Sabihin mo sa akin, ano'ng kailangan kong gawin upang malapitan, mamasdan, at mahawakan taglay mong kagandahan? - Abot Kamay ang Langit, Orange and Lemons
***
"VANILLA, sa table ka daw ni General Macaraig tonight." Sabi sa kanya ni Cream habang inaayos ang palda na suot, kung palda pa ba itong matatawag dahil wala naman na itong halos itinago sa kanya.
Vanilla just nodded her head. Cream understood at umalis na sa kanilang dressing room.
Ipinapahid niya ang red lipstick sa kanyang mga labi ng may tumabig sa kanyang braso, dahilan para lupagpas ito sa kanyang labi.
"Viviane, ano ba?" Kontroladong boses na tanong niya dito habang kumukuha ng tissue at ayusin ang lipstick na kumalat.
Viviane lean her back on her vanity table looking at her, hindi nya sana ito papansinin kung hindi lang nito tinatabig ang mga nakalagay sa kanyang lamesa para mahulog ito.
Agad na tumayo si Vanilla at hinuli ang pulso nito, stopping her from his stupid game.
"Ano ba, Viviane? Kulang pa ba ang sakit ng katawan na bigay sayo ni Leon at gusto mo pang dagdagan ko?" May pagbabanta sa boses niyang sabi dito.
"Matapang ka na huh!" Sagot naman nito habang pilit na binabawi ang kamay. "Bakit? Porket ikaw ang paborito ngayon ni Mami Tommy at Hershey?" Marahas nitong tinanggal ang pagkakahawak niya dito. "Ngayon lang iyan, kapag wala ka nang silbi sa kanila, kagaya ko, isasantabi ka lang din nila. Parang laruang pinagsawaan, wala nang kwenta." Sabi nito habang tumatawa.
Vanilla just minding her business, picking up her things na binagsak ni Viviane.
"Hanga din ako sa inyong magkakaibigan." Simula na naman nito habang nasa kanyang likudan. "Si Ysabelle, nakadali ng Vice Mayor, ikaw, General. Ayos! Kumikitang kabuhayan na naman ang mga gold digger!" Sabi pa nito habang pumapalakpak.
Kitang kita niya sa repleksyon nito sa salamin ang ngiting aso nito sa kanya habang kinukutya silang magkaibigan.
Vanilla straightened her back, smirked at Viviane, and continued applying lipstick. Kita niyang pinapanood din nito ang kanyang bawat kilos. Nang matapos na ay hinarap niya ito nang may nanunuyang ngiti. She removed the invisible dirt on Viviane's shoulder that made her jerk. Akala kasi ni Viviane ay pipisikalin niya ito. That made Vanilla's grin wider.
"Viviane, ipapaalala ko lang sayo kung anong trabaho natin. We are angels, we sell pleasure and give pleasure. Walang disente sa kung ano ang ginagawa natin." She is emphasising the word "natin". "Ginagawa natin ang makamundo at imoral na bagay, para sa pera. Ano pa sa tingin mo ang tawag doon?" Lumapit siya sa tenga nito para bumulong. "Pareho tayo ng trabaho at ginagawa, huwag kang magmalinis." Sabi niya dito pagkatapos ay tinalikuran ito at tuluyan ng umalis. She heard her scream, pero hindi ito si Viviane kung hindi ito magwawala.
~~
"DIOKNO, Erick Louis P., class Salutatorian."
The class of 20XX claps their hands as one of the teachers calls their names for their diplomas and special awards. Amongst the batch, tatlong boses ang namamayani sa buong auditorium kung saan ginanap ang graduation. And of course, that's no other than his friends.
"Congratulations, Attorney." Nakipag kamay pa ang kanilang principal sa kanyang mga magulang pagkatapos ng mga itong isabit sa kanya ang kanyang mga special awards.
All throughout the ceremony, ang kanyang mga magulang ang kino-congratulate ng mga nakakasalubong nila. May it faculty member, staffs, even the admin. Hindi naman ang mga ito ang grumaduate.
"Agustin, Dalia Marie M., class Valedictorian."
Mula sa baba ng stage ay kita niya ito kasama ang mga magulang. Hindi nawawala sa mukha nito ang ngiti, she also said her thanks to Principal Del Gado as he congratulates her. Ang palakpak at ngiti nito, they complement each other so well on her, she's glowing.
"Baka matunaw." Doon lang siya bumalik sa wisyo nang gulatin siya ni Clyde, isa sa kanyang mga kaibigan. "Yung titig mo, baka matunaw." May tinig ng pang-a-alaska sa boses nito.
