Title: Somewhere Only We KnowDate Created: April 2022Date Finished: March 2023**This story is completely fictional. I wrote the whole story. This is originally made by me. I planned this story, word by word. Please do not repost or reproduce without the writer's permission. Hope you enjoy it!**The official theme song: Everything Has Changed by Taylor Swift.**
Somewhere Only We Know
Kyro Augustus has always been a prince who's obedient to his parents.
Destined to marry a princess, Alessia Marcella.
But not until a girl from a mysterious place tried to break into his life.
They meet somewhere only we know and everything went to place.
But definitely not his life and heart.
**
First Crown – Young Heart
"Ako si Alessia Marcella."
Abot ng kamay ni Alessia sa batang lalaki nakita niya.
"Ikaw pala si Alessia, ang panganay na anak ng mga Marcella. Ako si Kyro Augustus. Sana maging magkaibigan tayo."
Ginulo ni Kyro ang buhok ni Alessia, tapos ngumiti.
Tumawa naman ang isa pang batang lalaki.
"Zeno Willard nga pala, pinsan ni Kyro."
Yumuko lang ito at balak pang kuhanin ang kamay ni Alessia at hahalikan dapat pero binatukan siya ni Kyro.
"Bawal maging masyadong malapit ang mga babae sa mga lalaki."
Paliwanag nito, medyo naiinis.
"Gusto mo bang makalaro kami nila Kyro? Kasama sila Deon Marcella, pinsan mo ata, parang kaming dalawa ni Kyro, mag pinsan din."
Sabi ni Zeno Willard.
Nagtatago lang pala si Deon sa likod ng puno ng hardin kung nasaan sila Kyro.
Isa ito sa kanyang pinsan.
Lumabas siya sa puno kung saan siya nagtatago.
"Magandang umaga! Alessia, si Deon 'to."
Sabi niya kapag labas niya sa puno at tumabi sa tabi ni Kyro.
Sa tabi naman sa kabila si Zeno.
"Deon Marcella."
Dagdag na nito at ngumisi.
"Hoy, kayo talaga! Wag niyong awayin si Alessia bago pa lang siya dito."
Sabi ni Deon nang nakatingin kay Zeno, kanina pa nakakunot ang noo.
"Oo naman, bakit hindi?"
Ngumisi si Zeno Willard, nawala ang pagkaseryoso.
"Baka si Zeno lang at hindi ako, mabait ako no."
Sabi pa ni Kyro, nakacross arms.
Nagyakapan sila ni Deon at Kyro na ikinagulat ni Alessia, bata pa lang sila pero bakit may ganito agad?
Hindi kapanipaniwala.
Hindi naiintindihan ni Alessia.
Noon pa man, Alessia Marcella ay galing sa simpleng pamilya bago naging prinsesa.
Siya ay normal lang na bata na naging instant princess.
Nasa isang gilid naman ng hardin si Avery Marcella.
Matagal nang prinsesa dito simula pagkabata.
Kaya naman siya ay nagkamuhang na at nagkaroon ng kasulatan sa ibang dako ng lugar nila.
Isang prinsipe rin na nasa ibang lugar nakatira, Axel Tresvenor ang pangalan na nagpapadala ng mga litrato sa kanila.
Napansin si Zeno ng isang umaga ang babaeng nasa upuan ng hardin na nagsusulat sa papel.
Isang nakakabighaning batang babae.
Hindi niya kailanman nakakausap.
Avery ang pangalan nito ngunit hindi niya ito kilala ng lubos.
"Napakagandang binibini. Ngunit hindi namamansin."
Tawang-trawa si Zeno sa sarili niya.
Hindi niya maisip kung bakit siya nito hindi pinapansin.
Siya naman ay gwapo.
Siya naman ay kagalang-galang, kilala.
Hindi sa nagmamayabang pero kilala siya ng mga tao.
Agawan ang atensyon sa kanya.
Napansin ni Axel lumapit si Kyro na parang masaya pa kahit may balitang hindi naman talaga sila ni Deon at Kyro.
Gusto ni Axel, sabihin ngunit nagulat siya sa paghihiwalay ni Deon at Kyro.
Ayun naman pala ay mukhang wala lang.
Lumaki na silang lahat at nasa edad ng ilang taon para maghiwalay lang.
Hindi lubos maisip ni Kyro ang nangyari.
"Hindi naman naging kayo. Parang nagkamabutihan lang. Bakit ang lungkot mo dyan at nagmumukmok ka?"
Alam ni Axel na hindi totoong malungkot si Kyro.
"Tapos ako naman ang nais mong saktan."
Sabay tayo at urong sa espada ni Kyro si Axel.
Nag-away kunwari sila gamit ang espada.
Ito na lang siguro ang outlet niya sa paghihiwalay nilang dalawa ni Deon.
Pero kapirasong lungkot ay wala ata sa kanyang katawan.
"Kalma ka lang, Axel."
