WEHRMACHT REICHLAND CONSTITUTION
PREAMBLE ๐
Kami, ang mga soberanong mamamayan ng Wehrmacht Reichland, sa ilalim ng patnubay ng ating makapangyarihang Supreme Chancellor at ng Konstitusyon, ay itinatatag ang Konstitusyong ito bilang gabay sa aming bansa. Nangangako kami na itataguyod namin ang ganap na awtoridad, pambansang supremacy, at di-matitinag na katapatan sa estado. Sa kahalagahan ng kaayusan, disiplina, at tungkulin, iniaalay namin ang aming sarili sa kapayapaan, katatagan, at kaluwalhatian ng aming bayan. Nang may mabagsik na determinasyon, ipagtatanggol namin ang aming sagradong Wehrmacht Reichland laban sa lahat ng banta. Sa diwa ng pagkamakabayan, pinagtitibay namin ang Konstitusyong ito para sa walang hanggang pamana ng aming bansa.
โโโโโARTICLE 1:
ANG PAMBANSANG TERITORYO ๐
Seksyon 1. Ang Wehrmacht Reichland ay isang Pasistang Awtotalitaryang Diktadurya na may total na kapangyarihan.ย Ang bansa ay may iisang lamang Partido, at ang Supreme Chancellor ay tumatayo bilang pangunahing pinuno ng Bansa at ng Iisang Partido. Ang sistema ng pamahalaan ay batay sa konsepto ng total na kontrol at awtoridad, kung saan ang lahat ng aspeto ng lipunan ay kinokontrol ng iisang partido (Dictatorial Association of Reichland Party) at ng Supreme Chancellor.
Seksyon 2. Sa ilalim ng pamumuno ng Supreme Chancellor ng Wehrmacht Reichland, ang lahat ng mga teritoryong sakop ng bansa ay may 100% na kontrol sa lahat ng aspeto, katulad ng lupa at karagatan, na parte ng teritoryo ng bansa ay sumasailalim sa pamumuno at kapangyarihan ng Supreme Chancellor. Ito ay nangangahulugang ang lahat ng mga desisyon at patakaran para sa bansa, kasama ang pulitika, ekonomiya, militar, at iba pa, ay nagmumula sa nakakataas na pinuno ng bansa.
Seksyon 3. Ang Wehrmacht Reichland ay nagtataglay ng mga matitibay na buffer zone sa lahat ng hangganan nito upang mapanatili ang seguridad at kontrol. Ang mga buffer zone ay limitado ang pag-access, kung saan tanging mga awtorisadong tauhan at mga aktibidad lamang ang pinapayagan na pumasok.
Seksyon 4. Upang mapalakas ang seguridad sa mga hangganan, itinayo ng Wehrmacht Reichland ang matibay na mga bakod o pader sa mga delikadong bahagi nito. May mga checkpoint na itinakda para sa mga awtorisadong indibidwal o sasakyang dumadaan sa mga ito.
Seksyon 5. Ang 24/7 aerial drone surveillance system ay kasalukuyang ipinatutupad upang ma-monitor nang real-time ang mga hangganan at ma-identify ang mga posibleng banta. Ang teknolohiyang ito ay nagbibigay ng mahalagang impormasyon sa militar at sa pagpapatupad ng batas.
Seksyon 6. Ang lahat ng hindi awtorisadong pagpasok o aktibidad sa teritoryo ng Wehrmacht Reichland ay ituturing na mapanganib na kilos. Maaaring magdulot ito ng iba't ibang tugon mula sa babala, multa, pag-aresto, hanggang sa maaaring humantong ito sa kamatayan depende sa kalubhaan ng paglabag.
Seksyon 7. Pinapatawan ng parusa sa ilalim ng batas ang anumang paglabag sa pambansang teritoryal na pag-aari. Kasama rito ang hindi awtorisadong pagkuha ng likas na yaman, iligal na imigrasyon, o anumang aktibidad ng sabotaheng naglalayong sumira sa teritoryal na integridad.
Seksyon 8. Isinasagawa ng Wehrmacht Reichland ang mga pambansang programa sa edukasyon na naglalayong mapalakas ang pag-unawa at pagpapahalaga ng mamamayan sa teritoryal na integridad ng pambansang teritoryo. Kasama rito ang mga kurso, seminar, at kampanya para sa kamalayan ng publiko.
