Chereads / Antimano (Filipino/Tagalog) / Chapter 1 - Simula

Antimano (Filipino/Tagalog)

jnsly
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Simula

Hindi ba't nakakabilib kung paanong ang nakaraan na dating kasalukuyan ay ngayon ay isang alaala na lamang? Lahat ng araw, gabi na naranasan ay mawawala na lang at nag-iiwan na lang ng mga alaala?

Ang mga alaala ay kung ano ang natitira sa nakaraan, ngunit kung ang nakaraan ay hindi na maala-ala, ano pa ang natitira para sa nangyari sa nakaraan? Karamihan sa mga tao ay may posibilidad na makaramdam ng pagsisisi sa kanilang mga nagawa, nais nilang baguhin ang kanilang mga pagkakamali at gumawa ng isang mas mahusay na desisyon kaysa sa ginawa nila dati. Siyempre, nakalulungkot man; hindi na natin pwedeng balikan pa ang nakaraan.

Pero paano kung. Basta, just what if.

Paano kung mabigyan tayo ng once in a life time chance na bumalik sa nakaraan at isa ka sa napili, tatanggapin mo ba ito?

Ang sagot ay medyo halata.

"Eh, kung ako n'yan, hindi ako payag lola." Sabi ko, habang kinakain ang nabili kong pandesal sa tindahan ni aling Miki. Kakauwi ko lang galing skwelahan at napag-utusan ng aking ama na bumili ng sili.

'Gusto kasi ni papa yung hot, gaya ni mama. Charot!'

Nakabili na sana ako ng sili at uuwi na sana nang lumapit sakin ang isang matandang babae at kinausap ako.

At yon ang dahilan kong kaya na-stranded muna si Aventter Cecilia G. Amaris sa tindahan nina aling Miki.

"Huh?" Naguguluhang sagot ng matanda, at kinamot ang kanyang tinga. "Tama ba yong narinig ko?"

Tinanong niya ako ulit. "Hindi mo nais na bumalik sa nakaraan at mabigyan muli ng bagong pagkakataon na baguhin ang iyong pagkakamali?" Nagulat muli ang matandang babae sa aking sagot na 'hindi' at saglit na tumahimik.

'Bakit napunta dito ang usapan namin? Nagtatanong lang naman siya kanina ng direksyon eh, 'bat naging "deep" na ang mga pinagsasabi namin dito?' Takang iniisip ni Aventter.

"Ayaw mo talaga?" Nagtataka sabi ng matanda.

Tumango ako bilang oo.

Ngayon, takang-taka na kami sa isa't isa.

May problema ba na ayaw ko?

"Alam mo hija, sa dami ng taong nakausap ko at sinabihan ng tanong na ito, ikaw lang ang nagsabi ng hindi. Bakit nga ba?" Tanong ni lola, nakangiti at tila ba kumikislap ang mga mata sa kuryusidad.

'Sa dami-daming tao sa mundo, halos lahat ay may gusto na bumalik sa nakaraan ngunit ako, ayaw ko. Pero 'di lang ako ang tao na ayaw, ako lang talaga ang unang nakasabi ni lola ng hindi. Kaya di ko masisisi si lola na naguguluhan s'ya sa'kin.' Ngimiti ako at sinabi.

"Kung last week mo ako tinatong n'yan, baka sumagot na'ko ng oo lola. Pero... Ngayon alam ko na, na ang kagustuhan na makabalik sa nakaraan ay isang bagay na gustong magawa ng mga mahihina..."

Saglit akong huminto at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Kasi ang mga taong gustong bumalik sa nakaraan ay 'di kayang bitawan ang mga pangyayaring lumipas na. Dapat ay maging matatag at patuloy na lumakad! Iniisip ko nga eh, na ang mga taong kumakapit sa nakaraan ay 'di umuunlad."

Masigla kong sinabi ang aking opinyon, ngunit napahinto ako at nagtaka nang walang sinabi ang matandang babae.

'Nako po, may nasabi ba 'kong mali? Baka na offended ko si lola sa nasabi ko..!'

