Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Our Mellow Skies

🇵🇭rynneuse
7
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 7 chs / week.
--
NOT RATINGS
3.7k
Views
Synopsis
Rianne, as the eldest who’s bound to make efforts despite the struggles in her life was never interested in anything but rather than very clear in her goals. Coming from a poor family, her life wasn’t easy even when Noah and Paul came. Although it’s hard to make amends she remain strong for her family and was supported by her new found friends. Like any other kind of friendship there were happiness, misunderstandings, and love grows. Their tangled connections made them to be there for each other until the end. -- Date Started: 09/16/24 Status: On-going Uploads every Friday
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Rianne

"Miss Lopez!"

Napatalon ako ng wala sa oras dahil sa pagsigaw sa pangalan ko. Hindi ko alam na pinagtitinginan na pala ako ng mga kaklase ko habang nakatayo. Nagtatawanan pa ang iba sa kanila.

"Ano ba?! Matutulog ka nalang ba sa klase ko o aalis?!" Galit na galit na tanong ng teacher sa akin. Nahihiya akong sumagot sa kanya.

Hindi nga pala ako nakatama kanina sa oral quiz namin kaya nakaidlip ako na nakatayo nang hindi ko namamalayan habang nagtatanong pa si ma'am sa iba ko pang classmates.

"Sorry ma'am. Hindi kasi po ako nakatulog ng maayos kagabi sa ingay ng karaoke ng kapitbahay namin" Kitang kita ko ang pamumula niya sa sagot ko na totoo naman talaga.

Bandang alas tres na ng madaling araw sila natapos sa pagkakaraoke dahil sa may birthday.

"Problema ko pa ba ang pagtulog mo?" Irap niyang tanong ulit sa akin.

"Hindi po ma'am. Sorry po. Pwede po bang sumagot ulit? Kung pwede lang naman po" Pakiusap ko para maiba na ang topic at ng magka-grades rin ako..

Buti na lang at tumigil din siya at pinagbigyan ako na makasagot ulit. Naging tama naman ang sagot ko kaya laking tuwa ko rin nang sa wakas ay nakaupo na ako.

Nang tumunog na ang bell ay nagsipag-alisan na ang mga kaklase ko habang ako ay may balak na bumalik sa pag-idlip para kahit papaano ay buhay ang mata ko mamaya sa next subject. Matutulog na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"Rianne, tawag ka daw ni Ma'am Lou" Napakagat agad ako sa labi nang marinig ko ang sinabi ng classmate ko.

"Sige salamat" Bagot akong tumayo at nagtungo sa faculty na nakabusangot dahil alam kong mabigat na naman ang ipapagawa sa akin ng mga teachers.

Nagdadalawang isip na tuloy ako na ipasa sa kahit na sino ang posisyon ko bilang president ng senior high. Napapagod na ako sa mga utos ng curriculum namin pero hindi naman ako makatanggi dahil kailangan ko rin masustentohan ang pag-aaral ko.

Ako lang rin naman ang aasahan ng mga magulang ko dahil ako ang panganay. Malaking tulong na rin na naging working student ako dito sa school dahil madalas ay nababayaran ako sa mga pinag-uutos nila at minsan ay nakakalibre ako ng pagkain.

"Ma'am..." Kumatok ako sa salamin ng cubicle niya. Kaagad niyang itinigil ang ginagawa niya at sinenyasan akong umupo sa bakanteng swivel chair sa harap niya.

"May gusto sana akong sabihin sa'yo atsaka pakiusap ko na rin" Nagtatakang tingin ang ibinigay ko sa kanya. "Alam mo naman 'di ba? Buntis ang adviser ninyo kaya naka-leave, ang kaso si Mr. Alvarez nagkasakit rin" Hindi ko mainitindihan kung bakit niya ito sinasabi. "Nasabihan ko na rin ang principal. Since fifteen lang kayong magkaklase sa inyo, pwede bang ilipat ko na muna ang mga students na ka-strand niyo galing sa klase ni Mr.Alvarez?" Nagdadalawang isip ako na sumagot pero sa kaloob-looban ko ay labis ang pagtutol ko.

"Bakit daw po, ma'am?" Ang kaagad na nasabi ko.

"Binago na muna namin ng konti ang curriculum dahil sa medyo kulang kami sa teachers lalo na't may nag-leave pa sa kanila temporarily" Gusto ko man na maging bayolente at humindi sa kanya ay tinanggap ko na lang ang desisyon nila na wala rin naman akong magagawa kung hindi ang pumayag sa huli.

"Sige po. Kailan po sila papasok sa klase namin?" Tanong ko na lang kahit gusto ko ng mahimatay sa pagod na nararamdaman ko habang iniisip na may dagdag na naman sa iisipin ko.

"Baka next week ko sila i-transfer sa class niyo. Huwag kang mag-alala. Ibibigay ko rin naman sa'yo ang mga attendance sheet bukas para next week ay makakasabay na sila sa inyo. Mag-announce ka na lang muna sa mga kaklase mo" Utos niya sa akin kaya nagpaalam na ako sa kanya.