Seksyon 9. Upang maunawaan ang kabuuang yaman at mapanatili ang sustainable management nito, isinasagawa ng Wehrmacht Reichland ang komprehensibong imbentaryo ng mga likas na yaman sa loob ng teritoryo nito. Kasama rito ang pagsusuri at pagmamapa ng mga mapagkukunan.
Seksyon 10. Pinapalakas ng Wehrmacht Reichland ang mga patrolya sa dagat at kakayahan sa pagpapatupad upang labanan ang illegal na pangingisda, pagsasamantala sa yaman, at polusyon sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ). Layunin nito ang protektahan ang yaman ng dagat at ang kapaligiran.
Seksyon 11. Upang mapanatili ang suplay ng mahahalagang likas na yaman, itinatag ng Wehrmacht Reichland ang mga estratehikong imbakan nito. Ito ay naglalayong mapanatili ang pambansang seguridad at ekonomikong kalakalan.
Seksyon 12. Mamuhunan sa mga proyekto ng land reclamation upang mapalawak ang pambansang teritoryo sa pamamagitan ng paglikha ng mga artipisyal na isla, na may tamang konsiderasyon sa epekto sa kapaligiran.
Seksyon 13. Sa pamamagitan ng pondo at pagtutok sa pangmatagalang pag-unlad, pinopondohan ng Wehrmacht Reichland ang mga proyekto ng land reclamation. Layunin nito ang mapalawak ang teritoryo sa pamamagitan ng paglikha ng mga artipisyal na isla, ngunit may pangangalaga sa kalikasan at epekto nito.
Seksyon 14. Upang protektahan ang teritoryal na pag-aari at labanan ang mga banta mula sa ibang bansa, magpapalakas ang Wehrmacht Reichland ng militar at kakayahan nito. Layunin nito ang magbigay ng kumpiyansa sa pagdepensa at pagpapatupad ng teritoryal na integridad ng bansa.
โโARTICLE 2:
โโSUPREME POLICIES ๐
Seksyon 1. Walang limitasyon sa termino para sa pagiging Supreme Chancellor ang Mahal nating kasalukuyang Supreme Chancellor maliban nalang kung mag bibitiw ito ng kusa sa kanyang pwesto, mapatalsik gamit ang majority vote ng mga opisyales na kasapi ng gobyerno na kumokontra na sa kanya, o namatay dahil sa hindi inaasahang kaganapan. Ang kanyang walang limitasyon sa pwesto ay sumisimbolo na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na manatili sa posisyon nang walang hangganan ng oras.
Seksyon 2. Ang Reich Supreme Chancellor at ang Grand General o Minister of War ay may kapangyarihang magdeklara ng digmaan, na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na simulan angย digmaan ayun sa kanilang kagustuhan.
Seksyon 3. Ang sinuman na hindi rerespetuhin at hindi susunod sa Utos ng Supreme Chancellor ay ituturing na labag sa batas at maaaring maparusahan sa pamamagitan ng death penalty.
Seksyon 4. Ang Reich Supreme Chancellor ay may absolutong kapangyarihan sa lahat ng sangay ng gobyerno (lehislatura, ehekutibo, hudikatura) at militar, na nagbibigay sa kanya ng buong kontrol at awtoridad sa buong bansa.
Seksyon 5. Ang Supreme Chancellor lamang ang may karapatan na magtalaga at mag-alis ng mga matataas na opisyal at matataas na heneral, na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na kontrolin ang mga namumuno ng sangay sa pamahalaan at militar.
Seksyon 6. Ang Supreme Chancellor at ang Grand General ay nagsisilbing Reich Supreme Commander ng Sandatahang Lakas, na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na pamunuan at kontrolin ang militar ng buong bansa ayun sa kanilang kagustuhan.
Seksyon 7. Ang kritisismo sa Gobyerno at sa Reich Supreme Chancellor ay mahigpit na ipinagbabawal, na nagbibigay sa pamahalaan ng kapangyarihang parusahan ng death penalty ang sino mang mapapatunayan na sumuway nito.
Seksyon 8. May mahigpit na sensura sa lahat ng media, kung saan tanging impormasyon na aprubado ng gobyerno ang maaaring ipakalat, na naglalayong kontrolin at manipulahin ang impormasyon na natatanggap ng publiko maging sa social media.
