Chapter 2 - Chapter 2

Halos tanghali na nang magising si Lizzy. Hinilot niya nang bahagya ang nananakit niyang ulo dahil sa epekto ng alak na ininom niya kagabi. Napabalikwas pa siya at mabilis na hinablot ang bag at kinuha ang folder doon. Napangisi siya nang makita na nandoon ang kontrata at hindi lang iyon isang panaginip. She was already Mrs. Kristoff. 

"It's not a dream Lizzy, Everything that happened yesterday was real. So get ready and pack your things."Utos niya sa sarili, mapait siyang ngumiti at kinuha ang kanyang maleta. She packed her clothes and put her important folders in a different bag. Matapos maihanda lahat ay nagpatawag na siya ng taxi. Ngunit matapos lang ng tawag na iyon ay biglang nag register sa monitor ng cellphone niya ang number ni Theo.

"Good morning ."

"Are you ready? I will pick you up."

"Nakatawag na ako ng taxi."

"Cancel it. I'm hanging up. I'm driving."

"Okay, bye." Sambit niya bago ito mawala sa kabilang linya.

Samantala, kakatapos lang matanggap ni Theo ang tawag mula kay Nick nang tawagan niya si Lizzy na susunduin ito. Nalaman niyang, nagkaroon na relasyon si Joseph sa isang babaeng nagngangalang Sophia Buencamino at natuklasan iyon ng dalaga kaya naman nakipagbreak ito agad sa binata. And what's worst, si Lizzy ang nagmukhang masama at lubhang napahiya ng komprontahin nito ang dalawa. Wala pang sampung minuto ay narating din niya ang apartment ng dalaga. It was not huge but not small. Pababa na siya ng kotse nang bumukas ang pintuan sa harap at bumungad ang dalaga na may hatak-hatak na maleta.

"Hi." Bati nito at mabilis niyang kinuha ang maleta dito. Lizzy smiled, and put her other bag on the back seat.

"Wala kang trabaho?" Tanong niya ng makaupo na siya sa tabi nito.

"I have a meeting later at 12. Ikaw?"

"Nope, I took a day off." turan niya at itinuon ang pansin sa kalsadang dinadaanan nila. Tahimik siyang napatulala sa daan habang binabalikan ang mga araw at panahong kasama niya si Joseph. Hindi niya inaasahang magagawa siyang pagtaksilan ni Joseph, gayong lahat naman ay ginawa niya para dito. Kahit pa ayaw sa kaniya ng mga kaibigan niya ay ipinaglaban niya ito. Hindi niya maiwasan ang hindi maghinayang sa twelve years na relasyong pinagsamahan nila. All her efforts are for naught.

Halos kalahating oras din ang naging byahe bago nila marating ang bahay ng binata. Nalula si Lizzy ng makita ang magarbo at napakalaking bahay kunu ng binata. If this is not a palace then what is it? Gustong matawa ni Lizzy, hindi niya alam kung masuwerte ba siya o sadyang masuwerte lang talaga siya.

"How is it?"

"Not bad, husband." excited niyang sagot at kinuha ang bag sa backseat, ngunit mabilis siyang napigilan ng binata at hinatak siya nito papasok sa mansion.

"Leave your luggage to the maids, let me show you our room." turan ng binata na ikinatawa niya. Yeah, let's go to our room. Mayamaya pa ay huminto sila sa harap ng malaking pintuan. Sa gara pa lang ng pintuan, alam na niya ang susunod dito. Pero kahit na inihanda na niya ang sarili sa makikita, hindi pa din maiwasan ni Lizzy ang hindi mamangha sa nakita. A king-sized bed stood at the middle of the room with silk like curtain on both sides na sa mga pelikula niya lang nakikita. Pumalakpak pa siya ng makita ang dalawang table na magkatabi sa di kalayuan sa higaan.The table was perfect for working at home. May computer at mga shelves at drawers na pwede niyang lagyan ng kanyang mga folders.

"Hindi ka din prepared, ano." natatawa niyang puna.

"Hmm. I assume you will somehow be working at home so I prepared one for you. Just next to mine."

"That is so sweet of you husband. Wife is happy." biro pa niya at tinapik ang balikat nito.

"That's good."Saglit itong natahimik at muling nagsalita. "Just so you know, wife, we will share one bed."

"That's no problem. We are married, so what is there to worry about? I don't mind."

"Good." sang-ayon ni Theo at tiningnan ang relo. "I'll be off later, kaya mo na bang ayusin ang mga gamit mo. Kung kailangan mo ng tulong magsabi ka lang sa mga katulong."

"I am very capable. " wika niya at nginitian ang binata.

