Maralitang Pag-ibig 2014 - "Let It Go"

David_Solomon_Japa
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 820
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Si Hanep

ANG bilis pala talaga ng takbo ng panahon, subrang tanda ko na. Pakiramdam ko mamamatay, maglalaho at napakalabo na rin ng paningin ko. Naaksidente ako at nakahilatay sa higaang may gulong habang inaagapan ng mga nurse sa ospital. Tumutulo ang dugo sa ulo at gusto ko na talagang sumuko, pagod na pagod na akong mabuhay.

Gusto ko ng sumuko.

Sa pagdilim ng paligid sa isang kisap ng mata ay nasa operation room na ako kung saan napakaliwanag, inooperahan at nililinis ang dugo sa ulo, ipinikit ko na lang at natulog sa kadiliman. . .

~•°•~

Nang nananahimik na ang gabi, mga gabing lumipas. Nang naghari na sa kuwartong kinahihigaan ko ang katahimikan nitong isang gabi, magdamag akong gising habang nakatingin sa ceiling at ayaw ng matulog, may kahulugan pa ba ang buhay ko kahit alam kong ubos na ang panahon ko?

Ang tanging naririnig ko lang ay ang heartrate o pulse oxymeter sa tabi kasabay ang subrang tahimik na kalungkutan, mga tanong na halos nakakabinge kahit walang ingay. Mga napakalalalim na mga hininga, napakalungkot ng buhay ko, tumandang mag-isa lang talaga sa mundo, sa mundong ito.

Walang bumisita sa akin na asawa o mga anak o karamay na kaibigan man lang. Naantig ang puso ko sa lungkot at gusto kong iiyak pero bakit nagkaganito ang buhay ko? mga luhang naubos na din.

Ang tanging liwanag lang ay ang nasa ceiling, ang poste ng ilaw sa labas ng bintana, liwanag mula sa tahimik na kalsada at anino ng mga kahoy.

Sa kalagitnaan ng gabi, ang bawat patak ng oras ay nakakawasak ng loob at pag-iisip. May gagawin pa ba ako sa mundong ito? sa huling yugtong ito ng buhay ko?

Subrang tahimik na ng mundo.

Inabot ko ang bintana, sa pagbukas ay narinig ko ang sariwang simoy ng gabi habang tumutuloy ang lamig sa loob at hinagkan ako. Pero sa tanda kong ito, napakalungkot pakiramdaman ang daloy ng hangin na tila dala nito ang mga alaala ko, ang mga panahong na una na at lumipas na tulad ng isang napakahigpit na saksak sa puso. Ano ba ang nangyari sa akin?

At sa pagtingin ko sa kabilang panig ng kuwarto sa tabi ng higaan ay may nakita akong isang bagay na lubhang nakakatakot, isang bagay na nananahimik at niyayakap ng dilim, isang guitara. Dahil dito ay bigla akong gininaw ng husto. Sa dami ng mga pumapasok sa isipan ko sa mga oras na ito, unti-unti kong naaalala ang isang pangyayaring tunay na lumipas kahit mag-isa na lang ako ngayon!

Ito ay ang munting tono ng isang babae habang kumakanta mula sa intablado noong nakaraang gabi lang. O baka noong binata pa ako?

"Ate Píta," ang pangalang naibulong ko.

Sino siya?

Nanginginig na ang mga kamay ko sa katandaan pero inabot ko ang bagay na nababalutan ng kalungkutan sa tabi ng higaan. Isang gitarang lubusang nananahimik. Pakiramdam ko kasi marunong akong kumanta o ito na ang sagot sa lahat ng pagdadalamhati ko kahit parang napakasakit nito sa akin sa di malamang kadahilanan, subrang lungkot ko. Umiiyak ako ng hindi alam.

Ngunit nagkaroon ng liwanag sa paligid, sa kuwartong ito nang may pumasok na nurse. Isinara niya ang bintana at tinitingnan ang kalagayan ko, pagkatapos nakangiti siyang kinukumusta ako kung natatandaan ko pa raw ba ang pangalan ko?

"Hanep."

