Habang nakaupo ay naisipan kong buksan ang camera na dala ko. Para na din magpicture ng kung ano anong ganap dito. Sunod sunod na din ang pumapasok sa loob ng jail booth, dahil sa kung sino sino na rin ang hinuhuli ng mga kaklase ko.
" For, Stephen po." saad ng isang babae na mukhang nasa mas mababang grade kaysa sakin, agad ko naman nilapag ang camera ko sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Tsaka ko, inabot ang bayad niya.
" Oh, Stephen laya ka na!" sigaw ko sa may bandang likuran kung saan nakapwesto ang jail booth namin. Binuksan naman ng kaklase ko ang pinto, tsaka pinalabas si Stephen.
Naging tuloy tuloy ang takbo ng pagbabantay ko sa booth namin, tuwing walang magpapyansa ay balik ako sa pagkuha ng litrato para libangin ang sarili ko. Maya maya pa, ay naramdaman kong parang mayroong umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko kanina pa.
Pagbaba ko ng camera na ibinaba ko sa lamesa ay tsaka ko tinignan kung sino ang umupo sa tabi ko. Laking gulat ko, ng makita si Dean na nakaupo dito. Itim na ang polo nyang suot, habang nakasuot na din ng itim na shades. Hawak nya pa din ngayon ang notebook at ballpen niya na natapunan ko ng coffee kanina, bakas pa din ang mantsa ng kape sa bawat pahina nito.
" What?" tanong nito sa napakalamig na tono ng boses, na ikinagulat ko naman lalo. Dahil, hindi ko inaasahan na may lalabas na salita sa mga bibig niya.
" Ah - eh, uh-m." hindi ko nagawang sumagot dahil sa pagkabigla sa kanya para akong nagkaroon ng kapansan na hindi makabuo ng kahit na anong maaring isagot sa kanya.
Maya maya pa ay inalis nya ang suot niyang shades tsaka diretsyong tumingin sakin, habang nakataas pa ang kaliwang kilay.
"Continue, what you're doing. Don't mind me." saad niya, sabay balik ng atensyon sa kaniyang notebook.
Hindi naman na akong nagabalang sumagot pa dito, dahil hindi ko alam ang tamang isagot pa sa kanya. Ngayon, ko lang kasi siya nakitang magsalita ng ganitong kahaba. Dahil, kahit sa klase minsan ay hirap itong pasagutin ng isang sentence ng teacher namin.
Dumadaan pa ang ilang minuto simula ng magkatabi kami, at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit tila ilang na ilang akong kumilos, eh hindi naman ako ganito.
Paminsan minsan ay palihim akong lumilingon sa parte nya, upang tignan kung anong ginagawa niya. Ngunit, buong oras ay wala itong ibang ginawa kundi tumutok lamang sa kaniyang notebook, at magdrawing. Habang ako naman ay sinusubukang umarte ng normal, upang hindi siya makaramdam ng kahit na anong tensyon sa amin dalawa. Ayoko na makaramdam siya ng kahit na anong ilang sakin, dahil for sure ay iiwasan ako nito.
"Anong dinadrawing mo?" tanong ko, sabay lapit sa kanya at dungaw sa notebook nya.
Tila naman nagulat siya sa naging aksyon ko, dahil naging magkalapit na talaga ang mukha naming dalawa. Mabilis naman niyang iniwas ang notebook niya ng mapagtanto ang pagsilip ko dito.
Bigla namang namula ang mga pisngi ko, ng mapalingon ako sa mga mata nya. Ilang, inches na lang kasi ay malapit ng magkadikit ang mga pisngi namin sa lapit. Kung kaya naman agad akong umiwas at bumalik, sa pwesto ko kanina.
" Ang damot!" palusot ko na lamang sambit, tsaka napahawak sa mga pisngi ko.
Habang, ramdam na ramdam ko pa din ang hiya sa pinaggagawa ko ay bigla namang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko, agad ko naman itong kinuha at lumabas ang message mula kay Louise.
' Ano yang mga ganyan, Ava?' saad sa message nito. Agad, namang napakunot ang noo ko dahil sa walang context na chat ni Louise na ito. Hindi naman na ako nagreply pa sa chat ni Louise, dahil hindi ko din naman alam kung anong isasagot dito.
Maya maya pa ay naalala ko na hindi pa pala kami friends ni Dean sa Instagram,halos lahat na kasi ng kaklase ko ay mutuals ko na.
"May Ig ka?" tanong ko, sabay taas ng phone sa harap nito at pakita ng Instagram profile ko. Mukhang nakuha ko ang atensyon niya sa pagtatanong ko na ito, dahil napatingin siya sa akin.
" Wala." diretsyo nyang sagot, at tsaka muling bumaling ng tingin sa notebook.
"Gawan kita." paladesisyon kong sagot, atsaka nagbukas muli ng cellphone at Instagram.
"Picturan kita, para may dp ka na." saad ko, tsaka sinimulang kumuha ng mga stolen photos.
