Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Hopiang Di Mabile

🇵🇭GeometAgape
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.5k
Views
Synopsis
Kung taguan lang din naman ng feelings ang labanan ay si William na ang panalo. Ilang taon na siyang may gusto sa kababatang si Red. Hindi lang talaga siya maka-first move dahil alam niyang imposibleng magkagusto ito sa kanya. Kaya imbes na mag-effort magpapansin ay hinayaan niya na lang din ang kaibigan niyang magpakatanga. Akala niya kasi wala ring pag-asa si Red sa kapatid niyang pinaglihi sa bato. Isang malaking pagkakamali.

Table of contents

Latest Update2
TWO7 months ago
VIEW MORE

Chapter 1 - ONE

 CHAPTER I – Diffidence

Modesty or shyness resulting from a lack of self-confidence.

 

Red also known as Renesmee Eril Dane is my sun, my moon, my universe—ilang beses na kaming nagpakasal sa imagination ko at ilang beses na rin akong sinampal ng katotohanang hindi ako ang gusto niya.

Mas natatandaan ko pa 'yung oras at araw kung kailan ako nahulog kay Red kaysa sa petsa kung kailan kami nagkakilala. Siguro dahil sobrang bata pa namin noon at hindi pa kami marunong magbasa at magbilang o baka dahil sobrang tagal na naming magkaibigan kaya parang natural na lang sa isipin naming magkadikit ang bituka namin simula nung lumabas kami sa mundo.

"Malulusaw na si Pula kakatingin mo, Hopia." Tukso sa'kin ni Blu bago niya ako siniko sa tagiliran kaya napaigtad ako palayo sa kanya at napahawak sa bakal ng swing na katabi namin.

Sa harap namin ay ang open court kung saan nagsasayaw ang grupo nila Red. Ang balak sana namin ay gumawa ng banner at magsisigaw na parang tanga. Kaso naubos na lahat ng lakas kong makibiro nung nakita ko na silang nagsasayaw—si Red na sumasayaw.

Lang'ya halatang hindi praktisado.

Ayaw ko na nga mag-cheer dahil ako na ang nahihiya para sa kanila.

"Kinginang sayaw 'yan." Ang nasabi ko na lang bago nailing.

Mahinang tawa lang ang sagot sa'kin ni Asul. "Igiling mo pa beybe!" Siya na lang ang sumigaw.

Kitang kita ko kung paano namula ang mukha ni Red habang tuloy ang pagsayaw na halatang walang practice. Iyong mga kasama niyang napapayuko na lang sa hiya at 'yung isa sa kasama nilang halatang mag-isang nag-plano ng steps.

Natapos ang sayaw nila at patakbong lumipat sa amin si Red. "Uwi na tayo." Aya niya sa amin ni Asul.

"Sayaw lang talaga ang ipinunta natin dito?" Tanong ko sa kanya.

Sabi niya sa'min may libreng pagkain kaya talagang gumising kami para suportahan siya, mukhang may ibang dahilan kung bakit niya kami niyakag. Lumapit ang isa sa kagrupo niya, nagtanong kung aalis na ba siya—kami.

"Oo, may gagawin pa kasi kami." Lumingon siya sa amin ni Asul at pinandilatan kami ng mata.

"Hindi ba may gagawin pa tayo?"

Tumango si Asul. Ako nanatiling nakatingin sa itim niyang mata. Pinandilatan ko siya pabalik.

"Anong ga—"

Tinakpan ni Asul ang bibig ko. "Meron, meron tayong gagawin." Nakangiting sabi pa sa'kin ni Asul bago tinanggal ang kamay sa bibig ko.

"Ang baba talaga ng SQ mo." Bulong niya pa sa'kin bago inangkla ang braso niya sa kanan kong braso.

"Ah gano'n ba? Okay sige." Dismayadong sagot ng kagrupo ni Red. "Next time na lang."

Gusto ko sanang sabihin na walang next time kasi nga pareho namang kaliwa ang paa ni Red. Napilitan lang talagang sumayaw dahil mandatory na sumali siya at gusto ng nanay niyang sumali siya.

"Hay salamat." Buntong-hininga niya bago inangkla ang braso sa kaliwang braso ko. Kung pwede lang siya sumayaw uli para mahawakan niya ulit ng gan'to kahigpit ang braso ko, isasakripisyo ko na ang mata ko para panoorin sila araw-araw.

"Sa bahay na tayo kumain ha? Inaaya kami ni Christie sa kanila magmeryenda pero sabi ko kasi diretso na ako uuwi kasi may gagawin tayo."

Wala naman siyang sinabi na gagawin namin.

"Sayaw ka na araw-araw para do'n na kami sa inyo parati." Natatawang sabi ni Asul. 'At saka anong gagawin ba natin sa inyo bukod sa kumain 'di ba?"

"Sabi ko nga sa kanila may study session tayo."

Lalong lumakas ang tawa ni Asul na sinabayan naman ni Red. "Huli na nga 'to, nakakainis talaga kasi si Hannah masyadong mapilit mag-sayaw alam naman niyang parehong kaliwa ang paa namin."

"Sayang wala si Winston labidabs mo edi sana nakita niya 'yung performance mo." Tukso pa ni Asul sa kanya. Sampal naman sa puso kong sobrang manhid na dahil lagi na lang pinapaalala ni Asul na si Kuya pa rin ang gusto ni Red kahit ilang taon na ang lumipas.

Tulad ng pagkagusto ko sa kanya ng ilang taon, pareho lang kaming hopia ni Red.

Sa aming tatlong magkakapatid, hindi ko maintindihan kung bakit kay Kuya siya nahulog. Ako naman si tanga kasamang nahila ni Red kaya hanggang ngayon hindi pa ako nakakabangon sa feelings ko sa kanya para makapag-move-on. Alam naman na namin na si Kuya ang gusto niya pero lagi na lang may bumubulong sa'kin na, "Malay mo naman 'di ba? Isang araw magising na lang siya na gusto ka na rin niya."

Kasalanan talaga 'to ni Asul.

Masamang umasa sa isang bagay pero wala namang nakakaalam ng hinaharap kaya susulitin ko na lang ang mga oras at araw na kasama ko siya.

Malay mo naman talaga 'di ba?