Hanggang sa opisina ay napapangiti si Theo habang naaalala ang mga ngiti at tawa ni Lizzy habang inaayos nito ang mga gamit sa kwarto niya. It seems like he will be going to enjoy a life with her.

It's been a day.

Kahapon lang ay namomroblema siya kung paano haharapin ang mga magulang niya at abuelo. Pero heto siya ngayon, parang timang habang pinipirmahan ang papeles sa kanyang table. Noon pa man ay halos ipagtulakan na siya ng kaniyang mga magulang na magkaroon ng sariling pamilya.

He is not getting any younger, ani pa ng mga magulang niya. Wala naman sanang problema ang kaso, halos lahat ng mga babaeng nali-link sa kaniya ay walang ibang hangad kun'di ang kayamanan niya. They don't even know their limits, wala pa man ay para na silang may-ari ng buong kompanya. Wala silang alam kun'di ang maging palamuti lang sa tabi niya and he don't need that kind of woman in his life. What he needs is a woman he can lean on his darkest time and maybe, just maybe, si Lizzy na iyon.

"Sir, a certain Lucille Hernz is looking for you, papasukin ko ba siya?" tanong ng kanyang secretary mula sa intercom. Mabilis na napalis ang ngiti sa kanyang mga labi at napalitan iyon ng simangot.

"Go ahead, let her in."

"Yes Sir." Wala pang ilang segundo ay bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang magandang mukha ng dalaga. Nakangiti ito mabilis na lumapit sa kanya.

"Ms. Hernz, I did make myself clear the other day, What is it that you want now?"

"Oh, come on Theo. I know you like me. Bakit ka pa ba nagpapakipot. Ron told me you got depressed and get drunked yesterday, I got worried, so I came."

"I am good. You can leave, now." walang gana niyang wika at itinuon ang pansin sa mga papeles na binabasa.

"Theo, you can't just throw me out. Come on, ano bang gusto mong gawin ko para magustuhan mo ako? Am I not pretty?"

"Yes you are pretty, but you aren't my type. You don't have to do anything, now go. Elise, show Miss Hernz out." wika niya sa intercom.

Mabilis namang pumasok si Elise at magalang na pinalabas si Lucille.Samantala, abala pa din sa pag-aayos ng gamit si Lizzy nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone.

"Yes, Theo?"

"Are you done?"

"Malapit na. Bakit may problema ba?"

"Wala naman," tugon ni Theo, habang nilalaro ang kaniyang signpen sa ibabaw ng kaniyang mesa.

"Come on Husband. Kahit isang araw pa lang tayong magkakilala. I know that tune, anong problema, sinong gumulo sa buhay mo habang wala ako?" tanong niya sabay bungisngis.

"Theo, huhulaan ko, babae ba yan? Gusto mo bang guluhin ko ang buhay niya? Tell me her name husband." tanong niya at narinig niya tumawa ito sa kabilang linya. And she knows she hit the bulls eye.

"Is that the same woman you are talking about yesterday? What was her name again, Lucille I guess."

"Yeah."

"Hmm. Hirap talaga kapag gwapo ang asawa, maraming umaaligid. Don't worry husband, wife will protect you." wika niya at muling tumawa.

Natawa na lang din tuloy ang binata na lubha pa niyang ikinagulat. She had never him laugh before. She heard that he was cold but he was far from those rumors. Look at her room, the thing he prepared for her. Look how he cared for her. Isn't she lucky?

Pakanta-kanta pa siya habang inaayos ang mga gamit nang biglang bumukas ang pinto. Isang may katandaang babae ang lumapit sa kanya.

"Ma'am, bilin ni Master Theo na ipaghanda kayo ng tanghalian, dadalhin ko ba dito o sa baba kayo kakain?" Tanong ng isang kasambahay ni Theo na sa pakiwari niya ay dalaga pa. Tila nahihiya o nag-aalangan pa itong pumasok sa kuwarto nila at nasa labas lang ito, bahagyang nakasilip sa pintuan.

"Bababa ako. Saglit na lang at matatapos na ako." nakangiti niyang sagot at mabilis na tinapos ang ginagawa. Nakakahiya naman kung magiging pabigat siya agad sa unang araw niya sa mansion.

Matapos kumain ay pumanhik na siya sa kwarto at mabilis na binuksan ang kanyang laptop. Dali dali niyang kinuha ang cellphone at tinawagan si Theo matapos mabasa ang email.

"Theo, I need to change plans. Kailangan ko pumunta sa restaurant. I have an urgent matter to attend to." sambit niya para mag-iwan ng voice mail sa asawa.

Matapos mag-iwan ng mensahe ay dali-dali na niyang inayos ang sarili at bumaba. Nagpaalam din siya sa mga kasambahay para alam ng mga ito na aalis siya bago mabilis na nilisan ang mansyon ni Theo.