Chereads / Chasing Winter / Chapter 2 - COFFEE

Chapter 2 - COFFEE

Nagdaan ng mabilis ang tatlong araw, naging maayos din ang naging preperasyon ng lahat para sa gaganaping Foundation Day ngayong araw. Mayroon na ding kanya kanyang toka sa mga gawain ang lahat upang maging maayos ang pagpapatakbo ng aming booth. 

Sa hapon ako nakatoka, kung kaya naman ngayong umaga ay pwede akong gumala gala pa. Kinuha ko kaagad ang camera at wallet ko tsaka ako dumiretsyo palabas ng bahay namin. Hindi na ako nagdala pa ng bag dahil hindi ko naman magagamit, dagdag bitbitin lang ito kung sakali.

Hindi na rin pala required ang uniform tuwing may event kami sa school. Kaya naman, isang white t-shirt at jeans ang suot ko ngayon. Habang naka sukbit naman sa katawan ko ang lace at camera. 

Ng makarating na ako sa school, nakita ko ka agad si manong guard sa labas, dahil maliban sa madami akong close na estudyante ay kaclose ko din ang iba sa mga empleyado sa school.

"Good morning po." bati ko sabay mano dito.

" Mukhang tanghali ka na Ava ah, kanina pa simula ang event." sagot nito sa akin sabay tapik sa balikat ko bilang tugon.

"Wala naman po kasi akong ganap jan ngayon maliban sa magbantay ng booth mamayang hapon, kaya hindi na rin po ako umattend pa sa opening ng event." sagot ko, atsaka nagpaalam na din ako para tumuloy na papasok sa building. 

Semi-private nga pala ang school namin, mayroon itong apat na building na magkakahiwalay. Mayroon din itong sariling gymnasium at iba't ibang facilities na kailangan ng mga estudyante, maging malawak na field kung saan ginaganap ngayon ang naturang event. 

Habang naglalakad papunta sa field ay nakita ko ang bestfriend ko na si Louise sa hindi kalayuan, tumakbo ako agad papalapit sa kanya. Magkaiba ang section namin ngayong taon kaya hindi kami magkasama sa klase. Pero hindi pa din nawawala ang koneksyon naming dalawa, minsan ay nagsasabay kami sa lunch o hindi kaya uwian.n

" Lou! Lou!" sigaw ko, habang tumatakbo sa pwesto niya. 

" Avaaaa!" sigaw din nito, at tsaka kami nagyakap at lumundag lundag ng magkalapit na.

" Anong booth nyo ngayon?" tanong ko sabay hawak sa braso nito atsaka nagsimula na maglakad papunta sa mga mismong event. 

" Wedding Booth samin, so corny!" maarte nitong sagot, sabay irap na tila diring diri sa booth nila.

" Gaga, bitter ka lang porket walang makikipag wedding booth sayo." sagot ko na parang nangaasar pa. 

" Samin bagay ka." dagdag ko pa.

" Why? Ano ba sa inyo?" tanong nya sabay tingin sakin.

" Jail Booth." sagot ko.

" F*ck you, Ava." tugon nya sabay tingin sakin ng masama.

Hindi ko naman, napigilan na matawa sa naging reaksyon niya. Kilala din sa school namin si Louise, dahil maliban sa mayaman ang pamilya nila ay Captain din sya sa Volleyball Team ng school. Hindi nga din maipagkakaila na madami talaga ang nagkakagusto sa kanya, maliban sa maganda, matangkad at maganda talaga ang kutis ni Louise. May pagka maldita, at maarte nga lang paminsan minsan ang gaga. Pero, napaka bait nya kung makikilala lang talaga nila ng lubusan. 

" I'm hungry, can we eat?" tanong nito sabay pouty lips pa sa harap ko.

Agad ko naman tinulak ang mukha nya gamit ang palad ko. 

" Okay, wag ka na gumanya ganyan sa harap ko hindi naman ako mga bebe boys para ganyan ganyanan mo pa." sagot ko, atsaka sya hinila papunta sa canteen. 

Habang naglalakad kami papunta sa canteen, nakita ko din ang ilan sa mga kaklase ko na nagbabantay sa booth, habang ang iba naman ay pakalat kalat din sa field. 

Pagkapasok namin ng canteen, nakita ko din si Dean na nasa loob nito. Nakasuot sya ng puting polo, at tsaka tattered jeans na pamares dito. Dumiretsyo ako agad sa bilihan ng Iced Coffee, habang pinahanap ko naman ng mauupuan si Louise. 

" 2 Vanilla Latte, and 2 Cheesecake po." sabay abot ko ng bayad sa kahera. 

Inuna kong dalhin ang cheesecake sa lamesa na nahanap ni Louise, atsaka ko binalikan ang dalawang iced coffee pa. Pagkakuha ko ng order sa counter, ay binitbit ko ito papunta sa upuan namin ulit.

Sa pagiingat sa kape na dala ko, ay hindi ko na nagawang tumingin pa sa dinadaanan. Nakatingin lamang ako sa tray at kape na hawak ko ngayon. Ngunit hindi pa man ako nakakarating sa pwesto ni Louise ay natapon na ang dala ko. Ng mabunggo ako sa isang lalaki, na may dalang coke at notebook.

