Note: Read at your own risk.
! May contain innapropriate languanges.
__________________________________________
TW : Death
Its fake!!! All of it are fake!! True love doesn't exist!!
"Ano ba Ason!!! Tumulong ka naman, kahit pagtatapon lang ng basura ayaw mo pang gawin?"
"Tangina Elie!!!! Ano wala akong isang araw na pahinga ganun? Elie napapagod ren ako, ano tingin mo saken robot?"
Rinig ko sila. Ma, Pa wag na po kayong mag-away natatakot ako.
"Nagtatrabaho ren ako Ason! Akala mo ikaw lang napapagod? Ako din"
"Huh? trabaho ba yung umupo lang tapos tatayo pag may customer? Tangina mo grocery lang yan!"
"Ha! You are an unbelievable asshole!"
Nakarinig ako ng malakas na sampal.
"Hoy babae ang kapal ng mukha mong sumbatan ako! At paenglish english ka pa! Bakit sino ren ba ang nagpatayo niyang grocery na yan ha ako ren din naman"
Nang sumilip ako, nakita ko si mama na nasa floor at nakahawak sa kanyang pisnging pulang-pula.
Agad akong tumakbo sakanya. "Maaa!!!" Niyakap ko si mama nang mahigpit. "Mama, Papa wag na po kayong mag-away" paiyak kong sabe.
"Hindi anak, nag-uusap lang kami ng papa mo ok?" kalmadong sabe ni mama.
Palagi nalang ganito ang ganap sa aming bahay sa tuwing hindi magkasundo sina mama at papa. Ni isang beses hindi ko nakita si mama na ngumiti kasama ni papa. Lahat ng ngiti niya ay pilit.
"Elie anyare sayo, ang ganda mo lang noon, sexy pa pero bat naging losyang ka na ngayon haha, tignan mo tong artista na to sobrang sexy, eh ikaw HAHAH"
"Elie, maaga kang magising ha, may importante kaming lakad bukas, plantsahin mo nga ren yung uniform ko"
Laging kawawa si mama, tila parang ginawa nalang na utusan.
Lagi nalang silang nagsisigawan. Rinig na rinig ko ang bawat pag-iyak ni mama tuwing gabi.
"Ma, iwan na natin si papa" sabe ko kay mama. "Leia, wag mong sabihin yan, alam mong mahal ko naman ang dad mo, siguro pagod lang siya kaya ganun hmm?"
"Ok po" sagot ko
"Pagdating ng panahon na magkakaroon ka ng hubby anak, wag na wag mo siyang iwan ha?" bilin pa saken ni mama.
Hanggang naabutan ko nalang si mama na nakahilata sa sahig. Huli na nang malaman namin. May cancer si mama.
"Maaaa!!!! Huminga ka! Andito pa po ako wag niyo po akong iwan!!!"
Hinding-hindi paren maalis sa aking isip ang itsura ng aking ina na nakahigang binubuhay ng mga doctor, habang patuloy na tumutunog ang makina.
I was 7 years old at that time, wala manlang akong nagawa para manlang matulungan si mama, ni hindi ko nga napansin na may saket pala siya.
Ma!!!! ba't kase napakamartir mo!!! Hindi mo naman kase kailangan pagtakpan si papa eh.
Sa burol ni mama, ni isang tulo ng luha mula kay papa ay wala...
Deretso lang ang tingin sa larawan ni mama...
"Pa.... Wala kang kwenta.... Bakit mo hinayaang mamatay si mama! Mahal mo siya diba! Bakit po ganyan!"
1 month had passed.
Dumating ang hindi ko inaasahan.
Mayroon agad bago si papa.
"Leia ito si Tita mo Olive, siya na ang kasama natin mula ngayon"
Wala ako magawa, hindi ako makareklamo dahil palamunin nalang ako ngayong wala na si mama.
Ang kapal ng mukha mo dad. Hindi mo manlang pinaabot ng isang taon bago maghanap ng bago. Mula ngayon hinding-hindi na ako magmamahal, True love doesn't exist naman, Love is a big Lie, papatayin lang ako niyan.
Ang bilis palitan ni papa si mama, grabe tangina, parang hindi niya pinakasalangan, parang hindi niya naging asawa, parang hindi niya minahal.
