She's getting impatient, nakailang missed call na siya kay Jia pero hindi pa rin niya sinasagot ang tawag.
"So be it, uuwi na lang ako." And so, she rushed back home. But it was in vain dahil nasa eskwelahan pa pala si Jia at mamayang 7PM pa ang uwi niya. Wala siyang klase pero may meeting sila para sa gaganapin na event ng university nila, vice president kasi siya ng department nila.
She sighed, wala na siyang magagawa kung hindi maghintay. Habang nagpapalit siya ng damit, napatingin siya sa plaid jacket na nakahalagay sa ibabaw ng kama niya. She can't help but to wonder about the mysterious guy again.
Jia, uwi ka na please. I'm dying from curiosity. Sino siya? Bakit ka niya kilala? Anong meron sa inyong dalawa?
Jose's face suddenly flashes to her mind. Muntik pa nga siyang matumba sa gulat dahil sa biglang imagination niya. Napahawak siya sa dalawang pisngi niya nang maramdaman niyang parang namumula ito. Agad siyang pumunta sa kung nasaan ang salamin niya at nakitang namumula nga ang pisngi niya.
"What the heck? What is this feeling? Why am I feeling this way?"
She touched her left chest and she was able to confirm that her heart was beating fast. She is pretty sure it was not a simple heart beat, there's something.
Muli siyang tumingin sa salamin and while thinking about that mysterious guy, who probably knows her cousin Jia, she's blushing.
He doesn't have the same look that people mostly give to her. He doesn't have that stupid look and looks like he is not smitten at all. He just looks at her like a normal person, not someone who's special, like the way she wanted people to do so. It's not like she chose to be this way, she wasn't born just for people to stare at and become someone else's fantasy. Although she likes the attention, she sometimes hates it. Just for one time, she wants people to look at her normally without any hidden intention. Just like the way how he stared at her.
She blushes again, dives onto her bed, and excitedly kicks her feet. She smiled when she saw the candies that are on the top of the bedside table. It was a sweet and sour candies, just like their encounter.. sweet and sour.
She woke up feeling sticky and with a headache. Halos hindi niya na maiangat ang ulo niya dahil ang bigat-bigat.
Patay, may lagnat pa ata ako.
Nakita niya ang oras, it was already 3 in the morning. Kahit hirap ay sinusubukan pa rin niyang bumangon. Sobrang sakit ng katawan niya, dagdag pa na sobrang nilalamig pa siya. When she's in the kitchen, Jia also go out to her room. She was half-awoken.
"Bakit anyare?" tanong ni Jia habang humihikab.
"May lagnat ata ako." sagot naman ni Kaya.
"Umupo ka diyan, ako na kukuha ng gamot."
Jia gave Kaya a cold medicine and a glass of water. "After mong uminom ng gamot, magpahinga ka na agad. Take a day off, huwag ka munang pumasok bukas. Ipapa-excuse na lang kita." Tanging tango lang ang naisagot ni Kaya. Tumalikod na siya para bumalik sa kwarto niya. Nanghihina pa siya.
"Wait, that jacket." tawag ni Jia sa kanya, tinutukoy niya 'yung jacket na nakasuot sa kanya, nagtataka namang tumingin si Kaya sa kanya. Mukhang wala pa siya sa sarili niya, marahil dahil masama ang pakiramdam niya.
Umiling-iling siya, "Nevermind, will talk to you tomorrow. Magpahinga ka na muna."
Because of her fever, nawala sa isip niya ang itatanong niya sana kay Jia.
The next morning, nagising siya sa mabangong amoy. Mukhang nagluluto ng almusal si Jia ngayon. Masakit pa rin ang ulo niya pero nabawasan na din naman. Bumangon siya sa higaan niya at nagpalit ng damit bago lumabas sa kwarto at pinuntahan si Jia na nasa kusina. Nakabihis na si Jia ng department t-shirt niya. She's a computer science student.
"You're awake, kamusta ang pakiramdam?"
"Masakit pa rin ang ulo ko, pero hindi na masyadong malala."
"Mabuti naman. Umupo ka muna diyan. Malapit nang maluto 'to, after mong kumain take your medicine."
Tumango naman si Kaya, nagsalin muna siya ng tubig sa baso at ininom 'yun.
Ilang segundo pa ay may bigla siyang naalala.
Right, that guy!
Tumikhim muna siya bago magsalita, "Jia."
"Hmm?"
Pinatay na niya ang stove at isinalin sa plato ang niluto niya. Inilapag na niya 'yun sa table ni Kaya.
Kaya noticed that there's only one plate.
"Hindi ka kakain?"
"No, maaga kasi ang klase ko ngayon. Baka hindi na ako makaabot." Kinuha na ni Jia ang mga gamit niya na nakaready na at nakalagay lang sa sofa.
"Ah.."
"What? Do you have something to ask?"
Too bad. Mamaya ko na lang siya siguro tatanungin. Mukhang nagmamadali siya.
She shook her head and smiled.
