Chapter 83 - Chapter 83

Mula nang unang beses na nagpalit ng anyo si Elysia ay hindi na naulit iyon, subalit, sa bawat araw na lumilipas, unti-unti niyang nararamdaman ang mga pagbabago sa kaniyang katawan. Napakarami ng nagbabago sa kaniya, bukod sa pandinig at pang-amoy na nauna na niyang nararamdaman, dumagdag na rin ang kakaibang lakas na napapamalas niya.

Hindi na rin siya basta-basta nakakaramdam ng pagod at mas gumaan rin ang pakiramdam niya sa kaniyang katawan. Nakakaya na rin niyang makipagsabayan sa bilis ng mga bampira na nakaka-sparring niya sa tuwing nagsasanay sila. Bukod pa roon, isa rin sa napansin niya ang pagbabago sa kaniyang pagkain, mas magana na siya ngayon kumpara noon. Mas malakas na rin ang pakiramdam niya at tulad sa mga bampira, nakakakita na rin siya kahit sa dilim. Isa lang ang hindi niya nakuha sa mga kaugalian ng mga bampira— ang pagkauhaw sa dugo.

Samantala, sa isang dako ng mundo kung saan ang lahat ay napapalibutan ang kaluwalhatian. Isang lupon ng matatanda ang nagtipon-tipon sa harap ng isang gintong trono. Nakaupo roon ang isang matandang lalaki na nag-uumapaw sa kabanalan. Bagaman bakas sa mukha nito ang katandaan, nananatiling matikas ang pangangatawan nito. Prente itong nakaupo habang tahimik na pinagmamasdan ang pagkabasag ng isang gintong kristal na nakalagaw sa dambana ng kanilang mga ninuno.

Bukod sa pagkabasag nito, ang mas nakakuha ng atensiyon ng lahat ay ang dahan-dahan naman nitong panunumbalik sa dating anyo na may karagdagan ng detalye.

"Punong Ministro, ano ang ibig ipahiwatig ng kaganapang ito? Ang kristal ni Elysia ay nabasag at muling nabuo, pero bakit hindi naito purong ginto?" tanong ng matanda, dumadagundong ang boses nito sa bawat sulok ng naturang lugar.

"Mawalang galang na po Kapunuan, ngunit ang pagkabasag ng kristal ay nangangahulugan ng kamatayan at ang panunumbalik nito sa dati ay muling pagkabuhay." tugon ng ministro habang nananatiling nakayuko. Wala ni isa sa sampong matatandang minsitro ang nangahas na mag-angat ng kanilang ulo. 

"Kamat*yan at muling pagkabuhay? Ang nais mo bang ipahiwatig ay naharap sa kamat*yan ang aking apo?" galit na tanong ng matanda at halos manginig naman ang mga ministro niya.

"Paumanhin Kapunuan, pero, opo, naharap sa panandaliang kamat*yan ang katawang lupa ng prinsesa, ngunit ito rin ang naging sanhi ng paggising ng dugo niya bilang isang Alarion. Ang hindi ko lang masasagot ay ang pagbabago sa anyo ng kristal ng prinsesa, marahil masasagot lang ito kapag nakabalik na ang mahal na prinsipe." Nakayuko pa ring sagot ng ministro. 

Sa pagkakataong ito ay wala nang nagawa ang matandang Alarion kun'di ang mapasandal sa kaniyang trono. Bagaman puno ng katanungan, minabuti na lamang niya ang manahimik at maghintay. Naakatuon lang ang mga mata niya sa kristal na noo'y tuluyan nang nagbago ng kaanyuan, ang dating purong ginto ay nahahaluan na ng maladugong kulay at itim na animo'y anino humahalo rito. May kutob na siya sa nangyayari, ngunit sa isip-isip niya ay mas mabuting makasigurado siya.

