Chereads / BEYOND THE PEDESTAL / Chapter 12 - PARTY

Chapter 12 - PARTY

Silvia's POV : 

"Good morning." Masayang bati ko habang ginigising si Jealena. 

"Ate - - " halatang inaantok pa siya.

"Gumising ka na dyan." sabi ko sa kanya at hinawi ang kurtina ng kwarto namin para pumasok ang liwanag ng araw at binuksan ang mga bintana.

"Bat ba ang saya saya mo?" tanong ni Jealena habang kinukusot pa ang mga mata. Pero nakaupo na siya sa kama nya.

"Because this is the day that the lord has made." Pakanta at pabiro kong sagot. "Party na ng mga State mamaya. Makikilala ko na rin ang parents ni Vonn."

"Luh, kung maka-react, para siyang jowang ipapakilala sa parents ng boyfriend." at inirapan ako.

"Che. Huwag mong sirain ang araw ko." Sabagay, walang sino man ang makakasira ng araw ko ngayon. "Ikaw ba hindi ka excited sa party?"

"Masyado pa akong inaantok para maging exited. Saka hello, mamayang gabi pa yun. Alas syete pa lang ng umaga." sabi nya pagkatapos tingnan ang wall clock sa loob ng kwarto.

"Bahala ka nga syan. KJ mo. Basta ako, excited na excited na excited na ako para mamayang gabi."

Pumasok ako sa banyo para maligo. Hindi ko maiwasang mapakanta habang naliligo. 

In your eyes, I can see my dream's reflections

In your eyes, found the answers to my questions

In your eyes, I can see the reasons why our love's alive

In your eyes, we're drifting safely back to shore

And I think I've finally learned to love you more

"Hoy! Gumising ka na dyan." Pasigaw na tawag ko sa kapatid ko na bumalik pala talaga ng tulog. "Mag-aagahan na tayo."

"Oo na."

"Mauuna na ako sayo sa baba." Sigaw ko sa kanya habang nasa banyo siya, pagkatapos kong magbihis.

Nadatnan ko na sa breakfast table sa may garden sina Papa at Mama, pati na rin sina Lolo at Lola.

Gusto ko sanang magluto ng agahan dahil super inspired ako ngayon, kaso sa dami ng pagkain sa mesa, mukhang mag-a-aksaya lang ako ng pagod.

"Good morning po." Bati ko sa kanilang apat.

"Good morning anak." Bati naman ni mama. Nakangiti ring tumango sa akin si Papa, ganoon din lola. Si lolo naman ay gaya ng dati, pormal lang.

"Mukhang masaya ang gising ng panganay ko ah." si Papa.

"Excited lang po ako sa party Papa." Sagot ko sa tanong nya na at umupo na.

Mayamaya pa ay bumaba na rin si Jealena, ganoon din si Angela.

Kung kakausapin ko siya ng marami ang nakakarinig, tinatawag ko siyang tita. Pero sa isip ko, Angela lang siya. Si Jazz nga, tawag kay mama ay Selena lang. May makarinig man o wala.

"Where is Jazz, Angela?" tanong ni lolo.

"Pababa na yun papa. She's just fixing herself." 

Magana na akong nagsimulang kumain ng dumating si Jazz para sa agahan. 

Hindi ko naman maiwasang tingnan siya sa mukha. 

Hindi halata kung hindi titigan ng mabuti, pero kita ang pamumugto ng kanyang mga mata. Mukhang nakatulog siyang umiiyak.

'Nag-away siguro sila ni Vonn.' naisip ko na nagpangiti sa akin. 

May kausap siya kagabi sa cellphone nya at mukhang nag-aaway sila. Hindi ko nga lang sigurado kung sino.

Sa sobrang galit nya sa kausap, ay binato nya ang mamahalin nyang cellphone na sumira nito.

Napaka spoiled talaga. 

Biruin mong ibato ang cellphone nyang nagkakahalaga ng fifty thousand. Eh yung amin nga ni Jealena na android phone hindi man lang umabot ng twenty thousand ang presyo.

Matamlay siyang bumati bago maupo.

"You okay, baby?" ang tanong ni Angela na tinanguan lang nya. "Don't worry too much about what happened last night."

