Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 27 - Anonymity

Chapter 27 - Anonymity

"Are you okay?"

Napatingin ako sa nagsalita na si Ryde. Inilapag niya na ang order niya para sa aming dalawa sa mesa kaya tinulungan ko na sa paglatag ng mga pagkain.

Nawala sa isip ko saglit na magkasama pala kaming dalawa ngayon. Hindi ko parin makalimutan ang pinag-usapan namin ni Paul kaya napatingin ako ulit sa kanya. Marahan siyang ngumiti sa akin.

"Okay ka lang ba talaga? Pwede naman na i-take out na lang natin 'to" Nag-aalalang sabi niya.

Ngumiti ako sa kanya. Ayokong pinag-aalala siya.

"Hindi... Okay lang ako. May naisip lang ako saglit..." Sagot ko. "Kain na tayo?" Aya ko sa kanya at nagsimula ng kumain.

Pinipilit ko na ipagsawalang bahala ang lahat ng sinabi ni Paul sa akin nung nakaraan.

"By the way, kailan ang start ng immersion mo? Para masundo kita kapag uwian" Tanong niya na nagpaalala sa akin na sa susunod na linggo na pala magsisimula.

"Next week na..." Sagot ko. "Huwag mo na ako sunduin. Isang sakayan lang naman mula sa bahay yung elementary school kung saan ako naka-assign" Sabi ko sa kanya dahil alam ko na mas magiging busy na siya sa council.

"Sinong kasama mo na naka-assign doon?" Tanong niya.

"Si Leila at Lara lang yung kilala ko" Sabi ko.

Hindi ko rin inaasahan na doon din ang pinili ni Lara para sa work immersion niya. Ang akala ko ay sasama siya kay Paul at Noah na sa isang komponya ang pinili.

"Siguro kailangan ko na rin mag-isip kung ano ang field na pipiliin ko kapag sa batch na namin" Sabi niya na nagpaalala sa akin na mas mauuna nga pala akong ga-graduate sa kanya.

"Marami ka pa namang time... Makakapag-isip ka pa ng maayos" Sabi ko sa kanya.

"Sa college, anong kukunin mo? Do you have a course in your mind yet?" Tanong niya na nakapagpa-isip sa akin.

"I have my choices pero pinag-iisipan ko parin hanggang ngayon kung anong pipiliin ko sa dalawa" Sagot ko.

Nalilito parin ako hanggang ngayon sa kung ano talaga ang gusto kong kunin sa kolehiyo. Nag-iisip rin ako ng kung saan ako mas makakamura.

Nang ihatid niya ako pauwi sa bahay ay nag-stay pa siya ng isang oras. Pinabayaan ko na muna sila Mama na mag-usap kasama ang mga kapatid ko. Naligo na rin muna ako para mahimasmasan sa lahat ng nakakapagod na pag-iisip na ginawa ko ngayong araw.

Sakto nang nakapagbihis na ako nang may kumatok sa kwarto ko. Pagbukas ko ay si AJ ang nadatnan ko na halatang may problema siya base sa mukha niya.

"Napano ka?" Tanong ko at isinara ang pinto nang makapasok siya sa kwarto.

"Ate..." Bigkas niya kaya nagsimula na akong mag-alala.

"Ano ba, AJ? Sabihin mo na kung anong nangyari" Nagsisimula na akong mataranta dahil sa kanya.

"May nakipagkita sa aking lalaki noong isang araw..." Panimula niya. "Huwag mo muna sabihin kay mama... Nagpakilala siya sa akin na kapatid niya tayo—Umalis kaagad ako kasi natakot ako sa mga kasama niyang lalaki..." Paliwanag niya dahilan para maguluhan ako.

"AJ, anong sinasabi mo? Atsaka bakit ka naman makikipagkita sa kung sino? Paano kung napahamak ka? Nag-iisip ka ba?"

"Pero, Ate... Binanggit niya ang pangalan ni Papa"

"Tama na... Kakalimutan ko ang lahat ng sinabi mo ngayon sa akin. Huwag mong sasabihin 'to kay Mama..." Bilin ko sa kanya.

Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango sa sinabi ko.

Naguguluhan pa ako sa lahat ng nangyayari at pagod na akong mag-isip sa ngayon. Nang lumabas kami ni AJ ay nag-uusap parin sila Ryde at Mama. Pinabalik ko na rin muna si AJ sa kwarto niya dahil kailangan ko na rin pauwiin si Ryde.

