Chereads / If We Fall In Love (Ongoing) / Chapter 2 - Chapter 1 – Don’t Change

Chapter 2 - Chapter 1 – Don’t Change

Chapter 1 – Don't Change

 

First Love

Ang mga nauna ay isang tanda ng bago. Ang unang pag-ibig ang pinaka masaya. Pinaka-exciting. Pinakainaabangan. Pinakanakakakilig. Ang mga puso nating bata ay napuno ng pag-asa. Binibigyan tayo nito ng pag-asa. Hindi mawawal sa ating ala-ala ang una naging pag-ibig.

 

Highschool is bliss. Sobrang saya daw ng highschool. Kaya nung tumapak ako ng highschool. Excited na excited na kong pumasok. Magkaroon ng mga bagong crush. "April Imperial!" Pinatayo ako ng teacher namin sa recitation.

 

Pinakaayaw kong mauna sa index card pero natuloy pa rin. Nakakainis! Buti na lang, nasilayan ko ang crush ko.

 

Ngumisi si Aiden Ramirez, ang bago kong classmate crush sa gilid ng classroom. Habang ako nakaupo sa gitna.

 

Ang barkada ko ay walang alam na may gusto ako sa kanya. Kaya ayun, wala tuloy nang-aasar sa'ming dalawa.

 

Nakakainis! Sana ipagkalat na nila para mapansin na niya ko. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa mga kaklase ko o sa kaibigan ko.

 

"Short hair at chinita daw ang type niya." Bulong sa'kin ni Sena, kaklase namin na hindi ko kaclose.

 

"Nahalata kita. Titig ka ng titig kay Aiden." Tumatawa si Sena sa'kin.

 

"Dapat pala magpagupit ako." Sabi ko kay Seno at tumawa ng mahina.

 

Narinig kami ni Zyrus Arellano sa gilid nag-uusap. Dumaan siya sa gilid naming dalawa.

 

"Kung gusto mo si Martinez. Do not cut your hair. It suits you well." Ngumisi si Zyrus sa gilid namin bago hinampas ng mahina ang libro sa ulo bilang biro. Ano kaya yun? Papansin.

 

Pero nakakakilig. Hindi ko siya crush pero bakit ganon?

 

Alam ko naman na astig si Aiden Ramirez pero kilala din si Zyrus Arellano sa school. Isang tao ang tanda niya sa'min ni Sena na kaklase ko.

 

Sa kabilang classroom sila. Kaya siguro napadaan.

 

Lakas ng sinabi niya sa'kin. Bagay daw yung hairstyle ko. Diba, astig.

 

Napagdesisyonan kong crush ko na siya. Noon ko pa siya kilala, kapitbahay namin sila.

 

Kaibigan ng mga magulang ko ang kanyang mga magulang. Hindi siya kailanman napansin. Nung mga bata pa lang kami.

 

Mukha kasi siyang bagito o totoy sa paningin ko. Naalala ko ang pang-asar ko sa kanya. "Tingting." Umiiling-iling lang siya sa'kin habang nakangiti.

 

Labas ang kanyang pangwinner na puting-puti na ngipin. "Magugustuhan mo rin ako, balang araw. Kakaasar mo sa'kin. Pagnatamaan na ko ng puberty." Tawa niya at umalis sa harapan ng mga kalaro namin.

 

Lunch time ay kumain na kami ng sabay ni Sena at ng iba kong kaklase.

 

Nagulat na lamang kami ng walang maupuan si Zyrus. Kaya umupo siya sa harapan ko. "Pero makiupo?" Tanong niya sa'min. "Sure." Sagot ni Sena habang natulala ako sa kanya.

 

Nakakatameme. "Alam mo ba, April." Banggit ni Sena sa pangalan kong kasama sa mga buwan. Kasi April ang birthday ko.

 

"Gusto pala ni Aiden, ang mga gamer na babae. Yung astig daw!" Sabi ni Sena na ikinakunot ni Zyrus ng noo. Ako naman ay napangiti.

 

"Mahina ako sa mga ganyan. Wala na bang iba." Sagot ko habang nilalantakan ang lunch ko na binili ko sa cafeteria. Nagugutom na talaga ko! Dahil sa mga recitations na ayaw ko ng balikan.