At isang tinig ang sumagot sa akin, "Hindi pangalan iyon." Tinig ito ng sinisinta ko noong bata pa kami! si Tia!!! doon siya sa may mga halaman sa bahay niya noong napakaliwanag pa ng sinag ng araw.

Hinihintay niya ako!

Itinali ng nurse ang asul na kurtina sa kabila ng kuwarto, kung saan nakita at napag-masdan ko sa hallway ang isa pang bintana na mayroong batang pasiyente na subrang saya kasama ng buong pamilya, napakaliwanag niyang pagmasdan at sa liwanag ng isip ko ay dumaloy ang sariling luha sa mata-tunay na luha, naaalala ko na! naaalala ko na kung nasaan ang mga kapatid ko, may mga kapatid pala ako!

Dumaloy ng dumaloy ang mga luha at hindi ko na ito napigilan-dapat ko silang puntahan ngayon na, gustong-gusto ko na silang makita muli!! subrang miss ko na sila, ang tagal na pala.

Napansin akong umiiyak ng nurse at sabi ko, "Puwede ba akong mag pahangin sandali sa labas?" Kaya sinuot ko iyong sweater kong asul at nag-pahangin, at noong umalis siya sandali ay pumara na rin ako ng isang taxi at tumakas kahit gabi pa.

Habang nakasakay ako ay naramdaman ko ang ganitong damdamin, na para bang sumakay ako ng bus noong bata pa ako pero hanggang ngayon gabi pa rin at hindi pa rin nakakarating sa paruruonan sa tagal ng byahe. Sa pakikinig sa kanta ng mga insekto sa mga kahoy na tinatamaan ng liwanag sa daan. Ang nakapaliwanag na gasoline station sa gabi. Mga bahay na natutulog na at mga matataas na mga puno sa madilim na bundok. Isang tindahan ng 7/11 kung saan bumaba ako sandali at kumain habang nagmamasid sa mga sasakyang dumadaan sa malapad na kalsada. Pagkatapos, sa isa pang byahe ay napagmasdan ko din ang mga ilaw sa airport sa kalayuan at isang eroplano habang naglalanding.

Inilagay ko ang wallet sa bulsa ng sweater habang naglalakad sa palengke; napakaraming mga tao, mga ilaw, at sari-saring amoy ng mga karne at iba't ibang mga bilihin. Napahinto ako sa gitna ng lahat at pinagmasdan ang paligid. Hindi ko ito halos makilala, ang dami ng nagbago-ang daming nagbago!?

Pumunta ako sa isa pang gusali pero hindi ko makita iyong mga dapat kong makita! hindi ko halos makilala ang lugar. Hindi yata ito iyong lugar pero. . .

Hindi ko rin matagpuan iyong mga kapatid ko, sa mga kaliwa at sa napakaraming mga kanan. "Mga minamahal ko sa buhay. Nasaan na kayo, saan na kayo nakatira ngayon? Miss na miss ko na kayo."

Naglakad pa ako ng naglakad kahit pagod na pagod na.

"Hanep," may tumawag sa akin sa likuran pero wala naman akong nakikita.

"Kuya Ugong?" Nasaan na sila, bakit hindi man lang sila magpakita. Kumusta na ba sila? "Tia, mahal? nasaan ka na?"

"Di ba sabi ko magkakakuriyente din," may boses ng isang batang lalake ang naglalayag sa isipan, boses ko ito noon, noong bata pa ako at kausap ko siya. . .

Isang napakagandang alaala.

Napaupo na lang sa isang tabi dahil sa pagod at tumingin na lang sa langit, ang mga bituin ng langit. Ang magagandang mga bituing ito at ang constellation ng Big Dipper. Lumuha uli ang damdamin ko, nabuhayan ako ng kaunti.

Ang Big Dipper namin, naaalala ko na. Gusto kong balikan ang kahapon, kung maibabalik lang sana.

Marami pa lang mga tao, mga sasakyan at mga ingay sa distrito. Mayroong pa ngang isang bata na lumapit sa akin sa gilid at binigyan ako ng pagkain. Akala siguro pulubi pa rin ako hanggang ngayon.

Ipinikit ko ang mga mata upang magbalik tanaw, hinahanap ang minamahal kong mga kaibigan mula sa pinakamalalalim na dako ng aking puso. . .