Seksyon 9. Ang gobyerno ay may kapangyarihan na subaybayan ang mga komunikasyon ng mga mamamayan at magsagawa ng mga paghahanap nang walang warrant, na nagbibigay ng malawak na kontrol sa privacy ng mga bawat indibidwal.
Seksyon 10. May isang malawak na network para sa mga pulisya ang magkukumpol ng impormasyon at magtatanggal ng mga banta sa rehime, na nagbibigay ng kapangyarihan sa pamahalaan na kontrolin at pigilan ang anumang uri ng pagtutol at pagbabanta sa kanilang kapangyarihan.
Seksyon 11. Isang state-controlled propaganda machine ang nagtataguyod ng ideolohiya ng Supreme Chancellor, na naglalayong manipulahin at kontrolin ang paniniwala ng mga mamamayan.
Seksyon 12. Ang mga sistema ng edukasyon ay naglalayong magpalaganap ng katapatan at pagtanggap sa Supreme Chancellor at sa kasalukuyang rehime. na magbibigay ng kapangyarihan sa gobyerno na kontrolin ang pananaw at ideolohiya ng mga mamamayan.
Seksyon 13. Ang gobyerno ay may kontrol sa lahat ng aspeto ng ekonomiya, kabilang ang produksyon, distribusyon, at pagpepresyo, na naglalayong kontrolin ang buong sistema ng ekonomiya at kalakalan.
Seksyon 14. Mahigpit na regulasyon sa paggawa ang naglilimita sa mga karapatan at kalayaan ng manggagawa, kung saan ipinagbabawal ang mga union at iba pang organisasyon ng manggagawa, na naglalayong kontrolin at pigilan ang anumang uri ng kolektibong aksyon o pagtutol mula sa gobyerno.
Seksyon 15. Ang lipunan ay mahigpit na nakaayos at nakasentro para sa Supreme Chancellor at ang kanyang mga tagasuporta para sa pagtuktok sa kapangyarihan, na magbibigay ng kapangyarihan sa gobyerno na kontrolin ang pananaw at kilos ng mamamayan.
Seksyon 16. Lahat ng mamamayan at opisyal ay kinakailangang manumpa ng katapatan sa Supreme Chancellor, na magbibigay ng kapangyarihan sa gobyerno na kontrolin at pigilan ang anumang uri ng pagtutol at hindi pag-sang-ayon.
Seksyon 17. Ang Korte Suprema ay humahawak para sa mga krimeng politikal, kung saan madalas ay dapat may mabilis at mabagsik na mga parusa, na nagbibigay ng kapangyarihan sa pamahalaan na kontrolin at pigilan ang anumang uri ng pagtutol at hindi pagsang-ayon.
Seksyon 18. Ang mga pampublikong bitay at mga forced labor camp ay gagamitin upang takutin at patahimikin ang anumang uri ng tutol at hindi pagsang-ayon sa pamahalaan, na nagbibigay ng kapangyarihan sa gobyerno na kontrolin at pigilan ang anumang uri ng pagtutol at hindi pangsang-ayon.
โโARTICLE 3:
MGA HALAL NA OPISYAL ๐
Seksyon 1. Ang bawat Opisyal ng Wehrmacht Reichland ay may limitasyon na 2 linggong termino, maliban sa mga itinalagang Heneral na hindi sakop ng limitasyong ito.
Seksyon 2. Sa Araw ng Paghalal o Pagtatalaga kada 2 linggo, may karapatan ang Supreme Chancellor na ihalal ang mga bagong Opisyales.
Seksyon 3. Ang lahat ng mga Opisyal na inihalal ng Chancellor ay kinakailangang tanggapin ang kanilang posisyon nang walang alinlangan.
Seksyon 4. Walang karapatan na agad na umalis sa posisyon ng Opisyal maliban na lamang kung humingi ng pahintulot sa Supreme Chancellor para sa kanilang pag-alis.
Seksyon 5. Kinakailangan ang aktibong kontribusyon at ambag ng lahat ng inihalal na mga Opisyales para sa kanilang tungkulin sa bansa.
Seksyon 6. Ang mga inihalal na opisyales tulad ng mga Pangalawang Chancellor at mga Ministro ay nagsisilbing mga simbolo ng bansa at parte ng pamumuno ng Supreme Chancellor.