Nang inihatid ko na sa labas si Ryde ay hinalikan niya ako sa noo bago siya sumampa sa motor niya.

"Let's see each other sometime kahit may work immersion ka na, okay?"

Tumango ako sa kanya at hinalikan rin ang pisngi niya bago siya nagsuot ng helmet. Medyo natitigilan parin siya kapag hinahalikan ko.

"Ingat ka pauwi... Text me if nasa inyo ka na" Sabi ko na ikinatango niya bago siya tuluyang umalis.

Bumalik na kaagad ako sa loob matapos i-lock ang gate. Naabutan kong naghuhugas ng pinggan si Mama nang sumagi sa isip ko ang sinabi ni AJ kanina.

"Ma..." Tawag ko sa kanya.

"Oh?..." Sagot niya.

"Wala pa bang balita kay Papa?" Tanong ko.

"Ahh... Wala pa, 'nak. Baka nasa laot pa sila hanggang ngayon..." Sagot niya na ikinatango ko lang.

Nagpaalam na rin ako na matutulog na dahil kakalimutan ko na lang ang sinabi ni AJ kanina.

Maaga pumasok ang lahat ng Grade 12 dahil ngayong araw ang magiging orientation sa lahat ng field na pinili namin. Kasama ko si Leila at Lara sa linya na buti na lang ay walang imik kanina pa.

Magkasama naman sila Paul, Therese, Keirra, at Noah na sa isang kompanya ang napili habang si Elton naman ay sa isang police station kasama ang iba pa naming mga kaklase.

Kinakabahan ako at excited din dahil sa mga bata pero hindi ko rin maiwasang mag-aalala dahil baka hindi nila ako magustuhan. Nag-good luck sa akin si Ryde kaninang madaling araw na nakatulong din sa akin dahil napaaga ang gising ko.

Naghihintay kami sa mga service na sasakyan namin papunta sa mga lugar kung saan kami naka-assign nang lumapit muna sila Paul sa amin.

"Excited kayo?" Nakangiting tanong niya.

"Medyo..." Sagot ng girlfriend niya nang tiningnan niya ako at naghintay ng sagot ko.

"Kinakabahan..." Sagot ko at sunod na tinanong sila Keirra at ang iba pa.

Bigla akong naiihi kaya mabilis na akong nagpaalam sa kanila. Nang matapos ay naghuhugas na ako ng kamay nang paglabas ko ay nadatnan kong nakaabang na si Noah sa labas.

"Ano ba? Papatayin mo ba ako sa nerbyos?" Naiinis na tanong ko dahil sa gulat habang umismid lamang siya sa akin.

"I need to talk to you..." Sabi niya.

Naalala ko bigla ang sinabi niya last time kaya nagdesisyon akong hindi na siya pakinggan pero bigla siyang humarang sa harap ko.

"Pwede ba, Noah? Kung ano man 'yang sasabihin mo, sabihin mo na. Baka maiwan pa tayo" Pakiusap ko sa kanya.

"About last time, sorry—"

"Kung tungkol na naman 'yan kay Ryde ay ayokong marinig... Pwede bang hayaan niyo na lang ako? Total, kung tama man kayo sa lahat ng sinasabi ninyo tungkol sa kanya ay sasabihin kong tama nga kayo sa huli. Okay na ba 'yon? Ano pa bang kailangan kong gawin?" Sunod-sunod kong sabi.

"I just want to apologize, Reyn..." Nanlulumong sabi niya.

Bumuntong hininga ako sa huling pagkakataon.

"This is the last time na tatanggapin ko ang sorry mo... Kahit kaibigan ko pa kayong dalawa ni Paul, I will not tolerate any disrespect for my boyfriend after this" Sabi ko at naunang maglakad pabalik.

Hindi siya sumunod kaagad sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag dahil baka kung ano na naman ang sabihin ng iba kapag nakita kaming sabay na lumabas.

Maya-maya pa ay dumating na ang magiging sasakyan namin kaya kanya-kanya ng paalam ang lahat sa mga kaibigan at kaklase nila dahil baka aabot rin ng isang buwan na hindi kami magkita-kita.

Nagpaalam na sila Noah at maging si Elton sa akin nang may huli pang sinabi si Paul.

"Sorry, naguluhan ka siguro last time..." Sabi niya.

"Don't worry, okay na 'yon... Tinulungan mo lang akong makapag-isip" Sagot ko sa kanya. Kaya ginamit ko na ang pagkakataon para linawin ang lahat sa kanya. "Hindi nagbago ang isip ko, Paul. Si Ryde ang nandyan, si Ryde ang meron sa akin at masaya ako sa kanya. Si Ryde ang pinipili ko, Paul..." Dagdag ko sa sinabi sa kanya.

