WW2 sa Pilipinas.
[Sa Palawan]
Sa kagubatan, kung saan kutaan ng mga ng mga laban sa hapones ang tawag sa grupo nila ay "Urong-Sulong"
[(Ang URONG-SULONG na grupo ay isa lamang fictional na pangalang nilikha ng Author)]
[Urong-Sulong: sila ang isa sa sikat na grupong kumakalabqn sa hapones especially sa Palawan. Alam ng Urong-Sulong kung kelan sila aatake at tatakbo o magreretreat laban sa mga kalaban. Isa sila sa pinakamatitinik na kalaban ng mga hapones.]
Ngunit di lang pagdating ng mga hapones ang magiging suliranin pala ng mga tao noon.
Pati na ang kumakalat na balibalita hindi dahil sa ano mang uri ng sakit kundi dahil sa pagkalat at pagultaw ng mga bampira. Na kadalasang umaatake tuwing gabi. Kadalasan daw nang bibiktima ang mga ito tuwing bilog ang buwan.
Mayroon na ngang napaulat na kinagat at sinipsip ng bampira ang isang mamamayan.
Kaya lalo itong lumaganap na syang lubusang ikinabahala ng nakararami. Hanggat kung maaari na di na lamang lumabas ng bahay sa gabi ay di na sila lumalabas lalo na kung kabilugan ng buwan.
Mayroong dalawang uri ng bampira; ang kulay Ube ang mata at kulay pula ang mata.
Ang mga kulay Ube...
Sila ang mababait na bampira, nabubuhay sila sa paginom ng kahit anong uri dugo. Tumutulong sa tao pag minsan at kaya rin nilang makilahok o mag-anyong tao. Hindi sila napapaso ng sikat ng araw. Hindi rin sila takot sa akin o bawang ngunit nasusuka sila pag nakakaamoy ng bawang. Tulad ng typical na bampira ay naaatract din sa amoy ng dugo. Ngunit tuwing kabilugan ng buwan nawawala sila sa katinuan at nagagawa rin nilang pumatay ng inusente.
Ang kulay pula ang mata...
Sila ang mababangis, maihahalintulad sa mga hayop, demonyo ang datingan, patay kung patay ang biktima, walang sinisino liban na laang sa kapamilya. Buhay man o patay sinisipsip nila ang dugo. Kadalasan gabi kung umatake kung saan di sila mapapaso ng araw at nagtatago muli tuwing sisikat ang araw. Takot sa bawang at alos higit na sa holy water. Kaya hindi sila pumupuntang simbahan.
...
Ayon sa alamat mayroong sanggol na isisilang sa pagitan ng dalawang lahi ng bampira na syang magiging sanhi ng pagkaubos ng lahi ng mga bampira. Kaya kada mayroong isisilang na sanggol mula sa magkabilang panig ng bampira ay kaagad nilang pinupuksa para di makapagdulot ng kapahamakan sa kanilang lahi.
...
Ayon sa alamat mayroong isang bampira na nagbuwis ng buhay para makamit ang kalayaan ng bansa at ito ay walang iba kundi si Mahxxeehmeennoh Vladehmihre Archeevanqa Y Hemenes a.k.a Fr. Maxva Y Hemenes.
Ang pangalan nito ay ibinigay ng paring si Daniellittoh Avanzado Archeevanqa Y Hemenes.
Nagpatirapa sa harap ng simbahan ang dalawang bampira at nagdasal di umano at syang narinig ng pari matapos nitong magtungo sa labas ng simbahan dahil binabasbasan nito sa kanyang paggagala ang bawat lugar na madaanan nito. "Sumainyo nawa ang kapayapaan!"
"at sumainyo rin, sagot naman ng mga nabasbasan"
"Ginoo, ginang... anong inyong sadya sa inyong pagparito?"
Nais naming protektahan ang aming anak laban sa mga kalahing nais syang patayin.
"Nais patayin? Bakit?"
...sapagkat mula sya magkaibang panig ng mga bampira!
"Ano bampira kayo? Kung gayon, bakit sa lahat ng lugar ito ang napili nyo? Bakit, paano kung pano rin mapahamak dahil sa kanya?"
Kung gayon magbabalat kayp akong isang tagawalis sa may simbahan.
Magbabalat kayo naman akong gwardya ng simbahan. Upang mapanatili lamang ang katahimikan sa simbahan at nawa ay walang makakaalam ng ating paguusap.
...
Teacher totoo po ba iyan?
Di ko rin alam mga bata, pero ito ay nakita mula sa Diary ng Lola ko. Maaaring ito ay may katutohahan o kathang isip lang nya!
Ay ganon!
Oo! Oh eto na itutuloy ko na pagkukwento ko!
Opo ma'am!