Panay ang iwas nito, pero mabuti na lang at magaling akong photographer dahil kahit papaano ay nagawa kong kumuha ng maayos na ayos na picture niya. Sure ako, na madami ang magaakala na poser account ito ni Dean. Dahil maliban sa stolen picture na dp nito ay, halata namang walang interes sa Social Media ang isang Dean Alvarez.
Tinapos ko na din ang lahat ng kailangan para sa account niya, finallow ko na din ang sarili ko. Kasi paniguradong hindi naman niya gagawin yun. Alam ko na malabong buksan o gamitin ito ni Dean, pero bahala na basta ginawan ko siya.
" Hays, salamat tapos na din. Akin na, sulat ko username at pass mo." saad ko, sabay lahad ng kamay para sana isulat sa notebook niya ang username at password na ginawa ko.
Tumingin lang siya ng diretsyo sakin, at mukhang walang balak iabot ang notebook niya.
" Ay , oo nga pala drawing notebook mo yan." kaya naman hinila ko na lang ang kamay nya palapit sakin, at kinuha ang ballpen na nasa kabilang palad nito tsaka sinimulang isulat ang username at password sa mga kamay niya. Habang siya naman ay walang angal, at inaantay lang akong matapos.
" Ayan, okay na. Gamitin mo ha!" saad ko, dali dali naman niyang kinuha ang mga kamay niya. Tsaka, diretsyong tumayo at naglakad palayo.
" Hoy, uwi ka na? Thank you ha!" sigaw ko dito, habang mabilis siyang naglalakad paalis ng field.
Napabusangot naman ako, sa kasungitan ni Dean. Na para bang walang nararamdamang emosyon sa katawan. Ako na nga itong tumulong hindi man lang magpasalamat. Maya maya pa ay napansin ko na hawak ko pa din pala ang ballpen niya, sinuksok ko na lang ito sa lagayan ng camera ko dahil wala din naman akong dalang bag at hindi ko na din naman maibabalik pa sa kaniya.
Simula ng umalis si Dean, ay hindi na ito muling bumalik pa dito sa booth. Kung kaya naman, kung ano ano na lang ang ginawa ko para malibang. Nagpicture, at naglaro na lang ng kung ano ano sa cellphone ko.
Mabilis ding dumaan ang oras, kung kaya naman ay oras na din para umuwi. Nagaasikaso na ang mga kaklase ko para magligpit at maglinis ng booth.
"Sa wakas, uwian na din." saad ko tsaka tumayo.
"Good bye, Ava!" sambit ni Tristan, sabay tapik sa balikat ko. Tumango naman ako tsaka nagpaalam din rito.
Tumulong lang ako saglit sa paglilinis at pagaayos, tsaka nagready na din para umuwi. Hindi ko na din nakasabay pa si Louise pauwi dahil mayroon pa daw silang training sa volleyball ngayon.
Naglakad naman ako palabas ng school, atsaka inantay ang sundo ko. Paglipas lang ng ilang minuto ay, dumating na din si Kuya Ben ang personal driver namin.
" Hi Kuya, nasa bahay na ba si Mommy?" tanong ko dito pagkapasok ko sa loob ng kotse.
" Wala pa, Ava. Gabi pa sila nagpapasundo ng Daddy mo, may meeting pa ata." sagot nito, tsaka naman tumango ako bilang pagsangayon sa sagot niya.
Busy lagi si Mommy at Daddy sa pagpapatakbo ng kumpanya namin, dahil mayroon kaming maliit na manufacturing business ng mga skincare product. Wala pa akong masyadong alam sa business namin, dahil maliban sa wala akong interes dito ay hindi naman nila ako inoobliga na pagaralan na ito.
Kahit na, laging busy sila Mommy at Daddy ay hindi pa din pwedeng mawala ang bond namin tuwing weekends, dahil tatlo lang naman kami. Kaya naiintindihan ko, ang pagiging busy nila tuwing weekdays.
Sabi ni mommy, miracle baby daw ako dahil hirap silang makabuo ni Daddy noon at hirap din siyang magbuntis. Kung kaya naman, nung nalaman nila na buntis si Mommy sa akin ay sobrang saya ng buong pamilya namin. Dahil unang apo ako, sa parehas na pamilya kay Mommy at Daddy. Kung kaya naman, todo ang naging pagiingat nila kay Mommy habang pinagbubuntis ako hanggang makalabas.
Naging mabilis lang naman ang byahe namin ni Kuya Ben pauwi. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad akong dumiretsyo sa kwarto para magpalit ng damit at maglinis ng katawan. Hindi na muna ako bumaba ulit para kumain, dahil balak kong antayin sila Mommy at Daddy para sumabay.
Pagtapos ko magayos ng sarili, kinuha ko agad ang laptop ko na nasa study table ko tsaka dinala sa kama. Inalis ko din ang camera ko sa lagayan nito para sana tignan ang mga nakuha kong litrato at ilipat na sa flashdrive, ng biglang mahulog ang ballpen ni Dean na nasa loob nito. Agad ko itong dinampot, atsaka dinala na din sa higaan.
Binuksan ko naman ang laptop ko, para tignan sana kung binuksan ba ni Dean ang Instagram account na ginawa ko para sa kaniya. At, hindi ko inaasahan ang 'Active Now' na nakalagay dito.