Sabi pa ni Kyro kay Axel na hingal na hingal.
Ibinaba na ang espada sa gilid niya.
"Kalma, baka ikaw ang kailangan noon."
Sabi ni Axel, ibiniba ang espada.
Inilagay niya ang espada sa lalagyan.
"Bakit kasi hindi na lang si Alessia? Gustong-gusto ka niya."
Payo ni Axel nang nakangisi.
Payong kaibigan lamang ito para kay Kyro.
Ito ay isang magandang offer para sa kanya.
Nandyan lang si Alessia sa tabi-tabi naghihintay sa kanya.
Ayon kay Axel, para sa kanya iyon na hindi napapansin ni Kyro.
"Hindi no, ang tipo ko ang mga palaban at hindi mahinhin. Bukod doon, sigurado akong hindi ganon ang pagtingin sa'kin ni Alessia."
Sagot nito nang buong-buo.
Alam niya isa lamang siyang kaibigan ni Alessia.
Normal ang pakikitungo nito sa kanya.
Ninamnam naman ni Axel iyon at ngumiti.
"Sigurado ka na ba?"
Sabi pa ni Axel kay Kyro.
Gusto niyang asarin ng kaunti si Kyro.
Kasi nakakatuwa.
"Aminin mo, maganda siya."
Sabi ni Axel kay Kyro, nakangisi.
Inakbayan ng bahagya si Kyro.
Tuwang-tuwa siya sa kanyang naisip.
Pagkumparahin is Alessia at Deon.
"Hindi ko alam ang iyong ibig sabihin. Pero totoo naman."
Ngumiti lang itong si Kyro habang nasa malayo si Alessia na nakangiti kasama na ngayon si Deon sa gilid ng hardin sa kalayuan.
"Maganda siya!"
Hindi alam ni Axel kung si Deon ba ang tinutukoy nito kasi kasama ni Alessia si Deon o nagbibiro lang ito.
"Huling tanong, sa tingin mo, Deon o Alessia."
Umakbay si Axel kay Kyro ulit.
Ito ang isa sa mga pagsubok ni Kyro.
Hindi siya makakapili agad kung si Alessia ang kalaban ni Deon.
Mahigpit niya itong kalaban kay Kyro.
Para sa obserbasyon niya.
"Deon."
Buong tapang na sagot ni Kyro, walang isip-isip.
Hindi muna niya pinagisipan ang lahat.
"Palaban at maganda."
Huli pa nitong sabi kay Axel, medyo seryoso.
"Eh si Alessia?"
Dagdag na tanong nito sa kanya.
Halatang nang-aasar.
"Mahinhin at oo,"
Napatigil ito, bago tuluyang aminin iyon sa kanyang sarili.
"Maganda din."
Sagot ni Kyro kay Axel habang nakatingin sa nakangiting Alessia sa malayo.
Hindi niya alam na may ganon pa lang lugar si Alessia sa kanyang pagtingin.
Sa tipo niya.
Yung maganda.
Pasok pala ito sa kanyang panlasa.
Hindi niya aaminin at hindi kailanman niya gagawin.
Dumating na ang araw na nalaman ni Kyro ang panganay na anak ng mga Marcella ay makakasal sa kanya.
Walang iba kung hindi ang hindi niya inaasahang pangalan.
Akala niya si Deon Marcella ito ngunit hindi.
"Marcella ang kanyang pangalan. Subalit wala pa siya sa tamang edad. Kaya hindi pa niya maaaring malaman. Ikaw pa lamang."
Payo ng kanyang amang hari, Dashiel Augustus.
Seryosong pahayag ng kanyang ama.
"Dahil ikaw ang aming panganay na anak, Ikaw ang unang ikakasal."
Banggit na sunod ng inang reyna, Kairin Augustus.
Nakangiting sabi nito sa kanya.
Tama lamang siya ng pinili para sa anak.
"Hindi mo pa maaaring sabihin ito sa mga tao. Ang Augustus ang pinakamalakas na pamilya kaya dapat ikasal ka sa pinakamalakas din na pamilya, ang mga Marcella."
Dagdag pa nito na ikinagulat niya.
Hindi ba dapat si Deon?
Hindi niya maintindihan.
Hindi kasi niya pinakilala sa mga magulang niya si Deon.
Pinagmamasdan niyang gumuhit ito sa kalayuan.
Ito pa lang ang makakatuluyan niya.
Napakunot ang noo niyang pinagmamasdan ang dalaga.
Simula noon, inobserbahan niya ito.
Pero kapag balak araw bago ito tumungtong sa tamang edad.
SInabi niya sa kanyang sarili na kapag nahanap niya ang kanyang iibigin, susuway siya subalit kapag hindi ay hindi na lamang siya susuway sa utos ng kanyang mga magulang.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko."
Napasalpak na lang ang kanyang palad sa noo sa nakita niyang nakangiting si Alessia sa malayo.
**