Chereads / TheWorldBeyond / Chapter 13 - Kababaihan, Pag-asa ng Bayan

Chapter 13 - Kababaihan, Pag-asa ng Bayan

(Women, Hope for the Country and the World)

Kahit noong 1940's hanggang 1970's ang mga kababaihan ay wala pa ring karapatan na magkaroon ng hanapbuhay na mga lalaki lamang ang gumagawa. Kahit ang pagkakaroo ng bisness o kumpanya, kailangan pa ring ang namumuno ay lalaki at bibihira pa rin na mga babae ang head ng isang organisasyon sa ibang mga bansa kahit na sa Pilipinas. Noon hanggang 2020, ang mga kababaihan ay kailangang ipaglaban ang kanilang mga karapatan pati na kasarian, relihiyon o kultura. Lalo na ang racial discrimination na pinaglalaban pa rin hanggang sa ngayon, 2030 na. Pero, malaki ang pagkakaiba, dahil noon mga isang dekada na ang nakakaraan, mangilan ngilan na lang ang mga tao na di sumasangayon sa gay marriage na ngayon ay maluwag ng pinapayagan.

Meron mang pagbabago ay ito ang karapatan ng mga kababaihan ay napalawig na. Pwede na tayong mag-manage n gating business at may karapatan na ring mamili ng ating hanapbuhay o propesiyon panlalaki man o nangangailangan ng lakas at endurance katulad ng pagsasaka, construction o pagwewelding, arkitektura o pag-didj man ito, malaya na tayo na gumalaw at gawin ang gusto natin na wala namang inaagrabyadong tao o masasaktang nilalang. Noog panahon ni Emily Dickinson, kinakailangan pa na gamitin ang pangalan ng kaniyang kapatid na lalaki sa pagpapublish ng kaniyang mga tula dahil ipinagbabawal ng sarili pa mismo niyang ama ang katulad niyang babae na maging manunulat o ang pag-eexpress ng kaniyang sarili sa pamamagitan ng sining. Ito man ay lubos na kinasakit ng kalooban ni Emily, nanatili siya sa kaniyang kuwarto at nagsulat ng sumikat niyang mga tula pagkatapos pa ng maraming taon na lumipas.

Hindi na kinakailangang magtago ang mga kababaihang may kapartner na katulad nilang babae rin at hindi na rin kinakailangang matakot na baka saktan o pagsamantalahan ka dahil ikaw ay babae at ipinapakita ng publiko o ng mga kalalakihang mahina o kailangan may kapartner na lalaki para maramdamang malakas o kaya para makagawa ng nais niya dahil ang mundo daw ay male dominated talaga. Pero hindi ako naniniwala diyan. Ang totoo, kahit noong mga sinaunang panahon pa ay ang mga babae na ang malakas na gender. Kasi, di makakapamuno o mananalo sa giyera ang mga sundalo kung walang mga babae na mag-aalaga sa kanila o magpapaligaya lalo na ang pagkaakaroon ng mga anak na ang mga babae lang din ang puwedeng magdala. Sa pagbubunitis lang ay buhay na ang kapalit at kapag nanganak naman na, ay ang buahy din niya ang ipagkakaloob sa pagpapalaki at pagaaruga sa kaniyang asawa at mga supling.

Hindi mo ba naisip na mahalaga ka sa mundo? Tayong mga babae ay regalo mula sa langit. Sa ganda, alindog at sensualidad natin, tayo ay itinuring na mga anghel sa lupa ng mga kalalakihan. Tinawag nila tayong anghel at tukso na madalas na lapitan at habulin kapag gusto, sa FB man o iba pang social media paltforms, tayo ay may malaking implwensiya sa mundo lalo na sa mga lalaking humahanga o sumusuporta sa atin. Sa totoo lang hindi naman dapat magtalo o pumili kuns sino ang mas malakas o mas makapngyairhan sa lahat. Ang babae at lalaki ay parehong nilikha ng Diyos na may kaniya kaniyang kakayahan at sila ay pantay lamang ang karapatan. Ang tao lan naman ang gumawa ng sariling batas para sundin. Pero wala namang sinabi sa sampung utos ng Diyos na mahalin mo lalaki ang iyong Diyos ng buong puso at hindi naman binanggit ang kasarian. Doon lanng marahil sa parte na ang tao ay inutusang mahalin ang kaniyang asawa at huwag mangalunya. Dito nga wala pa ring sinabi na lalaki basta't mahalin lang ang asawa at iyon na.

Babae ka man ikaw, tayo ay malakas, maganda, matatag, flexible at resilient. Hindi tayo sumusuko at pinanatili nating isa at close ang ating mga pamilya. Tayong mga babae ang nagaalaga sa ating mga anak at pamayanan. Kaya batay sa scientific findings, ang mga kakabaihan ay mas preferred na mamuno sa isang syudad at bayan, dahil sa malaking kapasidad nating magmahal, magpatawad at makisama kapwa babae man o lalaki sa iba't ibang kalse ng industriya at kumpanya. Sa pelikulang "The Summertime", ipinakita dito na ang mga kababaihan noong 70's ay nagpapakilala na na may sariling boses at nag-aalsa paunti unti tunkol sa kanilang nga karapatan, sa pagpili ng propesiyon, o ang pagmamanage ng isang farm dahil naging baldado ang ama ng isa sa mga bida sa kuwento. Si Delphine ay lumaki sa kanilang farm sa probinsiya kung saan ang lesbianism ay hindi pa kilala o umuusbong pa lamang. Si Carole na isang Spanish teacher ay may kinakasama pa noon nang makilala si Delphine sa isang women's group o activists. Pero di pa actibista ang tawag sa mga babaeng kumakalaban sa norm o tinuturo ng mga siyentipiko noong panahon na iyon. Dito pati ang abortion o ang pagbubuntis ay pinapakialamn din ng mga lalaking namumuno sa kanilang syudad.

Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis ang pakikipaglaban ng mg kababaihan sa kanilang karapatan. Ang ating mga boses ay mahalaga rin, kung kaya dapat natin itong gamitin at huwag matakot o mahiya na sabihin ang ating iniisip o ideya sa kahit anung field o propesiyon.

***********************************************************************

Kamusta ka, Sanya? Tanung ko nang makauwi na siya sa condo. Medyo pagaling na ang mga galos niya sa katawan at hindi ko mahawakan ang mga braso niya. Hindi naman ganun kalala ang mga tama niya pero iyong mga gasgas sa leeg at mukha niya ay pahilum na. Maganda pa rin naman siya, hindi naman nawala ang kaniyang alindog na maramng kalalakihan at kababaihan ang nabibighani, kasama na ako roon sa labis na humahanga sa katalinuhan at kagandahan ng aking kaibigan.

Okay naman na ako, hindi na makirot ang mga sugat ko at thank God I'm home. Hindi rin ako makapagpahinga sa hospital and dad kept on calling me on my cell, it's kind of annoying na!. But come to think of it, after all this time, now ko lang napatunayan that he doed care for me and Kuya! Muntik na raw siya atakihin ng malamang may kumidnap sa akin and naaksidente pa. He said that he would make up for the lost years na kasama lang niya ay ang aking step mom na kasing edad ko lang and we will go on a vacation somewhere. He also asked me to pick a country, so I chose Europe, Rome, Italy. And you're coming with us,