Nalaman namin kagabi na natanggap si Jazz para maka enroll sa mga Ivy Schools. Tuwang tuwa pa nga sila, pero bigla na lang daw nagbura ang mga emails na natanggap nya.

Hindi namin maintindihan kung bakit parang big deal yun sa kanya, hanggang sa i search ni Jealena ang tungkol sa Ivy Schools kagabi bago matulog.

Mga sikat na eskwelahan sa ibang bansa pala yun at ayon sa search nya, sobrang hirap daw makapasok doon.

Ang tanging skwelahan lang na pamilyar sa pandinig namin ay Harvard. Dahil yun ang madalas na marinig namin sa TV. 

Bilib na bilib pa si Jealena. Ayon sa kanya, walo lahat ng mga eskwelahan na kabilang sa Ivy Schools. At ipinasa ni Jazz ang pito sa walong yun.

Sige na nga. Aminado naman akong inggit ako sa kanya. Sobrang talino nya.

Magkaklase kami sa Calculus, at halos hirap na hirap kaming lahat sa subject na yun, maliban na lang sa kanya at kay Vonn. Pati nga ang mga maarte nyang kaibigan ay nahihirapan sa subject na yun eh.

"It's going to be okay, baby. Worried lang siguro siya for you lalo na't you will have to live alone in case you push through with the admission for any of the schools."

"You also think I could not survive living alone?" madidinig ang lungkot sa kanyang boses.

"Of course not." Bawi naman ni Angela " We all know you can do anything you put your mind and heart into. But someone would rather have you dependent on him. Baka magwala pa yun." 

Napabuntong-hininga na lamang siya. Binago na rin ni Angela ang topic. Napunta ito sa School week, sa school dance pati na rin sa party na mangyayari mamayang gabi.

"Sh-t!" 

Hindi ko maiwasang mapamura. Ilang beses na akong bumabalik balik sa cr dahil sa sakit ng tiyan ko.

Hindi dahil sa may nakain akong masama, kung hindi, habang palapit ng palapit ang oras ng party, ay lalo naman akong nakakaramdam ng kaba.

At sadyang sumasakit ang tiyan ko, kapag kinakabahan na ako.

"Ate, baka hindi ka makasama sa party dahil dyan sa tiyan mo." sabi ni Jealena. "Pag nalaman yan ni lolo, baka pagbawalan ka nalang pumunta."

"Heh, huwag mong i-jinx. Baka magkatotoo." halos maiyak na ako sa isiping hindi makakasama sa party.

"Inuman mo na kasi yan ng diatabs. Sige ka. Malapit ng dumating ang mga makeup artist na kinuntrata ni Papa. Bababa na tayo mamaya."

"Uminom na ako, pero di pa tumatalab." pinagpapawisan na ako ng malamig dahil sa sakit ng tiyan ko at nagtatayuan na rin ang mga balahibo sa katawan ko. "Please lord, tanggalin mo na tong sakit ng tiyan ko."

Dumapa ako sa kama at saglit na ipinikit ang aking mga mata.

"Ate." nagising ako sa marahang pagyugyug ni Jealena sa akin.

Hindi ko napansin na katulog pala ako.

"Ate, gising na. Nasa baba na ang mag-aayus sa atin."

Napabalikwas ako ng upo sa kama at tumingin sa kanya. Nakaligo na siya ulit.

Alauna na rin ang oras sa relo.

"Sige, mauna ka na. Maliligo lang ako ulit." sabi ko sa kanya at nagtungo na ng banyo.

Ang laking pasasalamat ko at hindi na masakit ang tiyan ko.

Dali-dali akong naligo at bumaba na. Nadatnan ko na nga na nasa sala na sina Mitch at may iba pang mga taong kasama.

Nasa baba na rin ang mga damit namin at kasalukuyan itong nakasuot sa mga manikin. May ilang mga babaeng inaayos ang mga ito, para mawala ang gusot.

Napansin ko rin sina Angela at Jazz na nandoon sa sala. Malawak ang living room ng mansyon kaya hindi naman siksikan.

Kasalukuyan silang mina-manicure at pedicure. 