"Then, I should go. Just stay in your room. Forget about the household chores, ako na bahala pag-uwi ko and don't move too much. Drink plenty of water. Umiwas ka muna sa radiation, don't use your gadgets."
"Oo na, go na."
Jia is still worried pero umalis na din siya para hindi na siya ma-late.
I can take care of myself, she should worry about herself not me.
In their relationship as a cousin, Jia was like the older sister and Kaya was the younger one. Hindi naman naglalayo ang edad nila, Jia is only 6 months older than her so naturally she's more mature than Kaya. Laging ganito ang eksena, kada may sakit si Kaya or may problema siya, laging to the rescue si Jia. Madalas niya ngang i-spoiled si Kaya. They're both only child, they're cousins in their father's side. Halos totoong magkapatid ang turingan nila. They've been living together since their freshman years, and they're also both graduating students.
Jia knew everything about Kaya, including her so-called charity, which is palagi din siyang pinagsasabihan about dito pero dahil matigas ang ulo niya at mataas ang confidence niyang hindi siya mahuhuli, pinagpatuloy pa rin niya. Jia can't help but to only shake her head to her cousin's mindset. It was only hopeless, she had no choice but to wait for Kaya's downfall para siya na mismo ang maka-realize na mali ang ginagawa niya.
After taking her medicine, bumalik na siya sa kwarto niya. Her phone keeps vibrating, madami nanamang nagm-message sa kanya. She just ignored them, Jia told her na umiwas muna siya sa gadget para hindi na lumala ang lagnat niya so of course priority ang utos ni Jia. Wala lang silbi ang pag-alaga niya sa kanya kung susuwayin niya lang siya. Instead of taking her phone, she grabs a book na matagal nang nakatambak sa book shelf at 'yun na lang ang piniling pagkaabalahan.
On the other side, when Jia arrived in her classroom, agad siyang tinawag ni José. Jia was confused when she saw her friend's excited facial expression.
"Bakit?"
Bigla nalang inilahad ni José ang kamay niya sa harapan ni Jia at sinenyasan siya na parang may hinihingi. Jia looks at his hands, confused. Tinaas niya ang kilay niya.
Nang mapansin ni José ang confused look ni Jia ay agad niyang ibinaba ang kamay. Bumuntong-hininga siya at walang sabi-sabing umalis sa harapan ni Jia at bumalik sa pag-type niya sa laptop.
Anong meron doon?
Binigyan niya ng weird look si José, "Kahit kailan talaga, napaka-weirdo nung lalaking 'yun."
José was probably referring to his favorite jacket. Akala niya dala-dala na ni Jia 'yung jacket niya kaya excited niyang sinalubong si Jia. It was given to him from his late older brother that's why it's so important for him. He treasures it the most. Hindi niya nga alam kung anong pumasok sa isip niya at pinahiram pa niya 'yung jacket kay Kaya kung pwede naman niyang kunin agad before siyang umalis.
Kakatapos lang ng third period nila, lunch break na ang susunod. Nagsimula nang magsiligpitan ang mga kaklase niya para umalis sa room nang biglang may isang lalaki ang biglang sumigaw habang nakatingin siya sa cellphone niya. Agaw-pansin siya dahil sobrang lakas nung sigaw niya.
"Oops, sorry." paumanhin niya saka siya lumapit sa kaibigan niya, "Gago brad, tignan mo 'to. May issue si Kaya."
Nang marinig ni Jia ang pangalan ng pinsan niya ay agad siyang napalingon doon sa lalaking nag-salita. Napakunot ang noo niya.
"What do you mean may issue si Kaya?"
Biglang tumunog ang cellphone niya, and when she checked it, agad na nanlaki ang mata niya.
May nag-message sa kanya na kaibigan niya, "Te, nakita mo na ba 'to? Kaya is in trouble! Someone posted a video of her and mukhang kalat na din sa buong campus."
She sent a link at nang i-click niya ay nagplay ang isang video. Makikita sa video ang dalawang lalaki at ang babaeng nasa gitna nila ay si Kaya. The two guys are arguing, naghihilaan sila ng kwelyo at nagtatalo kung sino sa kanila ang tunay na boyfriend ni Kaya. Hanggang sa bigla na lang nilang binuhusan si Kaya ng tubig. Maririnig sa audio na sinabi nilang pinagsabay niya silang dalawa and at the end of the video, there was someone who suddenly put a jacket on Kaya para matakpan ang mukha niya and then he dragged her outside.
Agad niyang pinause ang video.
"Wait, ito 'yung jacket na suot-suot ni Kaya."
Dumapo ang atensyon niya doon sa lalaking nagligtas sa kanya. Kumunot ang noo niya at kinilala ang lalaki. He is familiar from head to toe. Hindi niya lang makilala agad dahil sandali lang siyang nahagip ng camera. Naka-ilang replay pa siya para makilala niya 'yung lalaki. Suddenly, bigla siyang natigilan. Nanlaki ang mata niya, pati ang panga niya halos malaglag na sa gulat.
Umangat ang tingin niya kay José na kasalukyang nagliligpit pa ng gamit. Patayo na siya para umalis pero agad siyang pinigilan ni Jia.