Ang kaninang busangot na mukha ko ay mas nadagdagan pa habang papaakyat ako papuntang room namin. Nakahawak na ako sa railings ng hagdan at malapit ng mapamura dahil nasa ikalawang palapag palang ako ng building at ang room namin ay nasa 4th floor.

Hinihingal akong umaakyat nang may mga bumaba na estudyante at bigla akong binangga dahilan para muntik na akong mahulog at mamatay.

"Putang-" Naudlot ang mura ko nang narealize kong tahimik nga pala ang hallway at may klase na sa 2nd floor. "Hoy! Bulag ka ba?" Mahinang kompronta ko sa bumangga sa akin dahil sa baka may madisturbo akong klase.

"Ah sorry, Pres" Sabi nito habang nakaismid sa akin. Nag-init ang dugo ko dahil sa sagot niya sa akin. Sorry lang? Muntikan na akong madeds.

"Teka, class hours ngayon ha? Ba't kayo nasa labas?" Tanong ko sa kanila ng kasama niya dahil hindi pwedeng lumabas ang mga students kapag class hours.

"Pinapapunta kami ng adviser namin sa faculty" Nagtatakang tingin ang ibinigay ko sa kanila.

Hindi ko naman maalala ang mga mukha nila sa mga officers or representatives dahil tanging kabilang lang sa officials ng senior high ang madalas ipatawag sa faculty.

"Anong grade kayo?" Pagsisigurado ko.

"We're in the same grade" Nanliit ang mga mata ko sa sagot niya sa akin.

"Sinong adviser ang nagpatawag sa inyo?"

"Si Mr. Alvarez" Sagot niya.

Bigla akong napatawa kahit na inis na inis ako dahil sa pagsisinungaling nila sa akin.

"Pinagloloko niyo ba ako?! Nakaleave si Mr. Alvarez!" Sumbat ko sa kanila.

Akmang lalapit na sana ako sa kanila para matanong kung anong mga pangalan nila nang bigla silang tumakbo pababa.

"Bye!" Nanglolokong ngiti sabay sabi ng kasama ng bumangga sa akin.

"HOY!" Hindi ko mapigilang sigaw at hahabol pa sana ako pero ang bilis nilang nakababa sa building. "Ay! Punye-" Magmumura na sana ako sa inis nang nakita kong lumabas ang teacher ng isang room kaya tumakbo na rin ako pataas.

Pinagpapawisan pa ako at hinihingal na humarap at nagsalita sa buong klase para ipaalaam sa kanila ang magiging pagbabago sa section namin.

May ibang umalma at ang iba ay naexcite dahil sa announcement. Pagkatapos ay may mga itananong sila sa akin.

"Anong strand yung lilipat sa atin?" Tanong ng kaklase kong babae.

"HUMSS parin" Sagot ko sa kanya.

"Kaninong class adviser daw?" Pahabol niya.

"Sabi kay Mr. Alvarez daw eh" Hindi ko inaasahan ang naging reaksyon ng mga babaeng kaklase ko.

Ang saya nila infairness.

"Hay... Buti naman at madadagdagan na ang mga boys natin dito. Ang bored wala akong naging crush interest" Komento ni Elaiza.

Napatawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Hindi ko rin naman kasi sila masisisi dahil lima na nga lang ang mga lalaki namin, tatlo pa ang hindi totoong lalaki.

"Nagsalita na naman yung feeling maganda" Parinig naman ni Kenneth.

"Anong sabi mo?!" Sumbat ni Elaiza na nauwi sa pag-aaway na naman nilang dalawa.

Nang macheck kong nakalock na ang pinto ng classroom namin ay bumaba na rin ako dahil pagabi na. Nagduduwag pa akong humakbang pababa at nagsisimula na akong matakot dahil sa mga narinig kong kwento na may lalaki daw silang nakikita sa may hallway ng 2nd floor kapag gabi.

Paisip akong nagdadasal habang papaliko na ako papuntang 2nd floor. Dahan dahan pa akong bumaba at laking ginahawa ko nang wala naman akong makita sa hallway.

Relax na sana akong bababa nang may marinig akong mga yapak sa likuran ko. Bigla akong natigil at napamulat ang mga mata. Kahit kinakabahan ay lumingon ako ng mabilis sa likod ko at nang makita kong may nakatayo talaga ay walang pagdadalawang isip na akong nagmura.

"Gago!" Sigaw ko sabay malakas na napahampas sa kung ano man o sino man ang nakatayo sa harap ko.

"Aray!" Natigilan ako nang sumagot. Nilapitan ko kaagad ito.

Tao pala. Lalaki at nakahawak sa braso niya dahil siguro sa lakas ng paghampas ko.

"Hala sorry!" Paghingi ko agad ng tawad sa kanya.

Hinawakan ko pa ang braso niya nang napatingin ako sa mukha nito at narealize kung sino ito.

"IKAW?!"