Umupo na rin ako sa isang bakanteng single sofa na nasa malapit ni Jazz. At sinimulan na rin akong i manicure-pedicure.

Sobrang busy sa sala. At halata namang professional at sanay na sa ganitong trabaho ang mga makeup artist dahil chill lang ang galaw nila.

Hindi natataranta. Nagkukwentuhan pa nga sila at nagtatawanan.

"Nak, may bisita ka." Narinig naming sabi ni Nana Pasita nang lumapit ito kina Jazz. 

Nakasunod naman sa kanya ay limang lalaking naka Amerikana at may mga paper bags sa iba't ibang sizes na dala.

"Good afternoon." bati ng naunang lalaki. Nasa mid thirties siguro ito. 

"Gwapo. Kamukha ni Zac Efron." bulong ni Jill. Siya ang nag mamanicure sa akin. 

Napatingin naman akong muli sa lalaki. At tama nga siya, may hawig kay Zac Efron ito. Mature nga lang tingnan. Pero siguradong nuong teenager pa siya ay napakagwapo nito.

"Good afternoon, Marco." Ang bati ni Angela. Si Jazz naman at tumingin lang dito na parang hindi interesado. 

Manliligaw kaya nya?

Pero may Vonn na siya. 

Pero kung sakali, sana maghiwalay na sila ni Vonn at ito na lang ang makatuluyan nya.

"The Master sent these." Ang sabi nung Marco at isa-isang binuksan at ipinakita ang laman ng mga paper bags kay Jazz na hawak ng mga kasama nya.

May tatlong box na ang laman ay mga sapatos mula sa kilalang brands na LV, Gucci at Jimmy Choo. Meron din bag na nakalagay sa orange na box na may tatak na H na hindi ko alam kong anong brand. Pero alam kong sikat. Maliit lang yung bag na kulay dark blue. Meron ding dalawang light blue na bag na ang tatak naman ay Tiffany & Co. Ang laman ng una ay diamond necklace. At ang pangalawa naman ay relo na para lang chain at may mga maliliit na dyamante. 

"This one is a gift for the party tonight." 

Inilabas nito sa isang box ang figurine na mukhang gawa sa ginto. Lalaki at babae ito na nakasakay sa bangka, Nagsasagwan ang lalaki at may hawak naman na payong ang babae, habang magkalapit ang mga mukha nila na parang maghahalikan.

"Oh, they're so beautiful, baby." Sabi naman ni Angela na isa isang tiningnan ang mga regalong inilagay ng mga lalaki sa coffee table sa harap. "You can use this Jimmy Choo tonight. Bagay na bagay sa damit mo."

Hawak ni Angela ang isang pares ng itim na stilettos na kumikinang sa dyamante at may itim na lace ribbon sa likod.

"Hindi bababa sa two hundred thousand ang presyo ng sapatos na yan." ang bulong naman ng baklang nag-aayos sa buhok ni Mama.

At mula sa loob ng kanyang Amerikana, ay nilabas naman ni Marco ang kahon ng iPhone at binuksan ito at muling pinakita kay Jazz. Mas malaki ito ng kunti sa nauna nyang cellphone pero kulay blue pa rin ito.

Napabuntonghininga naman si Jazz na parang napilitan lang at tumingin kay Nana.

"Nana, can you please help them? And can you please get my phone as well? I will wear these shoes tonight." 

Iginiya ni Nana ang mga lalaki papunta sa kwarto ni Jazz habang dala-dala ang mga regalo. Maliban kay Marco na nakatayo lang malapit sa kinauupuan namin.

Maya-maya ay bumaba na ang mga ito at iniabot naman ni Nana Pasita kay Marco ang lumang iPhone. Kinalikot kalikot nya ang bago pagkatapos ay ibinigay ito kay Jazz habang ang luma ay ipinasok sa bulsa ng amerikana.

"We'll go ahead, Young Miss, Madame." paalam ni Marco at umalis na sila.

"How did he even know that I broke my phone?" si Jazz.

"He called me earlier while you were in your room. You're not answering your phone daw, so I told him, that you broke it."

Hindi ko masigurado kong sino yung him na tinutukoy nila. 

