Chereads / A Cup Of Coffee(Complete) / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

After stressful days preparing for this day. I couldn't still say that my suggestion is success kasi naman hindi pa din simula. Mamaya pa mga 8 am.

Dahil nagahol kami sa oras ay pinatulong na namin iyong iba sa pag aayos. Buti at maraming willing. Iyong iba naman ay mga nag gawa ng props at dahil isang linggong walang pasok iyon may mga inassign na department for everything.

Ako naman that time ay ang nagrepresenta na mamili ng lights na gagamitin.

Sumama pa si Basti at Zyriel noon na pinagsisihan kong pinasama ko.

Paano ba naman kasi panay ang pag tatalo kung ano ang mas maganda or kanino ang pipiliin kong lights na gagamitin sa mga pinili nila. Pinagtitinginan pa kami ng mga mamimili na kasama namin dahil sa kanila.

Nakakahiyang pangyayari iyon!

Dahil hindi talaga sila patalo ay pinalabas ko nalang sila ng shop at ako nalang mismo ang pumili. Hindi ko na kinuha ang mga opinyon nila dahil alam ko na magtatalo na naman sila.

Sama sama kaming nag ayos no'n kaya naman sobrang pagod talaga ang nakuha namin. Worth it din naman dahil ang saya namin. Habang gumagawa ay nag aasaran ang iba ang iba naman ay panay ang inarte na pagod na daw kuno.

****

"Cristy juice you want?" Biglang sulpot ni Allen out of nowhere. I just smiled at him before answering.

"Thanks but i don't wanna drink," sagot ko dito. Magkasundo na din kami nitong lalaking to lalo na noong mga nakaraang days na nag oorganize kami for this.

"Ang ganda ng naisip mo Cris. Sure ako successful to." Biglang sabi niya. Well ewan. Alam mo 'yon pag ikaw iyong may gawa feeling mo hindi maganda but for others maganda pala.

"Hoping." Nasabi ko nalang

Sa haba ng mga sinasabi niya ay panay nalang ako tawa. Nalaman ko kasi habang nag uusap kami ay may side pala siyang joker like Basti.

And magkakaibigan pala ang tatlong iyon. Ewan ko bakit hindi ko na pansin dahil siguro magkaiba sila ng department.

Zyriel is in med department while Basti is in  Engineering department and Allen is an architect. They're aren't like other friends na palaging magkasama but the bond is in there. Kahit minsan may hindi pagkakaunawaan si Zy at Basti ay hindi nagbabago ang trato nila sa isa't isa.

Nag umpisa na din ang event at marami ang natuwa sa mga contestant na mga sumali. Nanalo din sa Clear as Water ang room nila Vp. Lagi naman daw talagang malinis iyon lalo pa at strikto daw talaga sa paligid si Vp.

Ide sanaol!

May mga dance contest din at mga booths ang nandito na inorganize ng bawat club ng school.

Kanina pa nga ako bili ng bili dito habang naglilibot dahil masarap din talaga ang mga pag kain at kung minsan ay magaganda ang mga binebenta nila.

Napadpad naman ako dito sa mga display ng expirement at naagaw ng attention ko ang isang experiment na galing sa mga halamang gamot. Nabasa ko din ang detalye ng mga iyon.

Nakita ko na ito pala ang nanalo last year na sinama na ding idisplay dito. Gawa ito ni Zyriel at Magno. Napaisip naman ako kung sino si Magno. Ngayon ko lang din kasi narinig ang pangalan niya.

Umusog ako unit ng maramdaman kong may yapak na papalapit sa pwesto ko. Naisip ko na baka titingin ito kaya nagbigay ako ng space.

"Why are you reading that?" Biglang tanong ng boses kaya napamura ako ng mahina dahil doon. Bakit kasi ang hilig manggulat ng mga tao ngayon?

"Putek! Bakit ba nanggugulat ka?" Singhal ko dito.

Nakita ko naman na nakasuot ito ng costume ba pang doctor. Infairness ahh bagay sa kaniya. Lalo siyang gumwapo.

Plain white really suit him.

"Tss. You should stop drinking coffee," sagot nito sa tanong ko.

At paano naman nasali iyong kape sa panggugulat niya?

"Why should i?" Tanong kong balik dito habang nakikipagsukatan ng tingin.

Palaban siya ha.

"Tss."

Iyon lang talaga sagot niya?

Ano ba yang laway niya diamond?

"Bakit nga ako titigil magkape Vp?" Pangungulit ko rito. Tinalikuran na kasi ako nito matapos niyang magbigay ng napakahabang sagot sa tanong ko.

Hindi ko matanggap iyong sagot niya at dahil curious ako sa reason niya ay talagang kukulitin ko siya about.

"Zyriel, Cristy. Bakit ba panay Vp ka?" Inis nitong lingon sakin. Kyutt kaya 'yon tapos ayaw niya?

Panget niya kabonding.