Seksyon 7. Ang mga desisyon ng mga Opisyales at Ministro ay kinakailanga ng pagkakaroon ng malinaw na pag-apruba mula sa Supreme Chancellor upang ito ay maging isang opisyal.
Seksyon 8. Ang mga regular na pampublikong panunumpa ng mga itinalagang mga opisyales ay nagpapatibay sa pangako para sa Supreme Chancellor at sa Bansa.
Seksyon 9. Ang kapangyarihan ng bawat Ministro ay malinaw na tinutukoy na pumipigilย para sa kanila na lumampas sa kanilang partikular na papel sa bansa.
Seksyon 10. Ang mga Ministro ay dapat na magampanan ang kanilang tungkulin at regular na mag-ulat ng mga pangyayari sa kanilang departamento o ahensya.
Seksyon 11. Ang Minister of Propaganda o ng Minister of Information and Communications ay mahigpit na nagkokontrol sa pagpapakalat ng impormasyon, upang matiyak na ang mga Opisyal ay sumusunod lamang sa mensahe ng rehimen.
Seksyon 12. Ang mga Ministro ay may limitadong awtoridad upang iwasan ang mga hakbang sa sensura o pagmamanman.
Seksyon 13. Ang mga Ministro ay may limitadong awtoridad upang maiwasan ang sensura o pagmamanman sa kanilang mga gawain.
ARTICLE 4:
MGA PATAKARAN NG MGA HENERAL ๐
Seksyon 1. Ang mga inihalal na Heneral ay hindi kasama sa Araw ng Paghahalal o Pagtatalaga ng mga Opisyales.
Seksyon 2. Ang lahat ng mga Heneral na inihalal ng Supreme Chancellor ay hindi sakop ng limitasyon sa termino maliban kung sila ay tanggalin ng Supreme Chancellor at papalitan ng bagong Heneral sa kanilang posisyon.
Seksyon 3. Ang mga Heneral at mga kasundaluhan ng buong bansa ay may pananagutan sa mga pangyayaring nauuwi sa digmaan, kaya't dapat silang makipagtulungan at gawin ang kanilang makakaya upang makatulong sa mga oras ng krisis at digmaan.
Seksyon 4. Binibigyan ang Grand General ng kapangyarihang mag-veto sa mga deployment ng militar o aksyon na malaki ang paglihis sa mga itinakdang estratehiya. Ito ay nagbibigay ng balanse sa kontrol ng Supreme Chancellor sa militar ngunit pinapanatili ang pangunahing awtoridad ng Grand General.
(a) Sa panahon ng digmaan, ang Grand General ay may ganap na operasyonal na command, na nagbibigay ng mas mabilis at mas desisyonadong aksyong pang-militar. Gayunpaman, nananatili ang karapatan ng Supreme Chancellor at Grand General na magtakda ng pangkalahatang layunin ng digmaan.
Seksyon 5. Ang militar ay sakop ng impluwensya ng Ministro ng Propaganda at Ministro ng Seguridad, na nagpapabuo ng pampublikong naratibo upang palakasin ang kapangyarihan ng militar at magtanim ng takot sa mga panlabas na banta.
Seksyon 6. Ang lahat ng mamamayan ay dapat sumailalim sa mandatoryo at malawak na serbisyo sa militar sa tamang edad, na nagtataguyod ng pambansang identidad na nakatuon sa lakas militar at pagtutulong-tulong para sa bansa.
โโโARTICLE 5:
โMGA PATAKARAN SA LEHISLATURA
โโโ(MGA TAGA-GAWA NG BATAS) ๐
Seksyon 1. Ang bilang ng mga senador o mambabatas ng Wehrmacht Reichland saktong 6 katao lamang.
Seksyon 2. Ang termino ng mga Senador ay limitado lamang sa 2 linggo.
Seksyon 3. Bawat batas na ginagawa ng mga Senador ay kinakailangang aprubahan ng Senate Chancellor upang maging opisyal na panukalang batas bago pagbotohan sa Kongreso.
Seksyon 4. Ang mga kongresista ay may karapatang maging parte sa paggawa ng batas at pagkakaroon ng suhestiyion para sa gagawing batas sa hinaharap.
Seksyon 5. Ang mag magiging parte ng Kongreso ay dapat mula sa iba't ibang representative sa bawat Probinsiya sa buong bansa.