Nerbyos kong tinignan ang matandang babae.

"Uh, lola?"

At sa wakas ay ibinuka na ng matandang babae ang kanyang bibig at sinabi, "Aning ang pangalan ko hija."

"Ah sige po... Lola Aning." Sagot ko. Syaka nag-ipon ng lakas ng loob at nagtanong.

"May nasabi po ba akong mali? Sorry po kung na-offend ko man kayo lola, di ko sinasadya. Base on experienced kasi...pero opinyon ko lang po yon! Kalimutan mo na po..."

Tinignan ako saglit ni Lola Aning saka sinabi, "Wala hija, nagulat lang ako sa sagot mo kanina. Ang mature mo na kasi, ilang taon kana pala?"

"Umm, 16 po lola."

Ngumiti si Lola Aning at sinabi.

"Napakaswerte naman ng iyong magulang na meron silang anak na katulad mo."

"Ah! Ano ka ba lola eh, di naman!" Nahihiyang sabi ko.

'Hehe, opo mabait po ako, 'di gaya ng isang lalaking anak nina mama na tinatawag kong kuya.'

"Ikaw'y umuwi na't baka hinahanap kana ng iyong pamilya."

Napahinto ako sa sinabi ni lola at naalala ang sili na bitbit.

Patay...

"Nako po! Magagalit talaga si papa sakin nito!" Nilingon ko si Lola Aning at sinabi.

"Uuwi na po ako Lola!"

"Nako, sige hija. Mag-ingat ka pauwi, salamat uli sa iyong pagtulong." Ani niya habang ngumingiti.

Tinitigan ni Lola Aning na tumatakbo pauwi ng kanilang bahay si Aventter syaka tumayo at naglakad sa kabilang direksyon.

"Hm, pwede na..." Sabi ni Lola Aning sa kanyang sarili.

"Mabuti namang nahanap ko na, pwede na talaga akong makapagpahinga. Mabuti. Mabuti naman..." Sabi ni Lola Aning ng may tuwa't galak sa kanyang tinig syaka huminto at nawala sa ilalim ng puno na parang bula.

<>

Pagdating ko sa bahay sinalubong agad ako ng sermon ni papa na nagtagal ng kalahating oras. Wala akong nagawa kundi makinig sa kanya at umupo ng tahimik.

'Syempre, good girl tayo.'

Pero 'di alam ni papa na pinapalusot ko lang ang sinasaba niya sa tinga ko.

'Di na n'ya kailangan pang malaman yon hehe.' Habang iniisip ko iyon, narinig kong tinatawag ako ni papa.

"Naiintindihan mo? Aven?" Tanong ni papa sa'kin habang ang kamay n'ya ay nasa kanyang biwang.

"Umm, yes sir!" Sigaw ko at tumango.

"Dear, pagpasensyahan mo na si Aven. Ang dali mo namang magalit eh." Umupo si mama sa sofa at pinagsabihan si papa.

Walang masabi si papa dahil si mama na mismo ang magsabi na patawarin na ako.

"Baka ikaw pa ang ma-high blood n'yan, halika dito. Relax! Manood nalang tayo ng balita." At dahil doon, hindi na galit si father earth.

'Hahaha. The wonders of love.'

Pumunta nako sa aking silid at humiga sa kama.

"Hmm, kamusta na kaya si Lola Aning? Di s'ya kada dito, sana nakauwi na s'ya ng ligtas.." Sabi ko habang nakatingin sa dingding ng kwarto ko na may stickers. Hindi mga cute stickers, kundi ang mga 'To do list' ko at mga dapat gawin na activities sa school, and others....

Napabuntong hininga nalang ako. Ang dami ko palang gagawin. Habang iniisip ko ang mga dapat kong gawin, lalong nawalan ako ng gana.

'Bukas ko na lang yan gagawin. May free time ako after 7:00 am class....'

Iyon na ang huli kong naisip, at nakatulog na sa pagud.

Pagud sa kakaisip sa 'yo. Char!