"H-Hindi, sa stage ako nakatingin." Dipensa niya sa sarili.
He shrugged his shoulder and made a face. "Sige, sabi mo eh. Hindi naman ako ang niloloko mo kung hindi ang sarili mo." Clyde said as he continued to clap his hands.
Agad naman niya itong siniko.
"Oo, iyon lang yon!" Sagot na naman niya dito.
"Okay." Sagot na lang ni Clyde dito still not buying his excuses.
Erick just shakes his head.
~~
"Congratulations, Dalia!" Bati sa kanya ng nakasalubong niyang kaklase.
"Thank you, congratulations din!" Bati niya dito pabalik.
She's in a hurry. Her mom is nagging already! Kailangan na daw nilang pumunta sa pina-reserve nitong restaurant kung saan sila magse-celebrate! Her parents are complete opposite, her father is a charming man, while her mother is short tempered. Siguro kaya nag-complement ang dalawa ay dahil opposite nila ang isa't-isa. She forget some papers on her locker, pwede naman niya iyong kunin some other day but it has to be submitted and the deadline is tomorrow.
"Bakit ba kasi sa dinami dami ng pwede mong kalimutan, Dalia, iyon pang kailangan mong i-submit!" Bulong niya sa sarili habang tinatahak ang medyo madilim na parte ng kanilang school building. It was almost sunset and schools tends to have a lot of supernatural stories lurking. Their school is not an exemption. Sana pala ay nagpasama siya sa kapatid.
"Agustin!"
She stopped brisk walking when someone called her. At iisa lang naman ang taong tumatawag sa kanya ng ganoon. She turned her back, and lo and behold the man she expected to see was there, walking towards her.
"Anong problema mo, Diokno?" Mataray niyang tanong dito nang makalapit na ito.
His left hand is in his pocket, while the other is scratching something on his eyebrow. He has this boyish smirk that made the girls in their school down over him. His eyes were not meeting hers but she knew that he had something to tell her.
"I don't have all the time on the world, anong kailangan mo?" Masungit na tanong ni Dalia dito.
Erick stare directly at her, eye to eye. Parang hinihigop ng itim na itim na mga mata nito ang buo niyang pagkatao. She can't help but defend the flock of woman around them. She may hate their group of friends pero hindi maikakaila, lalo na ang lalake sa kanyang harapan, ang gandang lalake ng mga ito.
"Congratulations!" Tila nahihiya pang sabi nito sa kanya.
Dalia smirked at him and smiled in return. His boyish shy smile doesn't compliment his masculine aura but she finds him cute. Dalia's smile froze when she realized what she had been thinking.
Him? Cute? Saan nanggaling iyong Dalia? Suway niya sa sarili.
Binawi ni Dalia ang ngiting binigay nito kanina.
"Thank you." Simpleng sagot niya dito, naghintay pa siya kung may sasabihin pa ito pero nanatili ang titig nito sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay, it made him chuckle when she did that. Iniwas niya ang tingin dito. Her heart skip a beat when he does that. At gusto niyang magpa check up dahil mukang may mali sa kanya.
"May sasabihin ka pa ba?" Tanong niya dito bago iiwas ang tingin dito. The chuckle he did become a laugh. Mas lalo siyang nainis dito. "Anong nakakatawa?" Pagtataray niya dito.
"You."
Dalia just rolled her eyes.
"Alam mo…" She's about to say something mean pero naisip niyang maging mabait na lang dito dahil hindi na sila madalas magkikitang dalawa. "Thank God hindi na kita makikita araw-araw Diokno. Nasisira kasi ang araw ko kapag nakikita kita!"
Tumawa lang ito bago naglakad papalapit sa kanya. She's about to walk back pero natulos siya sa kinatatayuan. When they are almost few inches away, Erick stop on his track.
"Sorry to disappoint you, Agustin. Magkikita pa din tayo, araw-araw" Sabi nito habang may inilabas sa kanyang bulsa at pinakita kay Dalia.
It was a class card, and Dalia read what was written on it.
"Diokno, Erick Louis… College of Arts and Sciences, Political Science… WHAT THE HELL?" Hindi niya napigilang mapasigaw sa nabasa. He even has the same block and subject a her! Paanong nangyari iyon?
"Yes! See you around, classmate!" Sabi nito bago tuluyang umalis sa kanyang harapan. Natauhan na lang siya nang wala na ito sa kanyang paningin. She can't help but stomp her feet dahil sa frustration!