"Ang ikalawang pagsubok ay ang pagpatay sa mga higanteng buwayang nakatira sa Lambak. Meron kayong isang araw para patayin ang mga ito. Ang 50 tao na makakapatay ng pinaka marami ang siyang papasa para sa susunod na pagsubok. Pagkatapos nito ang lahat ay nagtungo sa Lambak upang pumatay ng mga higanteng buwaya hindi nila alam na kayang gamutin ng mga buwaya ang kanilang sarili. Maraming tao ang nakain ng buwaya sa sobrang laki ng mga ito. Muntik nang makain si Zu ng mga buwaya mabuti nalang agad na rumispunde si Jake at tulungan ito. Sa huli natalo nila ang mga ito. Natapos na ang isang araw at tinawag na ang lahat sa bulwagan. Nagsalita ang papa. " pumunta sa harap ang mnga tatawagin ang pangalan".Mapalad sila Jake at Zu dahil nakapasa sila sa ikalawang pagsubok. Muling nagsalita ang Papa. "Ang isang tunay na lider ng bayan ay may lakas upang talunin ang sinomang humarang sa kanya. Inihayag ng Papa ang huling pagsubok. " Ang huli ninyong pagsubok ay ang paghanap sa pitong kulay na bulaklak na tumutubo lamang sa matataas na bundok. meron lamang pitong tumutubong ganitong uri ng halaman sa loob ng isang taon.".kayat nag hanap na ang lahat sa mga bundok ng kaharian. Ang ganitong uri ng pagsubokay tunay na napakahirap para sa dalawang magkapatid lalo pat may roong daan daang bundok sa kaharian.