Chereads / TheWorldBeyond / Chapter 1 - Dangwa

TheWorldBeyond

🇵🇭Vicky_Manalo_5384
  • 25
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 6.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Dangwa

THE

 

WORLD

 

BEYOND

 

BY MVMANALO

 

PERKS COPYRIGHT

COVERPOBO

 **************************************************************************

 What do you think of having a garden in front of your porch? I love sunflowers, roses and orchids but not much of daffodils, gumamelas and bongavillas. Ayyy!, anu bayan? Punyeta ka, di ka ksi tumitingin sa dinadaanan mo!, Hoy, ikaw, oo ikaw!, sigaw sa akin ng isang ale na nabangga ko dangan kasi'y masyado ako'ng naaliw sa mga magagandang bulaklak na animo'ng nakaparada sa Dangwa. Sorry po, manang!, sabi ko humihiningi mg pasensiya at napatingin na parang sasabunutan ako ng ale. Anu'ng manang ka diyan, miss pa po ako no!, hay naku, mahuhuli ako sa trabaho ng dahil sa'yo, galit na sabi ng ale na dali-dali'ng sumakay sa jeepney at may pahabol pang matalim na titig na para bang napatay na niya ako kung di lang ako umilag. Haha!, joke lang!, Marami talaga dito'ng mainit ang ulo sa Manila, kapag namali ka lang ng galaw o kaya tatanga tanga ka, gud lak!, sampal or sabunot ang mapapala mo. Well, 'di pa naman ako nasabunutan sa pagtitinda ng bulaklak dito ng sampung taon, sa palagay ko marami ang makaka relate sa akin.

 Ngayon ay taong 2030. Buti nga may Dangwa pa kasi dapat ay tatanggalin na ito dahil marami na ang nagsitayong mall, shops at mga condominium dito. Pero, marami kasi ang nakiusap na mahalaga ang lugar na ito sa mga tao lalo na ang Divisoria. Grabe!, kung dati ay di mahulugang karayom ang tao dito, nang dumating ang pandemya'ng Covid, unti-unting humina ang mga tindahan at stalls na nagtitinda at kahit ang malls ay nawalan ng customers. Nakakalungkot lang talaga pero, anu'ng magagawa natin, iyon talaga ang resulta ng global warming at climate change. Nga pala, ako si Trudy Sangalang, 18 years old at naktapos ng abogasya sa University of the Philippines. 

At alam ko na kung bakit kayo andito, ay para marinig ang aking kuwento tungkol sa bayan ko at mundo. Oo, may ari ng flower shop ang aking itay na si Mang Terio at Aling Pasing. Nagpaalam ako kay Amang na ako muna ang magbabantay ng shop dahil masama daw ang kaniyang pakiramdam. Si Inang naman ay nag luluto sa isang Cafeteria na ngayon ay restaurant na. Tubong Bulacan ang aking ama at taga Bacolod naman ang aking ina. Kaya minsan sa madalas nasa Paombong kami kapag weekends at kung bakasyon sa eskwela. 

Okay, pano nga ba ako napunta sa pagiging abogado at ngayon flower shop keeper na. Eh, kasi, hinihinatay ko pa ang bar examination result na magme-message daw sa aking cellphone tungkol sa resulta. Kung hindi nama daw ay sa email malalaman kung pasado o hindi. So, habang naghihintay ako, di gamitin ko muna ang aking oras sa pagtulong kina amang at inang, naaawa na rin kai ako sa kinila. Ang buhay sa Pilipinas a hindi madali, kahit ngayo'ng taong 2030, marami pa ring mahihirap ang buhay. At kamakailan nga lang tumulong ako sa isang kapit bahay na nagkaroon ng isyu na drunk driving. Tinawagan ako ni Mang Tano na sa gilid ng bahay lang namin nakatira. Totoo nama'ng lasing siya ng araw na yion pero giniit niya na hindi raw siya ang nakasagasa sa isang fishball vendor na malapit sa lang sa may barangay nakapuwesto. 