Oras pa ang lumipas bago dumating si Zuriel. Maingat itong lumapag mula sa himapapawid, agad na yumukod ang mga ministro nang makita siyang papalapit na sa trono ng kanilang hari.

Walang lingon-lingong lumapit si Zuriel sa matanda at lumuhod bilamg pagbibigay pugay sa hari.

"Lo, nanggaling ako sa mundo ng mga mortal at napag-alaman ko na hindi sinasadyang nahawaan ni Haring Vladimir si Elysia ng pagiging isang bampira. Iyon ang dahilan ng pagbabago sa kristal niya." Panimulang wika ni Zuriel.

Agad naman siyang sinenyasan mg matanda upang tumayo.

"Nagkakatotoo na ang propesiya. Maghanda ka Zuriel dahil nalalapit na ang pagsapit ng takdang panahon. Paniguradong magkakaroon ng kaguluhan sa baba at marapat lamang na suportahan mo ang iyong kapatid."

"Masusunod po Lolo." Tugon ni Zuriel. Marami pang ibinilin ang matanda sa kaniya bago siya tuluyang umalis sa harao nito. Isang silid ang tinungo niya mula roon isang babae ang sumalubong sa kaniya. Maaliwalas ang mukha ng babae, ang kulay asul nitong mata ay tila isang malalim na dagat, at sa bawat pagtitig mo ay tinatangay ka ng agos nito. Napakaganda at napakaamo ng mukha nito habang nakangiti kay Zuriel. Bakas sa mukha nito ang sabik na makita ang binata. Bagaman hindi ito nagsasalita, maingat na lumapit rito si Zuriel at niyakap ang babae.

"Hindi mo pa rin ba kasama si Elysia?" Tanong ng babae sa malamyos nitong boses. Marahang hinaplos ni Zuriel ang kulay ginto nitong buhok bago dinampian ng halik sa noo.

"Malapit na, kapag tumuntong na siya sa edad na labing walo, iuuwi ko siya rito, pero Ria, hindi na siya mananatili rito. Mas pinili na niya ang mundong kinaroroonan niya ngayon."

"Ang mahalaga makita at makilala ko siya. Nag-iisa mo siyang kapatid at bilang kabiyak mo, marapat lamang na ihandog ko sa kaniya ang regalong natarapat sa kaniya. Kasama niya ang isa sa mga alagad kong si Lira at panatag ako sa bawat araw na naroroon siya kasama nila." Tugon ng babae at umupoi ito habang inaakay si Zuriel na tumabi sa kaniya.

"Malaking bagay ang pagbabago ni Elysia, ang pagising ng katauhan niya at pagbabago rito, natutupad na ang propesiya ng aking mga ninuno. Ikaw sa Astradel at ai Elysia naman sa mundo ng mga mortal. Mapangwasak ang kakayahan si Elysia, at ikaw ang magbabalanse no'n." Dagdag pa nito.

Hindi na umimik pa si Zuriel at marahas na lamang na bumuga ng hangin.

Samantala, habol-habol ni Riaon ang hininga matapos makipag-sparring kay Elysia. Nanlalaki naman ang mga mata ni Kael habang nanonood sa mga ito. Mas mabilis at mas malakas na ngayon si Elysia. Halos ang ibang mga galaw nito ay hindi na niya masundan. Tila napakagaan rin ng katawan nito ngunit ang bawat ataking tumatama sa kapatid niya ay hindi maipagkakailang mabigat.

"Walang'ya, paano nangyari iyon prinsesa? Napakabilis mo, pakiramdam ko nakikipaglaban ako sa isang bampira." Reklamo ni Raion na halos mapasalampak sa lupa.

Ngumiti naman si Elysia at umiling. Tinulungan nitong makatayo si Raion at nagwika ng,

"Sabihin na nating regalo ito mula sa aking panaginip, dahil paggising ko ganito na ako." Seryosong turan ni Elysia at napakamot naman ng ulo si Raion dahil alam niyang imposible iyon.

