naman madala mo na ang nobyo mo sa susunod na linggo, ilang taon mo na sinasabi sa amin ang nobyo na iyan ngunit hanggang ngayon ay hindi mo pa din dinadala dito." sagot naman nito.
"Susubukan ko po tita." sabay ngiti dito.
Ilan taon ng nagungulit kay Hera ang kaniyang pamilya na magpakilala na ng nobyo sa kanila. Dahil maliban sa nasa tamang edad na nga siya ay hindi pa talaga siya nakakapagpakilala ng nobyo noon pa man.
Noong nakaraang taon, dahil na rin sa paulit ulit na pangungulit sa kanya ng kaniyang mga kamag-anak tungkol sa isyu na ito. Napilitan si Hera na sabihin na siya ay mayroon ng nobyo sa Maynila, kahit wala naman itong katotohanan.
Pagkatapos ni Hera magimpake ay agad siyang lumabas na ng kwarto upang magpaalam sa kaniyang inay na ngayon ay nakaupo sa kanilang sala.
" Nay, magiingat ho kayo dito ha babalik ho ako sa sunod na linggo huwag kayo magaalala." sabay halik at mano sa kaniyang mga magulang.
Nagpaalam na din siya sa iba pa nilang kamag-anak na nasa labas din ng kanilang bahay. Ngunit, lahat sila ay isa lamang ang bilin sa kaniya. At ito ay, ang isama ang kaniyang nobyo sa sunod na linggo, pagbalik para sa gaganapin nilang reunion kada limang taon.
Habang nasa bus pabalik sa Maynila si Hera, hindi mawaglit sa isipan niya kung paano sya makakapagdala ng nobyo sa kanila sa loob ng isang linggo, kung sa una pa lamang wala naman talaga siya nito.
Hindi naman niya madadala ang kaniyang mga kaibigan na lalaki upang magpanggap, dahil maliban sa lalaki din ang hanap ng mga ito, ang iba naman ay may kani-kaniya ng mga nobya.
Kaya naman napakamot na lamang talaga sa ulo si Hera sa pagiisip kung paano ito magagawan ng paraan.
Hindi naman sa pihikan o ayaw niya magnobyo, wala lang talagang nagtatangkang manligaw sa kaniya. Dahil na rin siguro sa kakaibang awra ni Hera, dahil sa unang tingin ay madaming nagaakala na masungit o mataray sya. Dala ng makakapal niyang kilay, at mataray na mata.
Habang ang iba naman ay hindi na sumusubok dahil inaakalang meron na siyang nobyo. Dahil sa kakaiba naman talaga nitong ganda, dagdag pa ang mala porselana nyang kutis, at mahabang buhok. Kaya hindi na nakakapagtakang akalain ng iba na ang ganitong itsura ay mayroon ng nobyo.
Matapos ang halos apat na oras na biyahe ay nakarating na si Hera sa apartment na kaniyang tinutuluyan sa Maynila. Agad, siyang nagasikaso ng sarili upang makahiga na sa kama at makapagpahinga.
Ng makahiga na siya ay agad niyang binuksan ang kaniyang cellphone, dahil sa hanggang ngayon ay iniisip pa din niya kung paano magagawang makapagdala ng maipapakilala sa kaniyang pamilya ay hanggang sa mapadpad si Hera sa isang website ng 'Rent a Boyfriend.'