Seksyon 6. Lahat ng batas na ginawa ng mga Senador ay dapat makatulong sa pag-unlad ng Wehrmacht Reichland.
Seksyon 7. Ang mayoryang boto na hindi sang-ayon sa batas na ipinasa ng mga senador sa kongreso ay maaaring mag-over-ride sa pag-veto ng Supreme Chancellor sa panukalang batas.
Seksyon 8. Ang mahigpit na kontrolado at detalyadong mga pampublikong pagdinig ay nagbibigay-daan sa mga mambabatas na ipakita ang kanilang kadalubhasaan at mag mukhang tumutugon sa mga alalahanin pag dating sa isyu sa publiko at sa batas na isasagawa.
Seksyon 9. Ang mga mambabatas na sumusuporta sa agenda ng rehime ay tatanggap ng pampublikong papuri at pagkilala mula sa pamahalaan, na nagpapataas ng kanilang katayuan.
Seksyon 10. Ang mga senador ang gagawa ng mga batas at pag dinig ng batas at ito ay isusumite sa Kongreso matapos pirmahan ng Senate Chancellor ang panukalang batas.
Seksyon 11. Pagbobotohan ng 260 na kinatawan ng Kongreso ang panukalang batas na isinumite sa kanila ng Senado upang pagbotohan, at kapag ito ay aprubado sa kanila sa itinakdang araw, ito ay magiging pansamantalang batas.
Seksyon 12. Ang Supreme Chancellor ay pipirma sa pansamantalang batas sa itinakdang Araw pagkatapos itong aprubahan ng Kongreso, at kapag napirmahan na, ito ay magiging opisyal na batas na ng buong bansa.
โARTICLE 6:
MGA PATAKARAN SA EKONOMIYA ๐
Seksyon 1. Ang mga mamamayan ng Wehrmacht Reichland ay may karapatan na magtatag ng negosyo nang walang buwis para sa pagtatatag ng negosyo, ngunit ang gobyerno ng Wehrmacht Reichland ay may 30% na bahagi ng kita ng lahat ng negosyo at kompanya sa buong bansa.
Seksyon 2. Lahat ng pagkain, serbisyo, at mga produkto na bahagi ng teritoryo ng Wehrmacht Reichland ay walang halaga o presyo para sa mga Kasapi ng Gobyerno ng Wehrmacht Reichland.
Seksyon 3. Ang bawat mamamayan ng Wehrmacht Reichland ay dapat tumanggap ng hindi bababa sa 25,000 pesos na sahod bawat linggo.
Seksyon 4. Ang mga lahat pangunahing industriya at yaman na sakop ng bansa ay pag-aari at kontrolado ng gobyerno.
Seksyon 5. Ang gobyerno ang nagtatakda ng mga presyo para sa mahahalagang kalakal at serbisyo, na pumipigil sa mga pabago-bagong mga presyo sa merkado.
Seksyon 6. Ang gobyerno ang nagdidikta ng mga layunin ng ekonomiya katulad ng mga produksyon, sa pamamagitan ng detalyadong plano, na may limitadong kalayaan para sa indibidwal na negosyo.
Seksyon 7. Ang gobyerno ang nagdidikta kung paano ilalaan ang mga yaman, na pinapaboran ang mga pangangailangan ng militar at industriya kaysa sa mga pangangailangan ng mamimili.
Seksyon 8. Ang mga black market ay walang awang paparusahan, na may mabigat na parusa para sa mga lumalahok dito katulad ng suspensyon, pagkakakulong ng 40 years at ang worst ay Death Penalty.
Seksyon 9. Ang mga dayuhang kalakalan ay mahigpit na ipinagbabawal upang suportahan ng mga mamamayan ang lokal na produksyon, at mga negosyo sa buong bansa.
Seksyon 10. Ang sabotahe sa ekonomiya, aktibidad ng black market, at iba pang mga krimen sa ekonomiya ay mahigpit na pinaparusahan, kabilang ang mga forced labor camp o pagpapatupad ng mabibigat na gawain hanggang sa umabot sa Death Penalty.
ARTICLE 7:
MGA PATAKARAN PARA SA KONSTITUSYON ๐
Seksyon 1. Ang mga Senador at ang Supreme Chancellor lamang ang may karapatang mag-amyenda ng Konstitusyon, kabilang ang pagdaragdag ng anumang batas na itinuturing nilang kinakailangan.
