Chapter 4 - 02

"Aelin, anak! Gumising kana d'yan," sigaw ni Papa na nagpapukaw sakin mula sa panaginip ko. Napabangon ako bigla at nahiga ulit, iniisip pa kung nasaan ako at kung bakit ako nandito nang tignan ko ang paligid ko ay napangisi nalang ako. Not minding the dried tears on my cheeks.

We are going back to Manila, Philippines. May nakilala kasi si Papa na babae dito sa San Francisco tapos nalaman pa nito na taga-pilipinas din pala ito. Its been three years since my parents had a divorced and has been living their lives separately.

Ayoko namang sirain ang kasiyahan ng sarili kong ama kaya sinusuportahan ko ito. Namimiss ko man si mama at si kuya, wala akong magagawa dahil bawal lumapit sakin ang dalawa dahil sa seguridad ng village na ito. My dad still can't get over the pain that my mother had put him through, yet I still don't hate my mom for doing something like that because at the end of the day, she's still my mother.

I let out a breath as shake my thoughts off to save my mood from being worse.

Agad akong bumangan at pumunta sa banyo para maligo at ayusin ang aking sarili. After that, I wore a white t-shirt, a pair of blue jeans, and a white adidas sneakers. I then blow-dried my hair and put it in a messy bun and grab my prepared two luggages ready. I was about to apply a simple make up when my father suddenly called me out from downstairs making me roll my eyes at him. "Aelin Monalyn S. Novenche! Hindi ka pa 'din ba gigising diyan?!"

"Ayan na, ayan na! Bababa na po!" Sigaw ko pabalik habang kinukuha ko pa ang maliit kong black na backpack at chini-check kung andyan ba talaga ang cellphone, earphones at wallet ko at iba pang importanteng bagay.

Nang nakita ko nang kumpleto ay bumaba na ako at pumunta sa sala, agad kong nasalubong ang tatay kong nakakunot ang nuo sa iritasyon. He is an impatient business man. Nakatayo ito sa gitna ng sala nakasuot nang black tux, ngumisi ako sa kaniya ng malapad at hinalikan siya sa pisngi, na nagpakalma rito.

"Huwag kanang magalit, dad. I love you." Malambing kong saad habang yumayakap sa bewang niya. Napatawa nalang ito nang mahina at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko.

He sighed, "Ano pa bang magagawa ko, mahina ako sayo." I just smiled at him cheekily.

Kumalas na si papa sa yakap ko at kinuha na ang isa sa mga bagahe ko, "Let's go, princess."

Tumango ako at pumunta na kami sa aming itim na BMW and I glance at our house one last time and sighed. This house was and never will be a home for me. Knowing that I won't be returning again makes me smile in satisfaction. Punong-puno kasi ito nang malulungkot na alaala dahil sa pagsasadula ko sa aking buhay at kalungkutan na walang katumbas.

Pumasok na ako sa sasakyan at habang nilalagay naman ng aming driver ang mga bagahe namin, tanging ang small backpack ko lang ang sinama ko sa akin. Pumasok na ang driver sa sasakyan matapos nitong ilagay ang mga bagahe namin, my father is already on the passenger seat kaya humiga nalang ako dito sa backseat at sinabit sa tenga ko ang earphones habang nagpapatunog ng 'A Sweeter Place' ni Selena Gomez.

Nakatulog na siguro ako kasi nagising nalang ako nang inaalog na ako ni Papa. Dumilat na ako at nakita kong may sinasabi ito sa akin kaya tinangal ko na ang earphones ko.

"Halika na, ready na ang private plane." Sabi ni Papa. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad akong bumangon.

Nagtatarantang hinanap ko ang bag ko at nakita ko namang maayos lang ito kaya nakahinga kaagad ako nang maluwag. Bumaba na ako sa sasakyan at sumunod na kay Dad papunta sa eroplano namin. Ang ama ko nga pala ay ang nagmamay-ari ng Casanova Technological Company.

Nasa Manila kasi ang second branch ng kumpanya and Dad checks it every year.  Ngayong taon niya lang ako sinama kasi nag-usap kaming dalawa kagabu na umuwi na. Nakakamiss din pala ang Pilipinas. Nagkataon din na ipakikilala ako nito sa kasintahan niya.

Wala naman akong kaibigan sa San Francisco kaya wala na akong inabala pa. Mayroon naman na akong kaibigan sa Pilipinas kaya hindi ko na inabala pang magkaibigan.

Pagkatapos kasing magdivorce ng magulang ko ay pumunta kami ni Papa sa San Francisco, si Kuya na at si Mama ang namamahala ng Airlines, si Papa naman ang sa kumpanya. Kailangan ko pang mag-aral. It seems weird that my brother is the one whose with our mother because should be the one whose with her yet I can't because I have to study here for three years because of the path that I've chosen which is Aviation related.