"Prinsesa naman, may gano'n ba, napakaimposible naman niyang sinasabi mo. Kung totoo man 'yan, sana paggising ko malakas na rin ako para mapabagsak na natin ang mga kampon ni Vincent at maging siya. Gusto ko na talagang mabuhay na lang tayo rito ng payapa at walang kinatatakutan." Tila nangangarap na wika ni Raion. Napangiti naman si Elysia at tinanguan ang binata.

Aminado rin siya na sa tagal na nakikibaka sila sa kani-kanilang mga buhay, napapagod na rin siya at nais rin niyang mabuhay ng payapa kasama si Vladimir.

Matapos ng kanilang pagsasanay, tahimik na bumalik naman si Elysia sa palasyo. Hindi pa man din siya nakakapasok sa bulwagan, nakasalubong naman niya si Luvan kasama si Florin.

"Magandang hapon prinsesa, kamusta ang pagsasanay mo kasama sina Raion?" Nakangiting tanong ni Florin. Tulad ng dati ay matamis na ngiti pa rin ang nakapaskil sa maamo nitong mukha.

"Maayos, at nasusunod lahat ng bilin mo Florin. Salamat." Tugong naman ng dalaga bago magalang na nagpaalam sa kanila at pumasok na sa bulwagan.

Nang maamoy niya ang pamilyar na amoy ni Vladimir ay kumislap ang kaniyang mga mata. Tumahip rin ang kaba sa kaniyang dibdib na tila sabik siya rito kahit pa kaninang umaga lang ay magkasama sila.

Nagpalinga-linga si Elysia sa loob ng bulwagan at bahagya pang kumunot ang noo niya nang hindi niya ito makita.

"Nasaan ba ang lalaking iyon, naaamoy ko naman siya, bakit kaya wala siya rito?" Nagtatakang tanong ni Elysia sa sarili. Akmang lilingo siya nang may malakas na braso ang mabilis na humatak sa kaniya. Sa gulat ay impit pa siyang napatili at nahinto lamang nang maumpog ang kaniynag mukha sa dibdib ng kung sino. Nang maamoy niya ang pamilyar na halimuyak ng taong nakayapos sa kaniya ay agad din namang kumalma ang kaniyang sistema.

"Kanina pa kita hinihintay. May natuklasan ako." Wika ng binata, mapakunot ang noo niya dahil naririnig niya itong nagsasalita ngunit hindi gumagalaw ang bunganga nito. Nakatingin lang ito sa kaniya nang may ningning sa mga mata.

"Natuklasan, teka, bakit naririnig kitang nagsasalita pero hindi naman gumagalaw ang bunganga mo?" Takang tanong niya at napangisi naman ang binata.

"Iyon nga ang sasabihin ko sa'yo. Marahil dahil sa kagat na ibinigay ko sa'yo, nagkaroon tayo mg mas malalim na koneksyon. Naririnig ko ang nasa isip mo at gano'n ka rin sa akin. Makakapag-usap na tayo gamit lamang ang ating mga isip." Paliwanag ng binata at nanlaki ang mata ni Elysia.

"Oo nga, naririnig kita, ang galing naman, ako rin pala may sasabihin. Kanina habang nagsasanay kami, napansin ko talaga na mas bumilis at lumakas pa ako, kung noon ay hindi ko masabayan si Raion, ngayon napapatumba ko na siya. " Balita ni Elysia at natawa naman si Vladimir.

"Malamang, dahil may dugong bampira na ang nananalaytay sa mga ugat mo. At bukod pa roon, nagising na rin ang abilidad na nasa dugo mo na talaga." Tugon naman ni Vladimir. Nagkatitigan pa sila at kalaunan ay nginitian ang isa't isa. Magkahawak-kamay nilang pinagmasdan ang unti-unting paglubog ng araw at kasabay noon ang mas paglalim pa ng kanilang pag-ibig at samahan.

Related Books

Popular novel hashtag