Napasigaw ako ng matapon ito, ngunit ng tignan ko kung sino ang nabunggo ko laking gulat ko ng makita ko si Dean na nagpapagpag ng sarili pati na din ng notebook nyang dala. 

" Dean, I'm sorry! Hindi ko sinasadya." saad ko habang tinulungan sya magpunas ng sarili nya.

Maya maya pa ay lumapit na din sa akin si Louise, at tsaka inalis ang kamay ko sa damit ni Dean. Ngunit, hindi ako nagpaawat dahil nahihiya talaga ako sa perwisyo kong dala sa kanya.

Ng kukunin ko sana ang notebook nya, para tulungan siyang pagpapagan ito. Ay, agad niya itong iniwas. Alam ko na napaka importante non sa kanya, dahil lagi siyang abala tuwing hawak yun. 

" Stop it, okay na." saad niya sa napaka lamig na boses na nagpatigil sa akin sa pagiging taranta. 

Agad naman akong napatingin sa kanya, atsaka nagtagpo ang aming mga mata. At hindi ko alam, kung tama ba ang nakikita ko. Pero sa unang pagkakataon ay hindi lamig ang naramdaman ko sa mga tingin na ito, kundi kislap at pagaalala.

Maya maya pa ay iniwas na nya ang kanyang tingin sa akin, at tsaka diretsyong lumabas ng canteen. Habang ako ay naiwan pa ding nakatayo dito. Si Louise naman, ay abala sa pagpupunas ng katawan ko. Nakalimutan ko na din kasing, natalsikan nga din pala ako ng kape kanina. Kung kaya naman puro na din mantsa ang damit ko ngayon. 

" Maupo ka na here, Ava. I'll buy another drink na lang." sabay alalay sakin ni Louise paupo. 

Habang inaantay ko si Louise bumalik, ay tulala pa din ako sa pangyayari. Hindi naman ito ang una o pangalawang beses na magkaroon kami ng interaction ni Dean. Dahil kilala, at naging kaklase ko na din naman siya ng ilang beses. Pero, habang tumatagal ay parang nagiging kakaiba. Hindi ko mapigilang hindi mataranta o di kaya ay kabahan tuwing makikita siya. Natatakot na din ba ako sa presensya nya? 

Maya maya pa ay bumalik na din si Louise, habang dala dala ang panibagong Vanilla Latte na order namin. 

"Do you have extra ba sa locker mo?" tanong nya sa akin, habang humihiwa ng binili kong cheesecake kanina.

"Uhm, wala. Uuwi na lang ako siguro." sagot ko sabay higop sa kape na hawak ko.

" Gaga, no! I have sa locker, kunin natin mamaya." sagot niya, atsaka tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. For sure kasi na tatamadin na din talaga ako bumalik kung sakaling uuwi ako ngayon. 

" Ikaw ha! Grabe ang titigan nyo kanina ni Dean. And, first time ata na lumagpas sa isang salita ang sagot nya." panunukso nito sakin.

" Gaga, ano ka ba. Nahiya nga ako sa tao, kasi nabasa ko yung napaka importante nyang notebook pati na din shirt nya." sagot ko, sabay iwas ng tingin sa kanya. 

Kagaya ng iba, hindi rin nakaligtas sa mata ng mga chismosa si Dean. Nabansagan na nga siyang Mr.Frost dito sa school namin. Dahil nga sa malamig nitong pakikitungo sa lahat. Pero hindi rin maitatanggi na madami din ang humahanga sa kanya. Matangkad, Moreno, mapungay ang mga mata at mayroon siyang matangos na ilong na saktong sakto sa hugis ng mukha niya. Kung kaya naman, kahit na anong sungit niya ay madami pa ding kababaihan ang nahuhumaling sa kaniya. 

Matapos namin mag chikahan ni Louise sa may canteen, ay agad kaming dumiretsyo sa locker nya upang kunin na ang damit. Dahil malapit na din ang oras ng pagbabantay ko sa booth namin. 

" Ano to?" tanong ko sabay taas ng damit na gustong ipahiram sakin ni Louise. 

"Croptop? tapos halatang fitted pa? Alam mo naman di ako naggaganito eh, uuwi na lang ako." saad ko tsaka akmang ibabalik na sa locker ang damit niya.

"Suotin mo na yan,isusumbong kita kay Sir Flores kapag umuwi ka." pananakot niya pa sakin.

Si Sir FLores kasi ang isa sa mga terror na teacher namin ngayon, at talagang hindi siya nagbibiro kapag sinabi nyang magbabagsak siya ng estudyante. Sinabi nya din, na isumbong sa kaniya ang mga hindi tutulong o magbabantay ng booth. Kaya wala na din talaga akong choice ngayon. 

Pumasok ako agad sa isang cubicle atsaka nagsimulang magpalit ng damit. Pagtapos nito, ay dinala ko naman ang tshirt ko sa locker ko dahil wala akong pwedeng paglagyan nito. 

Umalis na din pala si Louise, dahil oras na din niyang magbantay sa booth nila. Dali dali akong nagpunta sa side ng booth namin para makipagpalit na sa mga bantay dito. 

" Nanjan ka na pala Ava, sakto dito ka na pumwesto sa may kahera." saad ni Trixie na kaklase ko tsaka tumayo upang magbigay ng space para makaupo ako. Pero, nagtaka ako bakit dalawa ang upuan na nandito, so ibig sabihin may kasama akong magbabantay dito?