When I got inside the aircraft, I settled myself on my seat and got comfy.

Ilang sandali pa ay umandar na ang eroplano pagkatapos ma-check ang lahat at nang nasa himpapawid na kami ay lumingon ako sa bintana at napabuntong-hininga habang nakatingin sa mga ulap.

Feeling exhausted as I yawn. Agad kong naalala ang paborito kong inumin.

Lumingon ako sa flight attendant na nagkataong dumadaan at ngumiti, "Uhm, Can I get an iced coffee please?"

Tumango naman ito at kinuwanan na ako ng iced coffee, malaking ngisi ang pinakawalan ko at nagpasalamat na dito. Ngumiti lang ito sakin ng pabalik at si Papa na ang inatupag nito.

Hinalughog ko ang bag ko at nang makita ko ang metal straw ko ay nilagay ko na ito sa inumin ko at uminom na. Nang maramdaman kong dumaloy ang sarap sa aking lalamunan kasama ng lamig ay napahinga ako nang malalim.

"Ahhh, sarap.." I mumbled while looking at my coffee. Kung tao lang talaga 'to papakasalan ko na'to.

Pagkatapos kong ubusin ay nagmunimuni muna ako mula sa bintana at hindi ko namalayang pagmumuni-muni ko ay nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako sa pagtungtong ng eroplano sa lupa at agad na akong nag-ayos. Pagkalipas nang ilang minuto ay lumabas na kami sa aircraft at pumasok na sa airport.

Bumaling ako kay Papa, "Pa, bili lang ako ng Frappe sa Starbucks." Paalam ko dito.

Tumango naman ito, "Sige, bilisan mo."

"Opo."

I immediately went towards the cafe and got in front of the cashier, "What's your order, ma'am?"

I smiled, "One Venti Mocha Frappe, please."

Ngumiti naman ito at tumango, "That would be 147 Php, ma'am."Tumango naman ako at kumuha na ng card sa bulsa ko. Agad kong binigay ito sa cashier at biglang nawala ang ngisi nito.

"Is something wrong?" Tanong ko.

Ngumiwi ito sa'kin, "Sorry ma'am, hindi pa po pala kami tumatanggap nang card."

Napalaki ang mata ko, "Oh my, but I don't have my money changed yet." She looks at me with a sorry gaze and gave me my card. I took it and sigh, looking down. Nanlulumo akong tumingin sa wallet ko.

"Ma'am, pwede namaㅡ"

"I'll pay for that." Putol ng isang baritonong boses sa cashier. Napalingon ako at napamangha sa lalaking nasa likod ko lang pala.

Napanganga ako sa katangusan ng ilong niya, his nose is pointed and he has a pale but doey skin. Ang kisig ng katawan nitong tama lang at halatang-halata na nagwo-work out siya araw-araw. Makapal ang kilay at malalim ang mga mata nitong kulay asul.

Hindi ko rin maiwasan na parang nakita ko na siya noon pa, pero pinasantabi ko nalang iyon. His lips are pink and kissable na nakahugis puso at manipis, his jaw sharp and defined. Ang buhok nito na nakamessy hair na nagpapagdagdag ng kagwapohan niya.

He's dress in a white botton up shirt na naka-tuck in sa kaniyang black slacks and I can see a Gucci belt that secures it. Napakataas nito kaya napapatingala ako at nakanganga sa kaniya. Oh, a man with taste.

Nagtaas ito ng kilay sa akin, "Done staring?"

Nagpabalik ang boses nito sa aking huwisyo kaya napailing ako ng bahagya at ngumiti sa kaniya habang nag-iinit ang pisngi. Ramdam ko ang pagtibok nang puso ko sa kaba at hiya kaya napatango nalang ako

"S-Salamat..." Nauutal na saad ko. I immediately look down in shame of my stuttering.

Natigilan ako nang bigla niya nalang hawakan ang baba ko at pinatingala sa kaniya, nagkatinginan kami sa mata at bigla nalang akong nawala sa mundo at naging parte ng mundo niya. Charot.

Ang haba pa sana ng tinginan namin pero nang may bigla nalang tumikhim napatingin ako sa linyang nasa likod namin at nakita kong nakatingin na sila sa aming dalawa kaya tumalikod nalang ako sa kanila at tumingin sa cashier habang hindi tinitignan si Mr. Gucci.

I smiled at the cashier, "My name is Aelin, please make it quick may humihintay pa kasi sakin." Paliwanag ko. Tumango naman ito at ginawa na ang trabaho niya.