Marahan siyang ngumiti at tumango.

"Okay... Hindi na rin kita kokontrahin dahil baka hindi mo na ako ituring na kaibigan n'yan" Nakuha niya pa talagang magbiro.

"Pumasok ka na nga... Ang dami mo nang nasabi" Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko bago tuluyang pumasok sa sasakyan nila.

Pumasok na rin kami nila Leila sa sasakyan namin matapos niyang makausap si Therese.

Ikalawang araw ko pa lang sa pagpasok sa elementary school ay pakiramdam ko ay isang linggo na ako rito. Sa kindergarten ng school ako mismo na-assign at hindi pa man uwian ay halatang pagod na pagod na kami ni Leila.

Minsan pa ay nalulula na ako dahil sa mga bata. Dagdag pa na kailangan bawat isa sa kanila ay mabigyan ng atensyon. Pabalik-balik nila kami kung tawagin ni Leila kaya minsan ay hindi na namin alam kung sino ang uunahin sa kanila. Pakiramdam ko ay gusto ko na kaagad na matapos ang isang buwan namin.

"Hay... Akala ko mamatay na ako sa pagod" Napasandal kong sabi sa waiting shed sa labas ng eskwelahan matapos ang uwian ng mga bata.

"Sinabi mo pa, nakakapagod talaga..." Dagdag ni Leila na maya-maya lang ay napatawa na rin kami sa isa't-isa dahil sa mga itsura namin.

"Magkikita kami ngayon ni Paul. Sama ka sa'min?" Tanong ni Leila sa akin na ipinikit muna ang mga mata.

"Kayo na lang... Susunduin ako ni Ryde" Sagot ko nang biglang tumunog ang phone ko.

Kakasabi ko pa lang sa pangalan ay nakatanggap na ako ng text mula sa kanya na hindi siya matutuloy sa pagsundo sa akin ngayon dahil sa council na naiintindihan ko naman.

"Bakit? Sinong nag-text?"

"Si Ryde... Hindi raw siya makakasundo sa akin"

"Ay perfect timing! You should really go with us. Kakain lang naman tayo..." Pangungumbinsi niya pa sa akin. "I invited Therese too pero susunod lang daw siya sa atin" Tumango na ako at pumayag sa kanya. Buti na lang ay nakapagdala ako ng helmet.

Nang sunduin kami ni Paul ay dinala niya kami sa isang kabubukas lang na coffeeshop. Pagpasok namin ay may sumunod din sa amin na tatlong lalaki.

Hindi ko sinasadyang mapansin ang pagsulyap ng isa sa mga lalaki sa akin na hindi ko na lang inalala at sumunod lang kay Paul at Leila. Nang nakapag-order kami ay napansin kong sumunod din sila sa pag-order sa amin. 

Pumunta si Paul sa banyo nang dumating na ang order namin habang hinihintay parin namin si Therese nang nagtaka kaming pareho ni Leila na may nadagdag sa mga binanggit naming mg orders.

"Miss, hindi yata sa amin 'to... Hindi kami nag-order ng ganito" Turo ni Leila sa mga naidagdag sa pagkain namin.

"Ahh, ma'am... Pinadagdag po 'yan ng lalaki doon sa kabilang table" Napatingin kami kung saan ang table na itinuro niya.

Siya ang lalaki na napansin kong sumulyap sa akin kanina.

"I'm sorry pero pakibalik na lang sa table nila" Ako na ang nagsabi

Halatang nataranta bigla ang staff kaya ako na ang nagpresenta na puntuhan ang table at ihatid ang mga pagkain.

"Hello, I'm sorry but we would like to decline what you have ordered for us" Mahinahong sabi ko.

Matagal bago nagsalita ang lalaking sumulyap sa akin kanina. Inilatag ko na lang sa harapan nila ang mga pagkain at babalik na sana sa table namin nang bigla siyang nagsalita.

"You really look like Papa..." Sabi niya dahilan para lingunin ko siya ulit.

"Excuse me?" Nagtatakang sabi ko.

Nang bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan niya.

"You're Rianne Leigh right?" Naguluhan ako nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Who are you?" Hindi ko mapigilang hindi maitanong.

"I'm Herman Liem. I'm your brother..."

Bigkas niya na nakapagpaalala sa akin sa lahat ng sinabi ni AJ.