"Mukha kang doctor Vp,"gigil kong komento sa kaniya habang sinasabayan ang mga hakbang niya.

Ang harot ko!

"Of course because I'm wearing doctors suit." Kibit balikat nitong sabi. Nubayan di niya gets iyon?

"Kaya nga, 'yong doctor ko." Mahinang sabi ko. Iyong 'ko' lang naman ang sobrang hina talaga para hindi niya rinig.

"Don't worry your costume is beautiful too." Sabi naman nito. Wow pang balubag ng loob ba 'yon?

Tiningnan ko naman ang costume ko at ito ay uniform ng mga nurse. Nurse kasi talaga ang gusto ko pero si mama gusto niya ako magdoctor but she couldn't do anything in it.

Napangiti nalang ako sa isip ko ng marealize ang mga sinabi ni Zyriel. Yan ahh nagandan pala siya sa akin. Hehe.

"Uhy Ms. Nurse pagamot naman po," salubong na sabi ni Basti sa akin habang nakangiti pa.

Si Vp naman ay ngumiwi sa sinabi nito at sinabayan ng halakhak ni Allen. Ang taray ng trip nila ah.

Maganda. Kasing ganda ko.

"What is your ipapa cure ba?" I ask him too. I'm trying to speak tagalog most of the time but i didn't know why it always end up being conyo?

"Puta hahahha. Ano daw? Naintindihan mo ba Cevastian?" Tawang tawang tanong ni Allen sa kaniya. Kumunot naman ang noo ko habang tinitingnan silang dalawa na tumatawa habang nakahawak pa sa tiyan nila.

"Hahhaa g-gagi ang s-sakit n-ng tiyan ko. T-tama na," tawa  ding pagsasalita ni Basti

Binatukan ko naman ang mga ito na napagpatigil naman sa kanila.

"What's funny ha?" Inis ko ditong tanong

"Wala po." Sabay na sabi nila habang nagpipigil pa din ng tawa.

Iniwan ko naman sila saglit at lumapit sa isang jail booth at sinabing ipakukulong ko si Basti at Allen. Pwede naman magrequest sa kanila at magbabayad ka lang ng isang daan.

Nang matapos ako sa ginawa ko ay patakbo pa akong bumalik sa pwesto nila. Nag insist pa ako na maglilibre aa kanila. Noong una pa ay tumanggi sila pero sa hulit ay pumayag naman. Actually huli na pumayag si Vp ng nakabili na ako.

Maya maya pa ay nakita ko na nagsilapit ang dalawang lalaki na kinausap ko kanina habang may dalang posas.

Humingi ng tulong sa amin sila Basti pero tawa ako ng tawa na tila ba nakabawi ako.

"Kasalanan mo to Isty no?" Bintang sa akin ni Basti natawa naman ako sa kaniyang sinabi.

"Kaya siguro nawala ka kanina no?" Dagdag pa ni Allen.

"Hindi ahh. Karma niyo iyan hahhaa," tawa kong sabi sa kanila.

Alam kong hindi sila naniniwala pero wala na silang mamagawa pa. At ang tanging paraan lang para makalabas sila ay sumayaw sila.

"Shitty ang gwapo ng mga nasa jail booth."

"Acckk Cevastian supremacy."

"Allen supremacy."

"Bakit kaya hinuli sila?"

"Ang kyutt ng mga officer."

"Baka si Vp nagpahuli."

At dahil nga agaw attention sila ay marami ang mga babaeng nakapalibot sa jail booth. Kahit si Vp na hindi nasali sa loob ay minsan may yumakap pa. Ay harot teh?

Grabe ang aggressive ng mga babae ngayon.

"Sayaw na kasi kayo ng hindi na kayo pag fiestahan diyan." Tawa kong suggest sa kanila.

Sinamaan naman nila ako ng tingin ngunit natatawa pa ako pa rin ako.

Maya maya pa at wala na silang nagawa halos kuyugin na sila ng mga babae. Nang sasayaw na sila ay sinabi muna nila na walang magv-video kaya naman nagsitaguan ang mga cellphone nila.

Napatawa naman ako sa mga kawatan ng dalawa na daig pa ang kahoy sa tigas habang sumasayaw.

Nang matapos na ay pinalabas naman na sila. Tumakbo pa ang mga ito palapit aming dalawa ni Zy at akmang babatukan ako ay nagtago agad ako sa likod ni Zyriel.

Tawang tawa pa ako habang nakahawak sa braso nito. Pinigilan din naman niya ang dalawa na nakapagpabusangot sa kanila.

Ng makabawi na ay umalis din ako at nauna ng lumakad sa kanila. Panay pa ang asar nila sa akin na conyo kuno pero natatawa nalang din ako.

Nang may biglang bumangga sa akin na nakapagpaout of balance ko ay buti nalang nahawakan ako ni Zyriel. Nagkatitigan pa kami at hindi sana iyon mapuputol kung hindi tumikhim ang dalawa.

~FlirtySperm