Agad agad lumipat si Tita Olive sa amin.
Paglipat niya, ako na ang kawawa, pero buti nalang hindi ito pisikal na nanakit. Matalas lang siya magsalita at lagi akong pinagtatrabaho sa bahay, kahit pagod ako galing sa skwela.
Yung grocery ni mama pinalitan ni papa ng flower shop dahil sa request ni Tita.
Tangina, gusto ren naman ni mama ang flower shop ah, dahil gustong-gusto niya ng bulaklak, pero anong sabe ni papa, hindi daw mabenta, haha patawa.
Isang taon ang lumipas nangyare ang pinakakinakatakutan ko, ang mabuntis si Tita.
Ang kapal nilang gumawa pa ng bata!!
May asim pa pala tong bruhang to.
Ok na saken na pinapakaen ako tatlong beses sa isang araw, binibigyan ako ng pang araw-araw na baon, binilhan ng mga gamit sa pag-aaral, mga damit at iba pa, pero hanggang kailan yun tatagal?
Wala naman akong problema sa pag-aaral ko dahil hindi ako nalalaglag sa Top.
Pinalaki naman akong maayos, hindi minamaltrato.
Sana lang mabait yung magiging anak nila, babae pa naman.
Nung senior highschool nako.
Hindi ko inaasahang may dadagdag pa pala sa aking paghihirap.
May dumagdag sa bahay namin, dinala niya sa bahay at dun na daw titira. Kasing edad ko lang siya, napakasuplada pa.
Si Zachna, anak ni Tita Olive sa dati niyang asawa, simula nung dumagdag siya sa bahay, mas naging kawawa ako.
Yung natatanggap ko nang buo noon ,kalahati na ngayon, mas madami pang natatanggap si Zachna kaysa saken.
Maganda si Zachna, Sporty, Matalino ren, at Famous pa, hindi kagaya ko, may pagkataba ang katawan, hindi ako sporty, may kagandahan ren pero hindi Famous, ang maipagmamalaki ko lang ay ang matalino ako, at yun ang hindi kayang tapatan ni Zachna, kaya sa lahat nang bagay nakikipag competensiya si Zachna para lang patunayan na mas better siya.
Nakikisali nga ren siya sa mga Beauty Contest at lagi siyang nanalo, kaya naman sikat siya. Ayun nga ren dahilan kung bakit gustong gusto siya ni papa, at naiiwan nalang ako sa sulok na parang katulong.
Pag talaga kaya kong tumayo sa sarili kong paa aalis ako mismo sa pamamahay na ito. Nakakaputa na!
Mag 1st year college na ako ngayon, at gusto makapasok sa Irvan University pala makalayo sakanila. Nakapasok naman ako, yun lang may sumabit, nakapasok ren si Zachna.
Iisang apartment ang tinuluyan namin. Papadalhan kami ng pera buwan-buwan pang allowance at budget namin sa araw-araw, ok na para saken yun.
Kaya ko naman ihandle tong malditang babaeng toh, basta wag lang guluhin ang buhay ko. Ayun lang hanggang dito ba naman ppaburan paren si Zachna, as usual mas madami ang nakukuha niyang pera, halos ako nga lahat ang gumagastos pangbahay.
Buti nalang meron sina Rish at Meng, mga kaibigan ko mula pa nung highschool kami. Andyan sila lage para sa akin, sobrang thankful ko nga dahil may kaiibigan akong tulad nila.
Pagkalipat namin, agad akong naghanap ng pwede kong pagtrabahuhan na part-time job.
Buti may tumanggap naman saken, sa isang flower shop. Pero papasok ako ng work siguro pag may 1 week na ako sa school.
Balak ko nang mag-ipon para habang college palang ako ay lumayas na ako kina papa, nakakasakal na eh.
__________________________________________
A copy of this story should not be posted in any other site without the author's authorization or without putting the proper credit.
Note: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Reminder : If you do not agree with someone, please avoid fight and have a kind discussion.
_______________________________________
This story will be updated anytime.
Stay tuned!
! : All part of the story are unedited and on their first draft, expect some grammatical and typographical errors.