Seksyon 2. Ang Konstitusyon ang Pinakamakapangyarihang Batas sa Wehrmacht Reichland, na pinagbabatayan ng lahat ng iba pang batas at regulasyon.
Seksyon 3. Ang Supreme Chancellor at mga Senador ang may eksklusibong awtoridad na magpaliwanag ng Konstitusyon, na inaalis ang anumang independiyenteng legal o hudisyal na pagsusuri sa aplikasyon nito.
Seksyon 4. Kahit na ang iminungkahing pag-amyenda ay pumasa sa lehislatura at kongreso, kailangan pa rin itong aprubahan ng Supreme Chancellor, na may kapangyarihang i-veto o aprubahan ito ayon sa kanyang kagustuhan.
ARTICLE 8:
โMGA PATAKARAN SA PAGLABAG ๐
Seksyon 1. Lahat ng lalabag sa Patakaran ng Konstitusyon ay magkakaroon ng Malubhang Paglabag, ayon sa parusang ibibigay ng Supreme Chancellor o ng Supreme Chief Justice. Ang mga parusa ay maaaring saklaw mula sa malulubhang multa hanggang sa pagkakakulong o kamatayan, depende sa tindi ng paglabag.
Seksyon 2. Ang pagtataksil at kalapastanganan laban sa Wehrmacht Reichland ay pinarurusahan ng Death Penalty. Ang mga akusasyon ng pagtataksil ay isasagawa ng mabilis at walang pag-aatubili upang mapanatili ang kaayusan.
Seksyon 3. Ang lahat ng hindi sumusunod sa anumang utos ng Opisyales ay paparusahan ng mabigat na parusa, kabilang ang pagkakakulong, multa, o kahit death penalty, depende sa antas ng pagsuway.
Seksyon 4. Ang anumang kilos ng kahina-hinala o nagbabanta sa awtoridad ng Supreme Chancellor at sa gobyerno o sa katatagan ng rehime ay papatawan ng Death Penalty.
Mga halimbawa ng mga kahina-hinalang aktibidad ay:
(a) Hindi pagsunod sa direktang utos mula sa Supreme Chancellor at kasapi ng gobyerno.
(b) Pampublikong pagbatikos sa rehime o sa ideolohiya nito.
(c) Pakikilahok sa anumang uri ng protesta laban sa Supreme Chancellor o sa Gobyerno ng Wehrmacht Reichland.
Seksyon 5. Ang anumang kilos na nag-uudyok ng rebelyon o nagpapahina sa tiwala ng publiko sa rehime ay itinuturing na pagtataksil sa bayan.
Kasama dito ang:
(a) Pagbabahagi ng ipinagbabawal na literatura o komento sa Social Media.
(b) Pag-oorganisa ng hindi awtorisadong pampublikong pagtitipon.
(c) Pagpapahayag ng mga salungat na pananaw sa pulitika.
Seksyon 6. Ang mga krimeng itinuturing na malaking banta para sa rehime, tulad ng mga pagtatangkang kudeta o mapanirang rebolusyon, ay pinarurusahan ng kamatayan. Walang kaluwagan sa mga ganitong kaso upang matiyak ang kaligtasan ng estado.
Seksyon 7. Ang mga miyembro ng mga akusado sa paglabag sa batas ay maaaring makulong, itakwil, o kahit patayin bilang isang paraan ng kolektibong parusa. Ang parusang ito ay naglalayong magdulot ng takot at tiyakin ang katapatan ng lahat ng mga mamamayan.
Seksyon 8. Ang mga hatol ay itinuturing na final, at wala ng karapatan pa ang sinumang mag-apela sa mas mataas na hukuman upang bawiin ang hatol. Ang desisyon ng Supreme Chancellor o ng Supreme Chief Justice ay ang huling salita sa lahat ng hatol na gagawin.
Seksyon 9. Ang pagpapatupad ng mga batas at parusa ay isasagawa ng mabilis at walang pag-aalinlangan upang masiguro na ang lahat ng mamamayan ay sumusunod sa mga patakaran at pinapahalagahan ang integridad ng pamahalaan para sa lahat.
โโOfficial Approved By:
Senate Chancellor William Snitzel
Official Approve By:
Rodolfi Schikel IV