 

"Wag mong pilitin ang sarili mo sa mga gusto ng crush mo. Do not change yourself for someone who's not worth it or maybe he is, but being truthful to yourself is the best." Ngumiti si Zyrus sa'kin.

 

"Oo nga pala, pinadala ng mama mo yung lunch box mo. Naiwan mo kasi ang bilis mong pumasok." Nilabas ni Zyrus ang maliit na bag ng lunch box at inabot sa'kin.

 

"Magkakila ang pamilya niyong dalawa?" Nagtataka si Sena parang nahiwagaan.

 

"Hindi naman masyado. Pero kapitabahay ko kasi si Imperial." Banggit ni Zyrus sa apelyido ko. Sanay pala siyang tawagin ako doon.

 

Hindi ko makakalimutan iyon. Hindi pa rin nagbabago. He still calls me by my surname. It's frustrating!

 

My neighbor is a kind guy. My new crush. Yun ang sinabi ko sa sarili ko. Pero wala akong lakas ng loob na makipagkaibigan sa kanya buti na lang ay siya ang nauunang makipag-usap sa'kin.

 

Kahit anong gawin ko ay hindi man lang ako inaccept sa Facebook ang friend request ko.

 

Medyo isnabero din pala ito at mapride. Hindi talaga siguro basta siya nag-aadd. Puro mga hindi pamilyar na mukha ang nasa friend list niya.

 

Kaya kapatid niya na lang ang ina-add ko. Si Jared Arellano. Nag-accept agad ito.

 

Nung kagabi ay may nagmessage sa'kin. Nakakagulat na pangalan.

 

Zyrus Arellano: Gising ka pa ba?

 

Nagising ang buong kalamnan ko. Nakakagulat! Bakit niya pala ako minessage? Nasa message request inbox yung message niya buti nakita ko kasi nagnotif.

 

April Imperial: Bakit, Arellano? Anong kailangan mo? Hindi mo pa nga ina-accept yung friend request ko.

 

Zyrus Arellano: Nasa labas ako ng bahay niyo.

 

Natatawa ako na natataranta. Hindi ko alam kung bakit siya nasa labas ng bahay.

 

April Imperial: Gabi na, baka may gusto ka ng ipahiwatig.

 

Nag-offline siya bigla kaya tumingin naman ako sa bintana. Aba, andun nga sa labas ng bahay namin. May dalang sobre.

 

Lumabas ako ng bahay at pinagbuksan siya ng gate.

 

"Ano yan? Letter para sa'kin? Ikaw hah. Hindi mo sinabing may lihim kang pagtingin sa'kin." Tumawa siya sa sinabi ko.

 

"Imbitasyon sa kasal ng ate ko. Pinabibigay nila mama." Paliwanag niya at inabot sa'kin yung sobre.

 

Tumango ako. "Sabihin ko sa mama ko. Aattend kami pakisabi." Sabi ko sa kanya kaso nga lang nung isasara ko na yung gate ay nagsalita siya.

 

"Hindi mo ba ko papasukin sa bahay niyo? Wala akong matambayan eh." Sabi niya sa'kin ng nakangiti ng sobra.

 

Doon, nagsimula kaming maging close.

 

"Oh sige pasok ka. Andito mga kapatid ko, lalo si Kuya Harden na kaedad mo."

 

Pumasok siya sa bahay pero nahihiya naman ako magtambay sa salas.

 

Nasa salas si Kuya Harden pati si Drei, mga kapatid ko. Nanunuod sila ng Dragon Ball sa tv.

 

"Sino yan, April? Baka kayo na pala ni Zyrus. Hindi kayo nagsasabi." Tawa ni Kuya Harden ng malakas.

 

"Hindi, wala lang siyang matambayan. Kapitbahay naman natin eh." Sagot ko na medyo kinabahan. Siguro soon! Hahaha! Hindi ako nagpahalatang natutuwa.

 

Inabot ko kay Kuya Harden yung imbitasyon. "Bukas daw kasal ng ate ni Zyrus. Punta daw tayo." Sabi ko na lang.

 

Nanuod lang kami ng tv. Nakaupo kami sa sofa habang nasa baba si Zyrus nasa tapat ko. Nakatulog na si Kuya Harden. Nilagay ko naman ang unan sa lap ko.

 

Nagulat ako ng inilagay ni Zyrus ang ulo niya sa unan na nasa hita ko, nakatulog na din.