"Miss, please add One Caramel Macchiato." Saad ni Mr. Gucci. "The name's Clive." Dagdag niya, pumula ang pisngi ng babae na inirapan ko lang. I stilled at what I did. Why did I do that?

Lumingon ako sa ibang direksyon at pumunta doon para makunan naman ng order ang ibang costumer. Sumunod naman sa akin si Mr. Gucci este, Clive.

Tumingala ako sa kaniya at ngumisi, "Thank you nga pala, babayaran nalang kita kung sakali mang magkita tayo ulit." Saad ko. Tinignan lang ako nito sabay tango ng marahan. Hindi siguro marunong makipag-socialize.

Magsasalita pa sana ako nang tawagin na ang pangalan ko kaya dumiretso na ako sa counter at nagpaalam na sa kaniya, hindi niya naman ako pinansin kaya napangiwi nalang ako at tumalikod na.

Lalakad na sana ako nang may sabihin siya, "See you again soon, Aelin."

Ramdam ko ang biglang pagpigil ko sa paghinga nang marining ko na naman ang boses niya. I felt a shiver down my spine na nagpatayo ng mga balahibo ko.

Lumingon ako sa kaniya, "Yeah, see you again soon, Clive."

Natigilan ako nang ngumisi ito at kinindatan ako. Parang tumambling puso ko sa pagngisi niya kasi lumabas ang dimples niya na malalim. My knees nearly gave up on me. Tumalikod nalang ako at umalis na papunta kay na Papa habang dahan-dahang pinapahinahon ang puso kong hindi parin kumakalma.

"Natagalan ka ata?" Tanong ni Papa nang makarating ako sa harap ng black na BMW namin sa parking lot. I smiled sheepishly at him and told him what happened.

"Oh, what's his name?" He monotonously asks, acting like he's interested. I chuckled at his tone.

"Clive. I don't know his surname though." Sabi ko.

He scoffed. "Mabuti na nga 'yan eh. Ayoko namang makipagsapalaran sa mga manliligaw mo."

Napatawa na lamang ako. "Ikaw naman papa, tinulungan lang namana ko ng tao eh."

"Kahit na, alam ko ang galawan ng mga lalaki. Tandaan mo, lalaki din ako." He said sternly. I shake my head at him and got inside the BMW.

Nang nasa sasakyan na kaming dalawa ay may nag-text sa kaniya at pagkatapos niya itong sagutin, lumingod kaagad siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"We will be meeting Delilah tomorrow. She can't meet us today because of her busy schedule." Sabi nito sa akin. Tumango na lamang ako sa kaniya na nagpangiti naman dito.

He sighs after smiling, seeing the way I react. "Even though your mother and I are already divorced, my heart will always be tied to her." He mumbles while looking infront of him.

Kaagad namang lumaki ang mata ko sa sinabi ng sarili kong ama. My heart is feeling a rush of hope in it.

"Pero, hindi ko 'din mapagkakaila na nasasaktan ako dahil sa ginawa niya." Dagdag nito.

Napangiwi ako. "Dad, I know that Mom will never hurt you."

"What did she do? Ano 'yun? Trip niya lang?" Nanlulumo niyang saad.

I chuckled. "Makipag-hiwalay ka nalang kay Delilah kung ganyan ka parin pala."

He shakes his head immediately. "No, I'm gonna try and forget about her."

Kumirot ang puso ko sa narinig ko. "Ikaw ang bahala."

Pagkatapos kong sabihin nun ay lumingon na ako sa bintana at tumingin sa mga dinadaanan naming mga gusali ng Maynila. I sigh at my life. Kung hindi ginawa ni Mama, paano ko maipapatunay na hindi siya nangaliwa?

Lumipas ang ilang minuto ay nakarating narin kami sa bahay. My eye completely went wide when I saw the house. Ito ang bahay na nilakihan ko!

Gumuhit ang malaking ngisi sa aking labi at napatingin ako sa tumabi sa akin. "Papa, dito talaga tayo maninirahan?"

He nodded and smiled sweetly at me, while messing my hair making me glare at him. "Pa!"

He laughed. "Yes, princess. This is gonna be our home."

I let out a heavy sigh in satisfaction. "No, Dad."

I smiled and look at the exterior of the Spanish-styled mansion. "This has always been a home."

"Kahit ito rin ang bahay na kung saan tayo nagkagutay-gutay?" Tanong sa akin ni Papa na nagpapukaw sa aking masayang pag-iisip. I rolled my eyes at him and went upstairs with my now sour mood because of my father's sudden question.

"Kasalanan mo naman eh." I muttered.