Chereads / Chasing Winter / Chapter 1 - AVA

Chasing Winter

🇵🇭sophrosyne
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 2.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - AVA

" Hi Ava!" bati sa akin ni Louise habang naglalakad ako sa corridor. 

" Hi Louise, good morning!" bati ko din sabay kaway dito. 

Pagkatapos kong makipagbatian sa mga taga kabilang section ay dumiretsyo na din ako papasok sa classroom, atsaka naupo kung saan ako nakapwesto. Malapit ang upuan ko sa harapan at tabi ng bintana. Kung kaya naman, may oras ako para sumilip at magmuni muni dito. Madalas nga ay napapagalitan ako dahil nahuhuli akong nakatulala lamang sa labas ng bintana. Maliban sa hindi ko kasi maintindihan ang mga lecture, ay talagang naboboring ako at naiisip ko na lang na lumabas at magpicture ng kung ano ano. May pagkakataon pa nga na muntik na din ako mapalipat ng upuan dahil sa pagiging lutang, ngunit nagdahilan na lamang ako na malabo ang mata kung kaya kailangan nasa harapan. 

Wala pa nga din ang teacher namin ngayon, kung kaya naman may kanya kanyang gawain pa talaga ang lahat. Ang iba ay kanya kanyang make up at suklay ng buhok sa gilid, habang ang mga lalaki naman sa likod ay may kanya kanya ding kwentuhan at tawanan.

Hanggang sa mapunta ang mata ko sa isang lalaki sa gilid, na nakayuko at tila nagdadrawing sa kanyang notebook. Siya nga pala si Dean, kilala sya sa school dahil sa napaka cold nyang awra. Wala, ni isa sa mga kaklase namin ang sumubok na kausapin siya o di kaya isama sa barkada. Dahil, maliban sa napaka lamig nga nitong pagkatao ay mahirap din siyang kausapin dahil sa paisa isang salita lamang siya sumagot. 

Maya maya pa ay pumasok na sa classroom ang teacher namin ngayon. Dala dala ang kanyang laptop, at ibang teaching materials. 

" Okay, class sit down. I have an announcement." saad nito habang binababa ang mga gamit nyang dala. 

Agad namang nagsibalik at nagsi upo sa kanya kanyang upuan ang lahat. Habang ako naman ay umupo din ng maayos at tsaka tuminging muli sa harapan. 

" We will be having our Foundation Day, next week. Alam ko na excited na ang lahat dito." saad ni Sir habang nakatingin sa amin.

Hindi naman napigilan ng iba na pa tili ng mahina ng marinig ang announcement ng aming teacher. Dahil matagal na talaga itong nilo-look forward ng lahat. 

" It is a 3 days event, and kailangan umattend ng lahat. Magkakaroon ng iba't ibang booth ang kada section, so kailangan nyo ding maghanda para dito." dagdag pa ni sir. 

Agad na puno ng bulong bulungan ang paligid, tungkol sa mga suggestion sa maaring gawing booth. 

" Where's Aika?" tanong ni sir, sabay taas naman ng kamay ni Aika na aming class president. 

" Nandito po sir." sagot nito.

" Okay, so yung time natin ngayon na natitira ay gamitin nyo na lamang upang pagusapan kung ano ang magiging plano nyo sa Foundation Day. And ayon lang naman, magusap at hindi magchismisan ha. Good luck." saad ni sir sabay dampot ng laptop at materials nya sa lamesa atsaka dumiretsyo na palabas ng aming classroom.

Habang si Aika naman ay tumayo atsaka naglakad papunta sa harapan kung saan naka pwesto ang teacher namin kanina. 

" So guys, alam ko na excited na ang lahat sa Foundation Day. And, ito ang unang beses na maeexperience natin siya. Kaya naman gawin sana natin itong memorable para sa lahat." sabi ni Aika habang nakatingin kaming lahat sa kanya.

Walang ingay na naririnig kapag nasa harapan na si Aika. Hindi ko alam, pero madami din ang iwas sa kanya. Dahil, masyado siguro siyang focus lang sa pag-aaral at mukang walang balak mag enjoy sa kanyang highschool life. Kung ano anong chismis pa nga ang naririnig ko patungkol sa kanya, isa na don na hindi daw sya tunay na anak ng pamilya nya ngayon kaya tumututok na lang sa pag-aaral bilang sukli. Ngunit, hindi ko naman pinagtutuunan pa ng pansin ang mga chismis tungkol sa ibang tao, sadyang observant lang ako sa paligid ko. At, hindi naman ako agad agad naniniwala sa mga sabi sabi lang. 

" Bago tayo makapag decide sa kung anong booth pa ang gagawin natin, magkaroon muna tayo ng suggestions sa mga gusto nyong gawin. Bago natin ito pag botohan." dagdag pa niya. 

Napuno ng iba't ibang suggestion ang klase, ang iba ay gusto ng wedding booth, ang iba naman ay horror booth, o di kaya jail booth. Halata sa itsura ng bawat isa ang pagka excited kahit na sa lunes pa naman talaga magsisimula ang Foundation Day. Mayroon na lang kaming tatlong araw para makapag handa din para dito.

Ng magtapos na ang botohan, nauwi ang lahat sa Jail Booth dahil mas tipid daw at madaling gawin. Wala naman ng umangal pa sa naging desisyon na ito, dahil karamihan nga sa amin ay ito ang napili. 