Nahuli siya at humihingi ng danyos ang mama na animo'y nasagasaan daw niya. So, pinuntahan ko at naisip ko na isa rin itong magandang experience sa akin para mka-pagparactice ng aking totoong propesiyon, ang pagiging abogado. Civil rights lawyer ako kung makakapasa sa bar exams. Okay, so, ayun, nga, pinaliwanag ko sa barangay na hindi puwedeng kasuhan ang isang tao hangga't hindi ma-prove na guilty siya sa kasalanang ginawa. Tinanong ko si Maning magfi-fishball kung anu ba talaga ang nangyari, oo nga at nasagi siya ni Mang Tano ng kaunti at nahagip pero dahil sa nakikigitgit siya na dumaan sa kalsada kahit alam naman niyang masikip ang daraanan. 

Bumusina si Mang Tano pero hindi narinig ni Manong na naging dahilan na masagi ang kaniyang paninda at nagasgasan siya. Eh, mahina na pala ang pandinig ng fishball vendor, so, nakaligtas sa pagkakakulong si Mang Tano. Nangako siya na babayaran ang mga paninda ng matanda at humingi ng paumanhin. Binigyan naman niya ako ng isang libo at bumulong ng pasasalamat. Si Kapitana Imee ay lubos na natuwa sa nangyari, at least daw walang makukulong ngayon sa knilang maliit na selda sa barangay. Tumawa ako ng todo kasi simple lang naman ang naging isyu at wala naman talagang seryosong kaso sa dalawa. Plus, walang problema na hindi madaan sa pag-uusap at pakiusap. Salamat Trudy ha, sana matupad na ang pangarap mo na maging abogado para matulungan mo kami ditto sa barangay at malay mo sa munisipyo ng Maynila pa, pagbibida ni Kapitana Imee. Hay kapitana, medyo malayu-layo pa iyon. Kasi makapasa man ako siyempre kailangan ko mag-aaply sa mga law firms sa Maynila o kung saan merong opening na trabaho para sa akin, ang pahabol ko habang palabas sa barangay hall.

Naku, huwag ka mag-alala, makakapasa ka, sigurado ako diyan. At maniwal ka sa hindi marami kang matutulungan na tao lalu na ang mga mahihirap ditto at kung saan ka man mapadpad, ang siguradong sagot ni Kapitana. Haha!, magdilang anghel po sana kayo, sige po at walang tatao sa shop, ang sabi ko at dali-daling timakbo sa shop. Umaambon na noon at nangmalapit na ako sa shop atsaka naman bumuhos ang malalaking patak ng ulan. Hindi ko napansin na may babae pala na nakasilong sa gilid. Dahil ang bubong ng shop ay nakasagad sa at nakadikit sa mall. Parang aakalain mong parte ang shop ng mismong malaking mall na bagong gawa pa lamang noon.

 Hi!, sabi ng babae. Hindi ko makita ang kaniyang mukha kasi may payong na nakaharang, di ba nga umuulan. Makikisilong lang ako, kung okay lang?, dagdag pa niya at isinara ang payong niyang hawak. Tumalikod ako at inayos ang mga bulaklak na nasa harapan ng shop. Mga apat na ledges ang nasa harap at ang marami ay nasa loob ng mismong tindahan. HUmarap ako uli sa kaniya at ngayon nakita ko ang mukha at buhok ng babae. Ah!, okay lang, si…sige!, gusto mo pumasok muna, may upuan sa loob baka mabasa ka diyan?, ang pilit ko na sbi, at hindi ko maubos maisip na makakkita ng isang bababe na ubod ng ganda, parang artista. Sinara ko ang aking bibig kasi nakakahiya, para akong tanga na nakatunganga sa kniya. Kahit ako ay 18 na, marami na rin naman akong naririnig o napapnuod tungkol sa fashion, artista at mga sikat na tao sa Instagram at marami pang iba. 

Â