Siguro ang tito yun ni Jazz na nakakatandang kapatid ni Angela. Sabi ng mga katulong, sobrang spoiled daw nun si Jazz pero over protective din. 

"See how proud he is of you? One gift for each school. Kaya huwag ka nang magtampo."

*****

Eksakto alas syete ng gabi at natapos na kami lahat sa paghahanda. 

"Ang gaganda nyo mga anak." Ang puri ni Mama sa amin. Nagpi-picture naman kami. Hinihintay daw namin ang sasakyan na susundo sa amin.

Ang gown na suot ko ay mahaba at abot hanggang sahig na purple halter-neck dress na malalim ang V-neckline at mahabang slit. Fitted na fitted sa aking na nagpapakita ng magandang hubog ng aking katawan. 

Ang sabi ni Mitch, huwag na daw akong magsuot ng accessories para hindi maagaw pansin ng mga alahas ang mata ng mga tao sa akin. Para daw mas focus sila sa akin at sa suot kong damit.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng maimagine ko kung paano ako tititigan ni Vonn mamaya pagdating namin sa party. 

Ang suot naman ni Jealena ay lavender sleeveless, floor-length dress na simple lang. Ayaw kasi nya ng mga daring na damit. 

"Girls, halina kayo." Tawag ni papa sa amin ng dumating na ang sasakyan. 

"Wow." Hindi mapigilang sabi namin ni Jealena ng makita ang sasakyan.

Isang sobrang kintab na itim na limousine. Habang naghihintay naman ang naka uniform na chauffeur. 

Agad nitong binuksan ang pintuan ng limo para makapasok kami.

Excited naman kami ni Jealena na pumasok.

"Ang ganda." Narinig kong sabi ni Jealena. 

Sobrang spacious ang loob. Meron pang bar sa kabilang bahagi at ang upuan ay malambot na leather. Kasya yata mahigit kumulang sampung tao dito sa loob. At pwede pang mag-party. 

Pumwesto kami ni Jealean sa may pinakaunahan at agad na kumuha ng kanya kanyang litrato sa loob.

Nagpakuha rin ako sa kanya ng picture na may konting drama, pagkatapos ay agad ko itong ini-post sa Instagram. Tiyak na mamamatay na naman sa inggit ang mga dati naming kaklase sa probinsya. 

"RichxBcth"

Ang maikli kong caption sa post.

Ilang minuto pa ay pumasok na rin sina lolo at lola habang ang lalaking nurse aid nila ay sa harap katabi ng chauffeur umupo.

Huling pumasok sina Angela at Jazz.

Hindi namin nakita kanina ang damit na isusuot nya dahil hindi nila ito inilabas sa sala habang inaayusan sila. 

Pero sadyang napakaganda ng damit.

Pagkapasok nila ay naramdaman na namin ang pag-andar ng sasakyan. Hindi ko siya gustong pansinin, dahil sa totoo lang, naiinggit ako sa itsura nya ngayon.

At ayaw kong masira ang gabing ito dahil lamang sa inggit.

Habang nasa daan, ay pinagbilinan kami ni lolo na bantayan ang aming mga kilos dahil hindi lang simpling party ang pupuntahan namin. Isa na rin itong business event at maraming mga mata ang tiyak na nakatingin sa bawat isa.

Mas nakatingin siya sa amin ni Jealena, lalo na sa akin, habang nagsasalita. Na para bang sinasabing huwag kaming magkakalat.

Ilang minuto pa ay marahan na ang pagtakbo ng sasakyan hudyat na nasa venue na kami. 

Tumingin kami ni Jealena sa labas ng bintana. Tinted ito pero nakikita naman namin ang labas.

Marami na nga ang mga sasakyan na nakapark sa labas ng venue. At may mga taong may dala dalang mga kamera na parang mga reporters at photographers. 

Tuluyang huminto ang sasakyan sa entrance ng isang napakagandang mansyon. 

Ito ang bahay nina Vonn.

Excited na akong pumasok sa loob at libutin ito.

Isa-isa kaming bumaba, at agad namang may mga lumapit sa amin na event coordinator at tinanong ang mga pangalan namin at sabay crosscheck sa iPad nila.