Maya maya pa ay nag ring na ang bell, hudyat na break time na. Nagkanya kanyang labas na ang mga kaklase ko. At, unti-unti na ding napuno ng estudyante ang corridor palabas ng building. Habang ako naman ay dali daling kinuha at inayos ang bag, tsaka ang camera na dala ko. Imbis na dumiretsyo sa canteen gaya ng ibang estudyante napag desisyunan ko na pumunta sa favorite spot ko sa school. Isa itong tagong garden, na kung saan kaunti lang ang nakakaalam. 

Pagdating ko sa garden ay gaya pa din ng noon walang katao tao dito, tahimik at tanging malamig na hangin lang na kumukuskos sa mga halaman ang nagsisilbing ingay. Binaba ko kaagad ang bag na dala ko tsaka binuksan ang camera.

Pag kuha ng litrato ang hilig ko, hindi tao kundi kung ano anong bagay sa paligid. Kaya din naman, nageenjoy ako na tumambay sa lugar na to. Dahil iba't iba ang nakikita ko dito. Nagsimula na akong magikot ikot sa garden upang humanap ng maaring kuhaan ng litrato. 

Halaman, Hayop maging mga tanawin ang nakunan ko. Ng babalik na sana ako kung saan ko iniwan ang bag ko, napansin ko ang isang hulma ng tao sa likod ng isang malaking puno na nakatalikod. Tila, pamilyar sa aking ang awra na kung kaya naman dahan dahan akong lumapit upang tignan kung sino ito. 

" Dean?" tanong ko, sabay kalabit sa balikat nito.

Kita naman, ang gulat sa mukha nya ng makita ako. Ngunit, gaya pa din ng dati ay napakalamig nito tumingin. Agad, siyang tumayo at nag ayos ng gamit.

" Aalis ka? Sorry, medyo pamilyar ka kasi kanina kaya sinubukan kong lapitan. Pwede ka naman mag stay." saad ko habang humawak sa braso nya upang pigilan itong magayos ng gamit.

Nahiya naman kasi ako na parang kasalanan ko pa na aalis siya ngayon dahil napansin at nilapitan ko siya, alam ko namang ilag siya sa tao kaya hindi na nakakapag taka na tumambay sya sa ganitong klase ng lugar. 

Napatingin naman siya bigla sa kamay ko na ngayon ay nakakapit pa din sa kanya. Kaya agad ko itong inalis atsaka natataranta. Siguro, dahil na din sa wala nga masyadong nakakalapit sa kaniya, tapos ako ngayon ang malakas ang loob na kinapitan pa siya.

Muli nya akong tinignan na para bang pwede na akong gawing estatwa ng yelo, dahil sa wala nito kaexpre-expression na tingin. Kahit isang salita ay wala akong narinig mula sa kanya, agad lang siyang umalis dala ang bag at notebook nya pagkatapos ng pangyayaring yun. 

Maya maya pa ay narinig ko na din ang bell para sa susunod naming klase, agad kong kinuha ang bag ko kung saan ko ito iniwan kanina. Atsaka, dumiretsyo papasok sa classroom namin. Pagdating ko sa room, ay saktong kararating lang din ng teacher namin.

Bago maupo ay tumingin akong muli sa direksyon kung saan nakaupo si Dean, upang tignan sana kung bumalik din ba siya agad sa room pagkatapos ng nangyari kanina sa garden. Nakatingin lamang siya ng diretsyo sa harapan habang hindi mabasa ang expression ng kaniyang mukha. 

Pagkatapos nito ay iniwas ko na ding muli ang tingin ko sa kaniya, atsaka nagfocus na lamang sa klase. 

Naging mabilis ang oras, at agad ding natapos ang lecture ni maam. Ito na ang huling klase namin ngayon, kung kaya naman kita mo na ang antok at kagustuhan ng umuwi ng lahat. Kung kaya tinapos na din ni maam ng mas maaga ang klase. Inayos ko na ang notebook at gamit ko na nasa lamesa, atsaka nilagay ito sa bag. 

"Bye, Ava!" bati sa akin ng mga kaklase kong babae.

"Bye, ingat kayo!" sagot ko sabay kaway sa kanila, atsaka sila tuluyang lumabas na ng classroom. 

Madami din ang nakakakilala sa akin sa school, dahil sa iba't ibang competition na din siguro na sinasalihan ko mula Elementary pa lang ako. Naging part din ako ng iba't ibang oraganizations sa school. Kung kaya, kahit sa ibang section ay talagang kilala ako. Maliban sa pagiging observant ay friendly din daw kasi ako sabi nila. Pero, hindi naman ako para magbuhat ng sariling bangko. Siguro, ay marunong lang talaga akong makisama lalo na sa ibang tao. 

" Ava, may kakilala ka ba sa Section Dominic? Need ko kasi makausap president ng ibang section para hindi tayo magkaroon ng kapareho na booth sa Foundation Day." saad ni Anika habang nasa harapan ko ngayon. 

" Ah, oo kilala ko President nila. Bigay ko na lang sayo mamaya link ng account nya pag-uwi." sagot ko dito ng nakangiti. 

" Sige, salamat. Una, na rin ako antayin ko na lang message mo mamaya." sagot nya sabay labas na din ng classroom.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko, nagready na din ako para makauwi. Ngunit, bago lumabas ng classroom nakita ko si Dean, na nagaayos pa din ng kaniyang gamit.

" Bye, Dean." saad ko sabay tingin sa kanya. 

Napatingin naman siya sa gawi ko, atsaka ako tinaasan ng kilay.

"Tsk. Bye Ava." pabiro kong sagot sa sarili ko atsaka napairap ng wala man lang akong nakuhang sagot kay Dean.